LOGINC4
3RD POV “Bakit hindi mo man lang ako pinagtanggol!” Malakas na sigaw ni Anna kay Dylan ng maka-uwi dito. Hilaw na napangiti si Dylan sa kanya at tinitingnan siya, mula ulo Hanggang paa. “At bakit ko naman ‘yon gagawin?” “Dylan, asawa mo ako!” “Asawa? Baka nakalimutan mo na asawa lang kita sa papel! Isa pa, ito ang tandaan mo Anna, ayokong saktan si Britney, kaya ‘wag na ‘wag mong sabihin sa kanya na pinakasalan kita.” Muling napa-iyak si Anna, dahil sa narinig niya mula kay Dylan. Ni wala man lang itong pakialam sa nararamdaman niya. Napatingin si Anna kay Luz ng abutan siya nito ng tubig. Mabilis din na tumabi si Luz nang makitang muling lumabas si Dylan. “S-saan ka pupunta?” Takang tanong ni Anna, habang nakita niya ang dalang maleta ni Dylan. Mabilis na lumapit sa kanya si Anna at hinawakan ang kanyang maleta. “Saan ka ba pupunta? Pwede bang ‘wag kang umalis..” Iyak nitong pagmamakaawa sa kanya. Pero parang bingi si Dylan at walang narinig. Muling hinawakan ni Anna ang maleta kaya napatingin sa kanya si Dylan. “Bitawan mo ‘yan, kung ayaw mong ibalibag ko sa ‘yo ‘tong maleta.” Namilog ang mga mata ni Anna habang nailing kay Dylan. Naglakas loob naman si Luz na hawakan si Anna, at kunin ang mga kamay niya na nakahawak sa maleta ni Dylan. Ito kasi ang natakot sa sinabi ng kanyang lalaking amo. “Bumitiw ka na po Ma’am Anna, baka po ano pa ang mangyari sa ‘yo..” Hindi nito napigilan ang mapaluha, habang nakatingin kay Anna na patuloy na umiiyak at nagmamakaawa kay Dylan. Mabilis niya naman na naiwas si Anna, nang tangka itong hampasin ni Dylan sa hawak niya. “P-pigilan mo siya Manang…” Iyak na pagmamakaawa ni Anna, habang nakita nitong palabas na si Dylan sa pinto. “M-mas mabuti po siguro na hayaan niyo po muna si Sir Ma’am Anna, baka Po masaktan lang kayo, kung pipigilan mo siya.” Luhaang nag-angat ng mukha si Anna sa kanya. “P-paano na ako? A-anong sasabihin ko sa kanila kung hahanapin nila si Dylan sa akin Manang?” Hindi napigilan ni Luz ang sarili at niyakap si Anna. Gusto man nitong tulungan ang kanyang amo ay wala itong magawa. Lumipas ang mga araw at hindi mapigilan ni Luz ang mag-alala kay Anna. Simula kasi noong umalis si Dylan ay lagi nalang itong nagmumukmok at hindi kumakain. Sinubukan na niyang tawagan si Dylan, pero hindi ito sumasagot, kahit ang pamilya ni Anna ay hindi rin nito makontak. “Ma’am Anna..” Mahina niyang sambit habang binuksan ang kwarto ni Anna, kahit alam niya na hindi nito kakainin ang mga pagkain na dala niya, ay sinusubukan niya, pa rin na dalhan ito. “‘Wag!” Malakas nitong sigaw, nang tangka niyang buksan ang ilaw. “Pero paano ka kakain, kung hindi mo bubuksan ang ilaw?” Tanong niya, rito, habang pilit na ina-aninag ang mukha ni Anna. “Wala akong gana na kumain Manang,” “Ma’am Anna, kailangan n’yo pong kumain at magpalakas. Paano nalang po kung uuwi na si Sir? Paano mo siya ma-ipagluluto?” Kumbinsi nitong wika, habang naririnig na naman niya ang hikbi ni Anna. “Sa tingin mo ba Manang, uuwi pa ba?” Iyak nitong wika, habang hinawakan niya ang kamay ni Anna. “Ikaw ang asawa niya, kaya alam ko na babalikan ka niya.” “Pero hindi niya ako mahal?” Natigilan si Luz, dahil wala rin itong makuhang sagot. “Iwan n’yo na muna ako Manang,” “Pero Ma’am Anna?” “‘Wag po kayong mag-alala sa akin Manang, ayos lang po ako.” Wika nito sa kanya. Gusto man niyang manatili muna sa silid ni Anna, pero wala itong magagawa kun’di sundin ang amo. Naisipan ni Luz a puntahan si Dylan sa office nito. Kinapalan na nito ang kanyang mukha para paki-usapan ang lalaking amo. Hindi niya kasi mapigilan na mag-alala, kay Anna. Dahil sa ilang araw na itong hindi kumakain. “Anong kailangan niyo?” Napatingin si Luz sa guard na lumapit sa kanya. “Itatanong ko lang po sana, kung nand’yan si Sir Dylan?” Napatitig sa kanya ang guard at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “K-katulong niya ako.” Muling wika niya habang napatango ang guard sa kanya. “Anong kailangan mo kay Sir? Hindi mo ba alam na wala siya rito?” “W-wala? Anong wala?” Hindi napigilan ni Luz ang mapalakas ang kanyang boses. “Nasa out of town kasama ang girlfriend niya.” Napatakip sa kanyang bibig si Luz, dahil sa kanyang narinig. Hindi niya rin maiwasan na makaramdam ng galit sa kay Dylan, dahil nagawa pa nitong umalis at sumama sa babae nito, habang nagdurusa si Anna. Babalik na sana si Luz sa condo ni Anna at Dylan pero natigilan siya ng tumawag ang kanyang anak. Gustuhin man niya na balikan agad si Anna, pero hindi niya ito magawa, dahil mas kailangan siya ng kanyang anak. “Nasa’n ba ‘yong asawa mo?” Tanong ni Luz nang makarating sa hospital. “Nasa trabaho Nay, wala po kasi akong ibang matawagan.” Napahinga ng malalim si Luz, habang nakatingin sa anak niya na namimilipit sa sakit. Ngayon kasi ang kabuwanan nito at hindi man lang nag-leave ang asawa nito. Hindi niya tuloy mapigilan na maisip si Anna, dahil paano nalang kung ganito ang sitwasyon nang kanyang babaeng amo, sino ang tatawagan nito? “Nay! Bayaran na po muna ninyo ‘yong deposit! Para maipasok na nila ako sa emergency room.” Nailing si Luz sa narinig niya. “Akala ko ba nag-iipon kayo ng asawa mo?” “Nay! Naman, alam mo naman na sobrang hirap ng buhay ngayon, kaya nagalaw namin ‘yong inipon namin, para sa panganganak ko.” “Alam mo naman pala, na mahirap ang buhay? Bakit panay ‘yang pagbubuntis mo?” “Nay naman, paulit-ulit nalang ba tayo? Hindi naman pwede na ipalaglag ko ‘tong mga anak ko!” “Tumigil ka na nga! Nag-papalusot ka pa.” Inis na wika ni Luz at iniwan ang anak. Ilang beses na kasi nitong sinabihan ang anak niya na gumamit ng family planning pero hindi talaga nakikinig. “Mano po Nay!” Kinuha ang kamay ni Luz sa kanyang manugang. “Bakit ngayon ka lang? Hindi mo ba alam na nanganganak ang asawa mo?” Galit nitong tanong, kaya napakamot ito sa kanyang ulo. “Pasensya na po kayo Inay, pinuntahan ko pa po kasi ‘yong mga bata at pinakain.” Napahinga ng malalim si Luz, dahil sa sinabi nito sa kanya. Alam din kasi niya, na walang mapag-iwanan sa kanyang mga apo. Isa pa, iniisip niya, paano nalang kung hindi siya namamasukan? Sino nalang ang tutulong sa kanyang anak? “Oh! S’ya, Sige, ikaw na muna ang bahala sa asawa mo, dahil kailangan ko pang balikan ang amo ko.” Paalam niya rito. “T-teka lang po Inay, baka po may kailangan pa po akong bayaran?” “Wala na, nabayaran ko na, at kung may kailangan kayo tawagan mo lang ako.” “Opo Inay.” Nagmamadaling umalis si Luz, para balikan si Anna. Mas lalo pa siyang nag-alala dahil umaga pa nito iniwanan ang amo niya.MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXXI CHAPTER 1 “Jacob!” Tawag sa kaya ni Summer, kaya malawak siyang ngumiti rito, habang nilapitan siya nito. “Ito pala ang towel mo, galingan mo sa laro.” Wika nito sa kanya, habang inabot nito ang hawak nitong towel, pati na rin ang tubig.“Ako pa, alam mo naman kung gaano ako kagaling ‘diba?” Mayabang na wika ni Jacob dito, habang hinaplos niya ang buhok ng dalaga. Nang tawagin siya sa kanyang teammates, ay agad siyang nagpaalam kay Summer.“Mukhang seryoso ka sa isang ‘yon..” Natatawang wika sa kanya ng kaibigan niyang si Carson. “G*go, alam mo naman na kailangan kung manalo sa pustahan,” ngiting wika niya rito. “Pero malapit na rin mag-isang buwan, ‘wag mong sabihin na wala ka pang balak na hiwalayan siya?” “Wag kang mag-alala, darating din kami d’yan, pero sa ngayon, kailangan ko muna siyang paibigin nang husto sa akin. ‘Yong tipong mababaliw siya sa oras na hiwalayan ko siya.” Ngiting wika niya sa kaibigan niya, habang nailing ito sa kanya. Nang
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXXCHAPTER 313RD POV “Mabuhay ang bagong kasal!!” Malakas na sigaw ng mga taong nasa loob ng simbahan, malawak naman na ngumiti si Gideon at Kate, habang buhat nila ang mga anak nila.“Hindi mo lang aam kung gaano ako kasaya ngayon Kate..” bulong na wika ni Gideon, habang ngumiti ito sa kanya. “Sobrang saya ko rin Gideon, dahil buo na ang pamilya natin, at hindi na mararanasan pa ng mga anak natin ang ma-bully,” mabilis na kumunot ang noo niya, dahil sa narinig niya mula rito. “Anong bull-.” Agad na natigilan si Gideon, nang makita niya ang mga magulang niya, pati na rin ang magulang ni Kate na lumapit sa kanila. “Congrats mga Anak..” Ngiting wika sa kanila ni Keyla.“Salamat Mommy..” Mahigpit na yumakap si Kate sa kanyang ina, pati na rin sa kanyang ama. “Patawad K-Kate..” Mahinang sambit sa kanya ni Ramona, kaya napatingin si Kate rito. “Kalimutan niyo na po ang nangyari.” Sagot nito, habang niyakap si Ramona. “Hindi ko akalain na sobrang bait mo Hij
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXXCHAPTER 313RD POV “Alam mo bang hindi na kailangan pa ang DNA test sa mga Apo namin Gideon.” Iling na wika ng kanyang ama sa kanya.“Itsura at kilos pa lang nila, ay kuhang-kuha na nila sa ‘yo.” Napatingin siya sa kanyang ama, habang hindi niya mapigilan na mapangiti, dahil tama ito. Naalala niya rin ang mga kalokohang ginagawa niya noon at nakuha ito ni Kyrie. Si Kenzo naman ay hindi niya alam kung saan minana nito ang pagiging mukhang pera, hindi kasi siya mukhang pera noon. “Nasa’n ang kanilang ina Gideon? Bakit sila lang ang kasama mo? At totoo ba ang sinabi nilang, si Kate ang kanilang ina?” tanong sa kanya ng kanyang ina.“Oo Mommy..”“Kung gano’n, napabilang kana sa mga Wang, Anak?” Malungkot siyang tumingin sa kanyang ina, dahil sa sinabi nito sa kanya. “Oo Mommy, pero gusto kung makilala nila ako at ang mga negosyo ko sa pangalan natin, ayokong isipin nilang mas yumaman tayo, dahil sa mga Wang, dahil gusto kung may ipagmamalaki ako sa pamilya n
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXXCHAPTER 303RD POV “Baba!” Napatingin siya kay Kate, habang kita niya pa rin ang galit sa mukha nito. “Mommy!!” Napatingin siya sa tatlong bata na lumapit kay Kate.“T-tatlo sila?” Tanong ni Gideon, habang gulat siyang napatingin sa apat na lalaking lumapit sa kanila. Iisa lang kasi ang mukha nila ni Kate. “Nakita mo na pala ang lokong ‘to?” Wika ng isa, habang mabilis siyang nagtago sa likod ni Kate. “Bakit iisa lang ang mga mukha ninyo?” Tanong niya kay Kate, habang nilingon siya nito. “Dahil kambal kaming lima,” sagot nito sa kanya, habang napalunok siya sa kanyang laway.“G*go ka, ngayon ka lang nagpakita sa kapatid namin, kung kailan malaki na ang mga bata!” galit na wika sa kanya ng isang lalaki. “Hindi ko kasi alam, hindi sinabi sa akin ni Kate na na-buntis ko siya.” “Kung gano’n anong plano mo ngayon?” “Ano kaba naman Alex, hindi na kailangan ng mga pamangkin natin ng daddy, kaya mas mabuti pang-ibaon nalang natin siya sa lupa ng buhay.” Nap
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXXCHAPTER 293RD POV Nailing si Gideon, dahil sa sinabi sa kanya ni Kate. “Bakit ako?” tanong niya sa naiinis na boses.“Dahil ikaw lang naman ang kanilang ama, kaya sila nagmamana sa ‘yo.” Gulat na na-patingin si Gideon kay Kate, dahil sa sinabi nito sa kanya. “’Wag mo akong biruin ng ganyan Kate.” Galit na wika ni Gideon, habang nilapitan siya ni Kate, at piningot ang tainga niya. “Sa tingin mo nagloloko pa ako?” Galit na tanong nito sa kanya, habang mas hinigpitan nito ang paghawak ng tainga niya. “D*mn it! Kate! Bitawan mo ako!” Mahina na wika ni Gideon, habang hinawakan niya ang kamay ni Kate. “Bitawan mo ako, nakakahiya ‘tong ginawa mo.” Nailing sa kanya si Kate, dahil sa sinabi niya rito. “Nahihiya kana pala ngayon? Isakay niyo siya sa kotse, at hanapin niyo si Kenzo!” Utos ni Kate, habang pinasok siya ng mga tauhan nito sa loob ng kotse nito.“Mommy sigurado ba kayo sa sinabi n’yong siya ang daddy namin?” Narinig niyang wika ng bata kaya napati
MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXXCHAPTER 283RD POV Habang nasa ibang bansa si Gideon, ay pinagbutihan niya ang kanyang pag-aaral, gusto niyang makapagtapos agad at maka-graduate, para muling makabalik sa Pilipinas. Naisipan niyang pumunta muna sa isang mall, para bilhin ang ibang kailangan niya sa bahay niya. Pero agad na natigilan si Gideon, nang makita niya sa unahan si Kate. "B-buntis siya?" Utal na wika niya, habang napatingin sa malaking t'yan ni Kate. Malawang siyang napangiti, dahil iniisip niya na siya ang ama, ng pinagbubuntis nito. Pero mabilis siyang natigilan nang bigla nalang may umakbay na lalaki kay Kate. Napa-kuyom ang kamao ni Gideon, habang mabilis siyang umalis. Halos ibangga niya ang kotse niya, dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya rito. Kahit anong pigil niya rin sa sarili niya na 'wag umiyak, ay kusa na nag-lalandas ang mga luha niya sa kanyang mga mata. "Fvck! Walang kwenta 'tong lahat ng ginagawa kung 'to!!" Malakas na sigaw ni Gideon, habang mabilis niyang itin
216WARNING MATURED CONTEXT!!!SPG3RD POV “Ibaba mo siya.” Wika ni Reymart, habang nakatingin sa lalaki. Buhat nito si Diana, at papasok na sana ito sa isang VIP room. “Bakit ko naman gagawin ‘yon?” Galit na tanong nito sa kanya. “Sundin mo nalang ang sinabi ko kung ayaw mong masaktan.” Madiin
230 3RD POV “‘Wag kang maingay.” Wika ni Reymart, habang nilagay sa kanya ang hawak na jacket nito. Matapos silang lampasan ng mga lalaking humahabol kay Diana, ay agad na tinulak ni Diana, si Reymart. Naiilang kasi siya sa posisyon nilang dalawa, lalo na at dumikit ang dibdib niya, kay Reymart.
2153RD POV “Bakit hindi mo sinabi sa akin na lumipat ka rito?” Tanong nito ni Reymart, habang wala siyang pakialam dito. “Hindi mo ba ako naririnig?” Galit na wika nito habang hinawakan ang kanyang braso. “Wala ka namang pakialam kung lumipat ako ‘diba?” “May pakialam ako dahil asawa kita!” Na
207 3RD POV “‘Wag niyong hahayaan na makalabas muli ang lalaking ‘yan!!” Galit na sigaw nito. Hindi naman inakala ni Rey, na marami pa pala itong tauhan. Nang pumasok din ang mga tauhan niya, ay agad niya silang pinigilan, dahil baka tamaan ang ina ni April. “Aatras ba tayo Sir?!” Sigaw ng isa







