
UNCLAIMED VOWS
Matapos mahuli ang fiancé niyang may ibang babae at mawalan ng trabaho sa loob lamang ng isang linggo, handa na si Amelie Mitchell na magtago sa mundo, hanggang sa isang alok ang biglang nagbigay sa kanya ng pag-asa.
Isang kasunduan.
Isang kasal.
Isang kasinungalingang magliligtas sa kanyang pamilya.
Ang nag-alok?
Si Elijah Chen, matalino, at sikat na Neurosurgeon. Tagapagmana ng isang bilyong dolyar na imperyo.
Simple lang ang usapan..
Pakakasalan niya ito.
Gagampanan ang papel.
At mababayaran ang lahat ng problema niya.
Pero gumuho ang lahat nang makaharap niya ang half-brother nito—
si Dylan Luis Suarez Chen,
ang unang binatang kanyang inibig,
ang iniwan niya para tuparin ang pangarap,
ang lalaking ayaw na ayaw na sana niyang makita muli.
Ngayon, kailangan niyang pakasalan ang isang kapatid…
Habang ang sigaw ng kanyang puso ay ang isa.
At sa pamilyang punô ng lihim, kapangyarihan, at ipinagbabawal na pag-ibig,
isang maling hakbang ay maaaring magwasak sa kanilang tatlo.
Baca
Chapter: CHAPTER 54: The Little Heir- ( Narrator’s POV ) - Five weeks later... Bandang alas-diyes ng umaga sa CBDC Project Department ng Chen Empire Building, nasa kalagitnaan pa ng meeting ang buong team para sa final review ng ilang papeles para sa susunod na branch opening ng Café Bulle De Ciel. Nasa dulo ng conference table si Sophia, hawak ang tablet habang nagsasalita si Riko sa unahan. Sa kanan niya ay si Stella na may hawak na printed reports, habang sina Lara at Marco naman ay abala sa pag-check ng figures at presentation notes. “So once approved ito, puwede na nating i-send sa legal and operations before two,” sabi ni Riko habang tinitingnan ang huling page ng report. Tumango si Stella. “Complete na ang supplier endorsements.” “Brand deck is also ready,” sabi ni Lara. “Final check na lang sa launch materials.” Napatingin si Marco kay Sophia. “Finance side is clear too. Sophia, ikaw na lang sa last sign-off.” Hindi agad sumagot si Sophia. Nakatitig lang siya sa screen ng tablet at tila pilit pang inuubo
Terakhir Diperbarui: 2026-03-17
Chapter: CHAPTER 53: Buried Traces.- ( Narrator’s POV ) - Hindi mapakali si Adrian Hernandez. Nakatayo siya sa harap ng malawak na bintana ng opisina niya sa Paris, isang kamay ang nasa bulsa ng slacks habang ang isa ay mahigpit na hawak ang phone. Kanina pa umiikot sa isip niya si Jasmine. Hindi niya gusto ang pakiramdam na may nangyaring mahalaga at huli na naman siyang nakaalam. Sa wakas ay pinindot niya ang pangalan ng kapatid. Mabilis namang sinagot ni Jasmine ang tawag. “Kuya?” “Ano ba talagang nangyari sa Barcelona?” Sandaling natahimik si Jasmine sa kabilang linya. “I already told you what I needed.” “No, bunso. You told me what you wanted me to do, na si Mommy na mismo ang gumawa. Pero hindi mo sinabi kung bakit.” “Does it matter?” “Of course it matters,” mariing sagot ni Adrian. “You asked me to move around Sophia Redford, and then you expect me not to ask questions?” Narinig niya ang marahang buntong-hininga ng kapatid. “Jasmine.” “All right,” sabi nito sa huli. “Dylan saw her.” Humigpit ang h
Terakhir Diperbarui: 2026-03-16
Chapter: CHAPTER 52: The Borrowed Name- ( Narrator’s POV )- Kinabukasan, paggising ni Elijah, agad niyang napansin na gising na rin si Amelie. Nakasandal ito sa headboard, nakatingin sa kurtinang bahagyang sinasayaw ng hangin mula sa balcony. Halatang wala na naman ito sa sarili. “Honey,” mahinang tawag niya habang bumabangon. “Did you sleep well?” Bahagyang napalingon si Amelie. “A little.” Napabuntong-hininga si Elijah. “You said that last night too.” “I’m fine.” Hindi agad siya sumagot. Sa halip, matagal niya lang tinitigan ang mukha nitong maputla pa rin hanggang ngayon.Tumayo si Elijah at lumapit sa maliit na dining table ng suite kung saan nakahain na ang breakfast nila. Inayos niya ang plato ni Amelie at nagsalin ng maligamgam na gatas sa baso nito. “Come here first,” sabi niya. “Eat something.” “Wala akong gana.” “Honey.” Napatingin si Amelie sa tono ng boses niya. Dahan-dahang bumangon si Amelie at lumapit sa mesa. Umupo siya, ngunit halos hindi niya magalaw ang pagkain sa harap niya. Pinagmamasdan
Terakhir Diperbarui: 2026-03-15
Chapter: CHAPTER 51: Mga Pira-Pirasong Alaala- ( Narrator's POV ) - Pagkalabas ni Amelie ng ladies’ room, hinanap niya ng tingin sina Riko at ang iba, ngunit hindi niya agad nakita ang team. Naglakad siya sa pasilyo habang sinusubukang alalahanin kung saang direksyon sila huling dumaan. Hanggang sa mapansin niya ang isang baby boutique. “Maybe I’ll buy something for you, baby,” bulong niya sa sarili. Pumasok siya sa boutique at dumiretso sa footwear section. Habang tinitingnan niya ang maliliit na sapatos sa estante, bigla niyang naramdaman ang marahang paghaplos sa kanyang binti. Napatingin siya sa ibaba. Isang batang lalaki ang nakaupo sa sahig at tumatawa habang nakatingala sa kanya. Malikot ang mga mata nito at puno ng inosenteng saya ang mukha. “Mama,” usal ng bata. Agad lumambot ang ekspresyon ni Amelie. “Hey, you cutie little one,” sabi niya habang marahang binubuhat ito. “Where are your mom and dad?” Tumawa ang bata at agad humawak sa kuwelyo ng blouse niya. Sa sandaling iyon, may narinig siyang boses mula sa
Terakhir Diperbarui: 2026-03-14
Chapter: CHAPTER 50: Mapaglarong Tadhana- ( Narrator’s POV ) - Sa loob ng isang taon, ang mundong nakasanayan ni Dylan kasama ang paniwala niyang pamilya ay ang pribadong villa ng mga Hernandez sa isla ng La Palma. Isang payapang buhay, malayo sa gulo at sa nakaraan na hindi niya maalala nang buo. At ngayon, narito sila sa Barcelona para sa ilang araw na pamamasyal bago muling bumalik sa villa. “Hold him properly, Dylan. Baka madulas siya.” “Relax. Anak ko rin ito.” Napailing si Jasmine habang pinagmamasdan si Dylan na buhat ang bata sa labas ng hotel. Kagagaling lang nilang tatlo sa breakfast, at dahil magandang araw ang sumalubong sa Barcelona, naisip nilang mamasyal muna bago magtanghali. Kakaisang taon pa lamang ng bata, ngunit halatang-halata kung gaano ito ka-attach kay Dylan. Kapag si Dylan ang may hawak, hindi ito umiiyak. Kapag si Dylan ang kausap, tawa ito nang tawa na parang wala nang ibang paboritong tao sa mundo. “See?” mayabang na sabi ni Dylan nang hagikgik nang hagikgik ang bata sa simpleng pangungulit
Terakhir Diperbarui: 2026-03-14
Chapter: CHAPTER 49 : What I Can Give In Return Is Not My Heart.- ( Amelie POV ) - Isang umaga, nag-aalmusal kami ni Elijah sa balcony ng aming silid. Tanaw mula rito ang malawak na hardin ng mansion at ang pool. Ngunit kahit gaano kaganda ang tanawin at ang umaga, hindi ko maalis ang kakaibang bigat sa loob ng dibdib ko. Hindi ko halos magalaw ang pagkain ko. Napansin iyon ni Elijah. “Did you sleep well?” tanong niya habang nakatingin sa akin. “A little,” sagot ko. Bahagya siyang ngumiti ngunit halatang may pag-aalala sa kanyang mga mata. “Did you take the vitamins your OB prescribed?” Tumango ako. “Yes.” “Good. Don’t skip them.” Pinagmasdan niya ako sandali bago muling nagsalita. “You should also rest more. The first months are the most sensitive.” Napangiti ako nang bahagya. “You sound like a very paranoid father already.” “I am,” sagot niya agad. Bahagya akong natawa. Ngunit sa kabila ng magaan na usapan, may bahagi sa loob ko na hindi pa rin mapakali. Ang batang dinadala ko ay anak ni Elijah. Isang bagong buhay. Isang bag
Terakhir Diperbarui: 2026-03-14

ALIN ang MASARAP ... Luto Ko O Ako ?
Si Anna Soledad "Sol" Madrigal ay isang mataray, matapang at palaban na heiress. Itinakdang ipakasal sa isang lalaking hindi niya mahal bilang bahagi ng pagpapalawak ng negosyo ng kanilang pamilyang nagmamay-ari ng isang kilalang hotel at restaurant empire. Ngunit sa mismong araw ng kanyang kasal, habang naghihintay ang lahat sa kanyang paglalakad sa altar, pinili ni Sol na tumakas at iwan ang mundong matagal nang nagdidikta ng kanyang buhay.
Napadpad siya sa tahimik na bayan ng Monteverde kung saan agad siyang sinalubong ng malas nang manakaw ang kanyang maleta. Sa gitna ng kanyang pagod at inis napagbintangan niya ang estrangherong lalaking nakakita nito, si Crisanto "Cris" Domingo, breadwinner ng kanyang dalawang bunsong kapatid at frustrated chef na kilala sa kanilang lugar dahil sa kakaibang lasa ng kanyang mga luto.
Hindi alam ni Sol na ang lalaking kinaiinisan niya ang siya ring may-ari ng Karinderya Sa Kanto na dinadayo ng mga tao ano mang estado sa buhay dahil ang mga pagkain ay may kakaibang lasa at sarap. At bilang heiress ng isang emperyo sa larangan ng mga pagkain, hindi niya eto pwedeng balewalain.
Mula sa maling simula na nauwi sa bangayan at asaran, hanggang sa hindi nila namalayang unti unti silang naglalapit, at may namuong pag-iibigan.
Sa saglit na panahong namuhay si Sol bilang isang ordinaryong dalaga sa Monteverde, nagkunwaring pinsan ng kanyang kaibigan at nagtrabaho sa karinderya. Ngunit nang mabunyag ang kanyang tunay na pagkatao, magiging hahadlang ang agwat ng kanilang estado sa buhay. At may mga taong darating na hahamon sa kanilang pag-ibig. Habang si Cris ay patuloy na hindi bumitaw sa kanyang naudlot na pangarap.
Sa pagitan ng pangarap, pride, at pag-ibig, handa ba silang ipaglaban ang isa’t isa?
Baca
Chapter: CHAPTER 61: BURNT BUT NOT BROKENPaglabas ni Cris ng condo, hindi na siya nag-isip kung saan pupunta.Mahigpit lang niyang hinawakan ang handle ng maleta at naglakad papunta sa Hotel D'Lusso dahil walking distance lang iyon mula sa condominium.Pagpasok pa lang niya sa lobby ay agad siyang nakilala ng mga empleyado."Chef Cris!""Welcome back, Chef!""Congratulations po!"May ilan pang lumapit para makipagkamay habang ang iba naman ay humingi ng picture kasama ang bagong International Young Chef Champion.Ngumiti si Cris. Pero halatang pilit. Hindi siya nagtagal sa lobby. Hinila lang niya ang maleta papunta sa reception."Good evening, Chef.""Can I have a single room for tonight?""Of course, Chef."Hindi na nagtanong pa ang receptionist. Ilang minuto lang ay naibigay na sa kanya ang susi ng suite. Iniwan muna niya ang maleta sa loob ng kuwarto.Pagkatapos ay bumaba siya sa hotel bar. Umupo siya sa pinakadulong bahagi ng counter."Double whiskey please." Order niya sa bartender.Samantala...Pauwi na rin sana si Eug
Terakhir Diperbarui: 2026-07-20
Chapter: CHAPTER 60: BURNT BUT NOT BROKENPagod na pumasok si Sol habang inaalis ang suot nitong heels. "Babe... nandito na ako." Mula sa kusina ay agad sumilip si Cris. "Welcome home." Napangiti si Sol nang makita siya. "Ang bango." Lumapit agad si Cris at marahang kinuha ang laptop bag at shoulder bag nito. "Ako na." "Babe, kaya ko." "Hindi. Relax ka lang." Maingat niyang inilapag ang mga bag ni Sol sa sofa at inalalayan pa itong maupo sa dining chair. "Maghuhugas muna ako ng kamay." "Sige, Babe. Tatapusin ko lang ang pag-aayos ng mesa." Ilang saglit ay bumalik si Sol sa dining table. Nakahain na ang iba't ibang pagkain. May mainit na beef bulalo, fresh garden salad, at bagong saing na kanin. Napatingin doon si Sol. "Ano 'to?" Napangiti si Cris habang inilalapag ang huling kubyertos. "Siya ang bida ngayong gabi." "Remember the dish that won me the International Young Chef Challenge?" Tumango si Sol. "Ah eto pala Ang H.O.M.E." "Hindi mo pa 'yan natitikman. Kaya naisip kong ikaw ang unang ipagluto ko nit
Terakhir Diperbarui: 2026-07-18
Chapter: CHAPTER 59: SALTED PRESENT pt.2Bago tuluyang lisanin ang Vienna, pumunta si Cris sa isang maliit ngunit prestihiyosong jewelry boutique sa lumang bahagi ng lungsod.Pagpasok pa lamang niya ay agad siyang sinalubong ng isang sales consultant."Good afternoon, sir. How may I help you?"Napangiti si Cris."I'm looking for an engagement ring.""Certainly, sir. Do you have a particular design in mind?"Umiling siya."Not really. I just want something simple... but timeless."Isa-isang inilabas ng consultant ang iba't ibang disenyo ng engagement rings. Tahimik na pinagmasdan ni Cris ang bawat isa hanggang sa huminto ang kanyang tingin sa isang 18-karat rose gold ring. Nasa gitna nito ang isang princess-cut diamond na kumikislap sa ilalim ng ilaw, habang magkabilang gilid ng manipis na band ay napalamutian ng maliliit na blush-pink sapphires na banayad ang kinang. Hindi ito ang pinakamalaki o pinakamamahal na singsing sa boutique, ngunit may kakaibang ganda itong hindi niya maipaliwanag.Parang si Sol.Simple but elegant.
Terakhir Diperbarui: 2026-07-17
Chapter: CHAPTER 58: SALTED LOVE pt.1Tatlong linggo na ang lumipas mula nang manalo si Cris sa International Young Chef Challenge.Kasabay ng paglipas ng mga araw ay unti-unti ring nagbago ang takbo ng kanilang komunikasyon.Napansin ni Cris na hindi na kasing sigla ng dati si Sol tuwing magkausap sila. Kung dati ay halos hindi ito maubusan ng kuwento tungkol sa nangyari sa opisina, ngayon ay ilang minuto pa lang ang video call nila ay nagmamadali na itong magpaalam."Babe, may kailangan pa akong tapusin.""Bukas na lang tayo magkuwentuhan, ha?"Sa una ay inisip niyang baka stress lang ito.Pagkatapos ay sinabi niyang baka epekto lang iyon ng problemang kinakaharap ng Prima Sorrento.Hanggang sa halos siya na lang ang laging unang tumatawag. Siya na rin ang laging naghahanap ng tamang oras para makausap ang kasintahan.At kahit ramdam niyang may nagbago, pinili pa rin niya itong unawain. Alam niyang hindi biro ang responsibilidad na pasan ni Sol bilang CEO.Kaya nang dumating ang araw ng kanyang kaarawan, wala siyang iba
Terakhir Diperbarui: 2026-07-16
Chapter: Chapter 57: UNDERCOOKED PRESENT pt.2Dumating ang medical responders ng Prima Sorrento ilang sandali matapos ang tawag."Give us some space!"Maingat nilang inilipat si Sol sa stretcher."BP is dropping.""Let's move!"Kasabay ng pagtakbo ng mga paramedic palabas ng conference room ay mabilis ding sumunod si Dianne."Kailangan ko siyang samahan!"Isa sa mga security personnel ang humarang sa mga empleyadong nagkakagulo sa hallway."Please give way!"Halos lahat ng staff ay napatingin habang mabilis na isinusugod ang kanilang CEO palabas ng gusali.Mabilis na isinakay ng mga paramedic si Sol sa nakaparadang ambulansiya sa harap ng Prima Sorrento Building.Bago tuluyang maisara ang pinto, sumakay rin si Dianne at umupo sa tabi ni Sol."Ma'am, kamag-anak po ba kayo ng pasyente?" tanong ng isa sa mga paramedic habang ikinakabit ang oxygen mask sa mukha ni Sol.Umiling siya."Hindi... I'm her executive secretary."Tumango ang paramedic."Hold her hand.""At kausapin n'yo siya.""May posibilidad na naririnig pa rin niya kayo."
Terakhir Diperbarui: 2026-07-16
Chapter: CHAPTER 56: UNDERCOOKED PRESENTPagbalik ni Sol sa kanyang opisina matapos ang check-up sa OB, maingat niyang inilagay sa pinakailalim ng drawer ng kanyang mesa ang maliit na brown envelope na naglalaman ng unang ultrasound photos ng kanilang baby."Next month ko na ipapakilala sa'yo ang baby natin, Babe..." mahina niyang bulong."Birthday surprise ko sa'yo 'to."Hindi niya napigilang mapangiti. Kung manalo pa si Cris sa International Young Chef Challenge, mas magiging espesyal ang selebrasyon nila.Isasara na sana niya ang drawer nang biglang pumasok si Dianne na may bitbit na tablet at makapal na folder."Pwede bang mamaya na muna yang lovelife?"Napatawa si Sol."Hay naku... eto na naman ang Reyna ng mga Marites.""Hindi ako naglo-lovelife rito. Nagtatrabaho ako, 'no.""Talaga ba?" nakangiting tukso ni Dianne. "Eh bakit ganyan ang ngiti mo? Huwag mo 'kong lokohin. Sigurado akong tungkol na naman 'yan kay Chef Boyfriend."Napailing si Sol. "Baliw."Ngunit napansin niyang biglang naging seryoso ang mukha ng kaibiga
Terakhir Diperbarui: 2026-07-15