INICIAR SESIÓNSi Anna Soledad "Sol" Madrigal ay isang mataray, matapang at palaban na heiress. Itinakdang ipakasal sa isang lalaking hindi niya mahal bilang bahagi ng pagpapalawak ng negosyo ng kanilang pamilyang nagmamay-ari ng isang kilalang hotel at restaurant empire. Ngunit sa mismong araw ng kanyang kasal, habang naghihintay ang lahat sa kanyang paglalakad sa altar, pinili ni Sol na tumakas at iwan ang mundong matagal nang nagdidikta ng kanyang buhay. Napadpad siya sa tahimik na bayan ng Monteverde kung saan agad siyang sinalubong ng malas nang manakaw ang kanyang maleta. Sa gitna ng kanyang pagod at inis napagbintangan niya ang estrangherong lalaking nakakita nito, si Crisanto "Cris" Domingo, breadwinner ng kanyang dalawang bunsong kapatid at frustrated chef na kilala sa kanilang lugar dahil sa kakaibang lasa ng kanyang mga luto. Hindi alam ni Sol na ang lalaking kinaiinisan niya ang siya ring may-ari ng Karinderya Sa Kanto na dinadayo ng mga tao ano mang estado sa buhay dahil ang mga pagkain ay may kakaibang lasa at sarap. At bilang heiress ng isang emperyo sa larangan ng mga pagkain, hindi niya eto pwedeng balewalain. Mula sa maling simula na nauwi sa bangayan at asaran, hanggang sa hindi nila namalayang unti unti silang naglalapit, at may namuong pag-iibigan. Sa saglit na panahong namuhay si Sol bilang isang ordinaryong dalaga sa Monteverde, nagkunwaring pinsan ng kanyang kaibigan at nagtrabaho sa karinderya. Ngunit nang mabunyag ang kanyang tunay na pagkatao, magiging hahadlang ang agwat ng kanilang estado sa buhay. At may mga taong darating na hahamon sa kanilang pag-ibig. Habang si Cris ay patuloy na hindi bumitaw sa kanyang naudlot na pangarap. Sa pagitan ng pangarap, pride, at pag-ibig, handa ba silang ipaglaban ang isa’t isa?
Ver más“Manong, pwede bang huminto muna tayo… nasusuka ako.”
Napatingin agad ang driver sa rearview mirror, halatang nag-aalala. “Ma’am, malapit na po tayo sa simbahan, konti na lang...” “Please… hindi ko na kaya,” sabat ni Sol habang pinipikit ang mga mata at pinipilit magmukhang nahihilo. Hindi na ito nagtanong pa. Agad nitong inihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada at nagmamadaling bumaba. “Sandali lang po, ikukuha ko kayo ng tubig...” “Manong…” Napalingon ito. Ngumiti si Sol… at inilapit ang maliit na bote sa ilong nito. “Ma’am, ano po...” Hindi na nito natapos ang sasabihin. Ilang segundo lang ang lumipas at tuluyan itong nawalan ng malay. Nanatiling nakatingin si Sol sa driver, inobserbahan kung effective na ang ginawa niya. Wala na... tuluyan nang nakatulog si manong driver. Huminga siya nang malalim at mabilis na kumilos. “Sorry, Manong… kailangan ko lang talagang gawin ‘to.” Inabot niya ang maleta sa ilalim ng upuan at agad kinuha ang sneakers. Halos sabay niyang hinubad ang sapatos na suot at isinuot ang rubber shoes na handang-handa na sa pagtakbo niya palayo sa buhay na hindi niya pinili. Binuksan niya ang pinto at sumalubong ang hangin sa kanya. Nasa di kalayuan ang simbahan, naghihintay ang mga tao, naghihintay si Eugene Uy, isang lalaking Chinese na hindi niya mahal. “Hindi ako pupunta diyan…” bulong niya sa sarili, saka tuluyang tumakbo. Tumakbo siya habang suot ang gown, habang hila ang maleta, habang pinapansin ng mga tao ang eksenang parang eksena sa pelikula. May napahinto, may napanganga, may nagturo, pero wala siyang pakialam. Mas mahalaga ang makalayo. Mas mahalaga ang makahinga. Hanggang sa makarating siya sa isang mall. Diretso siyang pumasok sa loob, hinahabol ang sariling hininga, at agad nagtungo sa CR. Pagpasok sa isang cubicle ay isinara niya ang pinto at sumandal sa dingding. Ramdam niya ang bilis ng tibok ng puso niya habang pinipilit kumalma. “Okay… okay ka lang…” sabi niya sa sarili kahit halatang hindi. Mabilis siyang nagpalit ng damit, hinubad ang wedding gown at iniwan iyon sa loob ng cubicle na parang basta na lang niyang binitawan ang buong nakaraan niya. Isinuot niya ang simpleng damit at inayos ang sarili bago lumabas. Paglabas niya, wala nang bride. Si Sol na lang. Samantala, sa simbahan, nagsisimula nang uminit ang ulo ng lahat. “Nasaan ang bride?” Nagkatinginan ang mga bisita habang unti-unting kumakalat ang bulungan. Ang groom ay halatang naiinip at disappointed na habang paulit-ulit na tumitingin sa relo. Sa harap, nakatayo ang ama ni Sol na hindi gumagalaw ngunit mabigat ang presensya. Hanggang sa bumukas ang pinto at pumasok ang driver, hingal na hingal at pawis na pawis. “S-sir…” “Nasaan ang anak ko,” malamig na tanong ng ama. “Nawala po siya… huminto po kami sandali tapos bigla po akong nahilo… paggising ko po wala na siya…” Parang huminto ang oras sa loob ng simbahan bago tuluyang sumabog ang kaguluhan. At sa gitna ng ingay na iyon, isang bagay lang ang malinaw. Tumakas ang bride. Malayo sa kaguluhan na iyon, nakasakay na ng barko si Sol. Ilang oras ang lumipas, nakarating si Sol sa bayan ng Monteverde, sa bayan ng kaibigan niyang si Dianne Pedrino. Nakatayo siya sa gilid ng kalsada, hawak ang maleta at pinagmamasdan ang paligid. Tahimik ang lugar, walang nakakakilala sa kanya, at sa unang pagkakataon ay walang nagdidikta kung saan siya pupunta. “Okay… bagong simula,” bulong niya habang humihinga nang malalim. Ngunit hindi pa siya nakakabawi nang mapansin niyang wala na ang maleta sa tabi niya. Napalingon siya. “W..wait… nasaan na ang maleta ko? ” Tumingin siya sa kaliwa, sa kanan, saka muling bumalik sa pwesto kung saan niya ito inilapag. Wala na talaga. Unti-unting bumilis ang tibok ng puso niya habang hinahanap ang pamilyar na kulay at hugis. “Hindi pwede… hindi pwede ‘to…” Mabilis siyang naglakad, halos tumatakbo habang sinusuyod ang paligid. Hindi pa siya nakaka-recover sa pagtakas niya at heto na naman ang panibagong problema. “Great, Sol… ang galing mo…” sabi niya sa sarili habang pilit pinipigilan ang panic. Habang paikot-ikot ang tingin niya, may isang bagay na nakakuha ng atensyon niya. Isang lalaking may hawak na maleta. Ang maleta niya. Agad siyang napahinto, saka sumimangot. “Hoy!” Napalingon ang lalaki, halatang nagulat sa biglang sigaw niya. Hindi na siya nag-isip pa. Diretso siyang lumapit, mabilis at puno ng galit. “Anong ginagawa mo diyan,” bungad niya habang nakatitig sa hawak nitong maleta. Napatingin ito sa maleta, saka bumalik ang tingin sa kanya. “Ha?” “Maleta ko ‘yan,” madiin niyang sabi. Kumunot ang noo nito. “Miss, pinulot ko lang ‘to...” “Talaga,” putol niya agad, halatang hindi naniniwala, “ang bilis mo namang makapulot.” Napabuntong hininga ang lalaki at tila pinipigilan ang sarili. “Hindi ko ‘to kinuha.” “Eh bakit nasa kamay mo,” mabilis niyang sagot habang lumalapit pa. Magkalapit na sila ngayon, halos magkatapat ang mukha. Saglit silang nagtitigan. May kung anong dumaan sa pagitan nila na hindi niya pinansin. “Isauli mo na,” sabi niya nang matigas ang tono, sabay kuha ng maleta niya. “Teka nga.....” “Hindi, ikaw ang teka,” sabat niya, mas lalong tumalim ang tinginan nilang dalawa. At biglang may dumaan na pulis at napansin ang komosyon nilang dalawa. “Ma’am, sir... anong kaguluhan ‘to,” awat ng pulis. “Eh kasi sir... ang lalaking ‘to dinekwat ang maleta ko.” “Aba... magdahan-dahan ka sa pambibintang mo, miss.” “Ang mabuti, sumama kayong dalawa sa police station. Nakakaabala na kayo dito sa kalye.” “Sir... nagmamadali po ako... iwan ko na lang po ang number ko,” pakiusap ng lalaki. “Tayo na nga sa police station nang magkaalaman na…” hamon pa ni Sol. Napailing ang lalaki at napabuntong hininga. Ngunit tinalikuran lang ito ni Sol at nagsimulang maglakad kasabay ng pulis. Narinig niya ang mga yabag sa likod niya. Walang nagawa kundi sumunod ito. At habang papalapit sila sa direksyon ng police station, hindi alam ni Sol na ang lalaking pinagbintangan niya ay hindi basta estranghero lamang… kundi ang simula ng bagong hamon niya sa buhay.“Eugene...” mahinang sabi niya. “Bakit Daddy ang tawag sa'yo ng bata?”Parang biglang natigil ang mundo ni Sol. “Sol...” “Magpapaliwanag ako. I've been planning to tell you this soon. Since nakita mo na, I will tell you now. But not here.. Let's talk somewhere more private. ” " Okay.. " Pumayag si Sol, hindi na nagtanong pa. “ Chloe,.would you stay here with your Daddy Liam muna ha. May pupuntahan lang kame saglit ni Tita Sol.” “Okay,” agad na sagot ng bata. Nagpaalam din siya kay Liam. " Bhe... saglit lang ha.. " Tumango si Liam. " Go ahead, maghihintay lang kami ni Chloe dito. Gawin mo na ang dapat.. Take your time. " Lumabas sina Eugene at Sol sa fast-food chain. Sumusunod si Sol habang sinusubukang iproseso ang lahat ng nakita niya. Pagdating nila sa mas tahimik na bahagi ng mall ay agad siyang humarap kay Eugene. "Okay na siguro dito ta
Lumipas ang isang linggo at tila tuluyan nang naging bahagi si Cris ng Hotel D'Lusso.“Chef, naipasa ko na po ang lahat ng request mong ingredients para sa banquet menu,” sabi ng dining supervisor.“Thank you po, Ma'am.”“Gusto mo bang silipin ang final table setup sa grand ballroom?”Napailing si Cris habang abala sa pagche-check ng stocks sa kitchen.“No need na po. Maya-maya dadami ang magda-dine-in. Alanganin pong iwan ko ang kitchen.”Napangiti ang supervisor.“Talagang kabisado mo na agad ang takbo rito. Isang linggo ka pa lang pero parang matagal ka nang head chef.”“Hindi naman po.”“Tatlong araw lang ang naging transition ninyo ni Ivan. Pagkatapos noon ikaw na agad ang nag-handle halos lahat. Hindi talaga nagkamali si Boss Eugene sa pagkuha sa'yo.”“Ay totoo po 'yan,” singit ng isang kitchen staff. “Strict si Chef kapag trabaho pero sobrang ayos kasama.”“Tsaka hindi naninigaw,” dagdag ng isa.“Tsaka marunong makinig.”“Tsaka gwapo pa.”“Aba teka lang,” natatawang sabi ni Cri
Bandang alas-kuwatro ng hapon sa isang pribadong ospital sa Maynila, kakalabas pa lamang ni Dr. Liam Montero mula sa emergency room matapos ang mahaba at nakakapagod na duty.“Doc, sa wakas off-duty ka na rin,” biro ng isang nurse habang nag-aabot ng chart.Napatawa si Liam habang pinupunasan ang pawis sa kanyang noo.“Akala ko nga dito na ako matutulog sa sobrang dami ng pasyente.”“Hindi pwede. May buhay ka rin sa labas ng ospital.”“Debatable.”Nagtawanan sila bago siya tuluyang nagtungo sa doctors' lounge.Pagbukas niya ng locker ay agad niyang isinabit ang stethoscope at hinubad ang mabigat na puting coat. Habang nagpapalit ng komportableng damit ay biglang nag-vibrate ang cellphone niya sa ibabaw ng istante.Napangiti agad siya nang makita kung sino ang nag-message." Off mo na ba? Maaga ako nag-out sa hotel. I'll get you in 5 minutes. Naghihintay na sa atin ang bata. "Mabilis siyang nag-type ng sagot." Yes. Palabas na ako. "Ibinulsa niya ang cellphone at maingat na isinuot a
Nag-vibrate ang cellphone ni Cris habang inaayos niya ang suot na chef coat sa loob ng condo. Napangiti agad siya nang makita ang pangalan ni Sol sa screen.“Good morning, Chef.”Automatic na gumaan ang pakiramdam niya.Sol: Good morning, Chef. First day mo ngayon. Huwag kang kabahan, okay? Alam kong kaya mo ’yan.Napangiti si Cris habang nagta-type ng reply.Cris: Medyo kabado nga ako.Ilang segundo lang ay dumating agad ang sagot.Sol: Hindi bagay sa’yo ang kabado. Ikaw nga yung taong kayang pakalmahin ang buong kusina kahit may nagwawalang customer.Napatawa si Cris.Cris: Grabe naman confidence mo sa akin.Sol: Siyempre. Naniniwala ako sa’yo.Saglit siyang natahimik habang nakatitig sa screen.Maya-maya ay muling nag-pop up ang bagong mensahe.Sol: Good luck sa unang araw mo babe. I love you.Parang kusang lumawak ang ngiti ni Cris.Cris: I love you too babe.Sol: Galingan mo, Chef. Mamaya ikukuwento mo sa akin lahat. See you later.Pagkatapos noon ay isinuksok na niya ang cellpho


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reseñas