MasukHindi sumipot sa kasal ang kasintahan ni Kyle Alvarado, ang bilyonaryong cold-hearted CEO. Laking gulat ni Mira ng hatakin siya ng boss sa altar at ipalit bilang bride. Alam niyang broken-hearted ito kaya naman wala siyang tutol kahit na pati wedding night ay sinalo niya. Nilatagan siya nito ng isang loveless deal at malaking halaga. Dala ng pangangailangan at pagmamahal, naging assistant siya sa umaga at bed partner sa gabi. Mahigpit na bilin ni Kyle -- bawal umibig. Pero paano kung ang matagal nang lihim na pagtingin ni Mira ay tuluyang mabunyag lalo na nang madiskubre niyang nagdadalang tao siya? At paano kung bumalik ang babaeng dapat sana ay papakasalan nito?
Lihat lebih banyakMaagang dumating si Mira sa Primera Hotel event’s place, suot ang puting corporate dress at nakatali ang kanyang buhok. Tulad ng dati, organized siya at kalmado, siya ang ever reliable assistant ni Kyle Alvarado, ang CEO ng Megawide Corporation sa loob ng limang taon. Pati kasal ng boss ay siya ang nag-asikaso sa sobrang busy nito.
“Okay, flowers arranged, catering checked, music is ready,” bulong niya sa sarili habang nakatingin sa checklist.
Isa-isa nang nagsidatingan ang mga bisitang pawang kilalang personalidad, investors, at mga business partner. Elegante ang ayos ang lugar, mga puting bulaklak, gintong dekorasyon, at magarbong mesa. Lahat ay excited makita ang pag-iisang dibdib ni Kyle at Sofie, isang modelo.
Pero may isang problema. Wala pa si Sofie.
“Where is the bride?” tanong sa kanya ng wedding coordinator, palihim na nagpa-panic.
“Nasaan na ba siya? Hindi ba dapat nandito na siya kanina pa?” usisa ng makeup artist.
Mabilis na kinuha ni Mira ang kanyang phone at tinawagan si Sofie. Tatlong beses. Wala pa ring sagot.
Nakakunot ang noo ni Kyle habang papalapit. Suot ang classic black tuxedo, gwapo at makisig. Tila ito Greek god na nakalabas sa libro. Ipinilig niya ang ulo. Ikakasal na ang boss niya, dapat na niyang tigilan ang lihim na pagtingin dito.
“Mira,” malamig ang tono ni Kyle. "Anong nangyayari?”
“S-Sir, hindi pa po dumarating si Miss Sofie. I’ve tried calling her, multiple times, pero hindi po siya sumasagot.”
Suminghap si Kyle. Tumalikod saglit, tumingin sa altar, saka bumaling kay Mira.
“She’s coming, baka na-traffic lang.”
Tumango siya. He’s very particular with time. Wala ni isang empleyado ng Megawide ang nale-late. Pero pagdating kay Sofie, talagang nagiging soft ang cold-hearted na CEO.
Lumipas pa ang isang oras. Nasa altar na din ang pari. Nakahanda na ang lahat. Nagsisimula na ang bulungan ng mga tao sa paligid. Sino ba naman kasing matinong babae ang hindi sisipot sa kasal kung si Kyle Alvarado ang groom? Ito ang pinakamayamang business tycoon sa bansa bukod sa napakagwapo at kisig nito.
Tumunog ang cellphone nitong hawak niya. Nakita niya ang notification. Mensahe mula kay Sofie. Tila napugto ang hininga niya ng makita ang message.
“I’m sorry, Kyle. I can’t give up my career. Please forgive me,” nanginig ang kamay niya sa nabasa.
Nakita niyang palapit ang binata.
“Sir, m-may message po galing kay Ms. Sofie. Sir, huwag po kayong --”
Hindi na siya pinatapos ni Kyle. Bigla nitong hinablot ang cellphone at binasa ang message. Nakita niya ang paggalaw ng panga nito.
Humakbang ito palapit at marahas siyang hinila sa pulso. Halos mabitawan niya ang cellphone sa gulat.
“S-Sir?!” sigaw ni Mira habang binabagtas nila ang red carpet.
“Well, ngayon, kailangan ko ng bride. Inuutusan kitang pakasalan ako,” malamig pero nag-uutos ang tinig ni Kyle
“H-Ha? Sir, ano pong sinasabi ninyo?”
“Ikaw na ang ikakasal sa akin.”
Tila gusto niyang kurutin ang sarili dahil baka ang lahat ng ito ay panaginip lamang. Kagabi lang ay nasa delulu land siya at ini-imagine na siya ang bride ni Kyle. Mukhang nakinig ang universe sa kahilingan niya!
“Ano?! Sir, hindi po, hindi puwede tayong ikasal,” aniyang malapit ng himatayin.
“Wala akong bride, I need one,” matigas nitong sabi na tila nauubusan na ang pasensya. Ayaw pa naman nito ng makulit.
“Pero, Sir, ako po ay isang hamak na assistant lang,” aniyang napayuko. Nawala ang puso niya sa kinalalagyan.
“Exactly. Kasal lang ‘to sa papel. Babayaran kita ng malaking halaga. Sofie will come back sa sandaling malaman niyang ikinasal ako sa iba.”
Hindi na siya nakapagsalita pa at tumango na lamang. Payag siya kahit kasal-kasalan lamang ito. Hindi na niya namalayan kung paano siya nakarating sa room upang isuot ang wedding gown.
Nilamon siya ng kaba, takot, at excitement. Tulala siyang sumunod sa glam team.
Nagsimula na ang seremonyas sa hudyat ni Kyle. Tumutugtog ang klasikong instrumental wedding song habang unti-unting nagbukas ang malalaking pinto ng grand ballroom. Napalingon ang lahat sa dulo ng aisle, at halos sabay-sabay ang bulungan ng mga bisita sa gulat at pagtataka.
At sa harap ng daan-daang bisita, siya ang biglang naging bride. Umepekto na ang pagtutulos niya ng kandila sa simbahan. Pati ang prayer request niya sa log book ng chapel at Simbang gabi tuwing Disyembre. Wishes do come true.
Dahan-dahang lumakad si Mira, suot ang wedding gown na orihinal na para kay Sofie. Ang damit ay bumagay sa kanya sa paraang ni hindi niya naisip na posible, elegante ang damit na sakto ang sukat sa kanya. May kakaibang alindog siya na hindi niya sinasadyang maipamalas sa mamahaling gown. Nanginginig ang kamay niya habang hawak ang bouquet, at halos hindi siya makahinga. Ni hindi alam ng pamilya niya na ikinakasal siya.
Hindi ito dapat mangyari. Pero sinungaling siya kung sasabihin niyang ayaw niya ang makasal sa CEO na matagal na niyang iniibig na nasa sa dulo ng altar, nakatayo nang matikas at gwapo sa kanyang tuxedo. Ang mga mata nito ay nakatuon sa kanya at doon siya nakahanap ng lakas upang ipagpatuloy ang bawat hakbang. Kailangan siya ng boss.
Pagdating niya sa altar, inabot ni Kyle ang kamay niya. Init ng palad nito ang pumawi sa nanlalamig at naginginig niyang katawan.
Tahimik ang buong bulwagan. Pati ang pari ay sandaling natigilan, bago sinimulan ang seremonya. Walang nakakaalam kung ano ang nangyari kay Sofie. Walang paliwanag ngunit walang tumutol.
Lahat ay tulalang nakamasid sa bagong bride. Nagsimula ang pari na magsalita.
“Sa hirap at ginhawa…Sa sakit at kalusugan…Hanggang kamatayan...”
Isa-isang binigkas ni Kyle ang mga salita. Diretso ang tinig at walang alinlangan.
Ngunit nang siya na ang kailangang magsalita, sandali siyang namutla. Nanginginig ang boses niya habang inuulit ang mga salita ng pari.
“...tatanggapin kita… sa hirap at ginhawa…”
Napatingin siya kay Kyle. Nalunod na naman siya sa kulay tsokolateng mata ng kanyang boss.
“...at mamahalin habambuhay.”
“By the power vested in me,” sabi ng pari, “I now pronounce you husband and wife.”
Mabilis ang tibok ng kanyang puso. Legal na asawa na siya ng CEO ng Megawide Corporation. Parang panaginip. Parang eksena sa pelikula at nobela.
“You may now kiss the bride,” anang pari.
“Pero ibang usapan ang apo ko. May dugo siyang Alarcon,” sabi ni Don Alexander.Humigpit ang hawak ni Fiona sa kaniyang mga daliri.“At mula ngayon,” dagdag nito, “hindi mo na siya pwedeng ilayo sa amin.”“Hindi ko po ilalayo sa inyo si Nate,” mahinahon niyang sagot. “Pero hindi rin po ako papayag na kunin ninyo siya sa akin.”Bahagyang tumalim ang mga mata ng matanda.“Hindi ko kukunin ang bata sa’yo. Gusto ko lamang mabawi ang panahong nawala sa amin.”“Pa, huwag po ninyong takutin si Fiona.”Sabay silang napalingon.Nakatayo si Theo sa pintuang patungo sa hardin. Hindi niya alam kung gaano katagal itong nakikinig, ngunit malinaw ang pagtatanggol sa tono nito.Lumapit ito at tumayo sa tabi niya.“Si Fiona ang nagpalaki kay Nate nang mag-isa,” patuloy nito. “Nagkamali siya sa pagtatago sa akin ng anak namin, pero hindi ibig sabihin no’n na maaari nating kalimutan ang lahat ng isinakripisyo niya.”“Theo—” mahinang tawag ni Fiona.Hindi nito inalis ang tingin sa ama.“Kung gusto ninyon
Ngumiti si Nate. “Mommy ko po si Fiona Ayala.”Parang tumigil ang tibok ng puso ni Don Alexander.“Ikaw…” Napalunok siya. “Ikaw ang anak ni Theo?”“Opo.”Mabilis niyang kinuha ang cellphone mula sa bulsa. Binuksan niya ang isang litrato ni Theo.Ipinakita niya iyon kay Nate.“Siya ba ang daddy mo?”“Opo!” Agad lumiwanag ang mukha ng bata. “Bakit po may picture niya kayo? Kilala n’yo po siya?”Hindi siya nakasagot.Muling sumiklab ang galit sa dibdib niya.Limang taon silang pinagkaitan ng pagkakataong makilala ang sariling apo.Limang taon silang walang kaalam-alam na may apo sila.Ngunit nang makita niyang unti-unting nawawala ang ngiti ni Nate, agad niyang pinigil ang galit.“Bakit po?” mahinang tanong nito.Marahang hinawakan ni Alexander ang magkabilang balikat ng bata.“Anak ko si Theo,” paos niyang sabi. “Ang daddy mo.”Nanlaki ang mga mata ni Nate.“Ibig sabihin…”Mabilis na namuo ang luha sa mga mata ni Alexander.“Apo kita. Tunay kitang apo.”“Wow!” Napatalon ang bata sa tuwa
Biglang tumunog ang cellphone ni Theo sa ibabaw ng mesa.Nang makita ang pangalan ni Angel sa screen, agad nitong sinagot at inilagay sa loudspeaker.“Ano’ng balita?”“May nakita akong kaparehong routing code sa lumang authorization ng lupang dating pag-aari ng mga Alarcon,” sagot ni Angel.Nanigas si Theo.Unti-unting nawala ang lambing sa mukha nito. Maging ang kamay nitong nakahawak sa mga dokumento ay humigpit.“Sigurado ka?”“Oo. Magkaparehong-magkapareho ang routing code na ginamit sa financial projections at sa lumang authorization.”Napatingin si Fiona sa asawa.“Anong ibig sabihin niyan?” tanong niya.Saglit na natahimik si Angel.“Posibleng ang taong gustong pabagsakin ang kasalukuyang pamumuno ng Ayala Premier ay konektado rin sa pagkawasak ng pamilya ni Theo noon.”Parang biglang nanlamig ang buong silid.“May pangalan ka na?” mariing tanong ni Theo.“Wala pa. Hindi sapat ang routing code para magbintang. Kailangan natin ng matibay na ebidensiya at kung maaari, isang taong
Mabigat ang katahimikan sa loob ng sasakyan.Nakatitig si Felicity sa labas habang nagmamaneho si Damon.Maya-maya, nilakasan ni Damon ang aircon.“Masyadong mainit,” sabi nito.“Ang lamig na nga.”Hindi sumagot si Damon. Nang mapansin nitong kinukuskos niya ang magkabilang braso, kinuha nito ang coat sa likod at inilapag sa kandungan niya.Inirapan iyon ni Felicity, ngunit pagkaraan ng ilang segundo ay tahimik ding isinuot.Pagdating nila sa unang investor, agad silang pinapasok sa pribadong opisina nito.“Hindi kami kusang umatras,” pag-amin ng lalaki. “May nagpadala sa amin ng confidential financial projection. Nakasaad doon na babagsak ang Ayala Premier sa loob ng anim na buwan.”“Sino ang nagpadala?” tanong ni Felicity.Umiling ang lalaki.“Hindi ko na matandaan ang pangalan. Pasensya na kayo, iyon lang ang masasabi ko.”“Pwede bang mahingi ang kopya ng email?” malambing na tanong ni Felicity.Matagal siyang tinitigan ng lalaki bago ngumiti.“Pwede. Pero baka puwede rin tayong ma
Lumapit si Daryl. “Hindi ko tinanggap.”“Pero hindi mo rin sinabi,” sagot niya, naiiyak na siya. “Bakit?”Huminga nang malalim si Daryl. “Dahil ayokong lumaki pa ang gulo ninyo ng daddy mo.”Tahimik ang paligid. Tanging hikbi ni Iris ang maririnig.“Alam mo bang pinag-iinitan na ni daddy ang negosyo
Kumunot ang noo ni Don Apollo. “Ano’ng sabi mo?”“Boyfriend ko na po si Daryl,” ulit ni Iris, mas malinaw, mas malakas. Pinisil niya lalo ang kamay ng binata. “Ako at si Daryl. Magkasintahan po kami.”Dahan-dahan, itinaas ni Don Apollo ang tingin mula sa magkahawak nilang kamay papunta kay Daryl, sa
Alam ni Maya na ramdam ni Lucas ang tibok ng puso niya.Uminom siya ng wine, ang pisngi niya ay na-iinit na.Si Lucas ay tahimik lang na nakaupo sa tabi niya, pilit iniiwas ang tingin.Nagtagpo ang kanilang mga mata. Nababasa niya ang pangungulila nito.Hindi niya alam kung lakas ng loob ba o lakas
Tumitig si Maya sa sariling repleksiyon sa salamin. Namumugto ang mata pero matibay ang loob.Wala siyang oras para umiyak.Dinampot niya ang cellphone at tinawagan si Mira.“Ate…” garalgal ang boses niya.“Maya? Nakita ko sa TV ang picture ninyo na kumakalat. Ano’ng balak mo?” halatang kabado si Mi












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Peringkat
Ulasan-ulasanLebih banyak