Home / Romance / Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO / Kabanata 1014 Three Generations

Share

Kabanata 1014 Three Generations

last update publish date: 2026-07-19 16:50:13

Ngumiti si Nate. “Mommy ko po si Fiona Ayala.”

Parang tumigil ang tibok ng puso ni Don Alexander.

“Ikaw…” Napalunok siya. “Ikaw ang anak ni Theo?”

“Opo.”

Mabilis niyang kinuha ang cellphone mula sa bulsa. Binuksan niya ang isang litrato ni Theo.

Ipinakita niya iyon kay Nate.

“Siya ba ang daddy mo?”

“Opo!” Agad lumiwanag ang mukha ng bata. “Bakit po may picture niya kayo? Kilala n’yo po siya?”

Hindi siya nakasagot.

Muling sumiklab ang galit sa dibdib niya.

Limang taon silang pinagkaitan ng pagka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (10)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
May update na po. Thanks much!
goodnovel comment avatar
Jen Sison
update pls
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Thanks so much po sa inyo!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1050 Then, Now, and Forever

    Mahinang natawa si Theo sa tanong ni Fiona. Marahan siya nitong iniharap.“Bahagi lang ng dahilan ang Ayala Premier,” pag-amin nito. “Maraming ibang kumpanya kung saan puwede kong ilagay ang pera ko. Pero iisa lang ang negosyong magbibigay sa akin ng pagkakataong makita ka.”Tumaas ang isang kilay ni Fiona. “So patay na patay ka pa rin sa akin? Tama ba?”“Guilty.” Ngumiti si Theo, ngunit mabilis ding naging seryoso ang mukha nito. “Noong una, akala ko gusto kong maghiganti. Gusto kong patunayan na nagkamali ka nang iwan ako. Pero nang makita kita ulit, nawala lahat ng plano ko.”Hinaplos nito ang pisngi niya.“Gusto kitang balikan dahil kahit ilang taon na ang lumipas, Iikaw rin ang tinitibok ang puso ko.”Saglit na napapikit si Fiona. Limang taon niyang pinilit kalimutan ang lalaking nasa harap niya. Limang taon siyang nagkunwaring wala nang nararamdaman. Hindi niya maamin na umaasa pa rin siyang babalik ito.“Hindi rin kita nakalimutan,” mahina niyang pag-amin.Lalong humigpit ang h

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1049 No More Shadows

    “Angel, sandali.”Huminto si Angel bago tuluyang mabuksan ang p***o. Hindi agad ito lumingon, ngunit nanatili ang kamay nito sa doorknob.Tumayo si Fiona at lumapit. “Hindi malalaman ni Theo ang sinabi mo. Mananatili iyon sa ating dalawa.”Saka lamang ito humarap sa kanya. Namumula pa rin ang mga mata nito, ngunit mahinahon ang mukha.“Salamat,” mahina nitong sagot. “Kailangan ko lang siguro ng kaunting distansiya. Hindi para tumakas, kundi para matutong bumitaw nang tama.”“Magre-resign ka?”Umiling si Angel. “Hindi. Magfa-file lang ako ng leave. May negosyo rin akong sinimulan na matagal ko nang hindi nabibigyan ng sapat na oras. Baka iyon muna ang pagtuunan ko ng pansin.”Nauunawaan ni Fiona ang kailangan nito. May mga sugat na hindi naghihilom habang araw-araw mong nakikita ang taong dahilan ng mga iyon.“Mag-iingat ka,” sabi niya. “At sana, sa pagbabalik mo, mas masaya ka na.”Bahagyang ngumiti si Angel. “Iyon din ang hinihiling ko.”“Maaari ba tayong maging magkaibigan?” tanong n

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1048 Unrequited Love

    “Sandali. Huwag na munang galawin ang ibang dokumento.”Kinuha nito ang cellphone mula sa bulsa at tinawagan ang imbestigador na humahawak sa kaso ni Don Leandro.“May bagong testigo kami rito sa Ayala Bay Resort,” seryoso nitong sabi. “May dala siyang mga orihinal na accounting record at mga dokumentong ipinalit sa mga iyon. Kailangan naming ma-turn over agad sa inyo.”Tahimik itong nakinig sa kabilang linya.“Papunta na rito ang mga imbestigador,” sabi nito pagkababa ng tawag. “Kailangang maitala nang maayos kung kanino nanggaling ang bawat dokumento at kung sino ang tumanggap. Ayokong makuwestiyon ang pinagmulan o integridad ng ebidensiya.”Tumango si Mr. Galvez. “Naiintindihan ko po.”Itinuro nito ang dalawang magkahiwalay na hanay ng mga folder sa loob ng kahon. May asul na marka ang nasa kaliwa, samantalang pula ang nasa kanan.“Ito po ang mga orihinal.” Itinuro nito ang mga folder na may asul na marka. “Ang nasa kabilang hanay naman ang mga kopya ng pekeng dokumentong ipinalit

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1047 A Box of Truth

    Maagang nagising si Fiona sa bigat ng dalawang bisig na nakapulupot sa kanya.Nasa likuran niya si Theo, mahigpit siyang yakap, samantalang nakasiksik si Nate sa pagitan nila at nakapatong ang isang binti sa kanyang hita. Magkakahawak pa rin ang mga kamay nilang tatlo sa ibabaw ng kumot.Hindi niya napigilang ngumiti.Gumalaw si Theo sa likuran niya. Dumampi ang mga labi nito sa kanyang sentido bago marahang iniangat ang ulo upang silipin si Nate.“Tulog pa,” pabulong nitong sabi.Iniharap siya ni Theo bago ito dahan-dahang yumuko. Ngunit bago pa magdikit ang kanilang mga labi, biglang umangat ang maliit na kamay ni Nate at tumama sa bibig ng ama.Napapikit si Theo at napabuntong-hininga.“Anak, alas-sais pa lang. Matulog ka muna.”“Excited na po ako.”Binuksan ni Nate ang mga mata at ngumiti sa kanila. Napatawa si Fiona nang muling sumiksik ang bata sa pagitan nila.“Good morning, Mommy. Good morning, Daddy.”“Good morning, anak,” sagot niya bago hinalikan ang noo nito.Maya-maya, nag

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1046 A Perfect Wedding Night

    Lalong lumakas ang hiyawan ng mga bisita habang itinataas ni Damon ang garter mula sa paa ni Felicity hanggang sa bukong-bukong niya.“Higher! Higher!”Nagdilim ang mukha ni Felicity, ngunit pinanatili niya ang ngiti para sa mga kamerang nakatutok sa kanila. Dahil sa ingay at kantiyawan, bahagyang dumukwang si Damon. Halos dumampi ang labi nito sa kanyang pisngi.“Kahit ikaw pa ang huling babae sa mundo, I won’t marry you,” bulong nito. “Kaya kung may gusto ka sa akin, forget it, okay?”Napakakapal talaga ng mukha ng lalaking ito!Kahit gusto niya itong itulak palayo, lalo lamang pinalapad ni Felicity ang kanyang ngiti.“Baliw ka ba?” pabulong niyang sagot. “Wala akong gusto sa iyo, demonyo ka! Hindi kita type. “Hindi ka na nga pogi, napakayabang mo pa!” aniya upang makaganti sa pang-iinsulto nito.Tumayo si Damon na tila walang epekto rito ang sinabi niya. Inilahad nito ang kamay upang alalayan siyang tumayo, ngunit hindi niya iyon tinanggap. Kusa siyang tumayo at inayos ang kanyang d

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1045 A Second Chance at Forever

    Hindi na napigilan ni Fiona ang mapahagulgol.Lumapit si Nate sa altar, tangan ang maliit na kahon. Namumula ang mga mata nito, ngunit pilit nitong pinipigilan ang pag-iyak habang buong pagmamalaking iniharap sa kanila ang mga singsing.“Para po sa inyo,” sabi nito.Lumuhod si Theo upang pantayan ang anak. “Good job, anak.”Mabilis na tumango si Nate.Kinuha ni Theo ang singsing at muling humarap kay Fiona. Hinawakan nito ang kanyang kaliwang kamay at isinuot ang singsing sa daliri niya.Nang si Fiona naman ang magsuot ng wedding ring kay Theo, tila tuluyang nabura ang limang taong namagitan sa kanila.Ngumiti ang officiant. “Ang seremonyang ito ay hindi simpleng pag-uulit ng una ninyong kasal. Isa itong pagpapatibay sa isang pangakong pinili ninyong harapin nang may higit na tapang, katapatan, at pagmamahal.”Napahigpit ang hawak ni Theo sa kamay niya.“Sa harap ng inyong pamilya at mga kaibigan, muli ko kayong ipinahahayag na mag-asawa.” Sandaling ngumiti ang officiant bago idinagda

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 211 Lies of the Devil

    “Let’s meet. Same time. Pero this time sa katabing coffee shop,” sabi ni Noah sa chat.Napasinghap si Jenny, agad na lumingon sa terrace kung saan may kausap si Sebastian. Mabuti na lang at abala ito. Naramdaman niyang bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi pa man siya nakakasagot, biglang nag-

    last updateLast Updated : 2026-03-23
  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 109 Gathering the Evidence

    Pagkaalis ni Donya Aurora ay naiwan si Mira, bumabalik sa isip niya ang mga sinabi nito. Loveless marriage… sundin ang puso… Napabuntong-hininga siya, ngunit bago pa man niya mahulog sa malalim na pag-iisip, dumating si Jenny at hindi mapakali.“Mira…” mahina nitong simula, pero ramdam ang kaba sa b

    last updateLast Updated : 2026-03-20
  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 604 Blind Date

    Dahan-dahang iniaangat ni Candice ang tingin sa boses na tumawag sa kanya, pero bago pa siya makapagsalita, naramdaman na niya ang malakas na presensya.Nakatayo si Brent Esguerra sa gilid niya.“Sir Brent?” halos pabulong niyang sabi, nabigla. “Ano pong ginagawa ninyo?”Tumitig si Brent kay Alexan

    last updateLast Updated : 2026-04-04
  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 593 The Mask Came Off

    Tinanggal ni Daryl ang mask.At sa isang iglap, parang huminto ang mundo.Si Harvey.Ngumisi pa ito, ‘yung ngiting nakakaloko.“Surprise,” anito, hinihigal at pawisan.Nanlaki ang mata ni Daryl. Hindi siya agad nakapagsalita. Parang ang daming tanong na sabay-sabay humataw sa dibdib niya.“Putangina

    last updateLast Updated : 2026-04-04
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status