My Twins Who Never Get Along Teamed Up with the CEO

My Twins Who Never Get Along Teamed Up with the CEO

last updateآخر تحديث : 2026-07-30
بواسطة:  Sergeois M. Stifyتم تحديثه الآن
لغة: Filipino
goodnovel18goodnovel
لا يكفي التصنيفات
7فصول
14وجهات النظر
قراءة
أضف إلى المكتبة

مشاركة:  

تقرير
ملخص
كتالوج
امسح الكود للقراءة على التطبيق

Mataas ang pangarap ni Irish sa buhay: makapagtapos ng kolehiyo sa Maynila at maging hotel manager. Kahit ang kapalit no’n ay ang paglaki ng distansya sa relasyon niya kay Gavriel—ang tagapagmana ng pinakamalaking azucarera sa bayan ng Don Galonzo. Ngunit mapaglaro ang mundo. Hindi man niya ipinagpalit ang pangarap sa pag-ibig, ang pag-ibig din pala talaga niya ang sisira sa pangarap. Nang mabalitaan niyang nawalan ng trabaho ang mga magulang dahil kay Gavriel, agad siyang bumiyahe pabalik sa Don Galonzo. Hindi niya alam, puro sorpreso ang dadatnan niya. Iyon din pala ang araw ng flight ni Gavriel patungong States. Sinubukan niya itong habulin, ngunit nang makita ang lalaking may kahalikan sa kotse nito, doon siya nagising sa katotohanan. Ang tanging iniwan ni Gavriel kay Irish ay… ang mga batang nasa sinapupunan niya. Kaya hindi niya alam ang mararamdaman nang makita ang lalaki, anim na taon ang lumipas, sa hotel na sinimulan niyang pasukan pagkatapos mag-drop out sa kolehiyo. At ang mas nakagulantang sa kaniya, kasama nito ang kambal na anak na tinago niya kay Gavriel—sinusubuan si Nathalie at pinatutulog si Nathaniel sa executive nitong opisina! Mapipigilan kaya ni Irish ang muling pagpasok ng dating kasintahan sa buhay nilang tatlo, o tuluyang magtatagumpay ang bagong CEO na hulihin ang kiliti niya?

عرض المزيد

الفصل الأول

Chapter 1

Irish’s POV

“HOY, Irish girl, saan ka pa gogorla? Magsisimula na ‘yong practicals natin!” 

Huminto ako sa pintuan ng room at humarap kay Reg. As usual naka-lash extension pa siya. “Pupuntahan ko si Gavriel, besh.”

Pinandilatan niya ako ng mata. “‘Teh, malapit ka nang bumingo do’n sa major natin, inuuna mo pa ‘yang kalandian mo.”

“Hindi sa gano’n…” Naluluha kong hinarap ang phone ko kay Reg. “Nag-text sa ‘kin sina ‘Nay at ‘Tay, nawalan daw sila ng trabaho.”

“Oh, tatakbo ka ro’n sa hottie boylet mo para magpaka-sugar baby?”

“Bruha ka. Hindi ‘yon!” Hinampas ko siya sa maskulado niyang braso. “‘Di ba nga may azucarera ‘yong pamilya ni Gavriel?”

“And?”

“‘Yong boss daw ng mga magulang ko, pinagsamantalahan ‘yong kahinaan ng Lolo ni Gavriel para kunin ang azucarera. No’ng malaman daw ng boyfriend ko, ayon, pinabagsak ‘yong negosyo!”

“Oh, my gosh!” Napatakip ng bibig ang bading kong kaibigan. “E, di, papa’no na kayo ngayon? Kung bagsak ang negosyo at walang trabaho ang parents mo, hindi ka makakabayad ng tuition f*e.”

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. “Kaya nga pupuntahan ko si Gavriel ngayon, besh. Ikaw munang bahala sa ‘kin, please?”

“Besh, kung madadaan sa pagpapa-cute ‘yang prof natin sa Culinary Management, matagal na akong Dean's lister.” Inirapan niya ako. “Hindi pa rin ba sumasagot sa tawag mo ‘yang si Gavriel?”

Kagat-labi akong umiling. When I visited him last month in Don Galonzo, I thought everything would be fine between us. But now all of a sudden, isang linggo nang hindi nagpaparamdam si Gavriel.

“Hay nako, Irish Natalia Flores!” Pinamaywangan ako ni Reg, sabay taas ng kilay sa ‘kin. “Gawin mo akong assistant kapag hotel manager ka na, ah!”

Nginitian ko siya nang malaki at niyakap. Parang diring-diri naman niya akong tinulak. 

“Thanks, besh!”

“Shoo!”

PAULIT-ULIT kong d-in-ial ang phone number ni Gavriel sa biyahe, ngunit panay ‘The number you have dialed is unattended, please try again later’ lang ang natatanggap ko.

Pagkababa sa terminal, agad akong pumara ng tricycle. “Kuya, sa azucarera po ng mga Buenafe!” 

Inabutan ko si Kuya Driver ng bente pagdating doon at sinuong ang ulan. Mula sa gate, luminga-linga ako, naghihintay kung may kasambahay na dadaan. No’ng nakita ko si Jane na kaedaran ko lang, tinawag ko siya agad.

“Oh, Irish, akala ko nasa Maynila ka—”

“Nasa’n si Gavriel?”

Natigilan si Jane, may dumaang lungkot sa mga mata niya. “Hindi mo ba nabalitaan?”

May dumunggol na kaba sa dibidb ko. “Ang alin?”

“Ngayong araw ang flight ni Don Guillermo at Sir Gavriel papuntang States. Kaaalis lang nila.”

Parang nanlamig ang buong katawan ko, sinabayan pa ng biglang ihip ng hangin. Si Gavriel? Umalis nang walang pasabi sa ‘kin?

Nag-unahan sa pag-agos ang mga luha sa pisngi ko, sumasabay sa pagpatak ng ulan.

Umiling-iling ako. Sinamaan ko ng tingin si Jane, aakusahan ko pa sana siyang sinungaling pero natigilan ako nang abutan niya ako ng payong. 

“Kaaalis lang nila. Baka maabutan mo sila sa ruta papunta sa inyo.”

Tinitigan ko lang ‘yong payong. Para saan pa? Paano ko pa maipaglalaban ‘yong relasyong tapos na bago ko pa malaman?

Hinawakan ako ni Jane sa kamay. “Mahal ka ni Sir Gavriel, Irish. Naniniwala akong maaayos niyo kung anumang humaharang sa relasyon niyo.” 

Parang may napindot na switch sa loob-loob ko. Hinigpitan ko ang hawak sa payong at nginitian si Jane. “Abay ka sa kasal namin!”

Tinakbo ko ang rutang sinasabi ni Jane, saulado ko ang bawat sulok dahil doon din ako lumaki. Hindi ko inalintana ‘yong hapdi ng pagbagsak ng ulan sa balat ko, ang nasa isip ko lang, kailangan kong makausap si Gavriel.

I need him to stay.

Nang matanaw ko ang pamilyar na kulay pulang Honda na nakahinto sa gilid ng daan, natigilan ako sa pagtakbo. Mula sa kinatatayuan ko, tanaw ko ‘yong hulma ng matalas niyang panga, ‘yong matangos niyang ilong, ‘yong makapal niyang kilay na nakakunot, pati ‘yong manipis niyang labi na walang kasing lambot kapag dumadampi sa labi ko. 

Naabutan ko siya…

Kagat-labi kong nilapitan ang driver’s seat, ngunit agad rin akong napahinto nang may pumulupot na braso sa batok niya. Doon ko na-realize na hindi siya mag-isa sa kotse.

Napako ako sa kinatatayuan. Sino ‘yang babaeng kasama ni Gavriel?

Tanaw ko kung paanong unti-unting lumapit ang mukha ng babae kay Gavriel. Ang paningin ko, unti-unti ring nanlalabo. 

Itulak mo, Gavriel. Itulak mo…

Ngunit parang estatwa lang na hinayaan ni Gavriel na lumapat ang mga labi ng babae sa kaniya. 

Umikot ang sikmura ko. Dali-dali akong tumakbo paalis doon. Takbo lang ako nang takbo habang rumaragasa ‘yong mga luha palabas ng mata ko. Hindi ko alam kung papaano ako nakarating sa bahay namin, pero sinalubong ako ni ‘Nay Therese nang may pag-aalala. 

“Diyos ko, Irish, bakit hindi ka nagsabi—”

Naduwal ako sa pintuan. Narinig ko ang pagsinghap ni Nanay habang sa bawat duwal, ramdam ko ‘yong pag-ikot ng mundo.

Nang kumalma ay nag-angat ako ng tingin. Doon ko nakita si ‘Tay Lucio na nakakunot ang noo sa akin, may bahid ng pang-aakusa sa tingin niya. 

Bumalik sa alaala ko ‘yong gabing binisita ko si Gavriel isang buwan na ang nakalilipas. Nanlambot ang mga tuhod ko at napaupo sa sahig nang marinig ang tinanong ni Tatay sa ‘kin. 

“Anak… buntis ka?”

توسيع
الفصل التالي
تحميل

أحدث فصل

فصول أخرى

للقراء

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


المراجعات

fievvsky
fievvsky
came for the steamy romance, stayed for the cute twins
2026-07-30 18:04:07
1
0
fievvsky
fievvsky
came for the steamy romance, stayed for the cute twins
2026-07-30 18:03:52
1
0
7 فصول
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status