Masuk
Irish’s POV
“HOY, Irish girl, saan ka pa gogorla? Magsisimula na ‘yong practicals natin!” Huminto ako sa pintuan ng room at humarap kay Reg. As usual naka-lash extension pa siya. “Pupuntahan ko si Gavriel, besh.” Pinandilatan niya ako ng mata. “‘Teh, malapit ka nang bumingo do’n sa major natin, inuuna mo pa ‘yang kalandian mo.” “Hindi sa gano’n…” Naluluha kong hinarap ang phone ko kay Reg. “Nag-text sa ‘kin sina ‘Nay at ‘Tay, nawalan daw sila ng trabaho.” “Oh, tatakbo ka ro’n sa hottie boylet mo para magpaka-sugar baby?” “Bruha ka. Hindi ‘yon!” Hinampas ko siya sa maskulado niyang braso. “‘Di ba nga may azucarera ‘yong pamilya ni Gavriel?” “And?” “‘Yong boss daw ng mga magulang ko, pinagsamantalahan ‘yong kahinaan ng Lolo ni Gavriel para kunin ang azucarera. No’ng malaman daw ng boyfriend ko, ayon, pinabagsak ‘yong negosyo!” “Oh, my gosh!” Napatakip ng bibig ang bading kong kaibigan. “E, di, papa’no na kayo ngayon? Kung bagsak ang negosyo at walang trabaho ang parents mo, hindi ka makakabayad ng tuition f*e.” Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. “Kaya nga pupuntahan ko si Gavriel ngayon, besh. Ikaw munang bahala sa ‘kin, please?” “Besh, kung madadaan sa pagpapa-cute ‘yang prof natin sa Culinary Management, matagal na akong Dean's lister.” Inirapan niya ako. “Hindi pa rin ba sumasagot sa tawag mo ‘yang si Gavriel?” Kagat-labi akong umiling. When I visited him last month in Don Galonzo, I thought everything would be fine between us. But now all of a sudden, isang linggo nang hindi nagpaparamdam si Gavriel. “Hay nako, Irish Natalia Flores!” Pinamaywangan ako ni Reg, sabay taas ng kilay sa ‘kin. “Gawin mo akong assistant kapag hotel manager ka na, ah!” Nginitian ko siya nang malaki at niyakap. Parang diring-diri naman niya akong tinulak. “Thanks, besh!” “Shoo!” PAULIT-ULIT kong d-in-ial ang phone number ni Gavriel sa biyahe, ngunit panay ‘The number you have dialed is unattended, please try again later’ lang ang natatanggap ko. Pagkababa sa terminal, agad akong pumara ng tricycle. “Kuya, sa azucarera po ng mga Buenafe!” Inabutan ko si Kuya Driver ng bente pagdating doon at sinuong ang ulan. Mula sa gate, luminga-linga ako, naghihintay kung may kasambahay na dadaan. No’ng nakita ko si Jane na kaedaran ko lang, tinawag ko siya agad. “Oh, Irish, akala ko nasa Maynila ka—” “Nasa’n si Gavriel?” Natigilan si Jane, may dumaang lungkot sa mga mata niya. “Hindi mo ba nabalitaan?” May dumunggol na kaba sa dibidb ko. “Ang alin?” “Ngayong araw ang flight ni Don Guillermo at Sir Gavriel papuntang States. Kaaalis lang nila.” Parang nanlamig ang buong katawan ko, sinabayan pa ng biglang ihip ng hangin. Si Gavriel? Umalis nang walang pasabi sa ‘kin? Nag-unahan sa pag-agos ang mga luha sa pisngi ko, sumasabay sa pagpatak ng ulan. Umiling-iling ako. Sinamaan ko ng tingin si Jane, aakusahan ko pa sana siyang sinungaling pero natigilan ako nang abutan niya ako ng payong. “Kaaalis lang nila. Baka maabutan mo sila sa ruta papunta sa inyo.” Tinitigan ko lang ‘yong payong. Para saan pa? Paano ko pa maipaglalaban ‘yong relasyong tapos na bago ko pa malaman? Hinawakan ako ni Jane sa kamay. “Mahal ka ni Sir Gavriel, Irish. Naniniwala akong maaayos niyo kung anumang humaharang sa relasyon niyo.” Parang may napindot na switch sa loob-loob ko. Hinigpitan ko ang hawak sa payong at nginitian si Jane. “Abay ka sa kasal namin!” Tinakbo ko ang rutang sinasabi ni Jane, saulado ko ang bawat sulok dahil doon din ako lumaki. Hindi ko inalintana ‘yong hapdi ng pagbagsak ng ulan sa balat ko, ang nasa isip ko lang, kailangan kong makausap si Gavriel. I need him to stay. Nang matanaw ko ang pamilyar na kulay pulang Honda na nakahinto sa gilid ng daan, natigilan ako sa pagtakbo. Mula sa kinatatayuan ko, tanaw ko ‘yong hulma ng matalas niyang panga, ‘yong matangos niyang ilong, ‘yong makapal niyang kilay na nakakunot, pati ‘yong manipis niyang labi na walang kasing lambot kapag dumadampi sa labi ko. Naabutan ko siya… Kagat-labi kong nilapitan ang driver’s seat, ngunit agad rin akong napahinto nang may pumulupot na braso sa batok niya. Doon ko na-realize na hindi siya mag-isa sa kotse. Napako ako sa kinatatayuan. Sino ‘yang babaeng kasama ni Gavriel? Tanaw ko kung paanong unti-unting lumapit ang mukha ng babae kay Gavriel. Ang paningin ko, unti-unti ring nanlalabo. Itulak mo, Gavriel. Itulak mo… Ngunit parang estatwa lang na hinayaan ni Gavriel na lumapat ang mga labi ng babae sa kaniya. Umikot ang sikmura ko. Dali-dali akong tumakbo paalis doon. Takbo lang ako nang takbo habang rumaragasa ‘yong mga luha palabas ng mata ko. Hindi ko alam kung papaano ako nakarating sa bahay namin, pero sinalubong ako ni ‘Nay Therese nang may pag-aalala. “Diyos ko, Irish, bakit hindi ka nagsabi—” Naduwal ako sa pintuan. Narinig ko ang pagsinghap ni Nanay habang sa bawat duwal, ramdam ko ‘yong pag-ikot ng mundo. Nang kumalma ay nag-angat ako ng tingin. Doon ko nakita si ‘Tay Lucio na nakakunot ang noo sa akin, may bahid ng pang-aakusa sa tingin niya. Bumalik sa alaala ko ‘yong gabing binisita ko si Gavriel isang buwan na ang nakalilipas. Nanlambot ang mga tuhod ko at napaupo sa sahig nang marinig ang tinanong ni Tatay sa ‘kin. “Anak… buntis ka?”Irish’s POVPIGIL ang hiningang binuksan ko ang office ng HR. Nakita ko ang babaeng nasa late 40’s katabi si Sir Jameson, parehas silang nakatingin sa monitor ng PC at nag-angat ng tingin sa akin pagpasok ko.Bahagya akong yumuko at bumati sa kanila, “Good morning, Miss.” Tumango ako kay Sir Jameson, “Good morning, Sir.”Nagtaas ng kilay sa akin ang babae. “Have a seat.” Lagot. Mukhang bad mood ang HR sa ‘kin.Sinunod ko ang sinabi niya at kinakabahang ngumiti. “B-Bakit niyo po pala ako pinatawag?”Diretso lang ang tingin ng babae sa PC. Nag-angat naman ako ng tingin kay Sir Jameson na nakatayo sa tabi nito. Tiningnan niya rin ako pabalik pero wala akong mabasang ekspresyon sa mukha niya. “Congratulations,” maya-maya’y rinig ko sa HR.“H-Ho?”“You’ve been chosen as the top employee for this month.” Naglahad ng kamay sa akin ang babae, nakaangang tinanggap ko naman ‘yon. “You and Mr. Mallari were just called here para ma-process ‘yong bonus mo.”Napakurap-kurap ako. So… pinatawag nil
Irish’s POVPARA akong nilulunod sa diin ng mga halik ni Gavriel. Napahawak ako sa braso niya, sinubukan kong ilayo ang ulo ko pero agad ring hinabol ng bibig niya ang mga labi ko. “Gavriel…” singhap ko sa pangalan niya, pilit kong hinahabol ang hininga sa kaunting pagitan ng pagtigil niya.He groaned. Mas lalo niya pang hinapit ang katawan ko palapit sa kaniya. Unti-unting bumaba ang mga halik niya papunta sa leeg ko. Napakagat ako ng labi nang masuyong nilapat niya roon ang dila niya. Kumawala ang kamay niyang nakapulupot sa baywang ko at naglumikot ‘yon sa dalawang bundok ko.Hindi ko naiwasang mapaungol nang himas-himasin niya ang kanan, habang nilalapirot ang tuktok no’n. Tumirik ang mata ko nang maramdaman ang labi niyang nag-iiwan ng marka sa leeg ko. Nalululong na ako sa temptasyong binibigay niya at hindi ako makawala. “Tangina, Natalia…” rinig kong mura ni Gavriel.Namumungay ang mga matang bumaba ang tingin ko sa kaniya. Nagtama ang paningin namin at kita ko ang dilim
Irish’s POV“MY men found the twins on the 12th floor,” Gavriel said, wrapping his coat around me. Agad akong tumayo mula sa couch niya. “Kumusta ang mga bata?! Are they alright?”Dumapo ang kamay niya sa palapulsuhan ko, at marahang hinatak ‘yon. “I’m sure they're alright. Let's go?”Nagpatianod ako kay Gavriel. Inalalayan niya ako papasok ng elevator na para bang ramdam niya ang panghihina ng tuhod ko. The elevator was filled with silence. Gavriel’s hand was still on my wrist, but I had no energy to complain about it. Siya ang bumasag ng katahimikan. “It must be hard to raise a twin troublemaker.”Mapait akong ngumiti sa kaniya. “Yeah…” All on my own. “Nasa’n ang tatay nila?”Nagbasa ako ng pang-ibabang labi. Kita ko kung paano bumaba ang tingin niya ro’n. “Wala ka na ro’n, Gavriel.”Humigpit ang kapit niya sa palapulsuhan ko. Napangiwi ako. He immediately let go of my hand, looking away. “Right… sorry.”Nahigit ko ang hininga sa narinig. Hindi ko alam kung para saan iyong sor
Irish’s POV“UY, ‘te, tulala ka d’yan.”Napalingon ako sa likod nang may tumapik sa ‘kin. Si Patricia lang pala.Naiiling akong bumalik sa pag-aayos ng mga maleta sa baggage room. “Oh, napadpad ka rito?”Nginisian ako ni Patricia. “As usual, pinapatawag ka na ni Bossing.”Umirap ako sa hangin nang maalala ‘yong sinabi ni Gavriel isang linggo nang nakalilipas. “I’ll be in your care… Natalia.”“Feel ko talaga, trip ka no’n ni Bossing!” pang-aasar pa ni Patricia. Kinunotan ko siya ng noo. Kung trip talaga ako no’n, edi sana hindi na niya ako pinakawalan noon. “Sira. Syempre, bago lang si Mr. CEO sa hotel at kailangan ng tulong dito. Nagkataon lang na ako ang pinakamatagal na empleyadong kasing-edad niya…”“Sus! Sinasabi mo lang ‘yan. Bukas, makalawa, ikaw na ang first lady ng Mi Amore Hotel.” Inirapan ko na lang siya. “Ang mabuti pa, ipa-check up mo na iyang delulu mo.”Hinampas niya ako sa braso. Tinawanan ko na lang siya at nagpaalam na para umakyat sa opisina ni Gavriel. Pagkarati
Irish’s POVMiss Hermosa looked at me, then at Gavriel. “Oh, I didn’t know you and the CEO are…”CEO? Who? Si Gavriel?Agad akong umiling. “Ah, no, Miss. You’ve got the wrong idea. He—I mean, Mr. Buenafe does not have that… kind of connection to us.”“Oh, my bad.” Pagak siyang tumawa.Lalapit na sana ako sa anak ko pero nagulat na lang ako, pati ang mga investor na kasama, nang tumayo si Gavriel habang buhat-buhat si Nathalie. As if ignoring the big shots, his eyes were focused only at me. “You’re…” His jaw clenched. “the mother of this girl?”Before I even got to answer, Nathalie yelled, “Yes, she’s my mom!” Parang nandilim naman ang paningin ni Gavriel sa narinig. Nagbasa ako ng labi, at napahinga nang malalim.“I’m really sorry about this, Mr. CEO. I’ll take my daughter back, so we won’t cause further distur—”“It’s alright.” Nilayo pa niya si Nathalie nang bahagya, saka humarap sa investors. “Please enjoy your meal, everyone. Let’s all meet at the conference room later.” Wala
Irish’s POVNAGISING ako na parang nililindol ang paligid ko.“Mommy! Mommy! Wake up!”Napangiti ako nang makita ang baby boy kong si Nathaniel na lumulundag sa kama.When I opened my arms to my son, he jumped right into my embrace. I kissed him on his forehead. “Good morning, my sweet Nathaniel.” “Good morning, Mom—”“Aaah!” Napabalikwas ako sa kama nang marinig ang tiling ‘yon at nagmamadaling pumunta sa sala. “Ang pretty naman ng gift mo sa ‘kin, Tito Reg!”I heaved a sigh when I saw my daughter holding the barbie doll Reg gave her. Akala ko naman kung ano na…“Hep, hep! What did you just call me, Nathalie?”Bumungisngis ang anak ko. “Ay, Tita Reg po pala.”“Where’s mine, Tito Reg? Why is Nathalie the only one with a gift?” si Nathaniel na nasa sala na rin pala, niyuyugyog pa ang braso ng bisita namin. He pouted even more when he saw his twin sister sticking her tongue out at him. Nagtaas ng kilay si Reg, sabay lingon sa akin. “Ano ba ‘tong anak mo, besh, nauubos na ‘yong Engli







