เข้าสู่ระบบ“Tumigil ka na sa mga kasinungalingan mo! Alam mo, nagsisisi ako kung bakit pa kita nakilala. Nagsisisi ako kung bakit pa kita pinakasalan. Wala kang kwentang babae! Isa kang basura! Isa kang gold digger! Sana, mamatay ka na!’” galit na sigaw ni Jerome sa asawa niyang si Chloe. “Kung mawawala ba ako, magiging masaya ka na ba?" parang may bikig sa lalamunan na tanong ni Chloe sa asawa. Pitong taon na silang kasal at nitong mga nakalilpas na dalawang taon, nalaman ni Chloe na may iba nang babae si Jerome. Ang dahilan ng biglang panlalamig nito sa relasyon nila, ay ang nalaman ni Jerome na ibenenta niya pati ang engagement ring niya para ipyansa sa ama niyang nagkaroon ng malaking utang dahil sa sugal. “Yes, kung mawawala ka, mas magiging masaya ang buhay ko. At least, tuluyan na ding mawawala ang pagkasuklam na nararamdaman ko sa iyo.” sagot naman ni Jerome. Ngunit, paano niya matatangap kung isang araw malaman niya na lang na ang asawang gusto niyang maglaho sa piling niya ay may malubha palang sakit? Sapat ba ang salitang sorry para maibalik ang lahat ng sakit na naidulot niya sa babaeng mahal niya? Pera ang pinagmulan ng galit niya kay Chloe, pero ang perang iyun ay wala palang halaga para madugtungan ang buhay nito.
ดูเพิ่มเติมCHLOE POV
“Jerome, seven years anniversary natin, pwede bang manatili ka muna dito sa bahay? Pwede bang samahan mo muna ako kahit na ngayung gabi lang?” nakikiusap na wika ko sa asawa kong si Jerome. Kakatapos niya lang magpalit ng panlakad na kasuotan at mukhang aalis na siya. Hindi ko na din mabilang kung ilang beses na akong nagmakaawa sa kanya na manatili muna siya dito sa bahay kahit ngayung lang pero naging bingi siya. Kahit na masama ang pakiramdam ko, buong maghapon pa rin akong nag-effort na naghanda ngayung araw pero mukhang wala yatang celebration na magaganap Dahil ang asawa ko, may balak na naman yatang sa ibang bahay magpalipas ng gabi “Kailangan ako ni Elara!” malamig ang tono ng boses na wika niya. Hindi ko naman mapigilan ang maluha Ang sakit! Mas masakit pa ang katagang binitiwan niya kaysa sa tuwing sinusumpong ako ng aking karamdaman. Isang malubhang karamdaman na hangang ngayun, alam kong wala siyang alam dahil ni minsan, hindi ko din naman sinabi Hindi sa gusto kong isekreto sa kanya ang tungkol sa sakit ko kaya ayaw kong sabihin sa kanya. Natatakot kasi akong baka kapag aamin ako, hindi niya ako paniniwalaan. Sasabihin niya na naman sa akin na pera na naman ang habol ko. At ayaw ko nang mangyari iyun. At kapag hindi niya mapagbigyan ang hiling ko ngayung gabi lang, natatakot ako na baka ito na ang huli. Sa susunod na anniversary namin, baka wala na ako. Pangalawang taon na anniversary na namin ito na hindi ko siya nakakasama dahil nasa kandungan siya ng ibang babae. “Jerome, kahit ngayung gabi lang. Hindi, kahit na labinlimang minuto lang. Kahit na samahan mo lang akong kumain ngayung gabi. Basta, nandito ka lang, please.” Kaagad naman siyang ngumisi. Tumitig siya sa mga pagkaing nakahain sa ibabaw ng lamesa at ang sunod niyang ginawa ay hindi ko inaasahan. Bigla na lang niyang tinabig ang mga pagkain. Ang pagkahulog noon ay naglikha nang malakas na pagbagsak at pagkabasag ng mga kubyertos sa sahig. Kaagad din nagkalat ang mga pagkain. “Litse! Sinabi kong kailangan ako ni Elara!!! Gaano ba kahirap sa iyo na intindihin ang bagay na iyan? Ha? Ano ba ang kailangan mo at ang kulit mo? Pera na naman ba? Kailangan mo na naman ng pera?” galit niyang sigaw sa akin. Hindi ko na mapigailan ang mapaiyak habang nakatitig ako sa mga pagkaing nagkalat sa sahig. Mga pagkaing pinaglaanan ko ng oras na mailuto buong maghapon kahit na nahihirapan na ang katawan ko. “Alam mo, kung hindi lang dahil sa mga magulang ko, baka matagal na kitang iniwanan eh!” muling wika niya At nagulat na lang ako nang bigla niya na lang ibinato sa akin ang tatlong pirasong tiglilibuhing perang papel “Ayan ang pera! Ayaw mo pa akong diretsahin na kailangan mo ng pera! Kailangan mo pa akong idaan sa drama mo para makuha mo ang gusto mo!” galit niyang muling wika kasabay ng pagkalaglag ng tatlong libong perang papel sa sahig Hindi ko naman mapigilan ang mapailing habang patuloy na sa pagpatak ang luha mula sa mga mata ko. “Jerome, hindi pera ang kailangan ko. Ikaw…ikaw ang kailangan ko!” umiiyak kong wika “hahahah! Hahaha! Patawa ka din eh! Alam mo, hangang ngayun, ang galing mo pa ring umakting. Lahat napapaniwala mo sa paluha-luha mong iyan! As if naman na kaya ka ganyan dahil pera lang naman ang habol mo sa akin. Nakalimutan mo na ba…pati engagement ring na ibinigay ko sa iyo noon, naibenta mo dahil mukha kang pera!” galit niyang sigaw. Pakiramdam ko, para akong sinampal ng makailang ulit dahil sa sinabi niya. Kung alam niya lang na ang perang iyun ay hindi naman talaga sa akin napunta. Bilang isang housewife na walang trabaho, nahihiya na din naman akong manghingi ng pera sa kanya. Nagipit lang talaga ako, may mga problemang dumating sa buhay ko na wala siyang alam at hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. "Fine, gusto mong mag stay ako para mai-celebrate natin ang anniversary natin, pagbibigyan kita!" muli niyang wika Wala sa sariling napaatras ako nang dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin. Tinitigan niya muna ako sa mga mata bago hinila patungo sa living room "Ayaw mo pa akong diretsahin eh! Alam ko naman ang kung ano ang nais mo, bitch!" galit na muling sigaw niya.CHLOE POVCHLOE POVHalos isang linggo na akong nakaratay sa loob ng ospital, pero ni anino ni Jerome ay hindi ko nasilayan.Sa bawat pagbukas ng pinto ng silid ko, umaasa akong siya ang papasok. Tuwing maririnig ko ang yabag ng mga doktor o nurse sa pasilyo, kusang napapalingon ang mga mata ko.Pero sa bawat pagkakataon, iba ang pumapasok.Hindi siya. Unti-unti nang nauubos ang pag-asang pilit kong kinakapitan.Sabagay, wala nga pala siyang pakialam sa akin. Wala din siyang alam tungkol sa sakit ko. Hindi niya din alam na may taning na ang buhay ko************Isang gabi, habang mahimbing ang tulog ng kasama kong pasyente sa kabilang kama, kinuha ko ang cellphone ko. Nanginginig ang mga daliri kong binuksan ang social media account ni Jerome.At doon...parang may libo-libong karayom na sabay-sabay tumarak sa puso ko.Nasa France siya.Masayang nakangiti habang yakap ang kanyang kalaguyo na si Elara. Sa bawat litrato ay halatang masaya silang magkasama, naglalakad sa ilalim ng Eiffel
CHLOE POV Hindi ko alam kung ilang minuto akong nawalan ng malay. Pero nang muli akong bumalik sa ulirat, nandoon pa rin ang sakit. Mainit ang dugong umaagos mula sa aking ilong. Nanginginig kong ipinatong ang isang kamay sa aking tiyan. “Baby...alam kong mahirap…pero, huwag kang mag-aalala, sa kabilang buhay, magkakasama pa rin naman tayong dalawa.” bigkas ko sa halos hindi ko na marinig ang sarili kong tinig. Sunod-sunod ang pagpatak ng aking mga luha. Hindi ko na alam kung alin ang mas masakit, ang ulo kong tila sasabog, ang dibdib kong halos mapunit sa pagtataksil ni Jerome, o ang takot na baka pati ang anak ko ay mawala sa akin. Sapilitan kong inabot ang cellphone na nahulog ilang dipa ang layo mula sa akin. Nanginginig ang mga daliri kong gumapang sa sahig na nababahiran na ng aking dugo. Isang dangkal na lang...kaunti na lang... Ngunit sa mismong sandaling mahahawakan ko na sana iyon, bigla na namang sumakit nang husto ang aking ulo. “Ahhh!” Napasinghap ako habang n
CHLOE POV “Chloe...” malumanay niyang sabi. “Huwag mong hiwalayan si Jerome. Mahal ka niya. Baka pagsisihan mo ang desisyong ginagawa mo ngayon.” Napatingin ako sa kanyang mga mata at doon ko nakita ang tunay niyang kulay. Panunuya, tagumpay at puno ng pangungutya. “Bitawan mo ako.” Malamig kong bigkas. Marahan kong hinila ang aking kamay ngunit, sa mismong sandaling nabawi ko ang aking braso, hindi ko inaasahan ang gagawin niya .Bigla na lang siyang sumigaw. “Aah!” At sa harapan naming dalawa ni Jerome, kusang bumagsak si Elara sa sahig. Mahigpit niyang niyakap ang sariling tiyan habang umiiyak. “Jerome,itinulak ako ni Chloe! Ang baby natin...” humahagulhol na iyak na para bang inapi siya ng sobra. Kaagad din namang nanlalaki ang mga mata ko sa pagkabigla. Sunod-sunod akong umiling. “H-Hindi. Hindi totoo iyan. Hi-hindi ko siya tinulak!” nanginginig ang boses na wika ko. Ngunit, huli na dahil naramdaman ko na lang ang isang malakas na puwersa ang humila sa akin. Kasun
CHLOE POV “What are you doing?” Malamig at puno ng disgusto ang tinig ni Jerome. Nagulat ako nang bigla niyang hablutin ang plato na hahawakan ko pa lamang. Sa isang iglap, buong lakas niya iyong ibinato sa sahig. Nagkalat ang basag na porselana sa buong dining area. Napaatras ako sa matinding gulat. Hindi ko namalayang nanginginig na pala ang buong katawan ko. Katatapos ko lamang ihain ang lahat ng pagkain. Akala ko... kahit papaano ay maaari akong makisalo sa hapag, gaya ng isang normal na asawa. Ngunit mali pala ako. “Hindi ka pwedeng sumabay sa amin,” malamig niyang sabi. “Hindi mo ba nakikita ang kusina? Ang dami pang hugasin. Linisin mo muna ang lahat bago ka kumain.” Hindi ako agad nakasagot. Nakatitig lang ako sa kanya habang unti-unting bumibigat ang dibdib ko. Sa harap mismo ng babaeng ipinagpalit niya sa akin... Sa sarili naming bahay...ginagawa niya akong katulong. “Jerome...” halos pabulong kong sabi. “Asawa mo ako.” Isang mapanuyang tawa ang kumaw


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.