FAZER LOGINIsang gabi, nagbago ang buhay ng beinte anyos na si Anastacia Castellano. Ang lalaking akala niyang magmamahal sa kanya habang-buhay ang siya ring dumurog sa kanyang puso matapos niya itong mahuli nang paulit-ulit na may ibang babae. Dahil sa matinding pagkabigo, nauwi siya sa isang gabing hindi niya inaasahan kasama ang isang estranghero. Pinili niyang kalimutan ang lahat at magpatuloy sa buhay. Ngunit makalipas ang isang buwan, natuklasan niyang buntis siya. Sa takot at upang protektahan ang kanyang mga anak, itinago niya ang kanyang triplets at pinalaki ang mga ito nang mag-isa sa loob ng limang taon. Ngunit paano kung ang estrangherong lalaking nakasama niya noon ay ang kanyang guwapo, mayaman, at makapangyarihang boss? Paano kung sa pagtatago niya ng lihim tungkol sa pagkatao ng mga anak ay sila rin pala ang magiging susi upang matuklasan kung sino ang kanilang ama? Pagtatagpuin kaya ng tadhana ang triplets at ang supladong tycoon?
Ver mais"BODY shots! Body shots!" malalakas na sigaw ng mga naglalaro ng truth or dare sa loob ng bar.
Maingay, madilim at mausok dahil sa mga sigarilyo ang makikita mo sa loob ng bar. Halos mapuno na rin ang mga lamesa ng mga tao. Grupo-grupo ang mga nasa bar. Mayroong nasa dance floor at mga naglalaro ng truth and dare. Sa isang sulok naman ay ang grupo nina Anastacia at mga kaibigan niya. Walang pakialam si Anastacia na panay ang tungga ng alak habang matalim na nakatingin sa isang pares na naghahalikan hindi kalayuan sa kanyang table. "Anastacia, stop..." saway ni Camille sa kanya. Sinundan nito ng tingin ang kanyang tinitingnan kanina. Nanlaki ang mga mata ni Camille. "Oh my! Is that true?" "Bakit anong nangyari? Alin ang totoo?" Usisa naman ni Sophia. "Tingnan mo doon, sa pinakadulo nitong mesa natin..." turong sabi ni Camille. "Who?" "It's Zach... may kahalikan na ibang babae." Sagot ulit ni Camille. Biglang napatingin sila kay Anastacia. Kahit madilim sa bar, alam nilang umiiyak na ang kanilang kaibigan. Nilapitan nina Camille at Sophia si Anastacia. Inakbayan nila pareho ito. "Hayaan mo na si Zach. Alam mo namang kilalang playboy 'yon. May magbabago pa ba sa lalaking 'yon," sabi ni Sophia na pinapagaan ang loob ng kaibigan. Pinunasan ni Anastacia ang mga luha sa kanyang mata. Saka muling kinuha ang baso na may lamang alak at ininom ang laman. Straight at walang itinira hanggang sa kahuli-hulihang patak. Malakas na ibinagsak niya iyon sa lamesa na ikinagulat nina Camille at Sophia. "Kaya ko rin ang ginagawa niya." She loves Zach more than her own life. But there's one thing she can't give him—her virginity. Kaya pakiramdam ni Anastacia, kaya ito nakikipaglaro sa iba't ibang babae ay para pilitin siyang magdesisyon na ibigay na rin dito ang kanyang virginity. But Anastacia made an oath to keep her virginity until marriage. Kung makakapaghintay si Zach hanggang sa araw ng kasal nila, saka lang niya ito hahayaang makuha ang kanyang katawan at buong puso. Narinig nina Camille at Sophia ang bahagyang panginginig ng boses ni Anastacia. Alam nilang hindi iyon simpleng galit. Nasasaktan na ang kaibigan nila. "Ana, huwag kang padalos-dalos," pigil agad ni Camille. Padalos-dalos? She's so calm. Kung hindi baka kanina pa niya nangudngod ang mukha ng babaeng kahalikan ng boyfriend niya. But she will stoop her low. Alam niya ang worth niya bilang babae. Biglang tumayo si Anastacia. Bahagya pa siyang muntik matumba dahil sa dami ng nainom ngunit agad ding nakabawi. "Bakit? Siya lang ba ang puwedeng magsaya?" mapait niyang tanong. Hindi na niya hinabol ng tingin si Zach. Sa halip ay nilibot niya ang buong bar hanggang sa may mahagip ang kanyang mga mata. Isang lalaki ang nakaupo mag-isa sa bar counter. Tahimik itong umiinom at walang pakialam sa ingay ng paligid. Nakasuot ito ng itim na polo na bahagyang nakatiklop ang manggas. Nakayuko lamang ito habang iniikot ang baso ng whiskey sa kamay. Huminga nang malalim si Anastacia. "Perfect." "Anastacia!" sabay na tawag nina Camille at Sophia na naglakad palayo. Ngunit hindi na siya lumingon. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa isang lalaking estranghero napukaw ang kanyang pansin. Nang maramdaman ng lalaki ang paglapit niya, marahan itong nag-angat ng tingin. Nagtagpo ang kanilang mga mata. "Wala bang may-ari ng upuang 'to?" tanong ni Anastacia habang itinuturo ang bakanteng stool sa tabi nito. Saglit siyang sinukat ng lalaki ng tingin bago bahagyang umiling. "Wala." Hindi na nag-atubili si Anastacia at umupo sa tabi nito. "Can I borrow you for a few minutes?" direkta niyang tanong. Bahagyang tumaas ang kilay ng lalaki. "For what?" Ngumiti si Anastacia, ngunit halatang pilit lamang iyon. "Gusto ko lang makita ng boyfriend ko na hindi lang siya ang kayang humanap ng kasama ngayong gabi. I mean, ex-boyfriend.""MR. MONTEVERDE, we still couldn't identify the woman who spent the night with you. We checked the hotel records and asked around, but no one matched the description you gave us," ulat ng kanyang tauhan na inutusan niyang hanapin ang babaeng naka-one night stand niya.Natigilan si Ethan.Three days.Tatlong araw na niyang ipinapahanap ang babaeng iyon, pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang nakukuhang kahit anong impormasyon tungkol sa babaeng iyon.Simula nang magising siya sa hotel room na wala na ang babae, hindi na niya ito maalis sa kanyang isipan.There was something about her na hindi niya maipaliwanag.Sa dami ng babaeng nagkakagusto sa kanya at kusang lumalapit, ngayon lang siya nakaranas na iwan ng isang estranghera nang walang paalam. Ni pangalan nito ay hindi niya alam. Pagkatapos talaga na may mangyari sa kanila basta na lamang iyon umalis.Sya sii Ethan Monteverde, dalawampu't limang taong gulang, CEO ng Monteverde Global Ventures at isa sa pinakabatang matagumpay na
"HINDI ko rin alam kung ano ang pumasok sa isip ko at nagawa ko 'yon. Nakipag-hook up ako with random guy. Sobra akong nasaktan sa ginawa ni Zach. Minahal ko siya buong buhay ko. Akala ko kami na ang ikakasal hanggang maka-graduate kami sa university," umiiyak pa rin saad ni Anastacia. Hinawakan ng mga kaibigan niya ang kanyang kamay. "Sorry kung napagsalitaan ka namin ng ganoon. Concern lang kami sa iyo, Anastacia..." sabi Sophia. "Naiintindihan ko. Mga kaibigan ko kayo, kaya nga tinatanggap ko ang kahit anong sabihin niyo. Alam kong mali ako, hindi ako dapat nagtiwala agad sa hindi ko kilala." Hindi masama ang loob ni Anastacia kina Camille at Sophia. Galit siya sa sarili niya. Pinayagan niyang makuha ng lalaking iyon ang virginity niya. Tahimik na nagkatinginan sina Sophia at Camille. Kitang-kita nila ang matinding pagsisisi sa mukha ng kaibigan. "Anastacia..." mahinang tawag ni Camille bago siya niyakap. "Hindi namin mababago ang nangyari. Pero ayokong isipin mong mag-isa ka
LAHAT sila ay nakatingin kay Anastacia, naghihintay sila ng sasabihin nito. Pakiramdam nila ay may itinatago ang kaibigan sa kanila. "Anastacia, simulan mo nang magkuwento," naiinip na sabi ni Camille. Nauumid pa rin siyang magsalita. Parang hindi pa rin kaya ni Anastscia aminin sa mga kaibigan niya ang kagagahan niyang ginawa. Napatayo bigla si Sophia. Hindi nito matagalan ang inaasta ni Anastacia. "Fine. If you don't want to tell us, then forget that we're all best friends. Naglilihim ka na sa amin ni Camille, Anastacia. At hindi ko matanggap na makakaya mo iyon..." Hinawakan ni Anastacia ang braso ni Sophia. "Calm down. Kung idadaan mo sa init ng ulo, lalong hindi ako makakapagsalita..." Napairap si Sophia at napilitang umupo. Huminga nang malalim si Anastacia. Hindi niya alam paano sisimulan ang kanyang kuwento. "I'm sorry kung pakiramdam niyo naglilihim ako sa inyong dalawa..." sabi niya. Sabay na napatingin sina Sophia at Camille sa kanya. Hinawakan niya ang
TUMUNOG ang phone ni Anastacia na ikinatigil niya. Kinuha niya iyon at sinagot ang call. "Anastacia, where did you go last night?" tanong ni Sophia sa kabilang linya. Ni hindi ito bumati sa kaibigan. 'Di malaman ni Anastacia kung aamin ba siya sa kaibigan tungkol sa nangyari kagabi. Huminga siya nang malalim. Tumikhim siya upang mawala ang bara sa kanyang lalamunan. Nang magkalakas ng loob siyang aminin ang lahat. Pati na ang pagkawala ng kanyang virginity. Hindi nila lubos maisip na magagawa iyon. Sobrang tanga niya. Nagtiwala siya sa isang estranghero. Hindi niya naisip ang kahihinatnan nito pagkatapos. But she said, she will never regret what happened. Bakit ngayon para siyang hindi makalimot sa kanyang katangahan? "Sophia..." "Anastacia, huwag mo akong bitinin. Hinanap ka namin kagabi. And we can't find you anywhere!" Tumaas na ang boses ni Sophia sa inis sa kanya. Kung sasarilinin ni Anastacia ang nangyari, baka kung ano pa ang maisip niya. Hindi rin siya mapapakali na ma

















![Cover your eyes baby [Series 1]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.