LOGINMABILIS na lumabas ng hotel room si Anastacia. Dahan-dahan pa niyang isinarado ang p***o para hindi makalikha ng ingay. Hindi niya na muling nilingon ang lalaking nakadapa na kumuha ng kanyang virginity. Wala na siyang pakialam kung sino ang lalaking iyon. Hindi naman na sila magkikita pa kahit kailanman. Iisipin niyang para lamang iyon sa experience.
Nagulat siya nang bumukas ang elevator ay marami itong sakay. Pumasok siya sa loob na itinatago ang mukha. Ayaw niyang may makakilala sa kanya, baka sabihin pa sa Mommy at Daddy niya. Tiyak na sermon ang aabutin niya. Pinagtitinginan siya sa loob ng elevator. Panay naman ang tago ni Anastacia ng kanyang mukha. "Nakakahiya...." bulalas niya sa isip. Panay din ang hila niya ng kanyang mini skirt na tumataas sa sobrang iksi. Nang tumunog ang elevator ay nasa ground floor na sila. Nauna pa siyang lumabas at nagmamadali sa paglalakad palabas ng hotel. Parang gusto na lang niyang lamunin ng lupa. Inabot siya ng umaga na ganito ang suot at may kasamang estranghero lalaki sa loob ng isang hotel room. Pagkalabas niya ng hotel ay pumara agad siya ng taxi. Wrong timing pa. Hindi niya nadala ang kanyang kotse dahil sa coding. "Kuya, sa Green Valley Subdivision. Castellano Residence..." sabi niya sa driver ng taxi. "Castellano? Alam ko iyon, hija." Simple lang siyang ngumiti sa matandang lalaki. Sino bang hindi nakakakilala sa mga Castellano? Her dad, Gabriel Castellano, ay isang magaling na negosyante. They own Castellano Crest Corporation. At siya si Anastacia Castellano, 20 years old, ang nag-iisang tagapagmana ng kanilang kumpanya. Tahimik na napasandal si Anastacia sa upuan ng taxi habang pinagmamasdan ang tanawin sa labas ng bintana. Hindi niya namalayang napabuntong-hininga siya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Hindi niya akalaing sa isang gabing dulot ng kalasingan at bugso ng damdamin ay mawawala ang matagal niyang iningatang puri sa isang lalaking hindi man lang niya nakilala. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Hindi niya makalimutan ang pulang mantsa sa bedsheet. Napailing-iling siya at mariing ipinikit ang mga mata. "Kalimutan mo na lang, Anastacia," bulong niya sa sarili. "Isang pagkakamali lang iyon." Makalipas ang ilang minuto ay huminto ang taxi sa harap ng malaking gate ng Castellano Residence. Pagkababa niya ay agad siyang nagbayad sa driver. "Maraming salamat po." "Mag-iingat ka, hija. Hindi tama na lumalabas ka na ganyan ang suot mo," nakangiting tugon ng matanda bago umalis. Tumango si Anastacia sa concern ng matandang lalaki. Umayos siya sa pagkakatayo at inayos ang sarili. Inumaga na siya ng uwi. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ng Daddy at Mommy niya kapag naabutan siya. Huminga muna nang malalim si Anastacia bago pumasok sa loob ng bakuran. Tahimik pa ang buong mansyon. Mukhang tulog pa ang karamihan sa mga kasambahay at maging ang kanyang mga magulang. Naglakad siya nang dahan-dahan, halos nakayapak ang bawat hakbang upang walang makarinig. Nang makapasok sa loob ng mansyon ay agad siyang nagtungo sa ikalawang palapag. Palapit na siya sa kanyang silid nang biglang may bumukas na p***o. Natigilan siya. "Anastacia Castellano?!" Nahigit niya ang kanyang paghinga. Pamilyar na boses ang kanyang narinig. Dahan-dahan siyang napalingon, at halos mawalan siya ng kulay nang makitang ang kanyang ama, si Gabriel Castellano. Nakatayo ito sa may pintuan at nakatingin sa kanya mula ulo hanggang paa. Katabi nito ang kanyang inang si Victoria Castellano. She cleared her throat. Saka naglakad palapit sa magulang. "Good morning, Mom and Dad," pilit niyang umaaktong normal pero sobrang kabado siya. Kinakabahang hinalikan ang kanyang Mom at Dad sa pisngi. Tumayo si Anastacia ng tuwid at pilit ibinaba ang laylayan ng kanyang suot na black mini skirt.PAGKALABAS ng university ay dumiretso silang magkakaibigan sa coffee shop. Para i-celebrate ang pagkawala ng virginity ni Anastacia. Celebration ba ito o pagluluksa? Parang gustong matawa ni Anastacia. "Order lang kayo kung among gusto niyo. Sky is the limit." Laking tuwa naman nina Sophia at Camille. Sa kanilang tatlo si Anastacia talaga ang pinakamayaman sa kanila. Nagkatinginan ang dalawa bago sabay na napangiti. "Narinig mo 'yon, Camille? Sky is the limit daw!" natatawang sabi ni Sophia. "Sigurado ka ba, Ana? Baka pagdating ng bill, himatayin ka," biro ni Camille. Umirap si Anastacia. "Hindi ako aatras. Umorder na kayo." Agad namang kumuha ng menu ang dalawa. "Isang caramel macchiato, cheesecake, at chicken sandwich sa akin," sabi ni Sophia. "Ako naman, iced mocha, pasta, saka red velvet cake," sunod ni Camille. Napailing si Anastacia habang nakangiti. "Kayo talaga. Sinamantala n'yo agad." "Sabi mo kasi sky is the limit," natatawang depensa ni Sophia. Nang makaa
"MR. MONTEVERDE, we still couldn't identify the woman who spent the night with you. We checked the hotel records and asked around, but no one matched the description you gave us," ulat ng kanyang tauhan na inutusan niyang hanapin ang babaeng naka-one night stand niya.Natigilan si Ethan.Three days.Tatlong araw na niyang ipinapahanap ang babaeng iyon, pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang nakukuhang kahit anong impormasyon tungkol sa babaeng iyon.Simula nang magising siya sa hotel room na wala na ang babae, hindi na niya ito maalis sa kanyang isipan.There was something about her na hindi niya maipaliwanag.Sa dami ng babaeng nagkakagusto sa kanya at kusang lumalapit, ngayon lang siya nakaranas na iwan ng isang estranghera nang walang paalam. Ni pangalan nito ay hindi niya alam. Pagkatapos talaga na may mangyari sa kanila basta na lamang iyon umalis.Sya sii Ethan Monteverde, dalawampu't limang taong gulang, CEO ng Monteverde Global Ventures at isa sa pinakabatang matagumpay na
"HINDI ko rin alam kung ano ang pumasok sa isip ko at nagawa ko 'yon. Nakipag-hook up ako with random guy. Sobra akong nasaktan sa ginawa ni Zach. Minahal ko siya buong buhay ko. Akala ko kami na ang ikakasal hanggang maka-graduate kami sa university," umiiyak pa rin saad ni Anastacia. Hinawakan ng mga kaibigan niya ang kanyang kamay. "Sorry kung napagsalitaan ka namin ng ganoon. Concern lang kami sa iyo, Anastacia..." sabi Sophia. "Naiintindihan ko. Mga kaibigan ko kayo, kaya nga tinatanggap ko ang kahit anong sabihin niyo. Alam kong mali ako, hindi ako dapat nagtiwala agad sa hindi ko kilala." Hindi masama ang loob ni Anastacia kina Camille at Sophia. Galit siya sa sarili niya. Pinayagan niyang makuha ng lalaking iyon ang virginity niya. Tahimik na nagkatinginan sina Sophia at Camille. Kitang-kita nila ang matinding pagsisisi sa mukha ng kaibigan. "Anastacia..." mahinang tawag ni Camille bago siya niyakap. "Hindi namin mababago ang nangyari. Pero ayokong isipin mong mag-isa ka
LAHAT sila ay nakatingin kay Anastacia, naghihintay sila ng sasabihin nito. Pakiramdam nila ay may itinatago ang kaibigan sa kanila. "Anastacia, simulan mo nang magkuwento," naiinip na sabi ni Camille. Nauumid pa rin siyang magsalita. Parang hindi pa rin kaya ni Anastscia aminin sa mga kaibigan niya ang kagagahan niyang ginawa. Napatayo bigla si Sophia. Hindi nito matagalan ang inaasta ni Anastacia. "Fine. If you don't want to tell us, then forget that we're all best friends. Naglilihim ka na sa amin ni Camille, Anastacia. At hindi ko matanggap na makakaya mo iyon..." Hinawakan ni Anastacia ang braso ni Sophia. "Calm down. Kung idadaan mo sa init ng ulo, lalong hindi ako makakapagsalita..." Napairap si Sophia at napilitang umupo. Huminga nang malalim si Anastacia. Hindi niya alam paano sisimulan ang kanyang kuwento. "I'm sorry kung pakiramdam niyo naglilihim ako sa inyong dalawa..." sabi niya. Sabay na napatingin sina Sophia at Camille sa kanya. Hinawakan niya ang
TUMUNOG ang phone ni Anastacia na ikinatigil niya. Kinuha niya iyon at sinagot ang call. "Anastacia, where did you go last night?" tanong ni Sophia sa kabilang linya. Ni hindi ito bumati sa kaibigan. 'Di malaman ni Anastacia kung aamin ba siya sa kaibigan tungkol sa nangyari kagabi. Huminga siya nang malalim. Tumikhim siya upang mawala ang bara sa kanyang lalamunan. Nang magkalakas ng loob siyang aminin ang lahat. Pati na ang pagkawala ng kanyang virginity. Hindi nila lubos maisip na magagawa iyon. Sobrang tanga niya. Nagtiwala siya sa isang estranghero. Hindi niya naisip ang kahihinatnan nito pagkatapos. But she said, she will never regret what happened. Bakit ngayon para siyang hindi makalimot sa kanyang katangahan? "Sophia..." "Anastacia, huwag mo akong bitinin. Hinanap ka namin kagabi. And we can't find you anywhere!" Tumaas na ang boses ni Sophia sa inis sa kanya. Kung sasarilinin ni Anastacia ang nangyari, baka kung ano pa ang maisip niya. Hindi rin siya mapapakali na ma
NATIGILAN si Anastacia. Hindi niya napaghandaan ang isasagot niya sa tanong ng ama."S-Sa house nina Sophia. Medyo late na po kasi at nalasing ako kaya hindi na nila ako pinauwi," sagot niya na hindi makatingin ng diretso sa Mommy at Daddy niya.Nanalangin siya sa kanyang isip na sana'y lumusot ang kanyang pagsisinungaling.Napabuntong hininga si Gabriel."I don't want to control your life. Pero gusto kong tandaan mo na hindi ka ordinaryong babae. Maraming nakatingin sa'yo. Isang maling desisyon lang, puwedeng masira ang pangalan mo at ng reputasyon ng pamilya natin."Tahimik na yumuko si Anastacia."I'm sorry, Dad. It won't happen again."Hindi niya alam kung totoo ba ang pangakong iyon. Dahil hanggang ngayon, hindi pa rin niya maalis sa isipan ang lalaking kanyang nakasama buong magdamag."When is your graduation, Anastacia?" tanong ng ina sa kanya.Napatigil si Anastacia sa pagsubo at tumingin sa Mommy niya."After two months po." Magalang niyang sagot.Nagkatinginan sina Gabriel a







