เข้าสู่ระบบToo Late, Husband: I Don't Love You Anymore Nang mag-viral sa social media si Jam Gonzalez at pagbintangang kabit ng libo-libong netizens, ang kanyang asawang si Clint Hawthorne ay abala sa pagsundo sa babaeng matagal nang laman ng puso nito. Sa loob ng tatlong taon ng malamig na pagsasama, itinago ni Clint ang kanilang kasal sa publiko. Pinakasalan niya si Jam hindi dahil sa pag-ibig, kundi dahil perpekto itong gumanap bilang isang huwarang asawa. Tahimik, maunawain, at laging handang magsakripisyo. Kaya naman naniniwala ang lahat na kahit gaano siya masaktan o balewalain, mananatili siyang tapat kay Clint. Nang kumalat ang balitang gusto ni Jam ng diborsyo, walang naniwala. “Hindi niya gagawin iyon,” kampanteng sabi ni Clint. “Masyado siyang matino para iwan ako.” At nang sabihin ng iba na baka seryoso na si Jam, ngumiti lamang siya. “Nagpapahabol lang iyon.” Ngunit sa pagkakataong ito, nagkamali siya. Dahil imbes na magmakaawa, tahimik na tinalikuran ni Jam ang lalaking minahal niya nang buong puso. Bumalik siya sa industriya ng entertainment at muling binuo ang buhay na minsang isinuko niya para sa kasal nilang walang pagmamahal. Habang sunod-sunod ang kanyang mga proyekto, parangal, at tagumpay, lalo siyang nagniningning sa ilalim ng spotlight. Mula sa pagiging babaeng kilala lamang bilang asawa ni Clint Hawthorne, naging isa siyang bituin na hinahangaan ng buong bansa. At saka lamang napagtanto ni Clint ang isang masakit na katotohanan. Hindi si Jam ang masuwerte dahil naging asawa niya. Siya ang masuwerte noon dahil minahal siya ni Jam. Ngayon, handa siyang gawin ang lahat para mabawi ang babaeng binale-wala niya. Ngunit paano kung huli na ang lahat? Nang lumuhod si Clint at muling hingin ang kanyang pagmamahal, isang malamig na ngiti lamang ang isinagot ni Jam. “I’m sorry, Clint. Hindi ko na kayang magpanggap na mahal pa kita.”
ดูเพิ่มเติมKabanata 1
Habang binabatikos si Jam sa social media bilang isang kabit, mabilis namang binabagtas ni Clint Hawthorne ang daan patungo sa paliparan. Nang buksan ni Jam ang kanyang cellphone, agad na bumungad sa kanya ang mga nangungunang trending topic. “Kabit si Jam Gonzalez!” Ilang segundo niyang tinitigan ang mga salitang iyon habang patuloy na tumataas ang engagement kada segundo. Hindi niya napigilang mapatawa nang mapakla. Nakakatawa. Ngayong araw sana ang ikatlong wedding anniversary nila ni Clint. Matagal na niyang nireserba ang restaurant. Ilang beses pa niyang kinumpirma ang schedule kay Clint para masigurong wala itong magiging problema. Mula alas-dose ng tanghali hanggang alas-tres ng hapon, naghintay siya. At gaya ng dati, hindi ito dumating. Ang tanging natanggap niyang tawag ay mula sa assistant ni Clint. May mahalagang taong kailangang salubungin si Mr. Hawthorne. Hindi raw nito matutupad ang usapan nila. Katulad ng nakasanayan, ngumiti lang si Jam kahit nasasaktan. “Okay lang.” Iyon ang lagi niyang sagot. Ngayon lang niya napagtanto kung sino ang tinutukoy na mahalagang tao. Ang babaeng matagal nang minamahal ni Clint. Ang babaeng hindi niya kailanman nakalimutan. Ang kanyang first love. Humigpit ang hawak ni Jam sa cellphone. Tatlong taon na silang kasal. Pero wala silang naging engrandeng wedding ceremony. Hindi siya ipinakilala ni Clint sa mga business partner nito. Hindi rin siya isinama sa social circle nito kahit minsan. Para siyang isang lihim na hindi dapat malaman ng mundo. Matagal na siyang nasanay na hindi makita. Ngunit hindi niya kailanman inasahan na isang araw ay tatawagin siyang kabit. Para sa isang artista, halos kamatayan sa karera ang ganitong klaseng iskandalo. “Jam, kailangan mong tawagan agad si Clint,” madiing sabi ng manager niyang si Jing. “Kung makikialam ang PR team nila, baka maagapan pa natin ‘to.” Saglit na natahimik si Jam. Alam na niya ang magiging resulta. Pero may maliit na bahagi pa rin sa puso niya na umaasang magkakamali siya. Dahan-dahan niyang pinindot ang numerong kabisado niya. Dalawang beses lang tumunog ang tawag. Pagkatapos ay agad na pinatay. Napapikit siya. Hindi na siya nagulat. “Hindi sumagot?” tanong ni Jing. Huminga nang malalim si Jam bago sumagot. “Second assistant niya ang sumagot.” Napakurap si Jing. Sa totoo lang, kahit siya ay nahihirapang intindihin ang sitwasyon. Si Jam ang legal na asawa. Pero para makausap ang sariling asawa, kailangan pa nitong dumaan sa assistant. At hindi pa pangunahing assistant. “Jam,” seryosong sabi ni Jing, “kakasimula mo pa lang ulit bumalik sa industriya. Kapag lumaki ‘to, mahihirapan kang makabangon.” Tumango si Jam. Pagkatapos ay muling d-in-ial ang numero ni Clint. Sa pagkakataong ito, may sumagot. Isang mababang boses na pamilyar na pamilyar sa kanya. “Who is this?” Parang may kung anong humigpit sa dibdib niya. Alam niyang mahigpit si Clint pagdating sa personal na impormasyon. Iilang tao lang ang naka-save sa personal phone nito. At malinaw na hindi siya kabilang doon. Napakurap siya bago mahinang nagsalita. “Honey... it’s me.” Kaagad na natahimik ang kabilang linya. Ilang segundo ang lumipas bago nagsalita si Clint. “I told you before. Huwag mo akong tawaging ganyan kapag nasa labas ako.” Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa ulo ni Jam. Nawala ang natitirang lakas ng loob niya. Kinagat niya ang labi. “May mga larawan kayong lumabas sa media. Pwede mo bang sabihan ang PR Team na—” Hindi pa siya tapos magsalita nang may marinig siyang boses ng babae. “Clint, who’s that?” Biglang sumakit ang dibdib ni Jam. Parang may matulis na bagay na marahang kumalmot sa puso niya. Narinig niyang sumagot si Clint. “It’s nothing.” Tumawa ang babae. “May nagtsi-check ba sa akin? Ang funny naman. Nasa twenty-first century na tayo.” May kung anong sinabi si Clint bilang pampakalma rito. Pagkatapos ay muling nagsalita sa telepono. “If there's anything work-related, coordinate with the company.” “Clint, I…” Hindi na niya natapos ang sasabihin. Pinutol na nito ang tawag. Unti-unting ibinaba ni Jam ang cellphone. Para siyang nawalan ng kakayahang gumalaw. Pagkaraan ng ilang sandali, muli niyang binuksan ang trending topic. Sa GIF na kumakalat online, makikitang maingat na inaalalayan ni Clint ang isang babae papasok sa sasakyan. Nakatagilid ang camera kaya hindi malinaw ang mukha nito. Pero kitang-kita kung gaano ito kaliit at kapino. Nang makita ng babae ang media, tila nagulat pa ito bago ngumiti at kumaway. Sampu-sampung libong komento na ang nasa post. [Kahit likod lang ni Clint Hawthorne, sobrang gwapo pa rin.] [Ang cute nila! First love really wins. Sila ang best couple of the year.] [Nasaan na ang clown? @Jam Gonzalez] [Nasaan ang kabit? @Jam Gonzalez] Tahimik na binasa ni Jam ang bawat salita. Pagkatapos ay binuksan niya ang pinto ng sasakyan. “Sandali.” Tinakpan ni Jing ang cellphone nito. “Saan ka pupunta?” “PR Team.” “Ano?” “Kakausapin ko sila nang personal.” Mabilis siyang nag-book ng ride. “Wala tayong oras. Kailangan itong maayos agad.” Isang oras ang lumipas. Huminto ang sasakyan sa harap ng Headquarters. Pagpasok pa lang niya sa lobby, napalingon agad ang receptionist. Una nitong napansin ang mahahaba niyang binti. Pagkatapos ay ang mamahaling kasuotan. Nakasuot si Jam ng Fendi runway suit na inihanda niya para sa anniversary dinner nila ni Clint. Simple ngunit elegante. Niyakap ng manipis na pearl belt ang kanyang baywang at lalo nitong binigyang-diin ang perpektong hubog ng kanyang katawan. Nakabagsak sa kanyang mga balikat ang mahahabang kulot na buhok. Kahit ang dulo ng bawat hibla ay parang maingat na inayos. Namula ang receptionist. “Good afternoon, Ma'am. Do you have an appointment?” Magalang na inalis ni Jam ang kanyang sunglasses. “I’m here to see Clint.” Agad siyang nakilala ng receptionist. Nanlaki ang mga mata nito. Jam Gonzalez Ang babaeng pinag-uusapan ng buong internet at ang diumano'y kabit. Halos mabilaukan ito. “Ah... sorry po.” Biglang naging alanganin ang tono nito. “Nasa airport po ang CEO namin para sunduin ang girlfriend niya. Kung gusto niyo pong makipagkita, kailangan pong dumaan sa visitor system.” Girlfriend. Napakagandang salita. Tatlong taon siyang asawa. Pero ngayon lang niya nalaman na may opisyal palang girlfriend si Clint. Hindi nagtagal ay nagmamadaling bumaba si Secretary Blake. “Madam.” Magalang itong yumuko bago siya inihatid sa elevator. Tanging nang magsara ang pinto saka ito muling nagsalita. “Madam, this way.” Napangiti si Jam. Isang mapait na ngiti. Madam. Sa buong kompanya, iilan lang ang nakakaalam kung sino siya. Huminto ang elevator sa ikadalawampung palapag. Conference room. Katabi nito ang pribadong elevator na diretsong umaakyat sa opisina ni Clint. Tahimik na pinindot ni Jam ang button. Kaagad siyang pinigilan ni Secretary Blake. “In my opinion, Madam, mas mabuting hintayin niyo na lang si President Hawthorne rito. May importante siyang bisita ngayon.” Parang direktang sagot iyon sa tanong na matagal nang bumabagabag sa kanya. Bumukas ang elevator at agad na nagtagpo ang kanilang mga mata. Nakatayo roon si Clint Hawthorne. Sa tabi nito ay isang magandang babae. May malalaking matang tila laging kumikislap. Mahigpit nitong nakakapit sa braso ni Clint habang nakangiti. Sa isang iglap, tumahimik ang buong paligid. Lahat ng mata ay nakatutok kay Jam. Lahat ay naghihintay ng gulo. Lahat ay naghihintay ng eksena. Ngunit si Jam ay hindi tumingin sa iba. Nakatingin lamang siya kay Clint. Umaasang may sasabihin ito. Kahit ano. Kahit isang salita lang.Kabanata 92Bahagyang ibinaba ni Clint ang tingin, tila may malalim na iniisip.Si Ashley naman ang nagsandok ng sabaw para sa kanya, inayos ang mga ulam na malapit sa kanya, at ipinagtimpla pa siya ng hand-drip coffee.Para silang tunay na mag-asawa."Clint, try mo."Nang makita ang kape, muling natahimik si Clint."Wait a minute. Papasamahan na lang kita kay Ella para maghanap ng matitirhan."Nagulat si Ashley.Akala niya dadalhin siya ni Clint sa condo nito sa business district ng Makati, pero hindi pala...Mukhang kailangan na niyang bilisan ang plano niya.Bandang alas-nuwebe ng umaga nang dumating si Jam sa kumpanya.Inalam muna niya kay Jing ang schedule niya sa mga susunod na araw, pagkatapos ay nagbasa sila ng script.Magsisimula na ang shooting ng project na in-audition-an niya makalipas ang dalawang buwan.Pagsapit ng hapon, may kumatok sa pinto ng opisina.Akala ni Jam ay si Luis. Pero ang pumasok pala ay ang investment banker na kasama ni Leandro noong huling project laun
Kabanata 91Labag sa loob na lumipat si Ashley sa maid's room.Binuksan niya ang maleta at dahan-dahang inilabas ang isang maliit na bote ng pills.Napakahirap niyang makuha ang mga iyon. Kayang pataasin ng mga ito ang excitement at may bahagyang hallucinogenic effect din.Sa totoo lang, hindi ito ang naging plano niya ngayong araw.Ang orihinal na balak ni Ashley ay pauwiin siya ni Clint sa condo nito sa business district ng Makati.Hindi rin naman masama kung sa lumang mansion siya mananatili. Maluwag ang bahay, kaya kahit may mangyari, hindi agad malalaman ng matanda.Maliban na lang kung si Clint mismo ang ayaw itong ilihim.Hindi lang niya inasahan na naroon din si Jam.Ibinuhos ni Ashley ang pills sa palad niya, saka umakyat sa study at kumatok sa pinto."Clint, are you there?"Walang sumagot mula sa loob.Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob at bahagyang binuksan ang pinto. Narinig niya ang tunog ng umaagos na tubig mula sa banyo.May gift box sa ibabaw ng desk, at may baso
Kabanata 90Nag-alangan si Flor at mukhang nahirapang magsalita."Sir Clint, pero...""Hindi siya puwedeng tumuloy rito!"Lumabas si Lola Lucy at sinulyapan si Ashley na balot sa coat at mukhang napakahina."Ashley, kilalang pamilya ang mga magulang mo noon. Huwag mong sabihing wala ka nang matuluyan ngayon?" Pagkatapos ay tumingin siya kay Clint nang may paninisi. "At ikaw. Sa edad kong 'to, ngayon lang ako nakakita ng lalaking may asawa na nag-uuwi ng ibang babae sa sariling bahay."Naglakad siya papunta sa sofa habang nakapamaywang ang dalawang kamay sa likod at marahang naupo. Para siyang isang matibay na bantay ng bahay."Kahit pa mahilig mag-ampon ng babae ang ilang walanghiya, sa labas nila ginagawa 'yon. Clint, gusto mo bang matulad sa mga ganoong lalaki?"Pagkarinig ni Ashley sa mga salitang iyon, namutla siya. Parang bigla siyang nahulog sa nagyeyelong lawa.Bahagyang nanginig ang katawan niya, na para bang hindi niya kayang pasanin ang bigat ng mga sinabi lalo pa't ang ibig
Kabanata 89Bakit naman siya bibili ng alahas kung hindi naman holiday?Malapit na rin ang birthday ni Clint, at hindi naman puwedeng bumili siya ng isang set tapos sasabihin niyang regalo niya iyon sa sarili niya.Marahan siyang huminga. "No need. Huwag nang gumawa ng walang silbing bagay."Bukod pa roon, hindi ba't tinanggihan din ni Jam ang bracelet na ibinigay niya noong nakaraan?Ano pa ang silbi ng pagmamadali?Kapag naibenta na ang mga collectible jewelry, hindi na kusang ibinubunyag ng brand kung sino ang collector.Hindi inasahan ni Jam na dalawang magkaparehong jewelry set ang makikita niya sa project meeting.Bagay na bagay kay Luis ang suot nitong set. Lalong lumitaw ang linaw ng asul na sapphire at bumagay iyon sa kanya.Ang isa pang set ay suot ng isang overseas investor.Nagpakilala si Leandro. "Ito ang head ng isang overseas investment bank, at siya rin ang isa sa mga evaluator ko."May kung anong mali agad na naramdaman ni Jam nang makita ang investor.Sadyang inilaga
Kabanata 45Pagkatapos ng laro, lumapit si Ashley habang nakangiti. Nakasuot ito ng puting golf dress na lalong nagpalitaw sa inosente nitong imahe."Clint." Tumawa ito. "You're getting better and better." Pinunasan nito ang noo. "Hirap na hirap akong habulin ka."Bahagyang ngumiti si Clint. "Pract
Kabanata 41Habang pinagmamasdan ni Jam ang papalayong likod ni Clint, isang mapaklang ngiti ang namutawi sa kaniyang mga labi.Napailing siya sa sarili.Ang ilang minutong init na naramdaman niya kanina ay isa lamang palang ilusyon.Isang panandaliang pagkakamali.Sa oras na dumating si Ashley, ag
Kabanata 42Sa loob ng maraming taon ng pagsasama nila, may isang bagay na natutunan si Jam kay Clint.Sa kahit anong negosasyon, huwag na huwag mong ipapakita sa kabilang panig ang tunay mong alas.Kapag nalaman ni Clint na wala na sa kaniya ang marriage certificate at pati ang bahay na dati nilan
Kabanata 36Pagpasok ni Jam sa opisina, agad niyang naramdaman na may mali.Hindi niya alam kung bakit siya ipinatawag ni Clint, pero base pa lang sa mukha ni Secretary Blake, alam niyang hindi iyon tungkol sa trabaho.Nakaupo sina Clint at Ashley sa sofa. Nakatayo naman sa magkabilang gilid sina S






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
ความคิดเห็นเพิ่มเติม