Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy

Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy

last updateLast Updated : 2026-06-15
By:  DockyUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
14views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"Paibigin mo ang daddy ko kapalit ng dalawang daang piso kada buwan. Be my mommy." Isang kakatwang kasunduan ang pinirmahan ni Myla kapalit ng perang gagamitin niya para sa pagpapagamot sa kaniyang ina. At ang mas nakakatawa? Isang limang taong bata ang mastermind. Paano kung magawang paibigin ni Myla ang malamig, walang puso, arogante at dominanteng CEO na si Raven Coast sa tulong ng anak nitong si Aleron? At ano ang gagawin niya kapag nalaman niyang ang batang kumidnap sa kaniya na nais siyang maging ina ay anak niya pala sa lalaking naka one night stand niya six years ago?

View More

Chapter 1

Kabanata 1 Kidnapping His Ideal Mommy

Myla’s POV

Mahigpit kong hinawakan ang sling ng bag ko habang ang hakbang ko ay unti-unti na ring bumibilis. Kahit anong gusto kong lumingon sa aking likuran ay pinilit kong panatilihin ang paningin ko sa aking harapan. Hindi naman na ‘to ang unang beses na may sumusunod sa akin. Ilang araw ko nang nararamdaman ang ganito na animo’y minamanmanan ako. Ngunit kumpara noong mga nakaraang araw, mas malala ngayon. Pakiramdam ko ay anumang oras, handa na talaga silang lapitan ako at gawin ang kung anong balak nila.

Mas hinigpitan ko ang yakap sa bag kung saan nakalagay ang mga pinagbentahan ko. Alam kong maliit na pera lang ‘to pero kailangan ko ‘to para mabayaran ang hospital bills ni mama at ang mga utang kong unti-unti nang lumolobo.

Mas bumilis ang hakbang ko nang halos marinig ko na ang yabag nila sa likuran ko. Mas lalong nanginig ang mga binti ko. Sobrang bigat ng mga paa ko na halos hindi na ako makahakbang pa dahil sa sobrang kaba.

“She’s running,” bulong ng isa. Mukhang nakahalatang alam ko nang sinusundan nila ako.

Sa pagkakataong ito ay sigurado na ako na ako ang target nila. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at tuluyan na akong tumakbo. Kailangan kong iligtas ang sarili ko. Hindi pa ako p’wedeng mamatay!

Mabilis akong tumakbo kung saan sigurado akong maraming tao. Isang kanto na lang at nasa main road na ako nang mabilis akong higitin ng kung sino sa eskinita.

“A-Aahh! B-Bitiwan mo ako, h-hindi na healthy ang lamang loob ko. Hindi mo na mabebenta ang mga ito, kaya pakawalan ninyo na ako! Promise, magbabayad ako ng utang ko,” sunod-sunod kong sambit habang pilit na kumakawala.

Wala naman akong ibang maiisip na gagawa ng ganito kung hindi ang mga loan sharks at mga online lending apps na pinagkakautangan ko.

“H’wag ka nang pumalag. Sumama ka sa amin,” banta ng kung sinong may hawak sa akin.

“S-Saan ninyo ako d-dadalhin? H-Hindi ako sasama sa inyo.” Paulit-ulit akong tumingin sa lalaking nasa harapan ko at umiling. “S-Sir, maawa ka po sa akin,” pakiusap ko.

Ngunit sa halip ay umiwas lang siya ng tingin at tumango sa mga kasamahan niya. Mukhang sila rin ang mga taong sumusunod sa akin nitong mga nagdaang mga araw.

“Buksan ninyo na ang sasakyan. Sabihin ninyo na rin si boss na nakuha na natin ang target at papunta na tayo sa lokasyon niya,” utos niya at saka niya ako marahang itinulak palapit sa sasakyan.

“S-Sir… maawa po kayo sa akin. Pakawalan niyo na po ako. Wala naman po kayong mapapala sa isang tulad ko,” pagsusumamo ko pero wala silang pakialam.

Nanginginig na ang buo kong katawan. Iniisip ko pa lang na kukunin nila ang mga lamang loob ko para ibenta ay nasusuka na ako. Paano na lang si mama, sino na ang mag-aalaga sa kaniya?

“Pasok na. Huwag mo nang sayangin ang oras namin at ni boss. Late na masyado para magpuyat,” aniya na parang kasalanan ko at late na ng gabi. Bakit parang kasalanan ko rin na mapupuyat sila at kung sino mang boss ang tinutukoy niya? Eh sila ‘tong sunod nang sunod sa akin!

Sa huli ay wala akong nagawa kung hindi ang kusang pumasok sa sasakyan. Tahimik akong naupo sa gilid. Hindi na rin ako nagtangkang manlaban dahil alam kong may kalalagyan ako kung gagawin ko ‘yon. Sa boss na lang nila ako makikiusap. Sana lang ay madali siyang kausap.

~~~

“Baba na,” utos ng lalaki pagkahinto namin sa tapat ng isang mataas na building.

Kumpara sa office na madalas kong makita tuwing magbabayad ako, malayong-malayo ‘to sa lumang building. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang magandang structure ng building at alam kong hindi basta-basta ang kung sinong boss na tinutukoy nila.

“A-Ah, e-excuse me—” Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay sunod-sunod na pumila ang mga lalaki sa magkabilang gilid ng daan. Hindi lang sila dahil may mga dumagdag pa! Mabilis silang yumukong lahat.

Agad akong napatingin sa paligid, ngunit nakuha nang papalapit na lalaking nakasalamin ang atensyon ko. Suot niya ang isang kulay navy blue na formal suits at bowtie. May suot din siyang isang kulay itim na shades kahit gabi na at ang buhok niya ay nakaayos na parang pinasadahan ng dila ng kabayo.

“Young master, good evening!” sabay-sabay nilang bati na nagpapitlag sa akin. Noon lang ako muling nakabalik sa realidad at nagpaalala kung ano ang nangyayari sa paligid ko.

“Y-Young master?” hindi ko makapaniwalang turan. Itinuro ko ang lalaking nakatayo sa harapan ko. Taas ang noo niya na kumukuha ng awtoridad… pero hindi ko magawang matakot.

Sino ang matatakot sa isang… batang may bilugan na pisngi, at kung titingnang mabuti ay nasa lima o anim na taong gulang pa lang ito.

“Ikaw, sumunod ka sa loob,” utos niya at hinubad ang suot na shades. Diretso siyang tumingin sa akin. Agad ko namang naituro ang sarili ko.

“A-Ako?” wala sa sarili kong tanong.

Ngunit sa halip na sagutin ako ay mabilis niyang ikinumpas ang kamay niya sa isang lalaki at tinalikuran na ako. Nauna na siyang naglakad papasok. Bago pa ako makapag-react ay hinawakan na ako ng lalaki sa braso at marahan niya akong hinila papasok sa engradeng building.

Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang batang lalaki na nakaupo na sa single sofa habang nakadek’warto ang mga paa. Hawak pa niya ang handle ng lollipop na nasa labi. Ngunit nang makita niya ako ay maangas niyang inalis ‘yon at itinuro ang isang sofa sa harapan niya.

“Myla Francisco, single yet you once had a baby. There’s also a huge debt under your name, so you work multiple jobs to pay it… and last, your mother is bedridden on the hospital.” Saglit siyang tumigil at tiningnan ang lollipop sa kamay niya. “Tama ba ako?”

“P-Paano mo nalaman ang lahat ng ‘yan? S-Sino ka ba? Sino ba kayo at ano ang kailangan ninyo sa akin?” naguguluhan kong tanong.

Tumikhim ang isang lalaki sa gilid. “He’s the Young Master Aleron from Coast family at siya ang rason kung bakit ka namin inimbitahan dito. Nais ni Young master na makipagnegosasyon sa iyo.”

Inimbitahan? Imbita ang tawag nila sa ginawa nila sa akin?!

“Negosasyon?” kunot-noo kong tanong.

Naguguluhan pa rin ako. Muli akong napatingin kay Aleron na nag-aayos pa ng bowtie niyang suot bago siya muling nagsalita. I didn't know this kid and regarding his motive kung bakit niya ako ipinadukot, hindi ko pa rin alam. Maybe, I should ask him?

Magtatanong na sana ako nang biglang nagsalita ang cute na bata.

“Gusto kong i-date mo ang daddy ko,” walang paligoy-ligoy niyang sambit na ikinalaki ng mata ko.

“D-Date?” singhap kong tanong. Napayakap ako sa aking sarili. “H-Hindi ako nagtatrabaho bilang isang bayarang babae…” bulong ko. “B-Bakit ako?”

Napabuga ng hangin si Aleron na parang pagod na sa kakapaliwanag sa akin kahit kakaumpisa pa lang naman niya.

“Kahit na hindi ka mukhang seryoso sa buhay at madalas na nakakatawa sa tingin ng ibang tao, maganda ka at sa tingin ko ay magugustuhan ka ni daddy.”

Napaismid naman ako sa sinabi niya. Ang simple naman pala ng standard ng daddy niya kung sinuman ‘yon.

“Seryoso ba kayo? Walang camera na nakatayo sa gilid?” Pinilit kong tumawa at tumingin-tingin. Baka biktima lang pala ako ng content ng kung sino.

“Tsk! Kier ipakita mo na sa kaniya,” walang gana niyang utos na mabilis na ikinatango ng lalaking tinawag niyang Kier.

Kusang sumunod ang tingin ko kay Kier nang kunin nito ang isang attach case sa gilid. Ihinarap niya sa akin ‘yon at mabilis na binuksan. Kulang ang salitang gulat para ipaliwanag ko ang nararamdaman ko nang bumungad sa akin ang umbok na perang nasa loob. Agad akong napalunok sa pagkatuyo ng lalamunan ko.

“Two hundred thousand pesos, unang sahod mo kung papayag ka sa alok ni Young Master Aleron. Kung magiging maayos ang trabaho mo ay mas madadagdagan pa ang halaga ng sahod mo kada buwan,” paliwanag ni Kier sa akin.

Two hundred thousand pesos kada buwan?!

“P-Pero—”

“At sisiguraduhin naming magagamot ang mama mo sa lalong mas madaling panahon. Magtatalaga kami ng magaling na doctor na mag f-focus lang sa kaniya,” dagdag ni Kier na hindi man lang pinatapos ang sasabihin ko.

“Kung payag ka sa negosasyon natin ngayon, tumayo ka na riyan dahil marami ang dapat na ayusin sa’yo,” singgit ni Aleron dahilan para muli akong mapatingin sa kaniya. Ang bata pa niya pero akala mo kung sino ng matured kung magsalita. At saka, napakabata pa niya para magpasahod ng six digits sa isang tulad ko buwan-buwan! And all of this, para lang paibigin ang daddy niya?

“At saan naman a-ako pupunta?” tanong ko kahit nahihiwagaan pa rin ako sa sitwasyon.

Sino ba naman ako para tumanggi sa ganitong bagay, kung kaya nilang gamutin ang mama ko… bakit hindi?

“Mag-aayos ka para makita mo na si daddy,” utos niya. “Your first day will start tonight.”

“H-Huh?” Agad-agad?!”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status