Se connecterPara kay Samara, ang kasal niya sa bilyonaryong neurosurgeon at CEO na si Dr. Cassian Valdez ay isang magandang panagini—hanggang sa matuklasan niya ang masakit na katotohanan. “I never loved her. She’s just a tool for my family. Durog ang puso, ibinuhos ni Samara ang lahat ng natitirang pagmamahal sa isang mapusok na huling gabi bago siya tuluyang umalis nang walang paalam. Ang hindi alam ni Cassian, iniwan niya ang mansyon na may bitbit na lihim— buntis siya sa anak nito. Limang taon ang lumipas. Ang dating martir na asawa ay nagbabalik na bilang si Aria—isang sikat at mayamang jewelry designer. Kasama niya ang apat na taong gulang na si Altair, isang bibo at matalinong bata na kamukhang-kamukha ng lalaking nanakit sa kaniya. Sa isang engrandeng exhibition, muli silang nagkaharap. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na papayag si Samara na tapak-tapakan uli. Todo-tanggi siya sa katotohanan, habang ang aroganteng doktor ay lumuluhod na ngayon sa harap niya para magmakaawa. Kaya ba ng isang tusong bata na paglapitin ang magulang niya, o tuluyan nang isasara ni Samara ang kanyang puso? Hanggang saan ang kayang gawin ng isang nagsisising bilyonaryo para bawiin ang pamilyang tinapon niya?
Voir plusSAMARA POV
May mga gabi na kahit anong lakas ng buhos ng ulan sa labas, mas naririnig ko pa rin ang sarili kong tibok ng puso. O ang kawalan nito.
Tumingin ako sa orasan sa dingding ng kusina. 2:14 AM.
Malamig na ang niluto kong hapunan sa lamesa. Dalawang taon. Dalawang taon ko nang ginagawa ang routine na ito. Naghihintay sa asawa kong si Cassian Valdez. Ang sikat na neurosurgeon at CEO ng Valdez Medical Group. Ang lalaking pinangarap ko noon pa man, pero naging simula rin ng sarili kong impiyerno.
Kasal kami, oo. Isang marangyang arranged marriage na pinalabas na fairytale sa media para isalba ang nalulubog na kumpanya ng tatay ko. Pero sa loob ng mansyong ito, ako lang ang nakakaalam kung gaano kalamig ang reyalidad. Para kay Cassian, isa lang akong responsibilidad. Isang obligasyon na kailangan niyang tiisin.
Narinig ko ang ugong ng makina ng kanyang sports car sa labas. Agad akong napatayo, inayos ang suot kong silk robe, at mabilis na pumunta sa p***o.
Bukas ang p***o ng opisina niya sa dulo ng pasilyo nang makapasok siya. Pero bago ko pa siya matawag, may narinig akong boses ng babae. Isang pamilyar na boses na nagpatigas sa buong katawan ko.
"Cassian, please... hanggang kailan ba tayo ganito?"
Si Evelyn. Ang ex-girlfriend niya na bigla na namang sumulpot sa buhay namin nitong mga nakaraang buwan.
Humakbang ako palapit, dahan-dahan, parang magnanakaw sa sarili kong bahay. Bahagyang nakabukas ang p***o ng opisina. At doon, parang sinaksak ng paulit-ulit ang puso ko sa nakita ko.
Evelyn was clinging to his suit jacket, her hands gripping his chest. Habang si Cassian naman, kahit mukhang pagod mula sa mahabang operasyon sa ospital, ay hindi siya itinutulak. He just stood there, letting her hold him.
"I told you to wait, Evelyn. It’s complicated," mababa at malalim ang boses ni Cassian. Ang boses na bihirang-bihira kong marinig dahil halos hindi niya ako kinakausap kapag kaming dalawa lang.
"Complicated? Dahil ba sa babaeng 'yon?" Evelyn sobbed, looking up at him with tearful eyes. "Dahil ba kay Samara? Cassian, asawa mo siya! Araw-araw akong namamatay sa selos habang naiisip kong magkasama kayo sa iisang bubong!"
Gusto kong sumigaw. Gusto kong pumasok sa silid at sabihing, *'Wala kaming ginagawa! Hindi niya ako hinahawakan!'* Pero nanatiling nakadikit ang mga paa ko sa sahig. Nanginginig ang buong katawan ko, naghihintay sa isasagot ng asawa ko. Nagbabakasakali na kahit kaunti, ipagtatanggol niya ang posisyon ko bilang asawa niya.
Pero nagkamali ako.
Huminga ng malalim si Cassian at hinawakan ang mga kamay ni Evelyn para ilayo ito sa dibdib niya, pero hindi niya binitiwan ang pagkakahawak dito.
"You don't have to be jealous of Samara," malamig na sagot ni Cassian. Bawat salita niya ay parang yelo na bumaon sa sistema ko. "I never loved her. She’s just a tool for my family. Pagkatapos ng contract na pinirmahan ng mga magulang namin, ibibigay ko rin sa kanya ang divorce na gusto mo. Sa'yo lang ako babalik."
I never loved her. She’s just a tool.
Parang nawalan ng hangin ang buong paligid. Ang mga luhang matagal kong pinipigilan ay tuluyan nang umagos sa mga pisngi ko. So, ganoon lang pala 'yon? Lahat ng pag-aalaga ko, lahat ng pagtitiis ko sa malamig niyang pakikitungo sa loob ng dalawang taon, basura lang para sa kanya? Isang tool. Isang kasangkapan.
Hindi ko na kaya. Bago pa nila ako mapansin, dahan-dahan akong umatras. Bawat hakbang ko pabalik sa kwarto namin ay parang pagtapak sa mga bubog.
Pumasok ako sa kwarto at ni-lock ang p***o. Napasandal ako sa kahoy na p***o habang dahan-dahang napaupo sa sahig. Doon ko ibinuhos ang lahat ng sakit. Niyakap ko ang sarili ko habang humihikbi nang walang tunog, natatakot na marinig nila ako.
I sacrificed my youth, my dreams, and my dignity for a man who treated me like an invisible object. Akala ko, kung magiging mabuti akong asawa, kung magiging masunurin ako, matututunan niya rin akong mahalin. Pero tanga ko. Dahil ang puso ni Cassian Valdez, nakalaan lang sa isang babae. At hinding-hindi ako 'yon.
Tumingin ako sa wedding ring ko. Kumikinang ito sa dilim, pero para sa akin, isa na lang itong kadena na sumasakal sa buhay ko.
"Tama na," bulong ko sa sarili ko, habang pinapahid ang mga luha sa mukha ko. Hinarap ko ang salamin at nakita ang isang babaeng sirang-sira na ang pagkatao.
I have hit my rock bottom tonight. Wala nang itatagal ang pagtitiis ko. Kung gamit lang ang tingin niya sa akin, mas mabuting umalis na ako bago pa ako tuluyang mawala sa sarili ko.
Bukas. Bukas na bukas din, tatapusin ko na ang kahibangan na ito.
SAMARA POV"Mommy, are you mad at me?"Nabasag ang katahimikan sa loob ng SUV dahil sa maliit na boses ni Altair. Tumingin ako sa kanya habang nakaupo siya sa car seat, nakayuko ang ulo at nilalaro ang strap ng gadget bag niya. Nawala ang pagiging bibo niya kanina; ngayon, mukha na siyang tutang natatakot.Huminga ako nang malalim at hinawakan ang malamig niyang kamay. "No, baby. Mommy is not mad at you. Medyo nagulat lang ako kasi umalis ka sa pwesto mo. I was worried.""I just wanted to help you, Mommy. Nakita ko yung picture nung man sa magazine mo sa Paris bago tayo lumipad dito. Sabi sa text, he's the big boss doctor of the hospital. I thought... if I talk to him, he will buy a lot of your diamonds," seryosong paliwanag niya, diretsong nakatitig sa akin gamit ang mga matatalinong mata niya.Napalunok ako. Kaya pala. Kaya pala ganoon na lang kadali para kay Altair na lapitan si Cassian at sabihin ang mga linyang iyon. My brilliant little boy tried to play matchmaker and business p
SAMARA POVNapatigil ang buong mundo ko habang nakatayo ako sa pagitan ni Cassian at ng anak ko. Ang amoy ng mint at cedarwood na pilit kong kinalimutan sa loob ng limang taon ay biglang sumakop sa espasyo ko. Ramdam ko ang mariing titig ni Cassian sa likod ko, pero nanatili ang paningin ko kay Altair."Altair," medyo may kalakasan at seryosong tawag ko sa anak ko. "I told you to wait for me, right? Bakit ka umalis doon?"Tumingala sa akin si Altair, hawak pa rin ang kanyang maliit na gadget bag. Imbes na matakot dahil seryoso ako, ngumiti pa ang gago kong anak—isang ngiti na carbon copy ng lalaking nasa likuran ko ngayon."Sorry, Mommy. Navigated to the wrong coordinate. I got lost," nakataas-kamay pang sabi ng bata na parang wala lang. Pero bago ko pa siya mahila paalis, narinig ko ang marahang pagtayo ni Cassian mula sa pagkakaluhod niya sa sahig."Aria?" Isang mababa, paos, at tila hindi makapaniwalang boses ang tumawag sa pangalan ko. Hindi 'Samara' ang tinawag niya kundi ang des
SAMARA POVLimang taon. Mahabang panahon para sa iba, pero para sa akin, mabilis na lumipas ang mga taon dahil abala ako sa pagbuo ng bagong buhay. Ang mahina, emosyonal, at sunod-sunurang si Samara Hidalgo na iniwan si Cassian Valdez sa Maynila ay matagal nang patay.Ngayon, kilala na ako sa mundo ng fashion at sining bilang 'Aria', ang lead jewelry designer ng isang sikat na French luxury brand. Pilit kong itinago ang tunay kong pagkakakilanlan para sa proteksyon ko, at lalo na para sa anak ko. Nakakatawa kung paano nagbabago ang ikot ng mundo. Ang babaeng itinuring lang na kasangkapan noon, ngayon ay pinag-aagawan na ng mga mayayaman para lang sa isang piraso ng dinesenyo kong alahas."Mommy, look! Parang spaceship yung ceiling!"Napatingin ako sa ibaba at agad na lumambot ang puso ko. Hinigpitan ko ang hawak sa maliit na kamay ng apat na taong gulang kong anak na si Altair. Naka-suot siya ng maliit na navy blue suit na terno sa pormal kong suot para sa grand exhibition ngayong gab
SAMARA POVHindi ako nakatulog nang gabing iyon. Nanatili akong nakaupo sa sahig ng walk-in closet, yakap-yakap ang mga tuhod ko habang pinakikinggan ang bawat kalabog ng pinto sa kabilang kwarto. Umalis na si Evelyn. Narinig ko ang sasakyan nitong umalis bago mag-alas tres ng madaling araw. Pero ang mga salita ni Cassian? Nanatili silang nakaukit sa utak ko, paulit-ulit na nagpaparusa sa akin.She’s just a tool.Alas kwatro na ng madaling araw nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng mismong master's bedroom ko. Hindi ko ni-lock ang pinto mula sa closet, kaya naman malinaw kong narinig ang mabibigat at tila pagod na mga hakbang ni Cassian.May amoy ng alak na humalo sa pamilyar niyang panlalaking pabango—yung paborito kong amoy ng mint at cedarwood na dati-rati ay nagpapakalma sa akin. Pero ngayon, nagdulot lang ito ng kakaibang kaba sa dibdib ko. Pinihit ko ang pinto ng closet at dahan-dahang lumabas.Doong ko siya nakita. Nakaupo siya sa gilid ng kama, nakatungo, habang maluwag na












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.