LOGINGov. Franco Villarreal, numero unong babaero pero mahigpit sa pamumuno sa probinsiyang nasasakupan. Ano ang gagawin niya kung bigla na lang dumating sa buhay niya ang isang maganda, sexy ngunit tatanga-tangang babae at maging personal maid niya? Ano ang gagawin niya kung sa paggising ay matagpuan niya ang personal maid sa kanyang tabi na walang kahit na anong damit sa katawan at pilitin siya ng mga magulang na ipakasal sa kinaiinisang maid? Paano kung malaman niya na may tinatagong lihim pala ang maid at naroon ito para sirain ang pamilya Villarreal?
View MoreFranco
“Georgina, putik naman. Ang ganda ganda ng pangalan mo. Bagay na bagay sa mukha mo, sana ay ibinagay mo na rin ang kukute mo!” Nagpipigil ako ng galit dahil nga babae ito kasabay ang pagsisikap ko na huwag makapagsalita ng hindi maganda ngunit dahil nga sa kaengotan niya ay hindi ako nagtagumpay.
“Eh pasensya na po Gov. hindi ho talaga ako marunong gumamit ng washing machine niyo na automatic.” Kakamot kamot pa ng ulo ang tanga habang nagsasalita.
"Eh di sana kinamay mo na lang!"
"Kamay naman ho ang ginamit kong pangpindot sa washing."
"Ibig kong sabihin sana kinusot mo ng kamay mo! Iisang piraso lang naman."
"Nagluluto ho kasi ako kanina, multitasking ba-- alam niyo yon?" sagot pa niyang nagpainit lang ng ulo ko.
Kung titignan ito ay mukha namang normal. Maganda pero hindi ko alam kung sexy dahil simple lamang ang damit na suot niya. Oversize t-shirt at leggings na hanggang kalahati ng binti niya ang haba. Ang buhok ay nakatali ng pony na parang basta lang ipinusod.
Aaminin ko, kahit ganon ay maganda pa rin siyang tignan. Ang nakakainis nga lang ay hindi ko malaman kung bakit parang ang tanga tanga niya.
“Anong gagawin ko dito ngayon? Itim dapat ang long-sleeved polo ko na ito pero pinaputi mo ng dahil sa clorox!” inis kong sabi. May a-attend-an akong party at ayaw ko sanang mag coat lalo at hindi naman daw iyon formal.
Marami kasi ang nagsasabi na bagay daw sa akin ang black dahil lalaking lalaki ang dating ko kapag ganon. Tapos itong personal kong katulong ay ginamitan daw ng clorox ng nilabhan niya iyon.
Bago ang damit pero hindi ako sanay na hindi iyon malabhan bago isuot. Ang nakakainis pa, wala na akong oras para bumili ulit.
“Eh kung ijobus ko kaya, Gov.?”
“Lintik yan, nag suggest ka pa talaga eh no? Sa tingin mo kagaya pa rin ng pagkabili ko ang kalalabasan non? Tsaka nag-iisip ka ba, paano kung kumupas yan kung sakaling bigla akong mabasa?”
“Bakit naman Gov. magkukupas, eh hindi naman swimming party ang pupuntahan mo? Ako ba ang hindi nag-iisip o kayo?”
“Georgina, pinapasakit mo ang ulo ko sa mga pagsagot sagot mo sa akin.”
“Ulo ho saan?” tanong niya pa na nagpalaki ng aking mga mata.
“Ulo ko Georgina, ito oh!” sabi ko sabay turo sa ulo ko. “Kahit na gaano ako kababaero ay hindi sasakit ang ulo ko sa baba ng dahil lang sayo!”
“Ang sakit niyo namang magsalita, Gov! Para niyo na ring sinabing ang pangit ko samantalang kakasabi niyo lang na kasing ganda ko ang pangalan ko!”
“At may nagsabi ba sayong maganda ka?” inis ko pa ring tanong kahit ba maganda naman talaga siya.
“Oo naman po! Yung mga bodyguard niyo, sabi ang ganda ko raw.”
“Pwes ibahin mo ako sa kanila. Iba ang definition ko ng maganda,” tugon ko.
“Sus parang kahit posteng suutan ng palda ay papatusin niyo naman…” sabi niya sa mahinang tinig ngunit dining na dining ko pa rin.
“Georgina!” inis kong sigaw.
“Eh kung ayaw niyo ng solusyon ko ano pa ho ang gusto niyong gawin ko? Kung bilhan ko kayo ng bago?”
“Hindi na, iwan mo na lang ako at ibang damit na ang susuotin ko!”
“Sige ho, lalabas na.” Tumalikod na siya sa akin at nagsimulang lumakad palabas ng aking silid. Pero habang ginagawa iyon ay bumubulong bulong pa ito na sigurado akong sinasadya niyang marinig ko.
“Ang daming sinabi eh okay naman na pala…. Ang init nang ulo kapag hindi naibabaon ang kamote niya eh.”
Napailing na lang ako kasabay ang paghagod ng aking alon alon at hanggang balikat na buhok. Kumuha ako ng tuwalya at tsaka pumasok sa bathroom.
Nang makapaligo ay nagpunas lang ako ng katawan bago lumabas habang pinupunasan ang aking buhok. Dahil kwarto ko naman ay hindi na ako nag-abala pa na magtapis ng katawan.
“Ahhh!!! Manyak! Bastos!” tili ni Georgina. Agad ko namang itinakip ang tuwalyang hawak ko sa aking katawan dahil nanlalaki ang mga mata niya na titig na titig sa junior ko.
“Hoy! Dito ka sa mukha ko tumingin! Eyes here!” Itinuro ko pa ang aking mukha matapos kong iwagayway ang kamay ko sa harap ng mukha niya para lang kunin ang atensyon niya.
“Ano ba naman Gov.! Hindi man lang kayo magtapis!”
“Kwarto ko ito, Georgina! Tsaka bakit ka ba nandito na naman?” Tapos na akong takpan ang junior ko at nakapamaywang na akong humarap sa kanya.
“Eh sabi ho ng tatay niyo ay siguraduhin niyo raw na hindi kayo uuwing lasing dahil kailangan maaga tayong bumalik sa isla bukas. Naalala ko lang na sabihin sa inyo.”
“Ilang ulit mo ng sinabi sa akin yan, sa tingin mo hindi ko maaalala?”
“Paalala lang naman, Gov. Alam niyo naman na kahit na anong mangyari ay susundin ko ang tatay at nanay niyo.”
Napahawak ako sa aking sentido at tsaka minasahe iyon. Talagang sumasakit ang ulo ko kapag kinakausap ko ang babaeng ito.
“Naku Gov., akina at mamasahiin ko kayo, masakit ho ba?” sabi niya sabay lapit sa akin.
Inangat niya ang kanyang mga kamay para hawakan ang aking ulo at mukhang may balak nga na masahiin ako kaya agad ko siyang pinigilan.
“Stop, stop, stop…” sunod sunod kong sabi. Ang nangyari ay nahawakan ko ang kanyang mga kamay at nagkatitigan pa kami.
Nakatingala siya sa akin habang nakayuko naman ako sa kanya. For a moment ay parang biglang super ganda niya sa paningin ko, huwag lang niyang ibubuka ang kanyang bibig.
“Aba Gov., kalmahan niyo lang.” Kakasabi ko lang eh, nagsalita na agad.
“Bakit?” tanong ko.
“Ang paraan ng pagkakatingin niyo sa akin ay parang ngayon lang kayo nakakita ng maganda aba!”
Ipinikit ko ang aking mga mata at nagbilang ng hanggang tatlo sa aking isip.
“Lumabas ka na, Georgina. Bago ko pa mapilipit ang leeg mo ay lumayo ka na sakin.”
“Sus, para jino-joke lang kayo eh.” Agad niyang hinila ang kanyang mga kamay na hindi ko namalayang hawak hawak ko pala.
Nakakainis, palingon-lingon pa siya sa akin habang naglalakad papunta sa pintuan. Napailing na lang ako ng tuluyan na siyang mawala sa paningin ko at maisara ang pinto.
GeorginaAnong sinasabi nito?Anong naisipan niya para sabihin yon?“Franco, matanda ka na. Alam mo ba kung ano ang puwedeng sabihin ng mga tao kapag nalaman nila ang ginawa mo?” Seryoso ang mukha ng dating gobernador. Aakalain ng kahit sinong makakarinig na talagang hindi puwedeng mabali ang sinabi niya.“What happened was a mistake. Georgina and I were both drugged!”“Oo nga po, Sir Kiko. Mananatiling tikom ang bibig ko. Hindi ko ipagkakalat dahil talagang nakakahiya. Sabihin na lang ng mga tao ay wala na akong ibang nakitang lalaki. Na basta na lang may lawit ay pinatulan ko.”“Teka, anong sinasabi mo?” asar na tugon ni Franco. “Nagsasabi lang ako ng totoo, Gov. Alam naman ng lahat ang reputasyon mo at para sa akin, nakakahiyang malaman ng iba ang tungkol sa malaking pagkakamaling naganap.” Ang sama ng tingin na ibinigay sa akin ni Franco.“Georgina, hija. Babae ka, paano kung mabuntis ka dahil sa nangyari?” singit ni Cataleya, bakas sa mukha niya ang genuine na pag-aalala sa akin
GeorginaDahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at feeling disoriented pa ako na parang may agiw pa ang utak ko.Bumangon ako sabay kamot ng aking ulo bago tumingala, tsaka pinaikot iyon bilang exercise at pinatunog ang aking leeg. Nakasanayan ko ng gawin ito sa tuwing nagigising.Patayo na ako ng biglang may pumigil sa akin na kung anong mabigat. Naikunot ko ang aking noo at yumuko. Doon ko nakita ang braso na nasa tiyan ko habang ang kamay ay humahagod sa tagiliran ko na tila ba nagugustuhan nito ang ginagawa.“Mmm…” Lumingon ako sa aking kaliwa kung saan nagmula ang tila pag-ungol. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko si Franco Villarreal na ngayon ay unti-unti ng dumidilat.“Ahhhhhh!!!!!!!!!!!” sabay naming sigaw. Pagkatapos ay biglang bumukas ang pintuan ng silid kasunod ang pagpasok ng mga magulang ni Franco.“Georgina!” bulalas ni Ma'am Cataleya.“Ma'am!” malakas kong sabi din.“Franco!” Si Sir Kiko naman ang siyang nagsalita. Nanlalaki ang mga matang nakatingin sa anak
Mature ContentGeorginaNagkakasiyahan na sila, pero ako ay nakamanman lang sa paligid. Pinapanood ang bawat kilos ng lahat at naghahanap ng pagkakataon para makapasok sa opisina ni Kiko Villarreal.Dalawang buwan na akong personal na katulong ni Franco ngunit hindi pa ako magkaroon ng pagkakataon na makapasok sa opisina ng kanyang ama na si Kiko Villarreal na siyang dahilan kung bakit ako nandito.Nakita ko ng pumasok sa kanyang silid ang manyak na governor na hinatid pa ng kanyang ina na bumalik na rin sa baba pagkatapos para samahan ang asawa. Pinakiramdaman ko pa ang paligid at sa palagay ko ay pwede ko ng subukan na pasukin ang study room ni Kiko. I was on my way ng bigla kong matigil sa paglakad ng biglang may tumawag sa akin. “Georgina!” Paglingon ko ay ang nakangiting mukha ng ina ni Franco ang nakita ko.“Ma'am Cataleya, may kailangan po kayo?” nakangiti ko ring bati. Mabait ang ginang sa totoo lang. Very down to earth kahit na nga sobrang yaman niya. Pero hindi nababago n
Franco"Sinabi ko na sayo, hindi ko tatanggalin si Georgina.” Hindi ko talaga maisip kung bakit ganun na lang ang pagpipilit ng aking ama na panatilihin sa tabi ko ang babaeng kagit na 'yon na ginawa na yatang hobby ang pambabara at pagsagot-sagot sa akin.Isang oras na ang nakalipas ng makarating ako ng bahay.“Hindi mo naman siguro balak na gawing kabit ang babaeng yon.” “Franco!” bulalas ng aking ama. Kitang-kita ang disbelief sa kanyang mukha.“Nagtatanong lang, alam ko naman na hindi mo magagawang saktan si Mommy.”“Talagang hindi,” mabilis niyang tugon. Mula pagkabata ay nakita ko na kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa. Kahit ang buong probinsya ng Catanduanes ay nakita iyon. Kaya lang, wala na akong maisip na ibang dahilan para hayaang manatili sa tabi ko ang Georgina na 'yon."Sumasakit ang ulo ko sa babaeng 'yon, Dad,” sabi ko habang napapailing pa.“Sigurado ako na mabait siyang bata, Franco. Bakit hindi mo iyon makita?” tanong naman ng aking ama. "Kahit ang mommy mo ay g



![My Ex's Uncle Is My Husband[FILIPINO]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)








Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.