My Billionaire Daddy

My Billionaire Daddy

last updateLast Updated : 2026-07-02
By:  JENuinely EMUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
20Chapters
5views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

After being betrayed and framed by her boyfriend and her best friend, Alliyah Monteverde found herself drowning in heartbreak. Isang gabi, habang pilit niyang kinakalimutan ang lahat ng sakit, nakilala niya ang isang misteryosong estranghero. One unforgettable night changed everything. Kinabukasan, nagising siyang katabi ang lalaking hindi niya kilala. Dahil sa hiya at guilt, nag-iwan siya ng pera sa bedside table bago tahimik na umalis. Hindi niya alam na ang lalaking iniwan niya ay si Darf Montenegro—the cold, powerful, at billionaire CEO everyone feared. Nainsulto si Darf nang makita ang perang iniwan ng babae.

View More

Chapter 1

Chapter 1: The Night Everything Changed

The rain poured heavily over the city, matching the storm inside Alliyah Monteverde’s heart.

Standing outside the grand hotel where she had planned to celebrate her third anniversary with her boyfriend, she stared blankly at the phone in her trembling hands. Ilang beses na siyang tumawag kay Kyle, pero paulit-ulit lang itong nagri-ring bago tuluyang maputol.

“Busy ba talaga siya?” bulong niya sa sarili habang pilit na ngumingiti.

May dala pa siyang maliit na gift bag. Sa loob noon ay isang mamahaling relo na ilang buwan niyang pinag-ipunan. Plano pa nga niyang sabihin kay Kyle ang matagal na niyang gustong marinig at sabihin.

Na gusto na niyang bumuo ng pamilya kasama ito.

Napailing siya.

“Hindi naman siguro ako iiwan ni Kyle…”

Ngunit bago pa siya makapasok sa hotel, biglang may pumasok na notification sa cellphone niya.

Isang anonymous message.

“If you don’t want to look like a fool, Room 1808. Hurry.”

Kumunot ang noo ni Alliyah.

Spam lang ba iyon?

Pero may kakaibang kaba siyang naramdaman.

Hindi niya alam kung bakit, pero tila may kung anong nagtutulak sa kanya na sundan ang mensahe.

Pagdating niya sa eighteenth floor, mabagal siyang naglakad papunta sa Room 1808.

Habang papalapit, mas lalo siyang kinakabahan.

At nang marinig niya ang pamilyar na halakhakan mula sa loob ng kwarto…

Parang tumigil ang mundo niya.

Dahan-dahan niyang itinulak ang bahagyang nakabukas na pinto.

Kasabay noon ang tuluyang pagkabasag ng puso niya.

“K-Kyle…”

Napaluhod siya.

Sa kama ay naroon ang boyfriend niyang halos tatlong taon niyang minahal.

Ngunit hindi ito nag-iisa.

Katabi nito ang kanyang matalik na kaibigan na si Vanessa.

Pareho silang halos walang saplot.

Nagulat ang dalawa nang makita siya.

“Alliyah!”

Tumayo si Vanessa habang nagmamadaling balutin ang sarili ng kumot.

Hindi na nagsalita si Alliyah.

Nanginginig lang siyang nakatingin sa kanila.

Pakiramdam niya ay may humihigpit sa dibdib niya.

Hindi siya makahinga.

“Please… let me explain,” sabi ni Kyle habang lumalapit.

“Explain?”

Napatawa si Alliyah.

Isang mapait na tawa.

“Ano pa ang ie-explain mo? Nakikita ko na.”

Hindi niya namalayang tumutulo na pala ang luha niya.

Tatlong taon.

Tatlong taon niyang ibinigay ang lahat.

At sa isang iglap…

Wala na.

Hindi siya ang pinili.

Mas masakit pa roon, ang babaeng kasama nito ay ang taong itinuring niyang kapatid.

“Sorry, Ally…” umiiyak na sabi ni Vanessa.

“Don’t call me that.”

Matalim ang tingin niya rito.

“Wala na akong kaibigan.”

Huminga nang malalim si Kyle.

“Actually… may gusto rin kaming sabihin.”

Napakunot ang noo ni Alliyah.

“Ano pa?”

Nagkatinginan ang dalawa.

At ang sumunod na sinabi ni Kyle ang tuluyang dumurog sa kanya.

“We’re getting married.”

Parang may sumabog sa loob ng utak niya.

Hindi siya makapaniwala.

Napaatras siya.

“Congratulations.”

Iyon lang ang sinabi niya bago tumalikod.

Wala siyang lakas para makipagtalo.

Wala na ring saysay.

Hindi niya alam kung gaano katagal siyang naglakad.

Hindi niya namalayang napunta siya sa hotel bar.

Isa…

Dalawa…

Tatlo…

Sunod-sunod ang ininom niyang alak.

Hindi siya mahilig uminom.

Pero gusto niyang makalimot.

Gusto niyang patahimikin ang sakit.

Hanggang sa may isang lalaking naupo sa tabi niya.

Matangkad.

Naka-itim na suit.

Tahimik.

Hindi ito nagsasalita.

Nag-order lang ito ng whiskey.

Napatingin si Alliyah dito.

Gwapo.

Sobrang gwapo.

Pero mukhang masungit.

“Bad day?” tanong ng lalaki nang hindi man lang siya nililingon.

Napangiti siya nang mapait.

“Worst day.”

Tumango ang lalaki.

“Same.”

Nagkatinginan sila.

Sa unang pagkakataon ngayong gabi…

May taong nakaintindi sa nararamdaman niya kahit walang maraming salita.

Hindi nila tinanong ang pangalan ng isa’t isa.

Hindi nila ikinuwento ang buhay nila.

Dalawang estranghero lang silang parehong sugatan.

Habang lumalalim ang gabi, mas dumadami ang kanilang usapan.

Minsan tumatawa.

Minsan tahimik lang.

Pareho nilang sinusubukang takasan ang sakit na dinadala nila.

At nang sumapit ang hatinggabi…

Nagpasya silang sabay na umalis.

Pagpasok nila sa elevator, nagkatinginan silang muli.

Walang salita.

Walang pangako.

Tanging isang desisyong pareho nilang pinili sa sandaling iyon.

Habang nagsasara ang elevator doors, tuluyang naglaho ang ingay ng mundo sa paligid nila.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
20 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status