mMalakas ang ulan nang matapos ang meeting ni Darf Montenegro sa business district.Tahimik siyang naglalakad palabas ng building habang nakasunod si Ethan, dala ang tablet at ilang dokumentong kailangang pirmahan.“Sir, may conference pa po tayo sa Singapore next week.”“Move it.”“Sir?”“I said move it.”Hindi na nagsalita si Ethan. Alam niyang hindi magandang kontrahin ang amo kapag ganito ang mood nito.Paglabas nila ng lobby, biglang napansin ni Darf ang isang babaeng naglalakad sa kabilang side ng kalsada.Simple lang ang suot nito—isang cream-colored blouse, black slacks, at flat shoes. Wala itong mamahaling bag o alahas, ngunit may kakaibang dating.May hawak itong payong habang maingat na naglalakad sa basang bangketa.Hindi niya makita nang malinaw ang mukha nito dahil bahagyang natatakpan ng buhok.Pero…May kung anong pamilyar.Hindi niya maipaliwanag.
Last Updated : 2026-06-29 Read more