تسجيل الدخولTatlong taon na ang lumipas mula noong ikasal sila pero hindi pa rin makuha ni Czarina ang pagmamahal at atensyon ni Zayden. Palagi nalang ibang babae at trabaho ang pinipili ng lalaki at tiniis niya iyon. "Let's get a divorce..." sabi ni Czarina matapos siyang pagalitan ni Zayden dahil sa isang aksidente na hindi naman siya ang may kasalanan. Puno ng galit at pagkadismaya ang puso ng babae. Namumutla at nanginginig ito pero ni kamustahin siya ay hindi ginawa ni Zayden, bagkus ay inaway pa siya nito. Doon niya naramdaman na wala lang talaga siya sa buhay ng lalaki. Nagulat si Zayden sa narinig ngunit hindi niya iyon sineryoso, sa pag-aakala na isa lang iyon sa mga kaartehan ni Czarina. Ngunit mula ng araw na iyon ay hindi na umuwi ang babae. Nadatnan nalang ni Zayden na wala na ang mga gamit nito at may pirmado ng divorce papers sa mesa. "Fvck..." Binigyan niya ng ilang araw ang babae sa pag-aakala na babalik din ito. Pero sa ilang beses nilang pagkikita ay unti-unti niyang nare-realize na hindi na babalik sa kanya si Czarina. Nagulat na lamang si Czarina ng isang araw na pumunta si Zayden sa kanya na lasing, mugto ang mata, at nagmamakaawa. "Come back home, please..." he begged. "Let me be your husband again."
عرض المزيد"ARE YOU DAMN CRAZY?!"
Namula ang pisngi ni Czarina sa hiya dahil sa lakas ng sigaw ni Zayden, ang kanyang asawa. Napatingin ang karamihan ng tao sa gawi nila. Sa kabila ng bulungan, ay nanginginig pa rin sa takot at sa lamig si Czarina habang balot na balot ng tuwalya. "Nakita mo na ang ginawa mo? If you want to die, die alone. Huwag kang mandamay ng ibang tao," galit na sabi ni Zayden. Madilim ang mukha nito at hindi na kinokontrol ang sinasabi. "Bro, stop it, you're scaring her--" Itinulak ni Zayden ang kamay na humarang sa kanya kay Czarina. Kinakabahan ang babae sa mga mata ni Zayden, na animo'y handa siyang saktan ano mang oras. Namumula na ang pisngi at ilong ni Czarina at mukha na itong kaawa-awa pero walang pakielam doon si Zayden. "Zi--" nanginginig na sabi ni Czarina. "Stop calling me with that name!" Dumagundong sa buong area ng pool ang boses ni Zayden. "Hanggang kailan ka ba magiging ganito, ha? Bakit ba lagi mo nalang sinasaktan si Chloe? May masama ba siyang ginawa sa'yo?" Umiling-iling si Czarina. Sumisikip ang dibdib niya at naluluha na siya sa dire-diretsong matatalim na salita ni Zayden. Gusto niyang ipagtanggol ang sarili pero tila sarado na ang utak ng lalaki para pakinggan pa siya. "Hindi ko siya tinulak--" "Oh, come on!" His brows drew together. "At ano sana ang nangyari? We were all here. Alam namin na kayo lang ang dalawang nandito kanina. Alam kong hindi tatalon si Chloe diyan o ipapahamak ang sarili niya dahil takot siya sa tubig. And you also know that!" "Zi--" Hinila ni Zayden ang braso ni Czarina palabas ng resort. Nagpumiglas ang babae. "Magso-sorry ka ngayon din kay Chloe. You're being unreasonable, Czarina." Nalaglag ang panga ni Czarina sa narinig. Kumuyom ang dalawang kamao niya at sa mga sandaling iyon ay nahirapan siyang huminga. Hindi niya tinulak si Chloe. Nakikipagtalo ito sa kanya kanina at nagtangka ang babae na itulak siya sa pool. Czarina is afraid of waters. Noon ay hindi siya takot maski gaano kalalim pero mula noong mangyari ang kidnapping incident four years ago, deep waters and pools scared her to death. Sa sobrang kaba nito kanina ay nahila niya ang kamay ni Chloe upang hindi siya tuluyang mahulog pero nahila niya ito pababa. Doon nagsimula ang pagtatalo nilang mag-asawa ngayong gabi. Zayden always favor Chloe. Sa buong tatlong taon ng pagsasama nilang mag-asawa, maraming beses na nito pinaramdam sa kanya na mas importante si Chloe sa kanya. "Hindi ako magso-sorry kasi wala naman akong kasalanan sa kanya," matapang na sagot niya pero may luha ang mga mata. Hindi iyon gaanong kita ni Zayden dahil basa ang mukha ng babae at kaaahon lang sa pool. 'Natatakot din ako, Zi. Paano naman ako?' aniya sa isipan habang nakatingin sa lalaking mahal na mahal niya. Ilang beses na ba niyang pinili si Zayden? At sa dami ng beses na iyon ay ni minsan hindi iyon binalik ng lalaki sa kanya. Kanina, ang lahat ng tumulong sa pag-rescue sa kanila at pangunahin na roon si Zayden, ay kay Chloe nagpunta. "Really? Are you gonna be like this? Alam mong takot siya sa tubig, and yet, ginawa mo pa rin? Ganyan ka na ba talaga ka-desperada?" His words struck her. Parang sinagasaan ang puso niya sa mga narinig. Nanghihina pa rin siya dahil sa takot pero mas nanghihina siya sa mga naririnig mula kay Zayden. Malungkot ang mga mata na sinalubong niya ang galit na mukha ni Zayden. "I'm your wife, Zi," malungkot na sabi niya kasabay ng isang luhang tumulo sa kanyang kaliwant mata. Kinagat niya ang ibabang labi bago tinagilid ang mukha at pasimpleng pinunasan iyon. "Pero mas nagiging asawa ka pa sa kanya. Do you loathe me that much?" "Oh, so gagamitin mo pala ang wife-card mo ngayon? You're really a brat, Czarina. Tinulak mo sa pool at muntik na malunod si Chloe, pero heto ka at inirarason na asawa kita--" "Hindi ko iyon nirarason," agad na sagot niya. "Sinasabi ko lang na sana pakinggan mo rin ako. After all, I am your wife, Zi." "Zayden," pag-correct nito. "Sinabi ko ng 'wag mo akong tinatawag sa pangalan na iyan, 'di ba? Are you deaf? At kung asawa ang usapan, alam mo ang dahilan kung bakit tayo kinasal. This marriage is purely business and it's because of you. Kung hindi dahil sa pamilya ko, matagal ng tapos ito." Czarina bit the insides of her cheeks. Pinipigilan niya ang mga luhang gustong lumabas mula sa kanyang mga mata. Masyado na siyang mahina sa mata ni Zayden at ayaw niya ng mas magmukha pa siyang mahina lalo.. "Mahal mo ba talaga siya?" marahang tanong niya sa lalaki. Hindi niya alam kung kakayanin niya bang marinig ang sagot nito pero tinanong niya pa rin. "Alam mo ang sagot diyan," sambit ni Zayden. Nakatunghay siya sa babaeng emosyonal ang mukha sa kanyang harapan. Nakakaawa ang itsura nito. Mahuhulog na sana siya sa patibong nito kung hindi niya lang naalala ang ginawa nito kay Chloe. Chloe almost died because of her. Kung dati ay maliliit na pranks lang ang ginagawa niya para saktan si Chloe, ngayon ay tila sumobra na ito. May phobia si Chloe sa tubig dahil niligtas nito noon si Zayden sa masasamang tao. He was taken by a group of men. Nakita iyon ni Chloe at sinundan sila gamit ang motor. Tumawag kaagad ng tulong ang babae sa mga pulis at sa huli ay nakatakas si Zayden at ito ang napahamak. She was thrown on the ocean. Nakatali ang kamay at paa kaya hindi nito mailigtas ang sarili niya. She got scars on her body. Mula noon ay pinangako ni Zayden na aalagaan niya ang babae. Pero nagulo ang lahat ng iyon nang ipilit ni Czarina na siya ang maikasal kay Zayden. At ang Hart family ay gustong-gusto ang anak ng mga Laude. Doon nagsimulang magulo ang mga buhay nila.Bitin ang tulog ni Czarina dahil mag-uumaga na siya nakauwi. Una niyang hinanap ang kanyang cellphone pero lowbatt iyon at hindi na ma-open kaya chinarge niya muna at habang hinihintay iyon ay kakain muna siya. Mag-a-alas nwebe na pala ng umaga.Patapos na mag-breakfast ang mga magulang nang makababa siya, medyo nagulat pa nga siya nang maabutan pa ang mga ito roon."Good morning, mom, dad, lolo, lola," aniya bago umupo sa kanyang upuan."How's your sleep? Hindi na kita naabutan kagabi na nakauwi, ah?" sabi ng dad niya."Medyo late na nga, dad. May minor incident din kasi so I took care of it before going home.""Mamaya na ang cruise party, 'wag kang mawawala doon ha. Nakahanda na ang mga gamit mo at isusuot. And that's a great place to socialize," sabi naman ng mommy niya.Ngumiti siya rito at hindi na sumagot. May plano siya sa kanyang isipan pero hindi niya alam kung paano iyon iaanunsyo sa pamilya.But she has to."Uh... may sasabihin po pala ako..." Nakuha niya agad ang atensyon
Kita ang gulat sa mukha ni Czarina nang banggitin ni Kyle Ford ang pangalan niya. Pamilyar ang babae rito dahil sa industriya nila ay malaking aspeto ang dapat kilala niyo ang isa't isa.Wala siyang maalala na naging pag-uusap nila ng lalaki noon at hindi rin pamilyar ang mukha nito sa kanya pero sa pangalang gamit nito ay alam iyon ni Czarina. Lumaki sa ibang bansa ang lalaki kaya hindi rin talaga ito nakakasalamuha ng babae."So, I assume we're friends now," mahina pero nakangiting wika ni Kyle.Pinanliitan ng mata ni Czarina si Kyle. "Why would you even assume that, Mr. Ford?""Because Zayden and I are good friends?" patanong na sagot nito. "And if I'm not mistaken, you're Zayden's wife.""Oh," mabilis na reaksyon ni Czarina. "Seems like you're really mistaken, Mr. Ford. Akala ko ba magkaibigan kayo? Bakit hindi ka updated sa buhay niya?"Bumalatay ang pagkalito sa mukha ni Kyle. Lumipat ang tingin nito kay Ichan na hindi pamilyar kung sino ba ang mga Ford. Ang mga mata ni Kyle ay
Mabilis na iniwan na rin ni Zayden si Ivan sa park at nagmaneho na pauwi. Litong-lito siya sa mga nangyayari at hindi rin siya natutuwa sa mga pasaring ni Ivan na hindi naman nililinaw kung ano.Kitang-kita sa bilis ng pagda-drive niya ang galit. Nang medyo makalayo na ay huminto muna ito sandali upang huminga at pakalmahin ang sarili.Paulit-ulit na naglalaro sa isipan niya ang mga litanya ni Ivan. Aminado siya na nitong mga nakaraan ay nagiging emosyonal siya, bagay na hindi naman niya personalidad.Naglabas ito ng sigarilyo pero bago pa man niya iyon masindihan ay lumitaw ang maamong mukha ni Czarina sa kanyang isipan. That angelic face that glares at him when he smoke. Ayaw na ayaw nito ang amoy ng sigarilyo.Huminga ito nang malalim, binuksan ang bintana ng sasakyan, at itinuloy pa rin ang pagsindi sa sigarilyo. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili at ang isipan niya sa mga oras na iyon. He needs to clear things up with himself. Including his feelings for a certain woman.Hindi
"Ang saya naman ng mala-telenovelang love life mo, President Hart," nang-uuyam na turan ni Ivan. "Don't test my patient, Karlos," iritadong sagot ni Zayden dito. "Hindi ka pa rin nagbabago. Mula noong mga bata pa tayo ay iyan na ang problema mo, hindi mo kayang panghawakan ang sarili mong nararamdaman. That might be a strength on some areas as a businessman, but we both knew that all in all in this life, that's a weakness." Nandidilim na ang paningin ni Zayden kay Ivan. Talaga bang ngayon pa siya iti-trigger nito? Pero hindi niya maipagkakaila na tama naman ang lalaki. Ivan Karlos used to be his a close friend. Kilalang-kilala siya nito. Kung si Calix ay iniisip na isa lang siyang babaero na hindi makapili kina Chloe at Czarina, iba naman ang impresyon ni Ivan doon. He just know him so much to know that Zayden cannot handle his feelings and emotions well. Pero hindi na sila magkaibigan para pakinggan pa ang pinagsasabi ni Ivan. Paalis na sana si Zayden at wala ng balak na patul
Kasalukuyan ang balita nang tumunog ang cellphone ni Czarina. Nakita niya na si Klarisse ang caller kaya sinagot niya iyon agad dahil baka emergency. Bihira itong tumawag sa kanya lalo ngayon na busy ito sa gumagandang karera. ("Oh my gosh, Czarina! Alam mo na ba ang balita? Nag-propose raw itong
Hinagis ni Czarina ang mga larawan kay Zayden. May ilang piraso pa na tumama sa pisngi ng lalaki at nagdala ng maikling sugat doon.Umigting ang panga ni Zayden at ang mga kilay niya ngayon ay malapit ng magdikit."May tatlong bagay lang akong sasabihin at lilinawin sa inyo," ani Czarina. "Una, hin
A few days off... O sa madaling salita ay suspended siya. Kapag pumayag siya, hindi ba't pag-amin na rin iyon na siya nga ang may kasalanan? Ibinaba ni President Yu ang letter sa may mesa. "Hindi ba talaga ikaw ang nagsulat nito, Czarina?" Kinagat ni Czarina ang ibabang labi. Ilang beses niya n
Sorry? Kung sana ay kayang burahin lang ng salitang iyon lahat ng masasakit na narinig niya. Tumayo si Czarina at yumuko upang tingnan ang lalaki. "Actually, hindi ko na kailangan pa ng sorry mo o sorry ninyo," aniya at nagbaba ng one thousand bill sa mesa. "Here's my treat for meeting me today












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
التقييمات
المراجعاتأكثر