Share

Chapter 309

Author: Raine
last update publish date: 2026-03-10 21:46:14

Kasalukuyan ang balita nang tumunog ang cellphone ni Czarina. Nakita niya na si Klarisse ang caller kaya sinagot niya iyon agad dahil baka emergency. Bihira itong tumawag sa kanya lalo ngayon na busy ito sa gumagandang karera.

("Oh my gosh, Czarina! Alam mo na ba ang balita? Nag-propose raw itong si Chloe at sa huli ay sinabing makikipaghiwalay na raw kay Zayden!") parang excited na excited sa chismis ang nasa kabilang linya.

Natawa si Czarina dahil doon.

"Wow? Akala ko ba ay busy ka sa shoo
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (8)
goodnovel comment avatar
Amethyst Jade Bk
nakakainis su czarina ang bias
goodnovel comment avatar
Rhea Joyce
More update po
goodnovel comment avatar
Vanessa Seriales
thank you po sa update,
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 390

    Nagkatinginan sina Czarina at Zayden nang makita kung sino ang nagsalita. Kapwa sila nagulat at nagtaka kung bakit nandoon si Ivan. "Mr. Karlos!" bulalas ni Czarina. "Ano'ng ginagawa mo rito?" "Sinundan kita. Nahuli lang dahil may kausap ako kanina." Itinaas nito ang kamay na may suot na relo. "Medyo late na. I just want to make sure you go home safe." Awtomatikong nagsalubong ang dalawang kilay ni Zayden at tila nandilim ang paningin. Ang ibig bang sabihin no'n ay magkasama ang dalawa kanina? At kailan pa sila naging close para lumabas na sila lang? "Tss," iling ni Czarina. "Kaya kong umuwi ng mas late pa rito at normal na sa akin iyon. It's actually a good thing I have my car with me. Na-try ko na maglakad mag-isa ng hatinggabi noon." Bumalik ang mata ni Zayden kay Czarina. Hindi niya alam kung para saan at sinabi iyon ng babae kay Ivan. Pinupunto ba nito na kaya niyang mag-isa, o na walang kwenta ang asawa niya noon, o gusto lang nito mag-share ng karanasan kay Ivan? "Oh?"

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 389

    "Hindi pa tayo close pero darating din tayo diyan, CL." Tinignan ng masama ni Czarina si Ivan. Hindi naman siya natalo kaya wala siyang dahilan para sabihin ang totoo rito. "Hindi nga ako si CL," iritadong sabi niya. Nagkibit ng balikat si Ivan. "Okay, sabi mo, eh." Matapos sabihin iyon ay unti-unting bumalatay ang ngisi sa mga labi ni Ivan. Kahit ano pa ang sabihin ni Czarina ay hindi niya maloloko ang lalaki. He's sure enough that Czarina is CL. At hindi lang iyon ang alam niya tungkol sa babae. ***** Maghahatinggabi na nang umalis si Czarina sa lugar na iyon. Sa halip kasi na umalis agad kanina ay napagtanto niyang mas maganda ng manood nalang din kahit papaano. She stayed for another hour before leaving. May nadaanan siyang bilihan ng streetfoods na open twenty-four seven. Bumaba siya doon at nag-take out. Pagkatapos ay nag-park siya ng sasakyan sa isang park na malapit. Wala gaanong tao at tahimik ang paligid nang maupo siya sa bench. Habang ninanamnam ang binili niyang

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 388

    Magkatapat na ang sasakyan ngayon ni Czarina at ang lalaking naghamon sa kanya, si Van."Walang iyakan kapag natalo," pasigaw na sabi ng lalaki para marinig ng kalaban ang sinabi.He won't go easy just because she's Czarina Laude. Hindi niya na hahayaang matalo muli ng isang babae."Baka ikaw pa ang umiyak dito," sagot naman ni Czarina na competitive din sa mga oras na iyon.Hindi niya rin hahayaang matalo siya.Pagkatunog ng hudyat nila upang magsimula, ay sabay na humarurot ang kanilang sasakyan.Sa mga unang segundo ay nangunguna ang sasakyan ni Czarina. Wala siyang pinapalagpas na segundo at tutok lang ang mga mata niya sa kanyang harapan.Ang mga nanonood na balak ng umuwi kanina ay biglang napabalik sa kanilang pwesto."Si Van na naman? Hindi pa ba siya tapos? Dire-diretso naman na ang panalo niya, ah," sabi ng nasa audience."Babae yata yung kalaban niya...""Nakita ko iyon kanina, pamilyar nga eh. Siya yata yung babae rin na nakatalo noon sa magaling na racer sa kabilang race

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 387

    From: Unknown Hey there, CL! Wanna race tonight? Kunot ang noo na binalikan ni Czarina ang convo nila ng lalaking iyon. Sa pagkakaalala niya ay nai-block niya ito, o hindi ba? Iyon na naman ang taong text ng text sa kanya at pinipilit na siya si CL. Pero dahil gusto niya ring magpapawis ngayong gabi at gustong lumabas ay interesado niyang tinignan iyon. Habang nagta-type ng ire-reply sa hindi kilalang tao na iyon ay nag-text itong muli. Nag-send ito ng isang kilalang race track na hindi kalayuan sa lugar nila. From: Unknown Pagdating mo ay sabihin mo lang ang code name ko: Van. See you there. Czarina put on her racing uniform and went out. "Saan ka pupunta?" tanong ng dad niya nang maabutan siya sa may garage nila upang kumuha ng sasakyan. Mahirap na kasi mag-abang ng taxi sa mga oras na iyon. "Dad," medyo kabado niyang sabi. Kahina-hinala pa naman ang suot niya. "Mag-e-excercise lang po." "We have a gym here," nagtatakang sabi ni Mr. Laude. "Ah, gusto ko rin sana magpahang

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 386

    "Ano'ng ibig mong sabihin, Karlos?" Nagkibit ng balikat si Ivan at itinaas pa ang dalawang kamay. Puno ng sarkasmo ang bawat kinikilos nito. "Hindi ako magsasalita maliban nalang kung tatanggapin mo ang offer kong deal," sagot nito. "Pero sinasabi ko sa'yo, magugulat ka kapag nalaman mo." Humakbang si Ivan na tila aalis na sa lugar na iyon ngunit huminto ito at nilingon si Zayden. "Hiwalay naman na kayo ni Miss Laude, hindi ba?" Hindi maunawaan ni Zayden kung ano ba ang lihim na agenda ni Ivan. He knows this man very well. He's stubborn, very. Kaya ano naman ang pakay nito kay Czarina? Does he like her? Kaya ba ito nagkakaganito? O baka naman gusto niyang saktan si Czarina o kaya ay may kailangan siya sa mga Laude? Umigting ang panga ni Zayden sa galit dahil sa mga naiisip na posibleng dahilan. Humakbang siya palapit, taas noo, at tiim bagang niyang tinitigan ng masama si Ivan. "Don't dare to touch her." Natawa si Ivan sa tinuran ni Zayden. "Touch her? Woah! Tingin

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 385

    "Release my goods, then I'll release yours," sabi ni Ivan Karlos. May ngisi ng tagumpay sa mga labi niya dahil pakiramdam niya ay nanalo siya. "Madali lang naman akong kausap." Ilang segundo siyang tinitigan ni Zayden. Hanggang sa unti-unti itong nagpakawala ng maikling ngiti. He really dared to fight him, huh? Sa loob ng ilang taon ay ilang beses ding sinubukan ni Ivan na sirain ang mga Hart. Pero ano ang magagawa nito? He's too weak for them. "Don't push your luck here, Karlos," mayabang na wika ni Zayden na parang isang bata lamang ang kanyang kaharap na walang laban. "You know what I can do. Alam mo rin na hindi lang kita pinapatulan dahil sa relasyong mayroon ang pamilya mo at pamilya ko noon. Pero may hangganan lang ang pasensya ko." Sa halip na matakot ay mas lalong nanaig ang nararamdamang galit ni Ivan kay Zayden. Nagpadagdag pa sa nararamdaman nito ang pagbanggit ni Zayden sa isang sensitibong topic. He hate Zayden's tone. He hate his guts. He hates everything ab

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 284

    Nagngitngit ang mga ngipin ni Chloe sa tanong na iyon ni Czarina dahil aminado siyang totoo iyon.Oo, natatakot siya.Natatakot siya dahil ibang-iba na si Zayden nitong mga nakaraan. Dati ay hindi naman ito nagagalit sa kanya kahit na anong gawin niya, dati naniniwala ito agad sa kanya kahit na wal

    last updateLast Updated : 2026-04-03
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 283

    "Girl, nasaan ka?" tanong ni Klarisse matapos tawagan si Czarina sa cellphone. ("Don't worry, nandito lang ako sa paligid,") sagot ni Czarina sa kabilang linya bago pinatay ang tawag. Kunot noong tumingin sa labas si Klarisse. Nauna na nga kayang umalis ang kaibigan niya? Parang hindi ganoon kain

    last updateLast Updated : 2026-04-03
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 260

    "Let me greet our special guests for the day!" Napatingin silang lahat sa babaeng kararating. Nakasuot ito ng magandang bestida at sa isang tingin pa lang ay alam na nilang mayaman at may class ang babae. Lumapit siya at tumabi sa lalaking may-ari ng restaurant. "Oh, ipapakilala ko nga pala sa i

    last updateLast Updated : 2026-04-02
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 266

    Pagkababa nina Zayden at Calix sa kanilang sasakyan ay nakita agad nila ang dami ng tao. Sa mga ganitong pagkakataon ay naaagaw nila agad ang atensyon ng mga ito pero ngayon ay hindi. Abala ang lahat sa pagchi-cheer sa kung sino, ni wala halos lumilingon sa likod kahit naririnig ang mga sasakyan n

    last updateLast Updated : 2026-04-02
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status