LOGINA beauty who blooms once in every century. Carmina Juana Duran. For Marco Sandejaz, this woman is equal to a cold moon above, beautiful beyond compare yet so far for his reach even in his sinful imagination. Pero paano kung matatagpuan niya ang dalaga na nakakahon sa loob ng kanyang quarter? Palalagpasin ba niya ang pagkakataon?
View MoreShe can't remember when was the last time she hated the world that she can't even appreciate the air she breathed, the flowers, the sunrise, and the sky.
She can't remember when was the last time she wished that everything before her will be destroyed no matter how pretty and delightful they are in her eyes.
Right, it was that time when her parents was put to public trial because of treason in the Castille State. When the innocent was punished and the evil became the victim. She hated how people turned the place she loved into hell, how the devil triumph inspite of all things created with purpose and kindness.
But she really never learned not to care because somehow she is connected to her surroundings. She is the scent of the greeneries, the warmth of the sun, the cold drops of rain, and the humid guts of the wind. She is a woman born with the pure heart of her mother.
Despite of the bad dreams and the destruction, she chose to led a happy life, responding to struggles with smile. Yet, hatred perhaps meant to swallow her heart once more. In the midst of a blank and dark space she was eaten by the greed of demons masked in human skin.
Sinipat ni Carmina ang kumikirot na mga pulsong nagkukulay-ube dahil sa higpit ng lubid na nakagapos sa kaniya. Sakay siya ng naglalayag na barkong hindi niya alam kung saan patungo. Kumikirot ang ilong niya sa amoy ng kalawang, grasa at panghi ng ihi ng tao. Apat silang nandoon sa mainit at mabahong cargo area. Dalawang babae at dalawang kabataang lalaki na gaya niya ay nakagapos din. Ang babaeng katabi niya na may pasa sa pisngi ay maaring kasing-edad ni Maria.
Si Maria. Napakislot siya nang maalala ang anyo ng matanda. Ang mukha nitong namimilipit sa sakit dahil sa kadenang nakapulupot sa leeg bago ito binawian ng buhay. Mabuti pa nga sigurong namatay na lang din siya tulad ni Maria. May kutob kasi siyang mas matindi pa ang kalupitang dadanasin niya sa kaniyang pupuntahan.
"Pilipina ka ba, Ineng?" Nagsalita ang babaeng katabi niya. Paos ang tinig nito at halatang dahil iyon sa sakit na iniinda.
Tumango siya. May punit ang suot niyang pantalon at mahapdi ang balat niyang nalapnos sa ilalim. Nakuha niya iyon nang bumaliktad ang van na sinakyan nila ni Maria nang tangkain nilang tumakas.
"Ano ang nangyari sa iyo? Ibininta ka rin ba sa mga pirata? Sabagay, sa ganda mong iyan, tiyak itatapon ka nila sa negosyo ng prostitution."
Kumibot ang mga laman niya sa pagbangon ng takot at kinuyog siya ng hindi birong nerbiyos. Gagawin siyang taga-aliw ng mga ulol na hayok sa laman? Mariin niyang kinagat ang labi at sinipat ang mga paa na nakagapos din. May dumi ng putik at mantsa ng dugo ang running shoes na suot niya. Kung may masilip siyang pagkakataon, tatalon siya sa dagat. Mamamatay muna siya bago siya papayag na may makikinabang sa katawan niya.
Men?
They are the deadliest venom that has ever walked on earth and she hated them with every piece of her being.
"Tagasaan ka ba, Ineng?"
"Castille," maiksi niyang sagot.
"Saan iyon? Sa ibang bansa?"
"Sakop ng lupain ng Spain pero independent estate. May sariling gobyerno. Monarkiya ang sistema roon at pinamumunuan ni Duke Moscari."
Nitong nakaraang buwan ay nagkaroon ng kaguluhan sa buong estado. Natuklasan nila ang pagtataksil ng asawa ng duke at ang lihim na itinago nito sa basement. Ang ina ni Anna na nakakulong doon. Sa tulong ni Maria ay naitakas nila si Adrianna pero nasukol sila ng mga taong humahabol sa kanila, mga tulisan na inupahan ng asawa ng duke.
The painful thud in her chest intensified when she noticed one of her abductors, a large guy with untidy posture and messy hair appeared in the doorway. Lumapit ito sa kanila. Natilihan siya nang makita ang syringes na bitbit nito. May laman ang mga iyon. Was it illegal drugs? Una nitong tinurukan ang dalawang binatilyong hindi na umalma dahil sa bugbog. Pagkatapos ay ang matanda.
She squirmed disperately when the guy turned to her direction after the old woman. Pero anumang paglupasay ang gawin niya, limitado ang kanyang lakas.
"No, don't!" singhal niya sa nakangising demonyo at pumiglas. Gumulong siya sa maruming sahig. "Somebody help! Anyone!" tumili siya sa abot ng kanyang makakaya.
But her struggle was fultile, until the last drop of drugs poured into her no one came to rescue. Nadama na lamang niya ang paglabo ng kaniyang paligid hanggang sa kinain ng dilim pati ang kaniyang katinuan.
***
Ms. Spain- Carmina Juana Duran is missing.Halos bahain ng balitang iyon ang newsfeed ni Marco pagbukas ng lalaki ng account niya. Bihira siyang makasagap ng signal sa lugar na iyon kaya sinulit na niya para masilip sakaling may update mula kay Edan na kailangan niyang malaman.
Matagal niyang pinagmasdan ang close-up photo ni Carmina Juana na nakapaskil sa ibaba ng artikulo. Kuha iyon mula sa katatapos lamang na pageant sa Spain. She has a Filipina blood and origin. A beauty that said to bloom once in every century. Nasungkit nito ang korona pero bigla naman itong naglaho. Baka itinanan ng boyfriend. Kung siya ang boyfriend ng babae, baka hindi lang niya itanan, malamang ilalagay niya ito sa tuktok ng parola para masolo niya biente-kwatro oras.
Ridiculous. Even in his sinful imagination, he could never be with Carmina Juana Duran. She's out of his league. He slipped the phone back inside the pocket of his heavy jacket and pulled down the visor of the fatigue cap he's wearing.
Tinanaw niya ang mga kargador na nagbababa ng mga kargamento mula sa kadadaong lang na barko. He was there to secure the additional supplies for his team. Mga armas at bala ang laman ng mga kahon na kukunin niya roon.
"Boss, ang mga iyan ang kargamento n'yo. Kompleto na lahat iyan." Itinuro ni Omar sa kaniya ang sampung patong-patong na mga kahon.
Sampu? Siyam lang ang ni-relay sa kaniya ng kampo kanina. Baka dinagdagan. Tulung-tulong na hinakot nila at ng limang kargador ang mga kahon patungo sa truck na dala niya. Ang huling kahon ay muntik na niyang pagkamalang kabaong sa laki at haba. Apat silang kailangang magbuhat niyon.
"Salamat," binigyan niya ng tip sina Omar at ang mga kasamahan nitong kargador. Sumampa siya sa kaha ng truck at tinakpan ng trapal ang mga kahon.
Mabilis ang pagpapatakbo niya ng truck pauwi sa nayon kung saan siya kasalukuyang tumutuloy at nagpapanggap na engineer sa itinatayong parola roon. Ang islang iyon ay pugad ng grupong kasapi sa human trafficking at bagsakan ng illegal drug na pumapasok mula sa ibang bansa.
Bagamat hindi basta malulusob ng army ang isla. Bukod sa unti-unti nang nakikilala sa industriya ng turismo ang magagandang beaches dito, may komunidad din na nakatira rito. Mga inosenteng mamamayan na ang hangad lang ay mabuhay ng payak at payapa sa kabila ng bantang dala ng grupo.
Tatlong trabahador ng parola construction ang nakaabang sa kanya. Isa sa mga iyon ay anak ng kapitan ng nayon. Si Julito. May lahing katutubo.
Matapos niyang ihimpil ang truck sa gilid ng kapilya ay nag-akyatan ang mga ito sa kaha at isa-isa ibinaba ang mga kahon. Hinakot nila patungo sa bodega ng bunk house ang mga kargamento. Ang huling kahon na ibinaba nila ay dinala sa kaniyang quarter.
"Thank you, boys, ako na ang bahala sa mga iyan." Tinapik niya sa balikat ang mga trabahador at pumasok sa loob ng bodega.
Sumunod sa kaniya si Julito.
"Marco, birthday ni Inang bukas, may munting salu-salo kaming inihanda para sa kaniya. Sana makapunta ka."
"Oo naman, darating ako." Hinugot niya ang wallet at kinuha sa loob ang natitirang limang libo sa perang dala niya. "Ibili mo ng cake si Inang." Inabot niya sa lalaki ang pera.
"Maraming salamat, Marco. Siguradong masosorpresa si Inang," masayang bulalas ni Julito na nagniningning sa tuwa ang mga mata.
Nakangising hinatid niya ng tanaw ang lalaking umalis. Tiniyak muna niyang nakasara ang p***o ng bodega saka niya binalingan ang mga kahon.
Each box is made of steel, bearing a digital lock with number codes to open. Isa-isa niyang binuksan ang mga kahon at sinilip ang laman. Tatlo sa siyam na kahon ang naglalaman ng mga mahahabang armas, ang anim ay mga bala at hand grenade. Isinara niyang muli ang kahon at kinandado ang bahaging iyon ng bodega.
He directed towards his personal quarter. Humalo sa hangin ang amoy ng pabango na naiwan ng babaeng bumisita sa kanya kaninang tanghali. Hinubad niya ang suot na jacket at hinagis sa sandalan ng nag-iisang silya.
Natuon ang paningin niya sa ikasampung kahon. Gawa sa kahoy at tipikal ang kandadong hindi kalakihan. Binunot niya ang 45 caliber na nakasuksok sa kaniyang likuran at hinambalos sa handle ang kandado. Kumalas iyon. Tinanggal niya at binuksan ang kahon.
Laglag ang panga na bumagsak ang puwit niya sa sahig nang matunghayan ang nasa loob.
Babae?
Fucking fairies! Babae ang laman ng kahon?
Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil natatakpan ng mahaba nitong buhok. Humagod ang paningin niya pababa sa nakagapos nitong mga kamay at paa. What the hell? Is she dead? Nangingitim na ang sugat dahil sa higpit ng lubid.
He hit the exposed spot in her neck. She's alive, but her pulse is unsteady and abnormally fast. As if something inside her is burning. Is she drugged? Maingat niyang nilapag sa kaniyang tabi ang baril at marahang hinawi sa mga daliri ang buhok ng babae.
His breath fell short at the sight of the woman's pale face.
Carmina Juana Duran?
What the fuck?
Nanghahaba ang leeg ni Carmina sa pagtanaw sa paligid pagkahinto ng balsa sa patag na may hilera ng mga puno ng Talisay. Hanggang dito na lang siguro sila. Bumaba siya. Si Lenna ay lumundag na rin pababa. Hinatak nito ang tela at tinupi. Tinanggal nito ang yugo kungsaan nakakabit ang balsa at pasan ng kalabaw. Iginiya nito ang kalabaw sa matatabang latag ng mga damo sa di-kalayuan.Ibinaba naman niya ang mga bayong, sako bag at ang bagpack ay isinabit niya sa mga balikat."Tulungan mo ako, dalhin natin 'to roon," apura ni Lenna sa kaniya."Dapat pala roon na tayo huminto," himutok niya."Panay reklamo mo no? Bitter ka ba sa buhay?""Common sense kasi kung mayroon ka n'on. Kung doon tayo huminto sa ilalim ng puno, hindi na sana natin kailangang kaladkarin 'tong balsa papunta roon."Tinirikan lang siya nito ng mga mata.Pinagtulungan nilang hatakin ang mabigat na balsa. Palagay niya ay alas-tres na ng hapon. 'Yong sandwich na baon niya ang kinain nila kanina ni Lenna habang nasa daan.B
Three days and no sign of Marco coming back. Carmina had to take charge of monitoring the ongoing construction even if she had no experience about the job at all, after she was notified to oversee the Parola in his behalf.Kasama niya si Lenna at silang dalawa ang nag-aasikaso roon. From time to time, she had to do an inventory of the materials while Lenna received the daily report from the workers. Buti na lang maayos ang takbo ng trabaho sa nakalipas na dalawang araw."Ayaw mo ba talagang pumunta roon sa Talisay?" tanong ni Lenna.Nasa opisina sila at may tinatapos na mga papeles para sa purchasing request ng mga materyales."Hindi nga ako pupunta. Sabi ni Tonio malayo raw ang Talisay, wala akong masakyan papunta roon kahit gusto ko pa."Pinagbawalan siya ni Marco na lumabas ng Parola Heights. Baka raw bigla niyang makasalubong ang mga miyembro ng sindikatong dumukot sa kaniya at makilala siya.Umahon siya sa kaniyang upuan at dinampot ang water jug. Tinungo niya sa sulok ang water
Her eyes won't cooperate last night. She couldn't sleep, not even a single minute. Nakamasid lang siya kay Marco. Napansin niyang hindi rin nakatulog ang lalaki at tila umiiwas na tingnan ang duyan. Buong gabi yata itong nakataob lang sa folding bed.Something about him has changed since yesterday. Like he is becoming possessive. She wanted to ask what he is up to and what is going on in that thick head of his but she realized it would be pathetic.It has been evident from his actions that he is lusting for her. Perhaps he was figuring out until now how to bring her into his bed. Sounds normal though for the stupid norm of men. Testing their so-called authority of strength and dominion, pushing the boundaries, challenging rules.Understandable. After all, that's how the world play it since the beginning of time. Men are superior. But none of it gone down well with her. She refused to be a victim of this world anymore. Marco can fuck himself up.Hinulog ni Carmina ang basahan sa maliit
When did this fucking irrational crisis hit him this hard? He had no idea. Probably, he is willing to believe that this is going to fade soon, like those times he thought he is madly inlove with someone. Gusto niyang isipin na hanggang ngayon, hindi mahahawakan ng babae ang puso niya."Listen you, stupid bull!"Inilayo ni Marco ang cellphone nang sumabog ang galit na boses ni Edan sa kabilang linya. Nangibabaw iyon sa kabila ng malakas na ihip ng hangin na tinatangay ang amoy at alat ng tubig-dagat. Nadama niya ang pagkalat ng hapdi sa mga mata at naipikit ang kanan.Nasa tuktok siya ng hindi pa tapos na tower ng parola at sa ibaba ang latag ng dagat. Payapa ang mga alon at tila kumikinang na hinabi sa liwanag ng buwan, habang mistulang alitaptap ang aandap-andap na ilaw mula sa mga bangkang nasa laot."You're going to risk her safety, Marco! Hindi ka nandiyan para magbakasyon at mag-alaga ng babae!" muling paalala ni Edan.Five minutes of debate and they're still not coming up to a p












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews