LOGINAnim na taon matapos iwan ni Jane Samaniego ang Maynila habang buntis, sugatan, at halos mamatay sa apoy, bumalik siya kasama ang kaniyang pinakamalaking sikreto—ang triplets na anak ng bilyonaryong si Matthew Rivera. Noon, kilala siya bilang Amara Rivera, ang ampon na babaeng minsang minahal at iniwan ng pinakamakapangyarihang lalaki sa Maynila. Akala ni Jane, sapat na ang pagtatago upang tuluyang ibaon ang nakaraan. Pero sa isang police raid sa bar ng kapatid ni Matthew, muling nagkrus ang landas nila. At sa unang tingin pa lang, parang may kung anong pilit inaalala si Matthew tungkol sa babaeng matagal na niyang pinaniwalang patay na. Habang unti-unting lumalapit si Matthew sa katotohanan, mas desperado namang protektahan ni Jane ang kaniyang mga anak—lalo na si Lucas, ang panganay na halos kopya ng malamig at mapanganib na lalaking minsan niyang minahal. Pero paano kung malaman ni Matthew na may tatlo siyang anak? At paano kung ang babaeng matagal niyang iniiyakan sa katahimikan… ay buhay pala at nagtatago sa kaniya? Sa pagitan ng kasinungalingan, kapangyarihan, at isang pag-ibig na hindi kailanman namatay, muling magbabanggaan ang dalawang pusong winasak ng nakaraan. Ngunit sa pagkakataong ito— hindi lang puso ni Jane ang nakataya. Kundi pati ang sikreto ng kaniyang mga anak.
View More“You are nothing, but be the Amara Rivera we once named you.”
Bago pa man siya naging si Amara Rivera, isa lamang siyang batang babae na namuhay sa katahimikan. Iyon ang kuwentong alam ng lahat—isang bulag at pipi na ulila, isang batang walang pamilya at walang ibang maaasahan kundi ang awa ng tadhana. Ngunit walang nakaaalam ng buong katotohanan.
Mas madali iyon. Mas ligtas.
Kaya nang dumating sa buhay niya si Matthew Rivera sa pinakamadilim na yugto nito, pinili niyang itago ang lihim na iyon at manatiling tahimik.
Nakilala ito si Matthew sa mga panahong gusto na nitong wakasan ang kaniyang buhay pagkatapos ng isang aksidente, na naging dahilan ng temporaryong pagkabulag nito. Inalagaan siya ni Amara, ang naging mga mata nito sa mundong hindi na makita. Kapag gusto nitong sumuko at tuluyang talikuran ang buhay, siya ang humahawak sa kamay nito at tahimik na nagpapaalala na hindi pa tapos ang lahat.
Kinupkop si Amara ng pamilya Rivera dahil sa pagmamahal nito sa anak nilang si Matthew. Sa paglipas ng mga araw, buwan, at taon, unti-unting nabuo ang isang lugar sa puso ni Amara na tanging si Matthew lamang ang nakapuno.
Ngunit hindi lahat ng kuwento ay may masayang wakas. Dahil nang dumating ang araw na muling nakakita si Matthew at unti-unting nabawi ang lahat ng nawala sa kanya, iyon din ang araw na nagsimulang gumuho ang mundong matagal nang itinayo ni Amara sa loob ng kanyang puso.
"Matthew, kailan mo ba tuluyang iiwan iyan si Amara? Wala namang dulot yan sa pamilya Rivera, hindi ba?"
Nang marinig iyon ni Amara, bahagyang tumigil ang tibok ng puso nito. Ang hindi nito akalain ay ang marinig ang sagot ni Matthew. "Masyado siyang konektado sa nakaraan. Kapag nakikita ko siya, naaalala ko ang pinakamasamang panahon ng buhay ko."
"Pero aminin mo, pare. Nakakadiri rin naman siya. Mataba, pipi, at bingi."
Kasabay ng mga salitang iyon ang malalakas na tawanan ng mga lalaki sa loob ng silid. Napatigil si Amara sa labas ng pinto, tila nanigas ang buong katawan niya. Mahigpit niyang hinawakan ang tray na dala habang pilit na nilalabanan ang panginginig ng kanyang mga kamay.
Sanay na siya sa pangungutya. Simula pagkabata ay ilang beses na siyang hinusgahan at minata ng ibang tao. Ngunit iba ang sakit kapag ang mga salitang iyon ay naririnig niya mula sa mga taong malapit kay Matthew.
At mas lalong masakit nang marinig niya ang mismong boses ng lalaking pinakamamahal niya.
"Utang ko sa kanya ang buhay ko. Pero hindi ko siya kailanman mamahalin. Hindi ko siya pakakasalan. Ang tanging babaeng mamahalin ko ay si Celeste."
Hindi na niya narinig ang mga sumunod na usapan. Hindi na rin mahalaga kung ano pa ang sasabihin ng mga ito. Ang bawat salita ni Matthew ay sapat nang durugin ang puso niyang matagal nang umaasa sa isang pagmamahal na hindi naman kailanman ibinigay sa kanya.
Tahimik siyang umatras mula sa pinto bago mabilis na tumakbo palayo.
Wala siyang pakialam kung may makakita sa kanya. Wala siyang pakialam kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa. Ang alam lang niya ay kailangan niyang makalayo.
Kailangan niyang makatakas.
Hanggang sa marating niya ang isang bakanteng silid sa ikalawang palapag ng hotel.
Pagkapasok niya ay agad siyang napaluhod sa sahig. Doon niya pinakawalan ang lahat ng sakit na kanina pa niya pinipigilan. Humagulgol siya na parang batang nawalan ng tahanan.
Habang umiiyak, napadako ang kanyang tingin sa isang puting bagay na nakasabit sa gitna ng silid.
Isang engagement gown. Ang napakamahal na gown na espesyal na ipinagawa ni Matthew para kay Celeste.
Napakaganda nito. Perpekto.
Katulad ng babaeng pinili ng lalaking minahal niya.
May kung anong sumabog sa loob niya. Parang sabay-sabay na kumawala.
Nakita niya ang isang gunting sa mesa sa tabi ng gown. At bago pa man siya makapag-isip nang maayos, nahawakan na niya iyon.
Isang hiwa.
Dalawa.
Tatlo.
Paulit-ulit.
Walang tigil.
Kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha ay ang pagkapunit ng mamahaling tela hanggang sa unti-unti itong mawalan ng anyo. Ngunit bago pa siya tuluyang mawalan ng kontrol, biglang bumukas ang pinto.
Tumambad sa harapan niya si Celeste.
Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang sinapit ng gown.
"What did you do, you fucking cunt?!"
Agad itong sumugod.
Hindi na nito hinintay ang paliwanag ni Amara. Marahas nitong hinila ang kanyang buhok dahilan upang mapasigaw siya sa sakit.
Nagsimula ang kaguluhan. Nagbagsakan ang mga gamit. Nagkalat ang mga tela.
At sa gitna ng kanilang paghihilahan ay tuluyan nang naputol ang pagpipigil ni Amara.
"Huwag mo akong hawakan!"
Biglang natahimik ang buong silid.
Nabitawan siya ni Celeste.
Namutla ang mukha nito habang nakatitig sa kanya na para bang nakakita ng multo.
"N-Nakakapagsalita ka?"
Nanlaki ang mga mata ni Amara.
Huli na.
Nabunyag na ang kanyang sikreto.
At eksaktong sandaling iyon ay bumukas muli ang pinto.
Dumating si Matthew at agad nitong nakita ang sirang gown, ang umiiyak na si Celeste, at si Amara na magulo ang ayos.
Isang tingin pa lamang ay nabasa na ni Amara ang galit sa mga mata nito.
"Amara!"
Lumapit ito at isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi.
Napaikot ang kanyang paningin bago siya bumagsak sa sahig. Nalalasahan niya ang dugo sa kanyang labi. Mas masakit pa roon ang sakit na nararamdaman ng kanyang puso.
"Matthew!" umiiyak na sigaw ni Celeste. "Nagsisinungaling siya! Nakakapagsalita siya!"
Ngunit tila hindi iyon ang mahalaga sa binata dahil ang buong atensyon nito ay nasa nasirang gown at sa galit na nararamdaman nito para kay Amara.
Makalipas ang ilang minuto ay umalis din si Matthew, akay-akay si Celeste.
Naiwan siyang mag-isa sa loob ng silid.
Akala niya ay tapos na ang lahat.
Akala niya ay wala nang mas sasakit pa.
Ngunit nagkamali siya.
Dahan-dahang isinara ni Celeste ang pinto bago muling humarap sa kanya.
At sa pagkakataong iyon, isang malamig na ngiti ang sumilay sa labi nito. Ngiting nagpanginig sa buong katawan ni Amara.
Mula sa likuran nito ay may inilabas itong galon.
Nanlaki ang kanyang mga mata.
Gasolina.
"C-Celeste..."
Ngumisi ang babae.
"Kung mawawala ka, magiging perpekto ang lahat."
At bago pa siya makareaksyon ay nagsimula na itong magbuhos ng gasolina sa paligid ng silid.
Sa mga kurtina.
Sa sahig.
Sa mga dingding.
Hanggang sa kumalat ang masangsang na amoy sa buong lugar.
Pagkatapos ay inilabas nito ang isang lighter.
At sa isang simpleng pitik—
Agad na sumiklab ang apoy.
***
At doon bumuhos muli ang kanyang mga luha. Nakaalis na ang lahat. Nakita pa niyang umalis si Matthew at Celeste habang siya’y naiwan sa kwarto na iyon.
May lihim siyang hindi pa nasasabi sa kahit kanino.
Dalawang buwan na siyang buntis.
Mahigpit niyang niyakap ang sarili habang marahang hinahaplos ang kanyang tiyan.
"Mga anak ko... hindi ko alam kung mabubuhay pa tayo. Pero kung makakaligtas tayo... pinapangako ko sa inyong hinding-hindi ko hahayaang makita kayo ni Matthew."
"Hinding-hindi niya malalaman na siya ang ama ninyo."
Habang patuloy na sumasayaw ang apoy sa paligid niya, may bagong desisyong isinilang sa kanyang puso.
Mula sa gabing iyon, namatay ang babaeng si Amara Rivera.
At mula sa abo ng kanyang pagkawasak, isang bagong Amara ang muling babangon—mas matatag, mas mabangis, at hindi na kailanman muling magmamahal nang katulad ng dati.
“Director Victor…”Hindi na nakapagsalita pa si Jane. Nakatungo na lamang ito dahil hindi niya alam kung paano pa mapaglalaban ang sarili sa taong noo’y taas noo niyang kinikilala, pero ngayo’y tila ikinasusuka na niya. Napaisip din ito kung kailan pa naging maruming abogado itong senior partner ng Trinidad na si Victor Villaruel.Parang dati lang ay mentor ito ni Jane, pero ngayon ay tila nag-iba na siya. “Jane, gusto mo pa ba ang trabahong ito o hindi?” sambit ni Victor.Gusto mang manatili ni Jane, ngunit mas mahalaga sa kaniya ang kaniyang prinsipyo. Kahit na kabado ito, ngunit sa isang bugso ng damdamin, bigla na lamang nasabi ni Jane, “Kung ganoon, magre-resign na ako.” “Fine!” Napasinghal si Director Victor. “Pero may natitira ka pang anim na buwan sa kontrata mo sa firm. Gusto mong umalis ngayon? Kaya mo bang bayaran ang breach-of-contract penalty?” “…”Hindi nakapagsalita si Jane. Mahigpit na naikuyom ni Jane ang kaniyang mga kamao at saka naalala ang nangyari kagabi.Pagk
Halos alas-nuwebe na ng gabi nang makarating si Jane sa apartment.Pakiramdam niya bibigay na ang katawan niya sa pagod. Mula umaga hanggang gabi, puro argumento, tension, at pressure ang hinarap niya sa Trinidad Law Firm dahil sa video evidence na ipinasa niya. At kahit nakauwi na siya, parang hindi pa rin nawawala ang bigat sa dibdib nito.Pagbukas niya ng pinto, agad siyang sinalubong ng amoy ng mainit na sabaw at ang yakap ng kaniyang mga anak na triplets.“Mommy!” Tumakbo agad si Luna papunta sa kaniya at mahigpit na yumakap sa bewang niya. Siya si Luna Samaniego, ang pinaka-batang anak na babae ni Jane. Nakangiti itong sumalubong at saka hinalikan ang ina.Sumunod din naman si Liam habang hawak ang notebook nito’t nagawa ng assignment. “Kain ka na po, Mama.” Sambit ni Lucas Samaniego, ang ikalawang anak ni Jane.“Pasensya na mga anak at late si Mama ha? Medyo natraffic lang.”Mula sa kusina, sumilip si Tita Marie habang hawak ang sandok. “Naku, sa wakas dumating ka rin, ‘nak. Pi
“I’m pretty sure you look familiar, Ms. Samaniego.” Pangiti-ngiti pang sambit ni Celeste habang kausap si Jane.Ang huli naman ay tila naubusan na ng enerhiya kangingiti paulit-ulit para lang hindi maging awkward ang sitwasyon. Nasa labas na sila ngayon ng ospital dahil na-discharge na rin si Jane pagkatapos ng ilang oras. Matthew and Celeste were accompanying Jane out of the hospital since sila rin naman ang tumuling kay Jane gawa ni Joaquin.Pinagmamasdan ni Jane si Matthew kung may sasabihin ito… sigurado kasi si Jane na naaalala ni Matthew si Amara sa kaniya. Matthew was silent. Hindi na rin ito nagsalita masyado nang dumating si Celeste kanina dahil ang huli na ang madalas magkwento.At si Jane, walang sawang nakinig. Wala rin naman syang magagawa because she has nowhere else to go. Besides, nahihilo ito kanina. Ngayon ay okay-okay na rin naman ang pakiramdam nito kaya nakalabas na sila.Alas-diyes na rin ng gabi.“I already told you, ito ang unang pagkikita natin, Ms. Celeste.”
Ang akala ni Amara ay hindi na sila muling magkikita ng mga taong kinamumuhian niya… ngunit tunay na mapaglaro ang tadhana.Hindi nito akalaing muli na namang magtatagpo ang mga landas nila pagkatapos ng anim na taon. “DO WE KNOW each other, Ms. Jane? Parang nakita na kita noon.” sambit ng isang lalaking malalim ang tingin na nasa harapan ngayon ni Jane.Nanigas si Jane habang mahigpit na nakakapit sa strap ng bag niya. Sa loob ng anim na taon, ilang beses niyang inisip ang muling pagkikita nila ni Matthew Rivera—pero hindi ganito. Hindi habang naka-heels siya sa isang police raid habang nakatitig dito ang lalaking minsang sumira sa buhay niya. “Napagkamalan n’yo lang ako, Mr. Rivera,” pilit niyang sagot bago umiwas ng tingin.Pero hindi gumalaw si Matthew. Diretso lang itong nakatitig sa mukha niya at tila may pilit inaalala. “You look like someone I know,” mahina nitong sabi. “Someone who died from a fire six years ago.” “Amara Rivera…” bulong ni Jane. Agad namang nanlaki ang mg









![The Wild Virgin [SPG]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)








Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.