LOGINMula sa magarbong palasyo ng mga Romano, tanging sarili at lumang tsinelas ng kapatid ang dala-dala lamang ni Mayari. Para sa kapakanan ng kapatid, napilitan ito na tanggapin ang bagay na kaniyang pilit na iniiwasan, ang mundong walang lugar ang kabutihan para sa kaniya at sa kaniyang kapatid—ang maging ekslusibong masahista ng Don tuwing gabi sa kaniyang silid.
View MoreNang magising ang diwa ko dulot ng alarm ay dahan-dahan akong nag-unat ng katawan at hindi napigilang gumuhit sa aking labi ang munting ngiti.
Ahh. Ang sarap ng naging pagtulog ko! Ganito ata kapag alam mo sa sarili mo na may maayos ka nang trabaho, 'no? Na sa wakas hindi ka na mamumulubi sa bawat araw. Puno ng pag-asang bumangon ako sa aking hinihigaan. Night shift ako ngayon dahil iyon ang binigay sa akin ng scheduling manager ng gusali. Mula 10pm hanggang 10am kinabukasan ang pasok ko pero sabi naman sa akin na kaunti lang naman daw ang kliyente sa loob ng mga oras na 'yan. "Saan ka, 'te?" pagtatanong sa akin ng kapatid ko na abala naman sa paglalaro sa kaniyang cellphone. "Work." Maikli kong sagot at doon lang siya napalingon. "Paano po ang una mong trabaho?" kunot-noong pagtatanong niya. "Hindi naman 'yon maganda. Hindi ka ba masaya kay ate na may maganda na siyang trabaho?" malumanay na pagtatanong ko. "Masaya po pero kasi. . ." puno ng pangangamba sa kaniyang pagtatanong. "Maliligo na ako," ang tanging nasagot ko na lang. Hindi pa man dumadampi ang malamig na tubig sa balat ko ay ramdam ko na agad ang pagkaginaw dala ang pangamba ng naging pag-uusap namin na tila ba lumason sa maganda kong gising. Hindi na ako nagtagal pa sa banyo at lumabas na rin upang mag-asikaso na. Mula sa aparador ay kinuha ko ang isang puting uniporme na gagamitin ko at itim na pants. Bagong plantsa iyon kaya maingat kong sinuot. Matapos ay kumuha ako ng puting medyas at sinuot naman ang puting sapatos. Magaan ang mga kamay na dinampi iyon sa aking buhok. Seryoso ang mukha na inaayos ko ang sarili sa harap ng salamin, dahan-dahan ay dumapo ang tingin ko sa aking mga palad. Mga palad na tunay na nagdala sa akin sa kabuhayan ngunit nagdala rin sa akin sa kapahamakan na kailangan kong harapin. At ang kapatid ko? Paano ko ipapaliwanag sa kaniya ito? Paano ko siya mailalayo sa mundo na puno ng karahasan? Iniba ko na ang tingin nang maramdaman kong parang lumulutang na naman ako, tumigil ang mata ko sa aking cellphone na nasa dulo ng kama. Kinuha ko na 'yon at sinunod ang aking bag, hudyat na ako'y aalis na. Isang linggo na ang nakalipas pero laman pa rin ng feed ko ang mayor ng aming barangay na pumanaw dahil sa heart attack. Gaya ng aking inaasahan, ang mga nagdalamhati lamang sa kaniya ay ang mga nakinabang sa korapsyon na kaniyang ginawa sa aming mga mabababang tao lang. Mga walang awa na hindi inisip ang mga taong naglagay sa kanila sa mataas na posisyon, tila ginamit at kinalimutan kaming mga nagluklok sa kanila. "Aming Mayor, nakakalungkot ang sinapit mo." "Napaka-buti pa naman ni Mayor Kiko pero kinuha na agad ng Panginoon." "Ang bata pa ng Mayor pero inatake ito sa puso? Nakakagulat!" Nagsad react ako sa post nito na para bang hindi ang mga palad ko ang huling dumikit sa kaniya bago ang kaniyang pagkamatay.Nakatingin sa kawalan at malayo ang iniisip. Nang makasakay si Vince sa sasakyan ay mabilis din itong umugong hudyat na kami'y paalis na. Nabaling naman ang tingin ko sa aming bahay na ngayon ay nakatumba ang pintuan, napabuntong hininga ako. Bakit ko nga ba inasahan na tahimik ang magiging buhay namin dito? Sinulyapan ko ang kulay berdeng tsinelas ng kapatid ko na may bahid pa ng bula galing sa pinaglabhan niyang uniporme ko at mga putik galing sa labas. Mahigpit kong hinawakan iyon na para bang doon nakasalalay ang kaligtasan niya. "Huwag kang mag-alala, miss Mayari. Ang mga kasamahan ko ay kabisado ang pasikot-sikot dito, babalik na buhay ang kapatid mo sa'yo." Hindi ko binalingan ng pansin ang sinabi niya at lumunok na lamang. Sumasagad na sa pasensya ko ang grupo na iyon maging ang mga bagong tao na 'to na lumitaw na lang basta sa buhay ko. Hintayin mo ako, Kian. Kung kailangan ko silang gamitin para sa ikaliligtas mo ay gagawin ko. Ang puro kahirapan na paligi
"KAKAIBA KA, MAYARI." Nilingon ko ang manager at tinignan ito na may pagtatanong. "Alam mo bang ngayon lang nakatulog ang Don at ganoon pa talaga kabilis? Anong mahika ba meron ang kamay mo?" pabirong pagtatanong nito. "Sino ba siya?" matabang kong pagtatanong, walang interes sa pagkakakilanlan ng taong iyon. Ang bilib na bilib na tingin nito sa akin ay napalitan ng pagkagulat, napatakip ito sa bibig, "Seryoso ka ba? Hindi mo kilala ang Don Romano?" windang na pagtatanong. Mahinang umiling ako, umayos naman ito ng upo at marahang lumapit sa akin. "Siya si Don Valerio Romano. Ang pinakabatang CEO at Chairman ng Romano Group of Companies. At itong hotel na 'to? Nakapangalan ito sa kaniya, maging ang mga malalaking tech at real estate empires sa bansa, kaya nga halos kalahati ng ekonomiya natin ay nakapailalim sa kanila. Sa mga Romano. . ." Kwento nito na may halong pagbabanta na dapat ay kilala ko ang isang tulad ni Don Romano. "Kaya ganoon na lang ang panlalamig k
Malamig ang simoy ng hangin papunta sa nagtataasang gusali. Malayo pa man ay amoy ko na agad ang mga kagamitan sa loob. Sinong mag-aakala na makakapagtrabaho ako rito? Nang makarating ay tiningala ko pa ito bago humakbang paakyat. The Ivory Den ay isang nakatagong paraiso sa pinakamataas na palapag ng isang eksklusibong limang-belyang hotel na ito. sa pinaka-taas at gitna nito ang isang ginto at makintab na orasan na tumatama sa liwanag ng buwan. Mukhang mamahalin. Literal na libo-libong pitakang puno ng pera ang kakailanganin para dito. Umakyat na ako paitaas at dumeretso sa security turnstiles upang ilapat sa sensor nito ang aking ID, patunay na binigyan ako ng karapatang makapasok sa magarbong gusali na ito. Nang magkulay berde ito ay siyang pagtingala ko kasabay ng pagbukas ng glass barrier na mukhang mas mahal pa sa akin. Mula rito ay bumungad naman sa akin ang reception desk na kung saan pinaglulugaran ng mga manager na nag-aayos ng appointment ng bawat kliyenteng kanila
Nang magising ang diwa ko dulot ng alarm ay dahan-dahan akong nag-unat ng katawan at hindi napigilang gumuhit sa aking labi ang munting ngiti. Ahh. Ang sarap ng naging pagtulog ko! Ganito ata kapag alam mo sa sarili mo na may maayos ka nang trabaho, 'no? Na sa wakas hindi ka na mamumulubi sa bawat araw. Puno ng pag-asang bumangon ako sa aking hinihigaan. Night shift ako ngayon dahil iyon ang binigay sa akin ng scheduling manager ng gusali. Mula 10pm hanggang 10am kinabukasan ang pasok ko pero sabi naman sa akin na kaunti lang naman daw ang kliyente sa loob ng mga oras na 'yan. "Saan ka, 'te?" pagtatanong sa akin ng kapatid ko na abala naman sa paglalaro sa kaniyang cellphone. "Work." Maikli kong sagot at doon lang siya napalingon. "Paano po ang una mong trabaho?" kunot-noong pagtatanong niya. "Hindi naman 'yon maganda. Hindi ka ba masaya kay ate na may maganda na siyang trabaho?" malumanay na pagtatanong ko. "Masaya po pero kasi. . ." puno ng pangangamba sa kani






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.