LOGINNA PARA BANG ISA LANG AKONG LARUAN?! O bagay? Na ganoon kadali na maaangkin niya? Bago pa man mamuo ang inis sa aking sistema ay mabilis na iyong binalot ng kaba dahil sa kaniyang nasaksihan na hindi naman dapat. Mabilis na lumayo ako kay Marco at matigas na tinignan ang Don na ngayon ay punong-puno ng pagkamangha sa kaniyang mukha, habang si Vince at Troy naman ay gulat ang ekspresyon sa mga mukha. Lumunok ako, nag-iisip ng idadahilan. "Sino iyong mga dumakip sa kapatid mo?" pangunguna ni Vince. Punong-puno ng pagtatanong ang kaniyang mga mata. "Kabilang ako sa kanila. . ."Ni hindi man lang ako natinag o gumalaw nang ang dalawa sa magkabilang gilid ng Don ay sabay na nagkasa ng baril.Walang habas na itinutok iyon sa akin at laking pasasalamat ko na lang na ngayon ay kasarapan pa ng tulog ni Kian. Nandoon pa rin ang pagkamangha sa mukha ng Don, hindi ito nag-abalang pigilan ang kaniyang mga kasamahan na tila ba natutuwa pa ito sa kaniyang kapaligiran. ". . .dati," bulong na
Basang-basa ang katawan pero nanunuyot naman ang aking lalamunan dahil sa tensyon na nangyari sa pagitan namin ng Don. Bago pa man makatayo ay lumapit na sa akin ang isa sa mga kasamahan ni Vince. "Troy." Maikling pagpapakilala at inabot sa akin ang isang makapal at kulay puti na tuwalya. Agad ko namang iyong inabot at binalot sa aking sarili, "Ate," nag-aalalang tawag sa akin ni Kian. Doon ko lamang siya napansin, dala ng malalim na pag-iisip ay hindi ko na siya napansin pa. Nginitian ko ito at hinagod ang kaniyang buhok, "Okay na si ate. Pumasok ka na at dumeretso sa banyo roon sa kwarto natin at maligo ka na, maliwanag ba 'yon?" magiliw kong tanong at mabilis naman siyang tumango at tumakbo papasok ng mansyon. "Hindi ko alam kung matutuwa ba ako," sambit ni Troy sa kawalan.Nilingon ko ito ng may pagtatanong, "Anong ibig mong sabihin?"Tanong ko at bigla namang tumunog ang two way radio niya, inilapat niya iyon sa kaniyang tainga na hindi inaalis ang tingin sa akin. "Dumerets
NAGISING sa kalmado at nakakahumaling na huni ng mga ibon galing sa labas ng kwarto ang diwa ko. Nag-unat ako ng aking katawan at gumilid. Nanatiling pikit ang mga mata at marahang kinapa ang tabi ng hinihigaan ko upang sana yakapin si Kian ngunit tanging malambot na kama lang ang siyang nahawakan ko. Napabalikwas ako ng bangon at mabilis na nilibot ang paningin, "Kian?!" Hindi na nakapag-ayos, ni hindi na rin nakapagkuskos pa ng mga mata na paniguradong may matitigas pang mga muta ay agad na akong lumabas ng kwarto. Wala ng pakialam sa aking hitsura ngayon. Tumambad naman sa akin ang isang lalaking naka-suot ng itim na uniporme na nakatayo sa gilid ng pinto. "Nakita mo ba ang kapatid ko?" maayos kong tanong. Tumango lang naman ito at nilingon ang pasilyo pababa sa ikalawang palapag. "Salamat," usal ko at nilagpasan na ito. Palapit na sa hagdanan ay naririnig ko ang kalansing ng kutsara't tinidor. Tuloy-tuloy. Tahimik at tanging iyon lang ang ingay. Nang sa w
Nakatingin sa kawalan at malayo ang iniisip. Nang makasakay si Vince sa sasakyan ay mabilis din itong umugong hudyat na kami'y paalis na. Nabaling naman ang tingin ko sa aming bahay na ngayon ay nakatumba ang pintuan, napabuntong hininga ako. Bakit ko nga ba inasahan na tahimik ang magiging buhay namin dito? Sinulyapan ko ang kulay berdeng tsinelas ng kapatid ko na may bahid pa ng bula galing sa pinaglabhan niyang uniporme ko at mga putik galing sa labas. Mahigpit kong hinawakan iyon na para bang doon nakasalalay ang kaligtasan niya. "Huwag kang mag-alala, miss Mayari. Ang mga kasamahan ko ay kabisado ang pasikot-sikot dito, babalik na buhay ang kapatid mo sa'yo." Hindi ko binalingan ng pansin ang sinabi niya at lumunok na lamang. Sumasagad na sa pasensya ko ang grupo na iyon maging ang mga bagong tao na 'to na lumitaw na lang basta sa buhay ko. Hintayin mo ako, Kian. Kung kailangan ko silang gamitin para sa ikaliligtas mo ay gagawin ko. Ang puro kahirapan na paligi
"KAKAIBA KA, MAYARI." Nilingon ko ang manager at tinignan ito na may pagtatanong. "Alam mo bang ngayon lang nakatulog ang Don at ganoon pa talaga kabilis? Anong mahika ba meron ang kamay mo?" pabirong pagtatanong nito. "Sino ba siya?" matabang kong pagtatanong, walang interes sa pagkakakilanlan ng taong iyon. Ang bilib na bilib na tingin nito sa akin ay napalitan ng pagkagulat, napatakip ito sa bibig, "Seryoso ka ba? Hindi mo kilala ang Don Romano?" windang na pagtatanong. Mahinang umiling ako, umayos naman ito ng upo at marahang lumapit sa akin. "Siya si Don Valerio Romano. Ang pinakabatang CEO at Chairman ng Romano Group of Companies. At itong hotel na 'to? Nakapangalan ito sa kaniya, maging ang mga malalaking tech at real estate empires sa bansa, kaya nga halos kalahati ng ekonomiya natin ay nakapailalim sa kanila. Sa mga Romano. . ." Kwento nito na may halong pagbabanta na dapat ay kilala ko ang isang tulad ni Don Romano. "Kaya ganoon na lang ang panlalamig k
Malamig ang simoy ng hangin papunta sa nagtataasang gusali. Malayo pa man ay amoy ko na agad ang mga kagamitan sa loob. Sinong mag-aakala na makakapagtrabaho ako rito? Nang makarating ay tiningala ko pa ito bago humakbang paakyat. The Ivory Den ay isang nakatagong paraiso sa pinakamataas na palapag ng isang eksklusibong limang-belyang hotel na ito. sa pinaka-taas at gitna nito ang isang ginto at makintab na orasan na tumatama sa liwanag ng buwan. Mukhang mamahalin. Literal na libo-libong pitakang puno ng pera ang kakailanganin para dito. Umakyat na ako paitaas at dumeretso sa security turnstiles upang ilapat sa sensor nito ang aking ID, patunay na binigyan ako ng karapatang makapasok sa magarbong gusali na ito. Nang magkulay berde ito ay siyang pagtingala ko kasabay ng pagbukas ng glass barrier na mukhang mas mahal pa sa akin. Mula rito ay bumungad naman sa akin ang reception desk na kung saan pinaglulugaran ng mga manager na nag-aayos ng appointment ng bawat kliyenteng kanilan







