Chapter: KABANATA 03Nakatingin sa kawalan at malayo ang iniisip. Nang makasakay si Vince sa sasakyan ay mabilis din itong umugong hudyat na kami'y paalis na. Nabaling naman ang tingin ko sa aming bahay na ngayon ay nakatumba ang pintuan, napabuntong hininga ako. Bakit ko nga ba inasahan na tahimik ang magiging buhay namin dito? Sinulyapan ko ang kulay berdeng tsinelas ng kapatid ko na may bahid pa ng bula galing sa pinaglabhan niyang uniporme ko at mga putik galing sa labas. Mahigpit kong hinawakan iyon na para bang doon nakasalalay ang kaligtasan niya. "Huwag kang mag-alala, miss Mayari. Ang mga kasamahan ko ay kabisado ang pasikot-sikot dito, babalik na buhay ang kapatid mo sa'yo." Hindi ko binalingan ng pansin ang sinabi niya at lumunok na lamang. Sumasagad na sa pasensya ko ang grupo na iyon maging ang mga bagong tao na 'to na lumitaw na lang basta sa buhay ko. Hintayin mo ako, Kian. Kung kailangan ko silang gamitin para sa ikaliligtas mo ay gagawin ko. Ang puro kahirapan na paligi
Last Updated: 2026-07-01
Chapter: KABANATA 02"KAKAIBA KA, MAYARI." Nilingon ko ang manager at tinignan ito na may pagtatanong. "Alam mo bang ngayon lang nakatulog ang Don at ganoon pa talaga kabilis? Anong mahika ba meron ang kamay mo?" pabirong pagtatanong nito. "Sino ba siya?" matabang kong pagtatanong, walang interes sa pagkakakilanlan ng taong iyon. Ang bilib na bilib na tingin nito sa akin ay napalitan ng pagkagulat, napatakip ito sa bibig, "Seryoso ka ba? Hindi mo kilala ang Don Romano?" windang na pagtatanong. Mahinang umiling ako, umayos naman ito ng upo at marahang lumapit sa akin. "Siya si Don Valerio Romano. Ang pinakabatang CEO at Chairman ng Romano Group of Companies. At itong hotel na 'to? Nakapangalan ito sa kaniya, maging ang mga malalaking tech at real estate empires sa bansa, kaya nga halos kalahati ng ekonomiya natin ay nakapailalim sa kanila. Sa mga Romano. . ." Kwento nito na may halong pagbabanta na dapat ay kilala ko ang isang tulad ni Don Romano. "Kaya ganoon na lang ang panlalamig k
Last Updated: 2026-07-01
Chapter: KABANATA 01Malamig ang simoy ng hangin papunta sa nagtataasang gusali. Malayo pa man ay amoy ko na agad ang mga kagamitan sa loob. Sinong mag-aakala na makakapagtrabaho ako rito? Nang makarating ay tiningala ko pa ito bago humakbang paakyat. The Ivory Den ay isang nakatagong paraiso sa pinakamataas na palapag ng isang eksklusibong limang-belyang hotel na ito. sa pinaka-taas at gitna nito ang isang ginto at makintab na orasan na tumatama sa liwanag ng buwan. Mukhang mamahalin. Literal na libo-libong pitakang puno ng pera ang kakailanganin para dito. Umakyat na ako paitaas at dumeretso sa security turnstiles upang ilapat sa sensor nito ang aking ID, patunay na binigyan ako ng karapatang makapasok sa magarbong gusali na ito. Nang magkulay berde ito ay siyang pagtingala ko kasabay ng pagbukas ng glass barrier na mukhang mas mahal pa sa akin. Mula rito ay bumungad naman sa akin ang reception desk na kung saan pinaglulugaran ng mga manager na nag-aayos ng appointment ng bawat kliyenteng kanila
Last Updated: 2026-07-01
Chapter: SYNOPSISNang magising ang diwa ko dulot ng alarm ay dahan-dahan akong nag-unat ng katawan at hindi napigilang gumuhit sa aking labi ang munting ngiti. Ahh. Ang sarap ng naging pagtulog ko! Ganito ata kapag alam mo sa sarili mo na may maayos ka nang trabaho, 'no? Na sa wakas hindi ka na mamumulubi sa bawat araw. Puno ng pag-asang bumangon ako sa aking hinihigaan. Night shift ako ngayon dahil iyon ang binigay sa akin ng scheduling manager ng gusali. Mula 10pm hanggang 10am kinabukasan ang pasok ko pero sabi naman sa akin na kaunti lang naman daw ang kliyente sa loob ng mga oras na 'yan. "Saan ka, 'te?" pagtatanong sa akin ng kapatid ko na abala naman sa paglalaro sa kaniyang cellphone. "Work." Maikli kong sagot at doon lang siya napalingon. "Paano po ang una mong trabaho?" kunot-noong pagtatanong niya. "Hindi naman 'yon maganda. Hindi ka ba masaya kay ate na may maganda na siyang trabaho?" malumanay na pagtatanong ko. "Masaya po pero kasi. . ." puno ng pangangamba sa kani
Last Updated: 2026-07-01