LOGINSi Rachel Specter, isang matagumpay na abogado at co-CEO ng Specter Ross, ay nasa rurok ng tagumpay nang makuha niya ang pinakamalaking kliyente sa kasaysayan ng kanilang kompanya. Ngunit sa araw ding iyon, gumuho ang kaniyang mundo matapos niyang mahuli ang kaniyang fiancé at business partner na si Harvey Specter na nakikipagtalik sa kaniyang dating sekretarya na si Donna. Dahil sa matinding pagtataksil, agad na tinapos ni Rachel ang kanilang relasyon at pinigilan ang planong kasal na palihim na inihahanda ni Harvey. Habang tinatangka niyang takasan ang dating kasintahan, nasangkot siya sa isang malagim na aksidente sa sasakyan. Sa ospital, isang mas masakit na balita ang sumalubong sa kaniya: nalaglagan siya ng anak. Galit at wasak, nagpasya si Rachel na tuluyang putulin ang lahat ng ugnayan kay Harvey. Pinirmahan niya ang mga papeles ng diborsyo at sinibak ito bilang Name Partner ng Specter Ross bago pansamantalang umalis ng bansa. Ngunit sa America, isang nakakagulat na katotohanan ang nabunyag. Kambal pala ang kaniyang ipinagbubuntis, at isa lamang sa mga sanggol ang nasawi sa aksidente. Habang lihim na pinoprotektahan ang natitirang anak, napilitan siyang bumalik sa Pilipinas upang iligtas ang humihinang kompanya. Sa kaniyang pagbabalik, muli silang nagkaharap ni Harvey, na ngayo'y engaged na kay Donna. Ngunit hindi alam ng lalaki na buhay pa ang anak na pinaniniwalaan niyang nawala na magpakailanman.
View MoreNakangiting pinagmamasdan ni Rachel ang isang puting folder na naglalaman ng kontratang nagsasaad ng partnership agreement sa pinakamalaking perfume company sa bansa. Habang pinapasadahan ang mga nakakalulang numero sa ikalawang pahina, hindi niya maiwasang isipin ang magiging reaksiyon ng kaniyang Name Partner at fiancé na si Harvey Specter.
Tumunog ang elevator, hudyat na nasa ikalabinlimang palapag na siya. Agad siyang binungad ng kaniyang secretary na nagmamadali, natataranta, at pinagpapawisan, na para bang may dalang kung anong masamang balita.
“Rachel… Rachel!” Kinalabit niya ang boss na paliko na sana sa kanang hallway kung saan naroroon ang opisina nilang magkasintahan.
Huminto naman si Rachel, muntikan pang matisod sa kaning five-inch Prada heels. “Oh, Louis? Anong problema? Bakit parang problemado ka?”
“Ah, ano kasi…” Napakamot na lang ng ulo ang sekretarya habang nagdadalawang-isip kung sasabihin nga ba talaga niya ang dapat sabihin.
“Alam mo, may sasabihin ako sa iyo na ikagaganda ng modo mo.” Hinatak ni Rachel si Louis papunta sa pantry, ilang hakbang lang ang layo mula sa secretary’s desk.
Umupo si Rachel sa mesa at pinatong ang puting folder, habang panandaliang kumuha ng malamig na tubig si Louis para sa kanilang dalawa. Tinabihan nito ang boss pagkatapos.
“Look what I’ve got,” pinagmamalaking saad ni Rachel sabay pitik ng puting folder papunta sa sekretarya.
Binuklat ito ni Louis nang walang imik.
“I just secured our company another client! And it is not just a mere client! It’s Jan Dancy! One of the biggest and most successful perfume businesses in the country.” Nakangiting paliwanag ni Rachel.
“Rachel…” Habang nakatutok ang mga mata na tila binabasa ang bawat linya sa dokyumento, napanganga na lamang si Louis sa mga nakikitang numero. “Ang laki nito! Dalawang bilyong piso para sa isang taon?!”
“Exactly.” Hinablot ni Rachel ang puting folder at saka ito itiniklop. Hindi pa rin naaalis sa kaniyang mukha ang ngiti. “Kaya wala tayong dahilan para hindi matuwa sa magandang balitang ito. Today is the best day for me and for this company. And you know what?”
Napatingin na lang si Louis sa kaniyang boss. Nanumbalik ang pangamba sa kaniyang mukha, kabaliktaran ng hindi maalis-alis na saya sa mukha ni Rachel.
“Ano ‘yon?” tugon niya.
“This calls for a celebration.” Tumayo si Rachel sa kinauupuan. “Where’s Harvey?”
Hindi nakasagot si Louis. Napayuko na lamang ito at napaiwas ng tingin sa kaniyang amo.
Biglang nagkakutob si Rachel. Inulit niya ang kaniyang tanong, nagbabakasakaling hindi lang siya narinig. “Louis, where’s Harvey?!” Sa mga puntong ito, may diin na sa kaniyang tanong.
Gayunpaman, hindi pa rin nakasagot si Louis.
Umirap na lamang si Rachel, tumalikod, at nagsimulang maglakad nang padabog patungo sa opisina ng kaniyang fiancé.
“Rachel, saglit!” Sinubukan pang pigilan ni Louis ang amo sa pamamagitan ng paghawak sa braso nito, pero agad namang nagpumiglas si Rachel at nakawala.
Ramdam ni Rachel na may tinatago si Louis. Unti-unting namumuo ang galit sa kaniyang ulo. Sumisikip ang dibdib, sumasabay sa pagpintig ng kaniyang sinapupunan.
Ilang Segundo nang naglalakad, natunton ni Rachel ang opisina ng kaniyang fiancé na si Harvey.
Hindi sagad ang pagkakasirado ng pinto nito, isang pahiwatig na maaaring wala ang kaniyang fiancé sa loob dahil kailanma’y hindi nito iniiwan ang pinto nang nakabukas. Ayaw na ayaw niya sa lahat ang pintong hindi nakasira.
Hindi na kumatok si Rachel. Nagkusa siyang pumasok. Bagay na pinagsisisihan niya kung bakit niya pa ginawa.
Sa pagpihit niya ng pinto, tumambad sa kaniyang paningin ang fiance na si Harvey na nakatalikod at hubo’t hubad, habang ang kaniyang mga damit ay nakakalat sa sahig. Nakaharap siya sa kaniyang mesa na regalo pa ni Rachel noong naipromote si Harvey bilang name partner dalawang buwan ang nakalilipas. Nakapatong naman sa taas ng mesang ito ay ang isa pang nakahubot-hubad rin na babae.
Tinatakpan ang kaniyang bibig ng kaliwang palad ni Harvey habang binabayo ito nang dahan-dahan.Nagulantang na lang si Rachel sa nakita. Nangisay siya sa kinatatayuan. Tinitigan niya nang maigi ang babaeng kalampungan ng kaniyang fiancé. Blonde ang buhok. May suot na salamin. May malaking perlas na magtatatlong taon na niyang suot-suot magmula noong una siyang tinanggap ni Rachel sa kompanya.
Nagsimulang tumulo ang mga luha ni Rachel nang mapagtanto kung sino ito.
Si Donna. Ang dati niyang sekretarya na binigay niya kay Harvey noong nagpasya siyang ipromote ito bilang name partner.
Nanggagalaiting binagsak ni Rachel ang hinahawakang puting folder sa sahig saka tumalikod at naglakad palayo. Malakas niyang isinara ang pinto sa kaniyang pag-alis.
Sa loob ng opisina, mabilis namang tinulak ni Harvey si Donna nang marinig ang pagkalabog ng pinto. Agaran niyang hinablot ang mga damit at saka sinuot ito. Hindi na niya binigyang pansin ang maling pagkakabuton ng kaniyang puting polo, at hindi na rin inayos ang pagkakasintas ng kaniyang sapatos.
Tumakbo siya palabas upang habulin ang kaniyang fiance na si Rachel, habang nakaiwan pa ring n*******d sa ibabaw ng mesa ang sekretarya nitong si Donna.
Sa elevator, muntikan pa silang magkaabutan, subalit agad na sinara ni Rachel ang pinto bago pa man din makapasok si Harvey.
“Hinding-hindi kita mapapatawad!” bulong nito sa sarili, sabay himas sa kaniyang tiyan na ngayo’y nakakaramdam na ng sakit.
Kinuha ni Rachel ang kaniyang cellphone mula sa kaniyang bag. Pagkalabas niya ng elevator, tinawagan niya ang kaniyang personal driver para magpasundo sa tapat ng Specter Ross building.
Wala pang limang minuto ay nakarating agad ang puting sasakyan. “Saan po tayo ngayon, ma’am?”
“Sa bahay na, kuya.” Sinuot ni Rachel ang kaniyang itim na sunglasses pagkaupo niya sa backseat. “May tuturuan lang ako ng leksiyon.”
"Rachel..." "I know, Louis. You don't have to tell me." Sa tuwing may pagtitipon ng mga CEO at businessmen sa siyudad, palaging inaabangan ang matandang lalaking iyon, si Jeremy Tiu. Bukod kasi sa kilala bilang pinakamayamang negosyante, marami rin siyang koneksiyon, mga traders mula sa iba't ibang bansa na tanging siya lang ang nakakakuha. Kaya hindi rin maipagkakaila na halos magpatayan na ang mga pribadong sektor para lamang makuha ang matamis na oo niya. Noon, wala masyadong pakialam si Harvey at si Rachel sa kanya. Kayang tumayo ng Specter Ross Firm nang mag-isa. Pero noon pa yon. At ngayong divorced na ang dating namumuno sa kompanya, ngayong may kani-kanila na silang negosyong pinapalakad, at ngayong kalaban na nila ang isa't isa, mukhang kakailangan nilang mag unahan para mapaamo ang matandang pinag-aagawan ng lahat. "Rachel, ano pang hinihintay mo?! We need to move fast dahil kung hindi ay mauunahan tayo!" napapraning na paalala ni Louis kay Rachel. "Sandali." Tinapi n
"Did you know that I have a thing with divorced women?" Hindi nagpatinag ang lalaki sa kamandag ni Rachel. Bagkus ay tinapatan pa niya ang enerhiya nito. Kahit namumula na ang kaniyang pisngi ay mas lalo niyang nilapit ang kaniyang mukha sa mukha ni Rachel. Sa mga puntong ito nararamdaman na nila ang init ng hininga ng isa't isa. "Totoo ba?" sagot ni Rachel, at ganon pa rin ang kaniyang pwesto. "Would you mind telling me what it is?" Ngumisi na lamang ang lalaki sabay dila ng kanyang labi. "The thing that I have with women is..." bulong niya sa tenga ni Rachel. "They make me horny." Napaatras si Rachel sa narinig. Kinabahan siya ng kaunti. Napabalik siya sa kinauupuan, pero ang ngiti sa kaniyang mukha ay hindi pa rin nawawala. "What's your name," diretsahan niyang tinanong ang lalaki na hanggang ngayon ay namumula any mukha. "Why don't you find it out?" "Is that a challenge?" "If you take it as one."Tumayo si Rachel sa kaniyang kinauupuan at saka nagtangkang umalis. Pero mat
Ang CEO ng Motolite Company ay tahimik na nakaupo at nag-iisa sa ikaapat na VIP table sa harap malapit sa establado. Pinaglalaruan niya ang hugis sasakyan na susi ng kaniyang Lamborghini. Kilala siya bilang isang masungit, arogante, at walang pakialam sa mundo na uri ng lalaki. Pero pagdating sa negosyo, siya ang kinakatakutan ng marami. Hindi pa man din siya nakaka-isang taon sa pamumuno sa kompanya, pero hinahangaan na siya sa industriya. Kinakatakutan na rin siya ng kaniyang mga ka-kompetensiya, pero karamihan sa kanila ay nag-uunahan na makuha siya bilang business-partner. Isa na doon si Rachel, na ang kompanya ngayo'y nanganganib na magsara. Umupo si Rachel nang wala paalam sa upuan na nasa kabilang bahagi ng pabilog na mesa. Bigla napatango ang lalaki sa kanya. "I don't think I have ever seen you in a convention like this before," sabi ni Rachel. Manipis ang kaniyang boses, kalmado, hindi katulad ng kung paano siya magsalita sa kaniyang mga kakilala. "Let me guess, a rising
Habang nakaupo sa unang baitang malapit sa entablado ng conference hall ng hotel si Rachel, walang malay na nanginginig ang kaniyang mga kamay. Agad itong napansin ni Louis na nakaupo sa kaniyang tabi. "May mali ba?" tanong niya, sabay biglaang pagdakip ng kaliwang kamay nito sa nakabuhol na mga kamay si Rachel sa kaniyang kanang tuhod. "No, no." Napailing si Rachel. "Nothing is wrong. I was just wondering kung tama ba ang ginawa ko na nagsungit ako sa harap ng dati kong name partner." Napangisi na lang si Louis. "You know what, I think that is the problem with you, Rachel. Masyado kang mabait. Masyado mong iniisip ang kapakanan ng ibang tao kaysa sa kapakanan mo." Napabuntong-hininga na lamang si Louis. "At isa pa, what happened to you? One hour ago, halos gustong mong patayin si Harvey dahil sa ginawa niya sa iyo, tapos ngayon, parang awang-awa ka na sa kaniya?" Tiningnan na lamang ni Rachel si Louis nang mataray. "He was still my fiancé. He is still the father of this child." H
Nasa kalagitnaan ng E. Rodriguez highway si Rachel at ang kaniyang driver nang may napansin siyang isang pamilyar na sasakyan na nakabuntot sa kanila. Agad siyang napalingon habang ang mga kamay ay nakaalalay sa kaniyang tiyan na nakakaramdam ng sakit. “Kuya,” tinawag niya ang kaniyang driver na
“Rachel, anak, bakit ka umiiyak?” Lumingon si Jessica sa direksiyon ng pinto ng mansiyon kung saan napansin niya ang anak na padabog na naglalakad habang nagpupunas ng luha. Sinenyasan niya ang anak na lumapit sa kaniya. “Halika nga dito. Anong nangyari sayo?” Agad namang lumapit sa kanya si Ra
Tatlong linggo matapos ang kaniyang pagdating sa America, muling bumalik si Rachel sa Pilipinas.Hindi dahil handa na siyang harapin si Harvey. Kundi dahil wala siyang pagpipilian.Tahimik siyang nakaupo sa likurang bahagi ng kaniyang sasakyan habang pinagmamasdan ang mga gusaling dinaraanan nila.
Kinaumagahan, maagang dumating si Rachel sa opisina ni Louis Litt na parang hindi ito nanggaling sa isang aksidente. Bitbit niya ang isang kulay abong folder na naglalaman ng mga dokumentong pinahanda niya kagabi pa lamang.Nang makita siya ni Louis, agad itong tumayo mula sa kaniyang upuan.“Rach












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.