LOGINKinaumagahan, maagang dumating si Rachel sa opisina ni Louis Litt na parang hindi ito nanggaling sa isang aksidente.
Bitbit niya ang isang kulay abong folder na naglalaman ng mga dokumentong pinahanda niya kagabi pa lamang.
Nang makita siya ni Louis, agad itong tumayo mula sa kaniyang upuan.
“Rachel.” Nag-aalalang tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “How are you feeling?”
“Like hell,” diretsahang sagot niya.
Tahimik na napalunok si Louis.
“May dala ka na ba?”
Tumango ang abogado at agad na inilapag ang isang makapal na tumpok ng mga papeles sa ibabaw ng mesa.
“Everything is here. Divorce papers. Property settlements. Asset divisions. Lahat. You name it.”
Umupo si Rachel at isa-isang binuklat ang mga dokumento. Ilang segundo siyang tahimik at maingat na pinasadahan ang mga papeles. Tanging tunog lamang ng aircon at paglipat ng mga pahina ang maririnig sa buong opisina.
“Rachel...” nagdadalawang isip na sambit ni Louis. “Sigurado ka na ba rito?”
Hindi agad sumagot si Rachel. Kinuha niya ang ballpen sa ibabaw ng mesa at saka tinaktak ito. Pagkatapos ay isa-isa niyang nilagdaan ang bawat pahina.
“Mas sigurado pa ako rito kaysa sa relasyon namin ni Harvey.”
Napayuko na lamang si Louis.
Pagkatapos lagdaan ang huling pahina, isinara ni Rachel ang folder. “All done.”
Akala ni Louis ay tapos na ang lahat. Pero may isa pang folder na inilabas si Rachel mula sa kaniyang bag.
Mas manipis ito kung ikukumpara sa mga dokumento na inihanda ng kaniyang best friend.
“Ano naman iyan?” tanong ni Louis.
Dahan-dahang itinulak ni Rachel ang folder palapit sa kaniya.
Binuksan ito ni Louis.
Bigla siyang natigilan. “Rachel...”
Ngumiti si Rachel. Sa mga puntong ito’y nakapagtataka kung papaano at bakit siya nagkaroon ng pagkakataong ngumiti. “Go ahead. Read it.”
Muling ibinaba ni Louis ang kaniyang tingin sa dokumento. Unti-unting nanlaki ang kaniyang mga mata. “Termination papers?”
Tumango si Rachel. “Effective immediately,” buong kompyansa niyang sagot.
“Tatanggalin mo si Harvey bilang Name Partner?”
“Yes.”
Napabuntong-hininga si Louis. “Rachel, alam kong galit ka pero—”
“Hindi ito dahil galit ako.”
Naputol ang sasabihin sana ni Louis. “Then why?”
“Because he betrayed the company.” Tahimik na tinitigan niya ang kaniyang best friend.
“Binigay ko sa kaniya ang posisyong iyon dahil pinagkatiwalaan ko siya.” Humigpit ang hawak niya sa bolpen. “At sinayang niya ang lahat.”
Hindi nakasagot si Louis.
“Simula ngayong araw, wala na siyang anumang karapatan sa kompanyang binili ng pamilya ko.”
Tumayo si Rachel.
“At ikaw ang bahalang magbigay sa kaniya ng mga papeles.”
“Rachel...”
“I'm done being nice.”
Pagkatapos sabihin iyon ay kinuha niya ang kaniyang handbag.
“Saan ka pupunta ngayon?”
Huminto siya sa may pintuan. Hindi agad siya sumagot.
Ilang hakbang palabas ng opisina ay muling tumalikod si Rachel para magpaliwanag. “I have a flight to catch. I'll be in the US for a few weeks. Kailangan kong mag-isa.”
Nagulat si Louis. “What?”
“Kailangan kong umalis ng bansa.”
“Rachel—”
“Ayaw kong makita ang pagmumukha ni Harvey.”
Napabuntong-hininga si Louis. “Gaano katagal?”
Tumalikod siya. “Like I said, Louis, few weeks. Or I don't know. Maybe months.” Pagkatapos ay muli siyang lumingon. “At kapag hinanap niya ako, huwag mong sasabihin kung nasaan ako.”
Hindi na nakapagsalita si Louis. Tahimik na lamang niyang pinanood ang paglabas ng kaniyang best friend sa opisina. Habang nakasara ang pinto, napatingin siya sa dalawang folder na naiwan sa ibabaw ng mesa.
Isa para sa diborsyo. Isa para sa pagbagsak ng isang Name Partner. At pareho iyong nakapangalan kay Harvey Specter.
Sa America, tatlong araw ang nakalipas.
Nakatayo si Rachel sa harap ng malaking bintana ng kaniyang hotel suite habang pinagmamasdan ang mga ulap sa itaas.
Tahimik ang hapon, pero hindi ang kaniyang katawan. Ilang araw na siyang nakakaramdam ng pagkahilo. Madalas din siyang nasusuka. At mas madalas na sumasakit ang kaniyang ulo.
Noong una ay inisip niyang epekto lamang iyon ng aksidente. Pero habang tumatagal, lalo siyang naguguluhan. Kaya naman nagpasya siyang magpatingin sa isang doktor.
Nakaupo siya sa loob ng isang pribadong clinic, habang hinihintay ang resulta ng kaniyang mga pagsusuri.
Makalipas ang ilang minuto ay bumukas ang pinto na sinundan ng pagpasok ng isang doktor na may hawak na puting folder. “Miss Specter?” bati nito.
Tumango si Rachel.
Umupo ang doktor sa tapat niya. “There’s a couple of things that I need you to know about your results.”
Biglang kumabog ang dibdib ni Rachel nang narinig ito. Nanumbalik sa kaniyang isipan ang good news at bad news na pinakawalan sa kanya ng doctor noong naaksidente sila ng kaniyang driver. Hindi niya kakayaning marinig ulit ang parehong balita.
“Go, ahead doc. Say what you wanted to say.”
Ngumiti ang doktor. “I don't get why you're having that face, Miss Specter.”
“I’m ready to hear the worst,” sabat nito.
“That you're pregnant?”
Biglang nahinto si Rachel. “But they told me I had a miscarriage. They said the baby didn't survive the accident.”
Napatango na lamang ang doktor. “Technically, that's true.”
Nagsimulang mabuo ang takot sa mukha ni Rachel. “What are you even trying to say, doc?”
Binuksan ng doktor ang folder. Pagkatapos ay inilapag sa mesa ang resulta ng ultrasound.
Napalunok lamang si Rachel nang nahagip ng kaniyang mga mata ang monochrome photo na nakalatag sa mesa.
“You were carrying twins,” paliwanag ng doctor.
Nanlaki ang mga mata ni Rachel. Sa maikling pagkakataon, naiwan sa kaniyang isipan ang mga salitang iyon ng doctor. Paulit ulit itong naririnig ng kaniyang mga tenga. “Tw—twins?” Pakiramdam ni Rachel ay nawalan siya ng hangin.
Tumango ang doktor. “Yes. Twins. However, because of the accident, only one of them was able to survive.”
Napahawak si Rachel sa kaniyang bibig. Unti-unting tumulo ang mga luha sa kaniyang mukha.
“But the other baby did,” patuloy ng doctor.
Tuluyan nang napahagulgol si Rachel. Habang nanginginig ang kaniyang katawan, dahan-dahan niyang inilapat ang mga kamay sa kaniyang tiyan.
May buhay. May pintig. Hindi nawala ang lahat. May natitira pa. May isang munting puso pa ring tumitibok sa loob niya.At sa unang pagkakataon matapos ang aksidente, nakaramdam siya ng pag-asa.
Ngunit kasabay nito ay may isang katotohanang muli niyang naalala.
Ang batang iyon...
Ay anak ni Harvey Ross.
"Rachel..." "I know, Louis. You don't have to tell me." Sa tuwing may pagtitipon ng mga CEO at businessmen sa siyudad, palaging inaabangan ang matandang lalaking iyon, si Jeremy Tiu. Bukod kasi sa kilala bilang pinakamayamang negosyante, marami rin siyang koneksiyon, mga traders mula sa iba't ibang bansa na tanging siya lang ang nakakakuha. Kaya hindi rin maipagkakaila na halos magpatayan na ang mga pribadong sektor para lamang makuha ang matamis na oo niya. Noon, wala masyadong pakialam si Harvey at si Rachel sa kanya. Kayang tumayo ng Specter Ross Firm nang mag-isa. Pero noon pa yon. At ngayong divorced na ang dating namumuno sa kompanya, ngayong may kani-kanila na silang negosyong pinapalakad, at ngayong kalaban na nila ang isa't isa, mukhang kakailangan nilang mag unahan para mapaamo ang matandang pinag-aagawan ng lahat. "Rachel, ano pang hinihintay mo?! We need to move fast dahil kung hindi ay mauunahan tayo!" napapraning na paalala ni Louis kay Rachel. "Sandali." Tinapi n
"Did you know that I have a thing with divorced women?" Hindi nagpatinag ang lalaki sa kamandag ni Rachel. Bagkus ay tinapatan pa niya ang enerhiya nito. Kahit namumula na ang kaniyang pisngi ay mas lalo niyang nilapit ang kaniyang mukha sa mukha ni Rachel. Sa mga puntong ito nararamdaman na nila ang init ng hininga ng isa't isa. "Totoo ba?" sagot ni Rachel, at ganon pa rin ang kaniyang pwesto. "Would you mind telling me what it is?" Ngumisi na lamang ang lalaki sabay dila ng kanyang labi. "The thing that I have with women is..." bulong niya sa tenga ni Rachel. "They make me horny." Napaatras si Rachel sa narinig. Kinabahan siya ng kaunti. Napabalik siya sa kinauupuan, pero ang ngiti sa kaniyang mukha ay hindi pa rin nawawala. "What's your name," diretsahan niyang tinanong ang lalaki na hanggang ngayon ay namumula any mukha. "Why don't you find it out?" "Is that a challenge?" "If you take it as one."Tumayo si Rachel sa kaniyang kinauupuan at saka nagtangkang umalis. Pero mat
Ang CEO ng Motolite Company ay tahimik na nakaupo at nag-iisa sa ikaapat na VIP table sa harap malapit sa establado. Pinaglalaruan niya ang hugis sasakyan na susi ng kaniyang Lamborghini. Kilala siya bilang isang masungit, arogante, at walang pakialam sa mundo na uri ng lalaki. Pero pagdating sa negosyo, siya ang kinakatakutan ng marami. Hindi pa man din siya nakaka-isang taon sa pamumuno sa kompanya, pero hinahangaan na siya sa industriya. Kinakatakutan na rin siya ng kaniyang mga ka-kompetensiya, pero karamihan sa kanila ay nag-uunahan na makuha siya bilang business-partner. Isa na doon si Rachel, na ang kompanya ngayo'y nanganganib na magsara. Umupo si Rachel nang wala paalam sa upuan na nasa kabilang bahagi ng pabilog na mesa. Bigla napatango ang lalaki sa kanya. "I don't think I have ever seen you in a convention like this before," sabi ni Rachel. Manipis ang kaniyang boses, kalmado, hindi katulad ng kung paano siya magsalita sa kaniyang mga kakilala. "Let me guess, a rising
Habang nakaupo sa unang baitang malapit sa entablado ng conference hall ng hotel si Rachel, walang malay na nanginginig ang kaniyang mga kamay. Agad itong napansin ni Louis na nakaupo sa kaniyang tabi. "May mali ba?" tanong niya, sabay biglaang pagdakip ng kaliwang kamay nito sa nakabuhol na mga kamay si Rachel sa kaniyang kanang tuhod. "No, no." Napailing si Rachel. "Nothing is wrong. I was just wondering kung tama ba ang ginawa ko na nagsungit ako sa harap ng dati kong name partner." Napangisi na lang si Louis. "You know what, I think that is the problem with you, Rachel. Masyado kang mabait. Masyado mong iniisip ang kapakanan ng ibang tao kaysa sa kapakanan mo." Napabuntong-hininga na lamang si Louis. "At isa pa, what happened to you? One hour ago, halos gustong mong patayin si Harvey dahil sa ginawa niya sa iyo, tapos ngayon, parang awang-awa ka na sa kaniya?" Tiningnan na lamang ni Rachel si Louis nang mataray. "He was still my fiancé. He is still the father of this child." H
Tatlong linggo matapos ang kaniyang pagdating sa America, muling bumalik si Rachel sa Pilipinas.Hindi dahil handa na siyang harapin si Harvey. Kundi dahil wala siyang pagpipilian.Tahimik siyang nakaupo sa likurang bahagi ng kaniyang sasakyan habang pinagmamasdan ang mga gusaling dinaraanan nila. Sa kaniyang kandungan ay nakapatong ang isang makapal na folder. Mga financial reports. Mga quarterly projections. Mga client assessments. At lahat ng iyon ay nagsasabi ng iisang bagay. May problema ang Specter Ross. Isang malaking problema."Ma'am?"Napatingin siya sa driver."Malapit na po tayo sa opisina."Tumango lamang si Rachel. Muli niyang binuksan ang financial report. At sa bawat pahinang kaniyang binabasa ay mas lalo siyang nababagabag. Tatlong pangunahing kliyente ang umatras. Dalawang major acquisitions ang bumagsak. Mahigit isang daang milyong piso ang nawalang potensyal na kita. At higit sa lahat… Bumaba ang kumpiyansa ng mga investors.Hindi niya gustong aminin. Pero alam niya
Kinaumagahan, maagang dumating si Rachel sa opisina ni Louis Litt na parang hindi ito nanggaling sa isang aksidente. Bitbit niya ang isang kulay abong folder na naglalaman ng mga dokumentong pinahanda niya kagabi pa lamang.Nang makita siya ni Louis, agad itong tumayo mula sa kaniyang upuan.“Rachel.” Nag-aalalang tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “How are you feeling?”“Like hell,” diretsahang sagot niya.Tahimik na napalunok si Louis.“May dala ka na ba?”Tumango ang abogado at agad na inilapag ang isang makapal na tumpok ng mga papeles sa ibabaw ng mesa.“Everything is here. Divorce papers. Property settlements. Asset divisions. Lahat. You name it.”Umupo si Rachel at isa-isang binuklat ang mga dokumento. Ilang segundo siyang tahimik at maingat na pinasadahan ang mga papeles. Tanging tunog lamang ng aircon at paglipat ng mga pahina ang maririnig sa buong opisina.“Rachel...” nagdadalawang isip na sambit ni Louis. “Sigurado ka na ba rito?”Hindi agad sumagot si Rachel. Kin
“Rachel, anak, bakit ka umiiyak?” Lumingon si Jessica sa direksiyon ng pinto ng mansiyon kung saan napansin niya ang anak na padabog na naglalakad habang nagpupunas ng luha. Sinenyasan niya ang anak na lumapit sa kaniya. “Halika nga dito. Anong nangyari sayo?” Agad namang lumapit sa kanya si Ra
Nakangiting pinagmamasdan ni Rachel ang isang puting folder na naglalaman ng kontratang nagsasaad ng partnership agreement sa pinakamalaking perfume company sa bansa. Habang pinapasadahan ang mga nakakalulang numero sa ikalawang pahina, hindi niya maiwasang isipin ang magiging reaksiyon ng kaniyan
Nasa kalagitnaan ng E. Rodriguez highway si Rachel at ang kaniyang driver nang may napansin siyang isang pamilyar na sasakyan na nakabuntot sa kanila. Agad siyang napalingon habang ang mga kamay ay nakaalalay sa kaniyang tiyan na nakakaramdam ng sakit. “Kuya,” tinawag niya ang kaniyang driver na







