LOGINEthan Grey Parker is one of the youngest and most successful businessmen of his generation. Wealth, power, and a promising future are already within his grasp. The only thing standing between him and his inheritance is a marriage he never wanted. His father has made it clear: the family fortune, the company, and everything Ethan is destined to inherit depend on one condition-he must marry Shally Marie Villafuerte. But Ethan has no desire to settle down. Marriage was never part of his plans, especially not an arranged one. Yet for the sake of his future, he finds himself trapped in a decision that is no longer his to make. Unfortunately, Shally Marie feels exactly the same. Young, ambitious, and determined to live her life on her own terms, Shally refuses to let marriage dictate her future. She isn't ready to become someone's wife, especially not a stranger's. But no matter how hard she protests, her father's decision is final. With no one willing to stand by her side, Shally begins to lose hope. Because the one person who could fight for her... isn't there. Her older sister. The woman who fears no one. The woman who never backs down from a challenge. The woman who would burn the world before allowing anyone to ruin her sister's future. But what happens when she suddenly returns? Will she succeed in stopping the wedding before it's too late? Will she be able to free Shally from a future she never chose? And if the marriage is called off, what will Ethan do when the very thing he once wanted to escape is no longer within his reach? In a story filled with family expectations, sacrifice, and unexpected emotions, lives are about to change the moment one woman decides to stand against everyone..
View MoreLONDON
"F*ck that marriage!" Galit na galit na napasigaw si Shanaia nang makarating sa kanya ang balitang ipapakasal ng kanyang mga magulang ang nag-iisang kapatid na si Shally. "She's still studying! Are they really going to ruin my sister's life?" gigil niyang dagdag. Tahimik na nakatayo sa harap niya si Arie, ang pinakatapat at pinakapinagkakatiwalaan niyang tauhan. "After graduation pa naman daw po gaganapin ang kasal ni Miss Shally," maingat nitong paliwanag. Hindi iyon nakapagpabawas ng galit ni Shanaia. "I don't care." Mariin niyang ibinagsak ang hawak na folder sa mesa. "Hindi pa rin ako papayag. Buti sana kung mahal ng kapatid ko ang lalaking ipapakasal sa kanya. Pero hindi. It's a fixed marriage." Napailing siya. "They probably don't even love each other. Worse, baka hindi pa nga sila magkakilala." Agad niyang kinuha ang cellphone at nag-dial ng numero. Isang ring pa lamang ay sinagot na ito. "Hey, baby," masayang bungad ng lalaki sa kabilang linya. "Napatawag ka?" "Ready yourself," diretsahang sabi ni Shanaia. "And prepare your private plane." Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan. "I need you." "Saan tayo pupunta?" "Philippines." --- PHILIPPINES Komportable ang pagkakaupo ni Ethan Parker sa kama habang ini-scroll ang I*******m account ni Shally Villafuerte. Muli niyang tiningnan ang larawan ng dalaga. Pretty. Simple. At mukhang wala ring interes sa arranged marriage na ipinipilit sa kanila. Biglang bumukas ang pinto ng kanyang silid. "Hi, son. Busy ka ba?" Napatingala siya at nakita ang kanyang ina na may dalang paper bag. "What brings you here, Mom?" Lumapit ito at iniabot ang dala. "Nakalimutan mo na ba?" nakangiting tanong nito. "Ngayon ang punta natin sa mansion ng mga Villafuerte para pag-usapan ang kasal ninyo." Tumigil ito sandali bago idinagdag, "That's why I bought you a new suit." Tiningnan ni Ethan ang laman ng paper bag. Totoo nga. Suit. "Bakit pa? Ang dami ko nang suit sa closet." "Wala akong pakialam." Tumaas ang kilay ng kanyang ina. "At mas mabuti nang kumilos ka na. Thirty minutes. That's all I'm giving you." Pagkasabi noon ay lumabas na ito ng silid. Napabuntong-hininga si Ethan. "Great." Inihagis niya ang cellphone sa kama bago pumasok sa banyo. --- Eksaktong tatlumpung minuto ang ibinigay ng kanyang ina, kaya mabilis siyang naligo. Alam niyang kapag lumampas siya sa oras, kahit hindi pa siya tapos mag-ayos ay papalabasin siya nito ng kuwarto. Matapos ang labinlimang minutong shower, lumabas siya ng banyo at nagtungo sa walk-in closet. Nagtagal siya sa pagpili ng necktie. Pagkatapos masigurong maayos ang kanyang itsura, saka siya lumabas ng silid. "Sir, hinihintay na po kayo nina Ma'am at Sir sa labas," bati ng kasalubong niyang maid. Tinanguan niya ito. Pagdating niya sa labas, agad siyang sinalubong ng malamig na tingin ng kanyang ina. "Lumagpas ka ng pitong minuto sa binigay kong oras." "Whatever, Mom." Sumakay na lamang siya sa sasakyan. Naupo siya sa passenger seat habang nasa likuran ang kanyang mga magulang. "Behave yourself once we get there," seryosong sabi ng kanyang ama. "Ayokong mapahiya sa mga Villafuerte." Hindi na siya sumagot. Tahimik na lamang siyang tumingin sa bintana habang umaandar ang sasakyan. Bakit ba kasi naimbento ang arranged marriage? Mas gugustuhin pa niyang gumala kasama ang mga kaibigan kaysa dumalo sa meeting na ito. Ngunit wala siyang pagpipilian. Nakasalalay sa kasalang iyon ang malaking bahagi ng mana na iiwan sa kanya ng kanyang mga magulang. --- Halos tatlumpung minuto ang lumipas bago sila makarating sa Villafuerte Mansion. Pagbaba pa lamang niya ng sasakyan ay napamangha na si Ethan. Napakalaki. Napakagara. At halatang nag-uumapaw sa yaman. Isang tauhan ang naghatid sa kanila papasok. Kasabay ng kanilang pagpasok sa malawak na sala ay ang pagbaba sa hagdan nina Mr. at Mrs. Villafuerte kasama si Shally. Bahagyang nakayuko ang dalaga habang naglalakad. "Mr. Parker," masayang bati ni Mr. Villafuerte habang nakikipagkamay sa kanyang ama. "I'm glad nakapunta kayo." "Please, have a seat." Naupo silang lahat sa magkaharap na sofa. Habang abala ang matatanda sa pag-uusap tungkol sa negosyo, si Ethan naman ay lihim na pinagmamasdan si Shally. Tahimik lamang ito. Magkasalikop ang mga kamay. Halatang hindi komportable. Maya-maya ay napasulyap ito sa kanya ngunit mabilis ding umiwas ng tingin. Napangisi si Ethan. Mukhang pareho silang walang gana sa kasalang ito. --- "Dalawang taon pa bago makagraduate si Shally," paliwanag ni Mr. Villafuerte. "Kaya napagdesisyunan naming pagkatapos na lamang ng graduation ang kasal." "Gusto naming makapag-focus muna siya sa pag-aaral." Agad namang sumimangot ang ina ni Ethan. "Two years? Isn't that too long?" Napatingin si Ethan kay Shally bago nagsalita. "Why don't you ask her?" Nabaling ang atensyon ng lahat sa kanya. "Tutal kami naman ang ikakasal." Ngumiti siya nang bahagya. "What do you think, my soon-to-be wife?" Napatigil si Shally. Parang hindi nito alam kung ano ang isasagot. Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan ay mahina itong nagsalita. "Hintayin po muna natin si Ate, Daddy." Napakunot-noo si Ethan. Ate? May kapatid pala ito? Bakit wala siyang nakita kahit isa sa social media nito? "Busy ang ate mo sa London," sagot ni Mr. Villafuerte. "Marami siyang inaasikasong kumpanya." "Pero kailangan ko siya." Pilit na tumingin si Shally sa ama. "I'm sure uuwi siya kapag nalaman niyang kailangan ko siya. Please, Daddy." "Shally—" Hindi na natuloy ang sasabihin ni Mr. Villafuerte. Biglang bumukas ang napakalaking pinto ng mansion. Sabay-sabay silang napalingon. At agad na nanlaki ang mga mata nina Mr. at Mrs. Villafuerte. Isang babae ang dahan-dahang pumasok. Nakasuot ito ng all-black outfit mula ulo hanggang paa. Black boots. Black clothes. Black aura. At kahit walang sinasabi, ramdam agad ang presensya nito. "Ate!" Agad na tumakbo si Shally papunta rito. Ngumiti ang babae at niyakap ang kapatid. "I miss you, Ate." "I miss you too, Ly." Napanganga si Ethan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, pero tila biglang nagbago ang atmosphere ng buong silid. "Shanaia." Malamig na tawag ni Mr. Villafuerte. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ng babae. Naging seryoso ang ekspresyon nito. Nagtagpo ang kanilang mga mata. At sa loob lamang ng ilang segundo, ramdam ni Ethan ang tensyon sa pagitan nilang mag-ama. Parang may matagal nang digmaan na hindi pa natatapos. "Shally." Hindi inaalis ni Shanaia ang tingin sa ama habang nagsasalita. "Magpasama ka sa maid. Dalhin mo sa kuwarto ko ang mga gamit ko." "Opo, Ate." Kinuha ni Shally ang maleta. "Pagkatapos mong ihatid ang gamit ng ate mo, bumalik ka rito," utos ni Mr. Villafuerte. "No." Mariing sagot ni Shanaia. "You stay there." Tumigas ang kanyang boses. "Huwag kang babalik hangga't hindi ko sinasabi." "Opo, Ate." At walang pag-aalinlangang sumunod si Shally. Tahimik na pinanood ni Ethan ang pag-akyat nito sa hagdan. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nasasaksihan. Isang ama na halatang kinakabahan. At isang anak na tila handang kalabanin ang buong mundo para sa kanyang kapatid. Doon lang tuluyang nag-sink in sa kanya ang lahat. Kaya pala ayaw pauwiin ni Mr. Villafuerte ang anak niya mula London. Kasi... pipigilan nito ang kasal. Napasinghap siya. Paano na ang mana ko kapag nagkataon?Shanaia Isabelle“Ate!” Napangiti ako nang makita si Shally na halos patakbo nang lumabas ng gate ng university. “Kanina ka pa?” tanong niya habang hinihingal nang bahagya.“Nah. Kararating ko lang.” Binuksan ko ang pinto ng passenger seat. “Halika na.”Kaagad siyang sumakay at isinara ang pinto. Katulad ng dati, isinandal niya agad ang ulo sa headrest habang inaayos ang seat belt.Some things really never changed. Kahit college na siya... Kapag ako ang sumusundo, para pa rin siyang batang excited umuwi.Tahimik muna kaming bumiyahe. Christmas songs ang mahina lang na tumutugtog mula sa radyo habang unti-unting gumagaan ang trapiko.“Ang dami nang Christmas lights,” mahina niyang sabi habang nakatanaw sa labas.“Hmm.”“Excited ka na ba sa Pasko?”Napatingin ako sandali sa kaniya bago muling ibinalik ang tingin sa kalsada. “Medyo.”Hindi na siya nagsalita pa. Mukhang sapat na sa kaniya ang maikling sagot ko.Makalipas ang ilang minuto... “May plano ka ba sa Sunday?” tanong ko.Napaling
Shanaia IsabelleMahigit isang oras din ang hinintay ko bago muling bumaba si Jhade. Nang marinig ko ang yabag niya sa hagdan, napatingala ako. For a second... I couldn't help but smile.She was wearing a fitted black formal dress that perfectly complemented her fair skin. Her long wavy hair rested over one shoulder, and even without the cameras around, she carried herself like someone born under the spotlight. She really became the person she dreamed of becoming."Tagal mo." I teased."Tumahimik ka. Artista ako. Hindi puwedeng basta-basta lang lumabas." She flipped her hair dramatically. I rolled my eyes. "Ano? Maganda ba?""Sakto lang.""Nakakainis ka talaga."Napangiti lang ako.Nagbilin muna siya sa kaniyang maid bago kami tuluyang lumabas ng bahay. Habang pababa kami ng hagdan ay napansin ko na naman ang bukas na harapan ng bahay."Wala ka talagang gate?" tanong ko."Wala.""Hindi ka ba natatakot?"She shrugged. "Mahigpit ang security ng village. At saka... wala namang magnanakaw
Shanaia IsabelleFriday mornings had slowly become a routine."Magkakaroon kami ng Christmas party sa twentieth, kaya hindi talaga ako puwedeng sumama." Napailing si Shally habang inaayos ang seatbelt niya.I glanced at her for a second before returning my eyes to the road. "Eh kailan ka available?"She tapped her chin dramatically. "Sa twenty-two, sasama ako kay Mommy mag-grocery. Twenty-three na lang talaga."Napabuntong-hininga ako. "Tsk. Para ka namang sikat na artista. Ang hirap mong i-book." Sinulyapan ko siya. "Pakausap nga ako sa manager mo."Agad siyang natawa. "Ikaw naman kasi, Ate." Umirap pa siya. "Bubukod ka pa ng Noche Buena. Doon ka na lang sa mansion. Para sama-sama tayo."Hindi ako agad sumagot. Tahimik lang ang loob ng sasakyan habang tuloy ang pagtakbo nito sa kalsada.Years. Ilang taon din kaming hindi nagsalo sa iisang hapag tuwing Pasko. Para kay Shally... Siguro kaya kong ibaba muna ang pride ko.Huminga ako nang marahan. "Sige." Napalingon siya. "Sa mansion na
SHANAIA ISABELLEDecember 15.Halos dalawang linggo na ang lumipas mula nang magsimula akong magtrabaho bilang Chief Financial Officer ng E&G.At ngayon...mas lalo pang naging abala ang buong kompanya. Paroo't parito ang mga empleyado. Sunod-sunod ang deliveries.May mga bagong branch nang nagbukas sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila, habang unti-unti na ring inihahanda ang expansion sa ibang siyudad at probinsiya.Hindi puwedeng madaliin ang lahat. May budget plan kaming sinusunod.At bilang CFO, trabaho kong siguraduhing hindi lalampas ang bawat gastusin sa itinakdang limitasyon.So far...maganda ang takbo ng sales. Hindi pa perpekto. Pero sapat para sabihing umaandar na muli ang kumpanya.Tahimik akong nakaupo habang sinusuri ang financial statements na ipinasa ni Lemuel. Maya-maya'y may kumatok."Ma'am Shanaia.""Come in."Pumasok si Nerine bitbit ang isang folder. "Na-audit ko na po ito."Tinanggap ko iyon at mabilis na pinasadahan ang laman. "Okay." Ipinatong ko iyon sa tabi.
ETHAN GREYBandang alas kuwatro na ng hapon nang makabalik ako sa kompanya. Pakiramdam ko, isang linggo akong paikot-ikot sa Metro Manila.Lahat ng meeting ko ngayong araw ay sa iba't ibang restaurant pa ginanap. Iba-iba ang lokasyon, iba-iba ang investor, at pare-pareho silang mahilig magpalipat-l
SHALLY MARIEMatapos naming ayusin ni Ate ang lahat ng wedding gifts at ubusin ang pagkaing ipinadeliver niya, nagyaya siyang mag-grocery."Ayoko nang araw-araw na nagpapadeliver ng pagkain," sabi niya habang kinukuha ang susi ng kotse. "Marunong naman akong magluto." Dagdag niya pa.Kaya heto kami
SHALLY MARIE Tahimik. Iyon ang unang bagay na napansin ko nang magmulat ako ng mga mata. Hindi ko alam kung anong oras na, pero kakaiba ang katahimikan ng buong mansiyon. Walang maririnig na boses ng mga kasambahay na nag-uusap habang naglilinis. Wala ring mahinang paghuni ni Mommy habang naghah
SHANAIA ISABELLEToday's the day.The day everyone had been preparing for. The day everyone kept calling the happiest day of my life. Ironically...It was also the day I would lose the freedom I had spent years protecting.Everything happened too fast.Parang kahapon lang... Nakikipag-away pa ako ka












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.