แชร์

Chapter 06

ผู้เขียน: Your_LittlePen
last update วันที่เผยแพร่: 2026-06-16 17:41:10

ETHAN GREY

Eksaktong alas-sais ng umaga nang magising ako. Gusto ko pang matulog. Mabigat pa ang ulo ko dahil sa dami ng nainom ko kagabi. Pero agad kong naalala ang sinabi ni Dad bago ako matulog.

Pupunta kami ngayon sa mansiyon ng mga Villafuerte. Napabuntong-hininga ako at tumitig sa kisame. Kung hindi lang talaga importante ang dahilan ng pag-iimbita nila, hindi ako babangon nang ganito kaaga.

Pagkauwi ko kagabi mula sa club ay saka ko lang nalaman na tumawag si Mr. Villafuerte kay Dad. Halos mag-aalas-onse na ako nakauwi noon kaya kulang-kulang limang oras lang ang tulog ko. Kaya sana naman, may magandang dahilan sila para gambalain ang pahinga ko.

Matapos maligo nang halos dalawampung minuto, nagpahatid ako ng mainit na soup sa kuwarto.

Saktong si Mom ang nagdala. "Gaano ba karami ang nainom mo kagabi?" tanong niya habang inilalapag ang tray sa mesa.

Umupo ako at kumuha ng kutsara. "Biglaan naman kasi ang imbitasyon nila," sagot ko habang humihigop ng soup. "Kung alam ko lang na may pupuntahan tayo ngayong umaga, hindi sana ako nagpakalasing."

Napailing siya. "Hayaan mo na. Sigurado naman akong mahalaga ang pag-uusap na ito." Tumayo na siya. "Kumain ka na at maghanda. Aalis na tayo maya-maya."

Pagkaalis niya ay agad kong inubos ang pagkain bago nagbihis.

Nang masigurado kong maayos na ang itsura ko, lumabas na ako ng kuwarto. Pagdating sa labas ay sinalubong ako ng malamig na hangin ng umaga.

"I'll use my own car."

Hindi na ako naghintay ng sagot mula kina Mom at Dad. Dumiretso ako sa garahe. Pinahintulutan naman nila ako kaya agad akong sumakay sa kotse at pinaandar ang makina.

Pinauna ko muna ang sasakyan nila bago ako sumunod.

Habang nasa biyahe, hindi ko maiwasang maalala ang nangyari kagabi sa club. Partikular na si Kyler. Hindi mawala sa isip ko ang ekspresyon niya nang makita niya si Shanaia. Ang paraan ng pagtitig niya rito. Ang mahigpit na pagkuyom ng kamao niya nang akbayan ng lalaking kasama nito ang dalaga. At ang pagbabago ng mood niya pagkatapos noon.

Bigla kong naalala ang nangyari sa table namin.

"Kyler, sino ba 'yung babaeng kausap mo kanina?" tanong ko. "Yung may kasamang lalaki."

Agad siyang napatingin sa akin. At sa unang pagkakataon sa buong gabi, nakita kong tumalim ang tingin niya. "Bakit?" malamig niyang tanong.

Napakunot-noo ako. "Anong bakit?"

"Interesado ka ba sa kanya?" Mas lalong tumalim ang tingin niya. "Type mo siya?"

Napaatras ako nang bahagya. "Teka nga." Napatawa ako nang walang humor. "Nagtatanong lang ako."

Ngunit lalo lang siyang nainis. "Wag ka nang magtanong." Mariin niyang inilapag ang bote ng alak sa mesa. "She's none of your business."

Napasinghap ako. "Ano bang problema mo?"

Bago pa ako makadagdag ay dumating si Aaron.

"What's happening?"

Tumingin ako rito. "Ikaw ang magtanong sa kanya." Tinuro ko si Kyler. "Maayos akong nagtatanong tapos sisigawan ako."

Napabuntong-hininga si Aaron. "Kyler?"

Ngunit hindi ito sumagot. Tahimik lang siyang nakatitig sa bote ng alak na hawak niya. Mahigpit. Sobrang higpit. Hanggang sa—

CRASH!

Napalingon ang buong club nang ihagis niya ang bote sa pader. Nagkalat ang bubog sa sahig.

"FUCK!"

Mabilis akong napatayo. "Ano bang problema mo?!"

Ngunit parang wala siyang narinig. Isa pang bote ang kinuha niya. At isa pa. At isa pa. Halos magwala siya kagabi.

Kapag pinipigilan namin ni Aaron, kami pa ang sinisigawan niya. Kung hindi lang talaga siya kaibigan, baka nasapak ko na siya.

Naputol ang alaala ko nang makarating kami sa mansiyon ng mga Villafuerte.

Pagkababa ko ng kotse ay agad kaming sinalubong ng isa sa mga tauhan nila. Si Jaxon. Katulad noong unang punta namin rito. Pinangunahan niya kami papasok hanggang sa makarating kami sa dining hall. Nakatayo na roon sina Mr. at Mrs. Villafuerte kasama si Shally.

"Good morning."

Nakipagkamay si Mr. Villafuerte kina Mom at Dad. Pagkatapos ay sa akin.

"Please, have a seat."

Umupo kaming lahat sa nakahandang mesa. May dalawang bakanteng upuan sa tabi ni Shally.

"Shally, pakitawag ang ate mo—"

"No need."

Napalingon kaming lahat sa pintuan. Nakatayo roon si Shanaia. Tahimik. Elegant. At gaya ng dati, walang emosyon ang mukha.

Naglakad siya papasok na para bang siya ang may-ari ng buong silid. Hindi man lang bumati. Hindi rin tumingin kina Mom at Dad. Diretso siyang naupo sa bakanteng upuan sa tapat ko.

"So, let's eat?"

Parang simpleng breakfast lang ang pag-uusapan namin. Hindi isang bagay na kayang baguhin ang buhay ng lahat ng naroon.

"K-kumain na tayo." Pilit na ngumiti si Mrs. Villafuerte.

Nagsimula ang almusal. At kasabay noon ang nakakabinging katahimikan. Paminsan-minsan ay napapatingin ako kay Shanaia. Pero hindi niya man lang ako nilingon. Sa buong oras ng pagkain, si Shally lang ang pinapansin niya. Kapag si Shally ang kausap niya, bahagyang lumalambot ang mukha niya. Kapag ibang tao na— Bumabalik ang malamig na ekspresyon.

Nakakapagtaka. Sanay kasi akong ako ang sentro ng atensyon ng mga babae. Pero si Shanaia? Parang hindi niya alam na nandito ako. At mas lalong parang wala siyang balak malaman.

Matapos ang almusal ay lumipat kami sa sala. Doon magsisimula ang totoong dahilan ng pagpunta namin.

"Ano ba talaga ang pag-uusapan natin?" tanong ni Dad.

Umayos ng upo si Mr. Villafuerte. "It's about the marriage."

Naramdaman kong napangiti si Mom. "So nakapagdesisyon na kayo?" tanong niya.

Magsasalita sana si Mr. Villafuerte nang biglang magsalita si Shanaia.

"Makakarating tayo diyan, Mrs. Parker." Lahat kami ay napatingin sa kanya. "Malalaman niyo ang desisyon ko bago pa tuluyang malugi ang kumpanya ninyo."

Napakunot-noo si Mom. Samantalang ako ay nakaramdam ng kakaibang kaba. Lalo na nang ngumiti si Shanaia. Diretso sa akin. Malamig. Mapanganib. At parang may binabalak.

"Bago ko sabihin ang desisyon ko," panimula niya, "may gusto muna akong linawin." Tumayo siya. At doon nagsimula ang gulo. "Kilala niyo ba ang dating CFO na nagnakaw ng pera sa kumpanya ninyo?" Napatigil sina Mom at Dad. "Alam niyo bang kamag-anak namin siya?"

Natahimik ang buong sala. "What?"

"Asawa siya ng kapatid ni Dad."

Parang sumabog ang bomba sa gitna ng silid.

Napalingon sina Mom at Dad kay Mr. Villafuerte. At nang tumango ito—

Tuluyan nang sumiklab ang galit. Ngunit mabilis ding pinatahimik ni Shanaia ang lahat. Isa-isa niyang pinabalik sa kani-kanilang upuan. At walang sinuman ang naglakas-loob na kontrahin siya.

Pagkatapos ay sinabi niya ang desisyon niya. "Hindi magpapakasal si Shally sa anak ninyo."

Napangiti ako sa loob-loob ko. Sa wakas. Malaya na ulit ako. Pero hindi pa pala tapos.

Dahil ang sumunod niyang sinabi ang tuluyang nagpayanig sa mundo ko.

"Bakit?"

Ngumiti siya. "Ako ang magpapakasal kay Ethan."

Tumigil ang oras. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ako nakagalaw. Hindi ako makahinga. At sa unang pagkakataon matapos ang maraming taon— Ako ang nawalan ng kontrol sa sitwasyon.

Pagkalabas niya ng sala ay agad ko siyang sinundan. "Shanaia!" Hindi siya lumingon. "Shanaia!"

Mas binilisan ko ang paglalakad. Nang maabutan ko siya ay hinawakan ko ang braso niya. Mabilis niya iyong tinanggal. At malamig akong tiningnan.

"Hindi pa tayo kasal, Mr. Ethan." Mariin ang bawat salita. "Kaya wala ka pang karapatang tawagin ako sa pangalan ko."

At muli siyang tumalikod. Napasuklay ako sa buhok sa sobrang inis.

"Fine!" Huminto siya. "Ms. Shanaia!"

Ngayon ay lumingon siya. May nakakalokong ngiti sa labi. "Alam mo naman pala."

Napakuyom ako ng kamao. "Yung sinabi mo kanina. Seryoso ka ba?"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

Hindi. At iyon ang mas nakakainis.

"Bakit ikaw? Bakit hindi si Shally?"

Tahimik siyang tumingin sa akin. Pagkatapos ay sumagot.

"Kailangan kong protektahan ang kapatid ko. At kailangan ninyong iligtas ang kumpanya ninyo." Humakbang siya palapit. "Masyado pang bata si Shally para itali sa isang kasunduang wala siyang gusto. Ako ang gumawa ng desisyong ito. At ako ang tutupad."

Napatawa ako nang walang gana. "Paano kung ayoko?"

Ngumiti siya. At doon ko napagtantong mas delikado siya kaysa sa inaakala ko. "Either you like it..." Bahagya siyang yumuko. "...or you will like it."

Napamulagat ako. "Anong klaseng pagpipilian 'yan? Wala."

"Exactly." Tumalikod siya. "You have no choice, Mr. Ethan."

At tuluyan siyang sumakay sa kotse. Naiwan akong nakatayo sa gitna ng driveway. Tahimik na pinagmamasdan ang paglayo niya.

Hanggang sa tuluyan siyang mawala sa paningin ko. Mariin akong napakuyom ng kamao. At sa unang pagkakataon mula nang makilala ko siya— Gusto ko siyang kontrahin.

Pagbabayaran mo ang desisyong ito, Shanaia Villafuerte.

Sisiguraduhin ko.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • His Greatest Inheritance   Chapter 27

    Shanaia Isabelle“Ate!” Napangiti ako nang makita si Shally na halos patakbo nang lumabas ng gate ng university. “Kanina ka pa?” tanong niya habang hinihingal nang bahagya.“Nah. Kararating ko lang.” Binuksan ko ang pinto ng passenger seat. “Halika na.”Kaagad siyang sumakay at isinara ang pinto. Katulad ng dati, isinandal niya agad ang ulo sa headrest habang inaayos ang seat belt.Some things really never changed. Kahit college na siya... Kapag ako ang sumusundo, para pa rin siyang batang excited umuwi.Tahimik muna kaming bumiyahe. Christmas songs ang mahina lang na tumutugtog mula sa radyo habang unti-unting gumagaan ang trapiko.“Ang dami nang Christmas lights,” mahina niyang sabi habang nakatanaw sa labas.“Hmm.”“Excited ka na ba sa Pasko?”Napatingin ako sandali sa kaniya bago muling ibinalik ang tingin sa kalsada. “Medyo.”Hindi na siya nagsalita pa. Mukhang sapat na sa kaniya ang maikling sagot ko.Makalipas ang ilang minuto... “May plano ka ba sa Sunday?” tanong ko.Napaling

  • His Greatest Inheritance   Chapter 26

    Shanaia IsabelleMahigit isang oras din ang hinintay ko bago muling bumaba si Jhade. Nang marinig ko ang yabag niya sa hagdan, napatingala ako. For a second... I couldn't help but smile.She was wearing a fitted black formal dress that perfectly complemented her fair skin. Her long wavy hair rested over one shoulder, and even without the cameras around, she carried herself like someone born under the spotlight. She really became the person she dreamed of becoming."Tagal mo." I teased."Tumahimik ka. Artista ako. Hindi puwedeng basta-basta lang lumabas." She flipped her hair dramatically. I rolled my eyes. "Ano? Maganda ba?""Sakto lang.""Nakakainis ka talaga."Napangiti lang ako.Nagbilin muna siya sa kaniyang maid bago kami tuluyang lumabas ng bahay. Habang pababa kami ng hagdan ay napansin ko na naman ang bukas na harapan ng bahay."Wala ka talagang gate?" tanong ko."Wala.""Hindi ka ba natatakot?"She shrugged. "Mahigpit ang security ng village. At saka... wala namang magnanakaw

  • His Greatest Inheritance   Chapter 25

    Shanaia IsabelleFriday mornings had slowly become a routine."Magkakaroon kami ng Christmas party sa twentieth, kaya hindi talaga ako puwedeng sumama." Napailing si Shally habang inaayos ang seatbelt niya.I glanced at her for a second before returning my eyes to the road. "Eh kailan ka available?"She tapped her chin dramatically. "Sa twenty-two, sasama ako kay Mommy mag-grocery. Twenty-three na lang talaga."Napabuntong-hininga ako. "Tsk. Para ka namang sikat na artista. Ang hirap mong i-book." Sinulyapan ko siya. "Pakausap nga ako sa manager mo."Agad siyang natawa. "Ikaw naman kasi, Ate." Umirap pa siya. "Bubukod ka pa ng Noche Buena. Doon ka na lang sa mansion. Para sama-sama tayo."Hindi ako agad sumagot. Tahimik lang ang loob ng sasakyan habang tuloy ang pagtakbo nito sa kalsada.Years. Ilang taon din kaming hindi nagsalo sa iisang hapag tuwing Pasko. Para kay Shally... Siguro kaya kong ibaba muna ang pride ko.Huminga ako nang marahan. "Sige." Napalingon siya. "Sa mansion na

  • His Greatest Inheritance   Chapter 24

    SHANAIA ISABELLEDecember 15.Halos dalawang linggo na ang lumipas mula nang magsimula akong magtrabaho bilang Chief Financial Officer ng E&G.At ngayon...mas lalo pang naging abala ang buong kompanya. Paroo't parito ang mga empleyado. Sunod-sunod ang deliveries.May mga bagong branch nang nagbukas sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila, habang unti-unti na ring inihahanda ang expansion sa ibang siyudad at probinsiya.Hindi puwedeng madaliin ang lahat. May budget plan kaming sinusunod.At bilang CFO, trabaho kong siguraduhing hindi lalampas ang bawat gastusin sa itinakdang limitasyon.So far...maganda ang takbo ng sales. Hindi pa perpekto. Pero sapat para sabihing umaandar na muli ang kumpanya.Tahimik akong nakaupo habang sinusuri ang financial statements na ipinasa ni Lemuel. Maya-maya'y may kumatok."Ma'am Shanaia.""Come in."Pumasok si Nerine bitbit ang isang folder. "Na-audit ko na po ito."Tinanggap ko iyon at mabilis na pinasadahan ang laman. "Okay." Ipinatong ko iyon sa tabi.

  • His Greatest Inheritance   Chapter 23

    SHANAIA ISABELLETinutuwid ko ang pagkakalagay ng ilang dokumento sa ibabaw ng mesa nang hindi sinasadyang mapatingin ako sa office ni Ethan.At eksaktong maling oras ang napili kong lumingon.Nakatayo siya sa may pintuan ng opisina habang mahigpit na nakakapit sa braso niya ang secretary niyang si Jessa.Halos mapatawa ako. Hindi dahil nagseselos ako. Kundi dahil sa mukha ni Ethan.Parang gusto niyang maglaho sa kinatatayuan niya. Sunod-sunod ang pagkurap niya habang nakatitig sa sariling braso. Sandali pa, bumaba ang tingin niya. Sa braso ba talaga? O sa dibdib ng secretary niyang halos nakadikit na sa kanya?Tsk.Base sa dami ng paglunok niya... Mukhang alam ko na ang sagot.Nanatili silang ganoon nang ilang segundo bago may sinabi si Ethan. Agad niyang inalis ang kamay ni Jessa sa braso niya, pumasok sa opisina, at malakas na isinara ang pinto.Bang!Napangiwi ako. Sayang. Hindi natamaan ang mukha...Joke lang.Napalingon si Jessa sa direksyon ko. Nagtagpo ang mga mata namin.Hind

  • His Greatest Inheritance   Chapter 22

    SHANAIA ISABELLEThree days.Three days. Iyon lang ang kinailangan para tuluyang maayos ang Finance Department ng E&G.A new finance manager replaced the previous one. The department's financial strengths and weaknesses were thoroughly analyzed. Every afternoon, a detailed report landed on Ethan's desk.Professional. Efficient. Nothing more. We only spoke when work required it. No unnecessary conversations. No arguments. No sarcastic remarks. Just work.By the second day, the office no longer looked like its previous owner had ever existed.Warm beige replaced the dull colors that once dominated the room. White softened the atmosphere, while black framed everything with clean, sharp lines. The space looked minimal, organized, and quiet. Exactly the way I liked it.And now... It was my third day as the Chief Financial Officer of E&G."Good morning, Ma'am Shanaia!" masiglang bati ng guard.Tumango lang ako bilang tugon bago ipinagpatuloy ang paglalakad.Sunod-sunod ang pagbati ng mga em

  • His Greatest Inheritance   Chapter 07

    KYLER EZEKIELBandang alas otso ng umaga nang magising ako, ngunit pakiramdam ko ay wala man lang akong naitulog. Mabigat ang ulo ko. Parang may martilyong paulit-ulit na pumapalo sa sentido ko. Hindi ko alam kung epekto ba iyon ng alak... o ng babaeng hindi na nawala sa isip ko buong magdamag.Si

  • His Greatest Inheritance   Chapter 05

    ELI CLAYTONWala pang alas-siyete nang makarating ako sa office ko sa loob ng club. Habang hinihintay si Shanaia, inabala ko muna ang sarili ko sa pagbabasa ng mga impormasyong nakuha ko tungkol sa pamilya Parker. Nakapatong sa mesa ang makapal na folder habang isa-isa kong binabalikan ang laman ni

  • His Greatest Inheritance   Chapter 04

    ETHAN GREYKulang na lang ihagis ko ang laptop ko sa pader dahil sa sobrang inis.Halos isang oras nang naka-loading ang hinahanap kong impormasyon, pero wala pa rin akong napapala."Nakakabwisit ka talaga!"Muli kong pinindot ang refresh button.Loading.Loading.Loading.At nang tuluyan itong mat

  • His Greatest Inheritance   Chapter 03

    KYLER EZEKIEL“Pwede ba?! Mamaya ka na mangulit! May ginagawa ako!”Irritado kong pinindot ang end call bago tuluyang pinatay ang cellphone ko. Isinuksok ko iyon sa bulsa ng suot kong jeans at napabuntong-hininga.Buwisit na lalaki.Alam nang tatlong taon na akong tumigil sa pambababae, pilit pa ri

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status