เข้าสู่ระบบKYLER EZEKIEL
“Pwede ba?! Mamaya ka na mangulit! May ginagawa ako!” Irritado kong pinindot ang end call bago tuluyang pinatay ang cellphone ko. Isinuksok ko iyon sa bulsa ng suot kong jeans at napabuntong-hininga. Buwisit na lalaki. Alam nang tatlong taon na akong tumigil sa pambababae, pilit pa ring nagyayaya sa club at kung anu-anong kalokohan. “Sir, fifteen thousand pesos po.” Napalingon ako sa cashier at iniabot ang card ko. Pagkatapos magbayad ay kinuha ko ang paper bag na naglalaman ng dress na pinabili ni Claire. Lalabas na sana ako ng boutique nang mapahinto ako sa mismong pintuan. Parang huminto ang buong mundo. Parang nawala ang lahat ng ingay sa paligid. Dahil naroon siya. Nakatayo ilang metro ang layo sa akin. Kasama ang kapatid niyang si Shally. Shanaia. Tatlong taon. Tatlong mahabang taon ko siyang hindi nakita. At ngayon, nasa harapan ko na siya. Mas maganda. Mas elegante. Mas malamig. Mas mahirap abutin. Unti-unti akong lumapit habang pilit kinokontrol ang mabilis na tibok ng puso ko. “You're back.” Bahagya akong ngumiti. Pero wala. Nanatiling walang emosyon ang mukha niya. Nanatiling malamig ang tingin niya. At sa unang pagkakataon matapos ang tatlong taon, muli kong naramdaman kung gaano kasakit ang pagkawala niya. “Kailan ka pa nakabalik?” maingat kong tanong. Tumitig lang siya sa akin bago sumagot. “Let's talk some other time. I'm busy with my sister.” Malamig. Diretso. Walang bakas ng pananabik. Walang bakas ng saya. Parang estranghero lang ako. Tumango na lang ako. “Ah... okay.” Lumagpas siya sa akin nang hindi na naghihintay ng karagdagang usapan. Kasunod niya si Shally. At katulad ng tatlong taon na ang nakalipas... Iniwan niya ulit ako. Tahimik ko silang sinundan ng tingin hanggang sa mawala sila sa isang home decor shop. Gusto ko siyang sundan. Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong sabihin na miss na miss ko siya. Pero alam kong wala akong karapatan. Hindi pagkatapos ng lahat ng ginawa ko. Kaya kahit masakit, tumalikod ako at umalis ng mall. --- Pagdating ko sa bahay, sinalubong agad ako ng busangot na mukha ng kapatid ko. “At sa wakas naman!” reklamo ni Claire habang nakaakbay sa sofa. “Isang dress lang ang pinabili ko pero halos buong araw kang nawala!” Inihagis ko sa kanya ang paper bag. “Kasalanan mo rin. Sana sumama ka para hindi ako nahirapang mamili.” Kinuha niya ang bag at inilabas ang dress. “Fifteen thousand pesos 'to,” dagdag ko. “Kaya magpasalamat ka.” Sinuri niya muna ang damit bago napabuntong-hininga. “Nami-miss ko na talaga si Ate Shanaia.” Napahigpit ang hawak ko sa susi ng sasakyan. “Ano na naman ba?” Ngumiti siya nang mapait. “Naalala ko lang. Noon kasi, kapag ganitong dress ang binibili ko, lagi niya akong pinapagalitan.” Tiningnan niya ang dress. “Masiyado raw revealing.” Napahina ang tawa niya. “Pero ikaw kasi, Kuya.” Napatingin ako sa kanya. “Niloko mo siya.” Tumahimik ako. “Napakababaero mo kasi noon.” Masakit. Pero totoo. “Kaya nga nagbago na ako,” sagot ko. “Talaga?” Tumayo siya at diretsong tumingin sa akin. “Nagbago ka dahil iniwan ka niya.” Natigilan ako. “Nagbago ka dahil na-realize mong si Ate Shanaia lang ang taong minahal mo nang totoo.” Parang may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib ko. “At na-realize mo lang lahat ng pagkakamali mo nang mawala siya.” Hindi ako nakasagot. Dahil tama siya. Lahat ng sinabi niya ay tama. Tahimik akong tumalikod at umakyat sa kwarto. --- Pagkapasok ko, agad kong ni-lock ang pinto. Dumeretso ako sa mini refrigerator at kumuha ng beer. Binuksan ko iyon at lumagok nang malalim. Pagkatapos ay naupo ako sa gilid ng kama. Awtomatikong napunta ang tingin ko sa picture frame sa bedside table. Kinuha ko iyon. Larawan namin ni Shanaia. Noong masaya pa kami. Noong hindi pa ako nagkamali. Noong hindi ko pa siya nasasaktan. Napangiti ako nang mapait. “It's been three years.” At kasabay niyon, bumalik ang pinakamalungkot na araw ng buhay ko. --- Three Years Ago “Saan ka pupunta?” Hingal akong napahinto sa harapan niya sa airport. May hawak siyang passport at boarding pass. At sa unang tingin ko pa lang, alam kong desidido na siya. “Wala ka nang pakialam doon.” Parang may humawak sa puso ko at marahas na piniga iyon. “Tapos na tayo, remember?” “Babe, please...” nanginginig kong sambit. Sinubukan kong hawakan ang kamay niya. Pero umatras siya. Parang ayaw niya akong mahawakan. Parang marumi ako. “Wag naman ganito,” pakiusap ko. “Pag-usapan natin 'to.” Tumulo ang luha ko. Wala akong pakialam kung nakakahiya. Wala akong pakialam kung maraming tao. Ang mahalaga lang sa akin noon ay huwag siyang mawala. Pero umiling siya. May luha rin sa mga mata niya. “Wala nang aayusin, Kyler.” Basag ang boses niya. “Dahil wala na siya.” Napapikit ako. Dahil alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Ang batang hindi man lang nabigyan ng pagkakataong mabuhay. Ang dahilan kung bakit tuluyang nasira ang relasyon namin. “Please...” bulong ko. “Stay with me.” Umiling siya. “Paano ako mananatili?” Sunod-sunod na bumagsak ang luha niya. “Sa tuwing nakikita kita, puro sakit ang nararamdaman ko.” Parang dinudurog ang puso ko sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. “How can you ask me to stay when you're one of the reasons why I'm leaving?” Hindi ako nakasagot. Dahil tama siya. Kasalanan ko. Kasalanan ko ang lahat. “Babe—” “Kailangan na nating umalis.” Naputol ang sasabihin ko nang lapitan siya ng lalaking kasama niya. Pinunasan niya ang luha niya. Pagkatapos ay tumalikod. At naglakad palayo. “Shanaia!” Hinabol ko siya. Pero agad akong hinarang ng dalawang bodyguard. “Bitawan niyo ako!” Nagpumiglas ako. “Shanaia!” Hindi siya lumingon. Hindi siya huminto. Hindi siya bumalik. “Babe!” Pero tuluyan siyang nawala. At kasabay noon... Tuluyan ring nawala ang mundo ko. --- Present Time Mula nang umalis siya, naging impiyerno ang buhay ko. Walang araw na hindi ko siya naisip. Walang gabi na hindi ko pinagsisihang sinaktan ko siya. Unti-unti kong inayos ang sarili ko. Tumigil sa pambababae. Nagpakalunod sa trabaho. At araw-araw kong pinangarap na sana magkaroon ako ng pagkakataong maitama ang lahat. Ngayon... Bumalik na siya. At kahit gaano siya kalamig. Kahit gaano niya ako kamuhian. Hindi na ako susuko. Dahil kung may isang bagay akong natutunan sa pagkawala niya— hinding-hindi ko na hahayaang mawala ulit si Shanaia Isabelle Villafuerte.Shanaia Isabelle“Ate!” Napangiti ako nang makita si Shally na halos patakbo nang lumabas ng gate ng university. “Kanina ka pa?” tanong niya habang hinihingal nang bahagya.“Nah. Kararating ko lang.” Binuksan ko ang pinto ng passenger seat. “Halika na.”Kaagad siyang sumakay at isinara ang pinto. Katulad ng dati, isinandal niya agad ang ulo sa headrest habang inaayos ang seat belt.Some things really never changed. Kahit college na siya... Kapag ako ang sumusundo, para pa rin siyang batang excited umuwi.Tahimik muna kaming bumiyahe. Christmas songs ang mahina lang na tumutugtog mula sa radyo habang unti-unting gumagaan ang trapiko.“Ang dami nang Christmas lights,” mahina niyang sabi habang nakatanaw sa labas.“Hmm.”“Excited ka na ba sa Pasko?”Napatingin ako sandali sa kaniya bago muling ibinalik ang tingin sa kalsada. “Medyo.”Hindi na siya nagsalita pa. Mukhang sapat na sa kaniya ang maikling sagot ko.Makalipas ang ilang minuto... “May plano ka ba sa Sunday?” tanong ko.Napaling
Shanaia IsabelleMahigit isang oras din ang hinintay ko bago muling bumaba si Jhade. Nang marinig ko ang yabag niya sa hagdan, napatingala ako. For a second... I couldn't help but smile.She was wearing a fitted black formal dress that perfectly complemented her fair skin. Her long wavy hair rested over one shoulder, and even without the cameras around, she carried herself like someone born under the spotlight. She really became the person she dreamed of becoming."Tagal mo." I teased."Tumahimik ka. Artista ako. Hindi puwedeng basta-basta lang lumabas." She flipped her hair dramatically. I rolled my eyes. "Ano? Maganda ba?""Sakto lang.""Nakakainis ka talaga."Napangiti lang ako.Nagbilin muna siya sa kaniyang maid bago kami tuluyang lumabas ng bahay. Habang pababa kami ng hagdan ay napansin ko na naman ang bukas na harapan ng bahay."Wala ka talagang gate?" tanong ko."Wala.""Hindi ka ba natatakot?"She shrugged. "Mahigpit ang security ng village. At saka... wala namang magnanakaw
Shanaia IsabelleFriday mornings had slowly become a routine."Magkakaroon kami ng Christmas party sa twentieth, kaya hindi talaga ako puwedeng sumama." Napailing si Shally habang inaayos ang seatbelt niya.I glanced at her for a second before returning my eyes to the road. "Eh kailan ka available?"She tapped her chin dramatically. "Sa twenty-two, sasama ako kay Mommy mag-grocery. Twenty-three na lang talaga."Napabuntong-hininga ako. "Tsk. Para ka namang sikat na artista. Ang hirap mong i-book." Sinulyapan ko siya. "Pakausap nga ako sa manager mo."Agad siyang natawa. "Ikaw naman kasi, Ate." Umirap pa siya. "Bubukod ka pa ng Noche Buena. Doon ka na lang sa mansion. Para sama-sama tayo."Hindi ako agad sumagot. Tahimik lang ang loob ng sasakyan habang tuloy ang pagtakbo nito sa kalsada.Years. Ilang taon din kaming hindi nagsalo sa iisang hapag tuwing Pasko. Para kay Shally... Siguro kaya kong ibaba muna ang pride ko.Huminga ako nang marahan. "Sige." Napalingon siya. "Sa mansion na
SHANAIA ISABELLEDecember 15.Halos dalawang linggo na ang lumipas mula nang magsimula akong magtrabaho bilang Chief Financial Officer ng E&G.At ngayon...mas lalo pang naging abala ang buong kompanya. Paroo't parito ang mga empleyado. Sunod-sunod ang deliveries.May mga bagong branch nang nagbukas sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila, habang unti-unti na ring inihahanda ang expansion sa ibang siyudad at probinsiya.Hindi puwedeng madaliin ang lahat. May budget plan kaming sinusunod.At bilang CFO, trabaho kong siguraduhing hindi lalampas ang bawat gastusin sa itinakdang limitasyon.So far...maganda ang takbo ng sales. Hindi pa perpekto. Pero sapat para sabihing umaandar na muli ang kumpanya.Tahimik akong nakaupo habang sinusuri ang financial statements na ipinasa ni Lemuel. Maya-maya'y may kumatok."Ma'am Shanaia.""Come in."Pumasok si Nerine bitbit ang isang folder. "Na-audit ko na po ito."Tinanggap ko iyon at mabilis na pinasadahan ang laman. "Okay." Ipinatong ko iyon sa tabi.
SHANAIA ISABELLETinutuwid ko ang pagkakalagay ng ilang dokumento sa ibabaw ng mesa nang hindi sinasadyang mapatingin ako sa office ni Ethan.At eksaktong maling oras ang napili kong lumingon.Nakatayo siya sa may pintuan ng opisina habang mahigpit na nakakapit sa braso niya ang secretary niyang si Jessa.Halos mapatawa ako. Hindi dahil nagseselos ako. Kundi dahil sa mukha ni Ethan.Parang gusto niyang maglaho sa kinatatayuan niya. Sunod-sunod ang pagkurap niya habang nakatitig sa sariling braso. Sandali pa, bumaba ang tingin niya. Sa braso ba talaga? O sa dibdib ng secretary niyang halos nakadikit na sa kanya?Tsk.Base sa dami ng paglunok niya... Mukhang alam ko na ang sagot.Nanatili silang ganoon nang ilang segundo bago may sinabi si Ethan. Agad niyang inalis ang kamay ni Jessa sa braso niya, pumasok sa opisina, at malakas na isinara ang pinto.Bang!Napangiwi ako. Sayang. Hindi natamaan ang mukha...Joke lang.Napalingon si Jessa sa direksyon ko. Nagtagpo ang mga mata namin.Hind
SHANAIA ISABELLEThree days.Three days. Iyon lang ang kinailangan para tuluyang maayos ang Finance Department ng E&G.A new finance manager replaced the previous one. The department's financial strengths and weaknesses were thoroughly analyzed. Every afternoon, a detailed report landed on Ethan's desk.Professional. Efficient. Nothing more. We only spoke when work required it. No unnecessary conversations. No arguments. No sarcastic remarks. Just work.By the second day, the office no longer looked like its previous owner had ever existed.Warm beige replaced the dull colors that once dominated the room. White softened the atmosphere, while black framed everything with clean, sharp lines. The space looked minimal, organized, and quiet. Exactly the way I liked it.And now... It was my third day as the Chief Financial Officer of E&G."Good morning, Ma'am Shanaia!" masiglang bati ng guard.Tumango lang ako bilang tugon bago ipinagpatuloy ang paglalakad.Sunod-sunod ang pagbati ng mga em
ETHAN GREYNaupo si Shanaia sa single sofa sa gitna ng sala at isa-isang pinagmasdan ang mga taong naroon.Tahimik ang buong mansiyon.Hindi niya man lang sinulyapan ang direksyon namin. Para bang hindi kami kasama sa silid.Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, nagsalita siya. "Now... speak."
LONDON"F*ck that marriage!"Galit na galit na napasigaw si Shanaia nang makarating sa kanya ang balitang ipapakasal ng kanyang mga magulang ang nag-iisang kapatid na si Shally."She's still studying! Are they really going to ruin my sister's life?" gigil niyang dagdag.Tahimik na nakatayo sa harap
ETHAN GREYBandang alas kuwatro na ng hapon nang makabalik ako sa kompanya. Pakiramdam ko, isang linggo akong paikot-ikot sa Metro Manila.Lahat ng meeting ko ngayong araw ay sa iba't ibang restaurant pa ginanap. Iba-iba ang lokasyon, iba-iba ang investor, at pare-pareho silang mahilig magpalipat-l
SHALLY MARIEMatapos naming ayusin ni Ate ang lahat ng wedding gifts at ubusin ang pagkaing ipinadeliver niya, nagyaya siyang mag-grocery."Ayoko nang araw-araw na nagpapadeliver ng pagkain," sabi niya habang kinukuha ang susi ng kotse. "Marunong naman akong magluto." Dagdag niya pa.Kaya heto kami







