Mag-log in“Ple*sure me.” Puno ng pagmamakaawa at desperasyon ang boses niya, habang unti-unting nilalamon ng init ang katawan dulot ng ipinainom sa kanyang gamot. Para maisalba ang negosyo ng pamilya, tiniis ni Caroline Monte Carlo ang pang-aalipusta ng kanyang fiancée na si Raegan Del Fierro. Ang tanging dahilan ng kanyang pagtitiis ay ang suot nitong kwintas, ang natatanging alaala ng misteryosong lalaking nakasiping niya sa isang masquerade party. Ngunit nang sagarin ni Raegan ang kanyang pasensya, tuluyan niyang sinukuan ang binata. Sa kanyang pag-alis, hindi inaasahang sasagipin siya ni Tobias Del Fierro. Ang makapangyarihang tiyuhin ni Raegan at boss ni Caroline. Matagal nang may lihim na pagtingin si Tobias sa dalaga, kaya naman inialok niya ang sarili bilang kapalit ng kanyang pamangkin para protektahan ito. Dito magsisimula ang isang relasyong tago at puno ng lihim. Habang kinakapa ng business minded na si Tobias kung paano siya aalagaan, akala naman ni Caroline ay awa lang ang dahilan kaya siya sinagip nito. Sa gitna ng kanilang sikretong ugnayan, kailangan nilang harapin ang panggugulo ni Raegan na determinadong mabawi si Caroline.. Sa huli, kailangang harapin ni Caroline ang katotohanan. Sino nga ba sa dalawang Del Fierro ang totoong nagmamay-ari ng kwintas, at sino ang tunay na nakasiping niya sa gabi ng masquerade party?
view moreCaroline’s POV“Caroline,” sita sa akin ni Dad.“He said that?” tanong sa akin ni Toby.“Oo, nung pumunta sila dito kasama yung ate mo kung magsalita sila parang napakababa naming uri ng mga tao. Pati parents ko hindi nila pinalampas sa pang-iinsulto.”Hindi ko rin maintindihan kung bakit ako nagkakaganito. Pero yung lahat ng inis ko sa pamilya niya nitong nakaraang araw, biglang umakyat sa ulo ko.“Ehem!” pagtikhim ni Dad para makuha ang atensyon namin, “Kain na tayo. Nagpaluto ako ng pininyahang manok, balita ko paborito mo raw ito.”Pilit talaga nilang iniiba ang usapan.“Oo nga, heto oh ipaghahain kita.”Muli akong napairap nang kunin ni Mom ang bowl ng ulam at sandukan si Toby. Pero bago pa man siya makapaglagay ng ulam ay tumayo si Toby at maingat na klinuha sa kanya ang bowl.“Misis Monte Carlo, ako na po.”“Naku hindi naman yata pwede iyan, bisita ka namim. At isa pa, ikaw si Tobias Del Fierro.” Awkward ang ngiti ni Mama habang sinasabi iyon.0“Pasensya na po kayo, Caroline, M
Caroline’s POV“Uhhh… Lalabas ka na ‘di ba?Nakita ko na sila Dad na nakaabang sa amin sa may pintuan.“Yeah, but why are you holding the door?”Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanya at sa mga magulang ko.Nasampal ko ang noo ko mentally.“Sorry, sorry.” I need to act like her secretary and at the same time kailangan ko ring itigil iyon. Ano ba talaga?!“Good morning,. Mister Misis Monte Carlo.” Nagkatinginan kaming lahat nang magmano siya sa mga magulang ko.“Good evening, Sir Tobias.”“Good evening, Sir.”“Please, don’t call me that. Nandito po ako para hingin ang kamay ng anak ninyo. Ako po dapat ang maging mas magalang sa inyo.” Pinanliitan ko siya ng mga mata. Bakit parang ang bait niya ng buong araw? Nasasapian na ba ito?“Ito po, a simple gift for you.” “Naku nag-abala ka pa hijo, hali ka pasok ka sa bahay namin.”“Hijo?!” Hindi makapaniwalang tanong ko. Pati si Papa ay natitigilan sa inaasal ni Toby at ni Mommy.“Oh bakit? Hindi ba’t nandito daw siya para hingin ang kama
KINABUKASAN “Can you please make me a coffee?” he asked for the third time.“Okay, Sir. Magtitimpla na po ako.” Tipid akong ngumiti sa kanya at saka pumunta sa pantry.Dalawang tasa na ng kape ang nasa table niya na hindi naman nagagalaw. Hindi naman niya sinasabi kung may mali ba sa mga naunang tasa ng kape. Eh hindi niya nga yata ginagalaw. Patimpla lang siya ng patimpla.“Sir, heto na po.” Inilapag ko ulit ang tasa ng kape kasama ng iba pa.“Thank you.”“You’re welcome po, please call me if you need anything.” I said, trying to end the conversation as quickly as possible. “Wait.” Hinawakan niya ang palapulushan ko, “Stay here for a moment.”I was stunned pero hindi ko iyon ipinahalata. Nanatiling walang emosyon ang ekspresyon ko at saka sumunod sa kanya. Tumayo lang ako sa gilid ng lamesa niya habang pinanonood siya.Maya-maya pa ay bigla niyang niluwagan ang necktie niya.Napalunok ako. Palagi ko kasing inaayos iyon para sa kanya lalo na kapag may meeting siya. One of my works
Caroline’s POV “Sir? Good morning po! Oh! Miss Monte Carlo, nandito ka rin pala.” Dali-dali kong nilunok ang kinakain ko at napaayos ako ng tayo nang pumasok si Mister Castro, ang head ng legal department namin. “Good morning,” bati sa kanya ni Sir Tobias. “Mukhang dito ka na nag-almusal Miss Monte Carlo ah? Hahaha.” Papalit palit ang tingin niya sa amin, halatang nakikiramdam. “A-ahh ano kasi Sir, tinitikman ko lang yung pagkain ni Sir Tobias baka kasi hindi niya po magustuhan, hehe.” “Grabe ka naman pala tumikim? Nakalahati mo na yung tub ah?” nakangisi niyang sabi. “Right? That’s why I asked for two portions. Dahil siguradong uubusan niya ako.” Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Sir Tobias. Habang tawang-tawa naman si Mister Castro. “W-Wow, hahaha.” Hindi ako makapalag, nakakainis! Lumabas na lang ako ng opisina niya para makapag-usap na sila. Lumipas ang maghapon ng hindi ko namamalayan. Panay kasi ang ngiti ko dahil sa mga pang-aasar niya sa akin. Para siyang bata na m












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Rebyu