Caroline’s POV “Sir? Good morning po! Oh! Miss Monte Carlo, nandito ka rin pala.” Dali-dali kong nilunok ang kinakain ko at napaayos ako ng tayo nang pumasok si Mister Castro, ang head ng legal department namin. “Good morning,” bati sa kanya ni Sir Tobias. “Mukhang dito ka na nag-almusal Miss Monte Carlo ah? Hahaha.” Papalit palit ang tingin niya sa amin, halatang nakikiramdam. “A-ahh ano kasi Sir, tinitikman ko lang yung pagkain ni Sir Tobias baka kasi hindi niya po magustuhan, hehe.” “Grabe ka naman pala tumikim? Nakalahati mo na yung tub ah?” nakangisi niyang sabi. “Right? That’s why I asked for two portions. Dahil siguradong uubusan niya ako.” Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Sir Tobias. Habang tawang-tawa naman si Mister Castro. “W-Wow, hahaha.” Hindi ako makapalag, nakakainis! Lumabas na lang ako ng opisina niya para makapag-usap na sila. Lumipas ang maghapon ng hindi ko namamalayan. Panay kasi ang ngiti ko dahil sa mga pang-aasar niya sa akin. Para siyang bata na m
Huling Na-update : 2026-06-26 Magbasa pa