เข้าสู่ระบบETHAN GREY
Kulang na lang ihagis ko ang laptop ko sa pader dahil sa sobrang inis. Halos isang oras nang naka-loading ang hinahanap kong impormasyon, pero wala pa rin akong napapala. "Nakakabwisit ka talaga!" Muli kong pinindot ang refresh button. Loading. Loading. Loading. At nang tuluyan itong matapos, wala pa ring lumabas. Wala. Kahit isang impormasyon tungkol kay Shanaia Villafuerte. Para bang hindi siya nag-eexist. Ni wala man lang lumalabas na lumang larawan, social media account, o kahit anong koneksiyon sa pamilya nila. Maging sa profile ng mga magulang niya at ni Shally, wala man lang kahit isang bakas ng pangalan niya. Napahilamos ako sa mukha. Pagkatapos ay dinampot ang lata ng beer at lumagok nang mahaba. "Who the hell are you, Shanaia Villafuerte?" Pakiramdam ko tuloy mas lalo akong naiintriga sa babaeng iyon. At mas lalo akong naiinis. Saktong tumunog ang cellphone ko. Hindi ko man lang tiningnan kung sino ang tumatawag bago sinagot. "Hello." "Parang bad mood ka ah." Napairap ako. Si Aaron. "Sakto pala pagtawag ko." "Ano na naman?" "Si Kyler. Nag-aaya uminom." Napakunot ang noo ko. "Talaga? Inaya ko 'yon kanina, ayaw naman." "Baka nagbago isip." Napabuntong-hininga ako. Sa totoo lang, kailangan ko rin ng alak ngayon. "Sige. Game." "That's my boy!" natatawang sabi ni Aaron. "Mamayang seven. Sa usual place." Pagkatapos ng tawag ay ibinagsak ko ang cellphone sa mesa. Muli akong sumandal sa swivel chair. At muling pumasok sa isip ko ang babaeng dahilan ng lahat ng stress ko. Shanaia Villafuerte. Hindi ko alam kung bakit. Pero pakiramdam ko, may tinatago ka. At sisiguraduhin kong malalaman ko kung ano iyon. --- Makalipas ang ilang minuto, tuluyan ko nang isinara ang laptop. Wala rin namang silbi. Pumasok ako sa banyo at agad pumuwesto sa ilalim ng shower. Bumuhos ang malamig na tubig sa katawan ko. Kung babae siguro ako at umiiyak, mukha na akong bidang nasaktan sa teleserye. Napangisi ako sa sarili kong naiisip. Pagkalipas ng dalawampung minuto ay lumabas na ako. Nagbihis ng simpleng puting shirt, denim jacket, maong at rubber shoes. Pagkatapos ay bumaba na ako. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng hagdan nang makita ko si Mommy. May hawak siyang brown envelope. At sa seryoso niyang mukha, alam kong hindi magandang balita ang laman nito. "Where are you going?" tanong niya. "Club." Diretso ang sagot ko. Alam naman niyang iyon lang ang pinupuntahan ko kapag gabi. Pero sa halip na daanan ako, humarang siya. "Sumunod ka sa library." Napakunot ang noo ko. Pero sumunod na rin. --- Pagdating namin sa library ay agad siyang naupo sa sofa. Pagod. Problemado. At halatang kinakabahan. "We really need the Villafuertes now, Ethan." Binuksan ko ang envelope at isa-isang tiningnan ang mga dokumento. Financial reports. Business reports. At kung anu-ano pang papel. At habang tumatagal, lalo akong sumeseryoso. Mukhang mas malala ang sitwasyon kaysa sa inaakala ko. "Hindi naman siguro nila uurungan ang kasal," sabi ko. "Kailangan lang natin maghintay." "Maghintay?" Mabilis siyang tumayo. Halatang nawawala na ang pasensiya niya. "Ethan, naiintindihan mo ba ang nakikita mo diyan?" Tinaas niya ang mga papel. "Hindi natin kayang maghintay nang matagal!" Napabuntong-hininga ako. "So what do you want me to do?" Humarap siya sa akin. At doon ko nakita ang determinasyon sa mga mata niya. "Puntahan mo si Shanaia." Napakunot agad ang noo ko. "Kausapin mo siya." Nanlaki ang mata ko. "At kumbinsihin mong pumayag siya sa kasal." Bigla akong napatayo. "No." Diretso. Matigas. Walang pag-aalinlangan. "Ayokong makipag-usap sa babaeng iyon." Kung tutuusin, naiisip ko pa lang siya, tumataas na ang presyon ko. Tapos gusto nilang puntahan ko pa? No way. "Ethan—" "No." Mas tumigas ang boses ko. "Kung may kailangan tayong gawin, gagawa ako ng paraan." Tinuro ko ang mga dokumento. "Pero hindi ako lalapit kay Shanaia Villafuerte." Tuluyan kong tinalikuran si Mommy. "End of discussion." Narinig ko pa siyang tumawag. Pero hindi na ako lumingon. --- Late na akong nakarating sa club dahil sa traffic. Pagpasok ko pa lang ay sinalubong na ako ng malakas na musika, makukulay na ilaw at amoy ng alak. Agad kong nakita sina Aaron at Kyler sa paborito naming puwesto. Nag-fist bump muna kami bago ako naupo. "So?" Tumingin ako kay Kyler. "Anong nangyari at bigla kang nagyayang uminom?" Ngumiti siya. At doon ako tuluyang nagtaka. Dahil hindi iyon pilit. Hindi iyon peke. Totoong ngiti iyon. Pagkatapos ng tatlong taon. "I just want to celebrate." Nagkatinginan kami ni Aaron. "Ano naman ice-celebrate mo?" tanong ni Aaron. "Huwag mong sabihing magpapakasal ka na?" Napatawa si Kyler. At lalo kaming nagtaka. Pagkatapos ay nagsalin siya ng alak sa baso niya. "Naalala niyo yung babaeng lagi kong kinukuwento?" Napataas ang kilay ko. "Yung ex mo?" Tumango siya. At doon ko naintindihan. "She's back." Sandaling natahimik ang mesa. "Nagkita kami kanina sa mall." Napangiti siyang muli. Mas malapad. Mas masaya. "At magkakausap kami ulit." Napailing ako. Grabe talaga kapag in love. Tatlong taon. Tatlong taon siyang naghintay. At hanggang ngayon, hindi pa rin siya sumusuko. Kaya itinaas ko ang beer ko. "Para sa paghihintay ni Kyler na hindi nasayang." Nagtawanan kaming tatlo bago sabay-sabay uminom. --- Lumipas ang ilang oras. Pabalik-balik si Aaron sa dance floor. May hinahanap daw na babae. Mukhang tinamaan. "Peste!" reklamo niya pagkabalik. "Nasaan na ba kasi siya?" "Baka may kasama nang iba." Sinamaan niya ako ng tingin. Tumayo naman si Kyler. "CR lang." Tumango ako. At naiwan akong mag-isa sa mesa. Habang umiinom ay napadako ang tingin ko sa kabilang bahagi ng club. At doon ako natigilan. Pamilyar ang babae. Magulo ang buhok. Naglalakad kasama ang isang lalaki. At halatang galing sa isang pribadong silid. Nang makilala ko kung sino siya, halos mabitawan ko ang beer ko. "Shanaia?" Napairap ako. Tsk. Akala mo kung sinong santa. May tinatago rin naman palang kalandian. Tumayo ako para lapitan sila. Pero natigil ako. Dahil nakita ko si Kyler. Nakatayo siya sa harapan nilang dalawa. At biglang nag-iba ang ekspresyon niya. Mula sa masayang lalaki kanina... Naging parang taong handang makipagsuntukan. Lalo na nang umakbay ang lalaki kay Shanaia. Humigpit ang kamao ni Kyler. Nagdilim ang mukha niya. At sa unang pagkakataon ngayong gabi, nakaramdam ako ng kakaibang kutob. Hindi ito simpleng pagkikita. Hindi ito simpleng away. At higit sa lahat... Parang kilala ni Kyler ang babaeng iyon. Habang pinagmamasdan ko silang tatlo, dahan-dahang lumiko sina Shanaia at ang lalaking kasama niya patungo sa fire exit. Hindi man lang sila pinigilan ni Kyler. Nakatayo lang siya roon. Tahimik. Galit. Nasasaktan. At biglang may pumasok sa isip ko. Napakunot ako ng noo. Teka... Huwag mong sabihing... Si Shanaia Villafuerte ang babaeng tatlong taon mong hinihintayShanaia Isabelle“Ate!” Napangiti ako nang makita si Shally na halos patakbo nang lumabas ng gate ng university. “Kanina ka pa?” tanong niya habang hinihingal nang bahagya.“Nah. Kararating ko lang.” Binuksan ko ang pinto ng passenger seat. “Halika na.”Kaagad siyang sumakay at isinara ang pinto. Katulad ng dati, isinandal niya agad ang ulo sa headrest habang inaayos ang seat belt.Some things really never changed. Kahit college na siya... Kapag ako ang sumusundo, para pa rin siyang batang excited umuwi.Tahimik muna kaming bumiyahe. Christmas songs ang mahina lang na tumutugtog mula sa radyo habang unti-unting gumagaan ang trapiko.“Ang dami nang Christmas lights,” mahina niyang sabi habang nakatanaw sa labas.“Hmm.”“Excited ka na ba sa Pasko?”Napatingin ako sandali sa kaniya bago muling ibinalik ang tingin sa kalsada. “Medyo.”Hindi na siya nagsalita pa. Mukhang sapat na sa kaniya ang maikling sagot ko.Makalipas ang ilang minuto... “May plano ka ba sa Sunday?” tanong ko.Napaling
Shanaia IsabelleMahigit isang oras din ang hinintay ko bago muling bumaba si Jhade. Nang marinig ko ang yabag niya sa hagdan, napatingala ako. For a second... I couldn't help but smile.She was wearing a fitted black formal dress that perfectly complemented her fair skin. Her long wavy hair rested over one shoulder, and even without the cameras around, she carried herself like someone born under the spotlight. She really became the person she dreamed of becoming."Tagal mo." I teased."Tumahimik ka. Artista ako. Hindi puwedeng basta-basta lang lumabas." She flipped her hair dramatically. I rolled my eyes. "Ano? Maganda ba?""Sakto lang.""Nakakainis ka talaga."Napangiti lang ako.Nagbilin muna siya sa kaniyang maid bago kami tuluyang lumabas ng bahay. Habang pababa kami ng hagdan ay napansin ko na naman ang bukas na harapan ng bahay."Wala ka talagang gate?" tanong ko."Wala.""Hindi ka ba natatakot?"She shrugged. "Mahigpit ang security ng village. At saka... wala namang magnanakaw
Shanaia IsabelleFriday mornings had slowly become a routine."Magkakaroon kami ng Christmas party sa twentieth, kaya hindi talaga ako puwedeng sumama." Napailing si Shally habang inaayos ang seatbelt niya.I glanced at her for a second before returning my eyes to the road. "Eh kailan ka available?"She tapped her chin dramatically. "Sa twenty-two, sasama ako kay Mommy mag-grocery. Twenty-three na lang talaga."Napabuntong-hininga ako. "Tsk. Para ka namang sikat na artista. Ang hirap mong i-book." Sinulyapan ko siya. "Pakausap nga ako sa manager mo."Agad siyang natawa. "Ikaw naman kasi, Ate." Umirap pa siya. "Bubukod ka pa ng Noche Buena. Doon ka na lang sa mansion. Para sama-sama tayo."Hindi ako agad sumagot. Tahimik lang ang loob ng sasakyan habang tuloy ang pagtakbo nito sa kalsada.Years. Ilang taon din kaming hindi nagsalo sa iisang hapag tuwing Pasko. Para kay Shally... Siguro kaya kong ibaba muna ang pride ko.Huminga ako nang marahan. "Sige." Napalingon siya. "Sa mansion na
SHANAIA ISABELLEDecember 15.Halos dalawang linggo na ang lumipas mula nang magsimula akong magtrabaho bilang Chief Financial Officer ng E&G.At ngayon...mas lalo pang naging abala ang buong kompanya. Paroo't parito ang mga empleyado. Sunod-sunod ang deliveries.May mga bagong branch nang nagbukas sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila, habang unti-unti na ring inihahanda ang expansion sa ibang siyudad at probinsiya.Hindi puwedeng madaliin ang lahat. May budget plan kaming sinusunod.At bilang CFO, trabaho kong siguraduhing hindi lalampas ang bawat gastusin sa itinakdang limitasyon.So far...maganda ang takbo ng sales. Hindi pa perpekto. Pero sapat para sabihing umaandar na muli ang kumpanya.Tahimik akong nakaupo habang sinusuri ang financial statements na ipinasa ni Lemuel. Maya-maya'y may kumatok."Ma'am Shanaia.""Come in."Pumasok si Nerine bitbit ang isang folder. "Na-audit ko na po ito."Tinanggap ko iyon at mabilis na pinasadahan ang laman. "Okay." Ipinatong ko iyon sa tabi.
SHANAIA ISABELLETinutuwid ko ang pagkakalagay ng ilang dokumento sa ibabaw ng mesa nang hindi sinasadyang mapatingin ako sa office ni Ethan.At eksaktong maling oras ang napili kong lumingon.Nakatayo siya sa may pintuan ng opisina habang mahigpit na nakakapit sa braso niya ang secretary niyang si Jessa.Halos mapatawa ako. Hindi dahil nagseselos ako. Kundi dahil sa mukha ni Ethan.Parang gusto niyang maglaho sa kinatatayuan niya. Sunod-sunod ang pagkurap niya habang nakatitig sa sariling braso. Sandali pa, bumaba ang tingin niya. Sa braso ba talaga? O sa dibdib ng secretary niyang halos nakadikit na sa kanya?Tsk.Base sa dami ng paglunok niya... Mukhang alam ko na ang sagot.Nanatili silang ganoon nang ilang segundo bago may sinabi si Ethan. Agad niyang inalis ang kamay ni Jessa sa braso niya, pumasok sa opisina, at malakas na isinara ang pinto.Bang!Napangiwi ako. Sayang. Hindi natamaan ang mukha...Joke lang.Napalingon si Jessa sa direksyon ko. Nagtagpo ang mga mata namin.Hind
SHANAIA ISABELLEThree days.Three days. Iyon lang ang kinailangan para tuluyang maayos ang Finance Department ng E&G.A new finance manager replaced the previous one. The department's financial strengths and weaknesses were thoroughly analyzed. Every afternoon, a detailed report landed on Ethan's desk.Professional. Efficient. Nothing more. We only spoke when work required it. No unnecessary conversations. No arguments. No sarcastic remarks. Just work.By the second day, the office no longer looked like its previous owner had ever existed.Warm beige replaced the dull colors that once dominated the room. White softened the atmosphere, while black framed everything with clean, sharp lines. The space looked minimal, organized, and quiet. Exactly the way I liked it.And now... It was my third day as the Chief Financial Officer of E&G."Good morning, Ma'am Shanaia!" masiglang bati ng guard.Tumango lang ako bilang tugon bago ipinagpatuloy ang paglalakad.Sunod-sunod ang pagbati ng mga em
SHALLY MARIEMatapos naming ayusin ni Ate ang lahat ng wedding gifts at ubusin ang pagkaing ipinadeliver niya, nagyaya siyang mag-grocery."Ayoko nang araw-araw na nagpapadeliver ng pagkain," sabi niya habang kinukuha ang susi ng kotse. "Marunong naman akong magluto." Dagdag niya pa.Kaya heto kami
SHANAIA ISABELLEToday's the day.The day everyone had been preparing for. The day everyone kept calling the happiest day of my life. Ironically...It was also the day I would lose the freedom I had spent years protecting.Everything happened too fast.Parang kahapon lang... Nakikipag-away pa ako ka
SHALLY MARIE Tahimik. Iyon ang unang bagay na napansin ko nang magmulat ako ng mga mata. Hindi ko alam kung anong oras na, pero kakaiba ang katahimikan ng buong mansiyon. Walang maririnig na boses ng mga kasambahay na nag-uusap habang naglilinis. Wala ring mahinang paghuni ni Mommy habang naghah
ELI CLAYTON Nakatulala lang ako sa engagement ring na nakapatong sa gitna ng coffee table habang maingat na binabalutan ni Wilson ng gauze ang duguan kong kamay. Tahimik ang buong condominium. Ang tanging maririnig ay ang mahinang kaluskos ng first aid kit at ang paminsan-minsang paghinga naming







