แชร์

Chapter 02

ผู้เขียน: Your_LittlePen
last update วันที่เผยแพร่: 2026-06-11 13:04:45

SHANAIA ISABELLE

Alas-singko y medya pa lamang ng madaling-araw nang magising ako.

Sa tabi ko, mahimbing pa ring natutulog si Shally. Nakatalikod siya habang yakap ang unan na para bang wala siyang iniisip na problema sa mundo.

Napangiti ako nang bahagya.

Kapag ganitong oras ako nagigising, alam kong wala nang pag-asang makatulog muli. Kaya imbes na magpabalik-balik sa kama, nagpasya na lang akong mag-gym.

Tutal, may sarili namang gym ang mansiyon.

Maingat akong bumangon upang hindi magising si Shally bago tahimik na lumabas ng kaniyang silid.

Pagdating sa kuwarto ko, mabilis akong naligo.

Ilang minuto lang ang itinagal ko sa loob ng banyo bago lumabas na nakasuot ng puting bathrobe.

Pagkatapos ay nagbihis na ako.

Black sports bra.

Black sweat shorts.

Black rubber shoes.

Simple.

Comfortable.

Practical.

Mabilis ding natuyo ang natural kong itim na buhok dahil hindi naman ito gaanong makapal. Nang matuyo, itinali ko ito sa mataas na ponytail.

Paglabas ko ng kuwarto ay kasabay namang bumukas ang pinto ng guest room.

Lumabas si Arie.

"Good morning, Miss Shanaia."

Bahagya siyang yumuko bilang pagbati.

Nakasuot siya ng puting T-shirt, itim na leggings, at running shoes.

"Magja-jogging ka?" tanong ko.

Tumango siya.

"May gym naman dito sa bahay kung gusto mo."

Nagpasalamat siya ngunit magalang na tumanggi.

"Mas gusto ko po sanang tumakbo sa labas."

Tumango na lamang ako.

"Suit yourself."

Nagpaalam siya at agad na lumabas ng mansiyon.

Ako naman ay bumaba.

Isa-isang bumati sa akin ang mga maid na nakakasalubong ko ngunit hindi ko na iyon pinansin.

Pa-lagpas na sana ako sa kusina nang marinig ko ang boses ni Mom.

"Maggi-gym ka?"

Napalingon ako.

Nakasuot siya ng apron at mukhang abala sa paghahanda ng almusal.

Napakaaga.

"Obviously."

Wala sa gana kong sagot bago muling naglakad.

"Ipapatawag kita kapag handa na ang breakfast."

Narinig ko iyon ngunit hindi na ako lumingon.

Masyado pang maaga para makipagplastikan.

---

Matatagpuan ang gym sa likurang bahagi ng mansiyon.

Katabi nito ang mini garden ni Mom at ang malaking swimming pool.

Pagkapasok ko pa lamang ay agad kong binuksan ang air conditioner bago nagsimulang mag-stretch.

Makalipas ang ilang minuto ay sinimulan ko na ang workout routine ko.

Habang paulit-ulit kong ginagawa ang bawat set, hindi ko maiwasang maalala ang nangyari kagabi.

Sa totoo lang, wala akong ideya na may pag-uusap palang magaganap tungkol sa kasal.

Bago pa man kami makarating sa Pilipinas, nag-utos na ako kay Clayton na maghanap ng impormasyon tungkol kay Ethan Grey Parker.

At hindi ako nabigo.

Sa dami ng impormasyong nakuha ko, lalo lamang akong nakumbinsing hindi bagay sa kapatid ko ang lalaking iyon.

Womanizer.

Irresponsable.

At masyadong kampante sa buhay.

Kaya nang dumating ako sa mansiyon at nadatnan silang nag-uusap tungkol sa kasal, pakiramdam ko ay kampi sa akin ang tadhana.

Napangiti ako nang maalala ang mukha niya kagabi.

Lalo na nang isa-isahin kong ihagis ang mga litrato niya kasama ang iba't ibang babae.

Sa iba't ibang lugar.

At iba't ibang sitwasyon.

Halos maubo pa nga ang ama niya sa galit.

At si Ethan?

Mukhang gusto na akong lunurin gamit ang tingin niya.

Sa mga oras na ito, sigurado akong galit na galit siya sa akin.

Pero wala akong pakialam.

Sa susunod naming pagkikita...

Mas lalo ko pa siyang gagalitin.

---

Makalipas ang halos isang oras, naupo muna ako sa isang stool upang magpahinga.

Pinunasan ko ang pawis sa aking noo habang nililibot ng tingin ang buong gym.

Ngayon ko lang napansin ang mga pagbabagong ginawa rito.

Noon ay puro bato ang mga dingding.

Ngayon ay glass walls na ang bahaging nakaharap sa pool.

Mas maliwanag.

Mas moderno.

Mas elegante.

May mga bagong kagamitan rin na halatang mamahalin.

Naputol ang pagmamasid ko nang bumukas ang pinto.

"Ate."

Lumapit si Shally habang nakangiti.

"Ready na ang breakfast."

Tumango ako.

"Kain na tayo."

---

Pagdating namin sa dining room ay nadatnan ko si Mom na kausap si Arie.

Pareho silang tumigil nang makita ako.

Hindi ko na lang pinansin.

"Ate, dito ka sa tabi ko."

Hinila ako ni Shally sa upuang katabi niya.

Napagitna ako sa kanilang dalawa ni Arie.

Nasa unahan si Dad habang nasa tapat naman namin si Mom.

Nagdasal muna kami bago nagsimulang kumain.

Magsasandok na sana ako ng kanin nang maunahan ako ni Mom.

"Ako na."

Napangiti siya.

"Na-miss ko rin itong pagsisilbihan kayo ni Shally gaya noong mga bata pa kayo."

Kinuha ko ang sandok mula sa kaniya.

"I'm not a kid anymore."

Diretso ko siyang tiningnan.

"Kaya ko nang pagsilbihan ang sarili ko."

Bahagyang natigilan siya.

Ngunit pinilit pa rin niyang ngumiti.

"Of course."

Tahimik akong nagsandok ng pagkain.

Ilang minuto ring walang nagsalita.

Hanggang sa basagin iyon ni Dad.

"Shanaia."

Nakataas ang tingin niya sa akin.

"Gusto kitang makausap pagkatapos nating kumain."

"Pupunta kami ni Shally sa mall."

Ramdam kong napatingin sa akin si Shally.

Hindi pa namin iyon napag-uusapan.

Ngunit wala na siyang sinabi.

"Then let's talk when you get back."

Nilunok ko muna ang pagkain bago sumagot.

"Baka gabi na kami makauwi."

Napailing ako.

"Maybe next time, Dad."

Tumahimik ang buong mesa.

Maya-maya ay marahas na bumagsak ang kubyertos sa plato.

Ngunit hindi ko iyon pinansin.

"Kung hindi mo kayang makipag-usap mamaya," madiing sabi niya, "ngayon na tayo mag-uusap."

Kitang-kita ko ang pagpipigil niya sa galit.

Nagpunas muna ako ng labi gamit ang table napkin bago tumingin sa kaniya.

"I said next time."

Diretso ang tingin ko sa kaniya.

"And don't worry."

Tumayo ako.

"Hindi ako aalis ng bansa."

Bahagyang lumambot ang boses ko.

"Mananatili ako rito hanggang makausap kita at masigurong wala nang kasalang magaganap."

"Anak—"

"Wala na akong gana."

At iniwan ko silang lahat sa dining room.

---

Makalipas ang ilang oras, matapos ang shopping spree nila ni Shally, huminto si Shanaia sa paglalakad.

Bigla.

Walang babala.

Napakunot-noo si Shally.

"Ate?"

Hindi sumagot si Shanaia.

Nakatitig lamang siya sa direksyon ng isang lalaki.

Isang lalaking unti-unting lumalapit sa kanila.

Huminto ang mundo ni Shally nang makilala niya ito.

Maging ang paghinga niya ay tila saglit na nakalimutan.

Samantalang si Shanaia ay nanatiling walang ekspresyon.

Malamig.

Hindi mabasa.

Huminto ang lalaki ilang hakbang ang layo sa kanila.

Nakatitig lamang siya kay Shanaia.

Parang natatakot na baka mawala ito kapag kumurap siya.

Pagkatapos ng mahabang katahimikan, nagsalita siya.

Mababa.

Punong-puno ng pananabik.

At pangungulila.

"You're back."

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • His Greatest Inheritance   Chapter 27

    Shanaia Isabelle“Ate!” Napangiti ako nang makita si Shally na halos patakbo nang lumabas ng gate ng university. “Kanina ka pa?” tanong niya habang hinihingal nang bahagya.“Nah. Kararating ko lang.” Binuksan ko ang pinto ng passenger seat. “Halika na.”Kaagad siyang sumakay at isinara ang pinto. Katulad ng dati, isinandal niya agad ang ulo sa headrest habang inaayos ang seat belt.Some things really never changed. Kahit college na siya... Kapag ako ang sumusundo, para pa rin siyang batang excited umuwi.Tahimik muna kaming bumiyahe. Christmas songs ang mahina lang na tumutugtog mula sa radyo habang unti-unting gumagaan ang trapiko.“Ang dami nang Christmas lights,” mahina niyang sabi habang nakatanaw sa labas.“Hmm.”“Excited ka na ba sa Pasko?”Napatingin ako sandali sa kaniya bago muling ibinalik ang tingin sa kalsada. “Medyo.”Hindi na siya nagsalita pa. Mukhang sapat na sa kaniya ang maikling sagot ko.Makalipas ang ilang minuto... “May plano ka ba sa Sunday?” tanong ko.Napaling

  • His Greatest Inheritance   Chapter 26

    Shanaia IsabelleMahigit isang oras din ang hinintay ko bago muling bumaba si Jhade. Nang marinig ko ang yabag niya sa hagdan, napatingala ako. For a second... I couldn't help but smile.She was wearing a fitted black formal dress that perfectly complemented her fair skin. Her long wavy hair rested over one shoulder, and even without the cameras around, she carried herself like someone born under the spotlight. She really became the person she dreamed of becoming."Tagal mo." I teased."Tumahimik ka. Artista ako. Hindi puwedeng basta-basta lang lumabas." She flipped her hair dramatically. I rolled my eyes. "Ano? Maganda ba?""Sakto lang.""Nakakainis ka talaga."Napangiti lang ako.Nagbilin muna siya sa kaniyang maid bago kami tuluyang lumabas ng bahay. Habang pababa kami ng hagdan ay napansin ko na naman ang bukas na harapan ng bahay."Wala ka talagang gate?" tanong ko."Wala.""Hindi ka ba natatakot?"She shrugged. "Mahigpit ang security ng village. At saka... wala namang magnanakaw

  • His Greatest Inheritance   Chapter 25

    Shanaia IsabelleFriday mornings had slowly become a routine."Magkakaroon kami ng Christmas party sa twentieth, kaya hindi talaga ako puwedeng sumama." Napailing si Shally habang inaayos ang seatbelt niya.I glanced at her for a second before returning my eyes to the road. "Eh kailan ka available?"She tapped her chin dramatically. "Sa twenty-two, sasama ako kay Mommy mag-grocery. Twenty-three na lang talaga."Napabuntong-hininga ako. "Tsk. Para ka namang sikat na artista. Ang hirap mong i-book." Sinulyapan ko siya. "Pakausap nga ako sa manager mo."Agad siyang natawa. "Ikaw naman kasi, Ate." Umirap pa siya. "Bubukod ka pa ng Noche Buena. Doon ka na lang sa mansion. Para sama-sama tayo."Hindi ako agad sumagot. Tahimik lang ang loob ng sasakyan habang tuloy ang pagtakbo nito sa kalsada.Years. Ilang taon din kaming hindi nagsalo sa iisang hapag tuwing Pasko. Para kay Shally... Siguro kaya kong ibaba muna ang pride ko.Huminga ako nang marahan. "Sige." Napalingon siya. "Sa mansion na

  • His Greatest Inheritance   Chapter 24

    SHANAIA ISABELLEDecember 15.Halos dalawang linggo na ang lumipas mula nang magsimula akong magtrabaho bilang Chief Financial Officer ng E&G.At ngayon...mas lalo pang naging abala ang buong kompanya. Paroo't parito ang mga empleyado. Sunod-sunod ang deliveries.May mga bagong branch nang nagbukas sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila, habang unti-unti na ring inihahanda ang expansion sa ibang siyudad at probinsiya.Hindi puwedeng madaliin ang lahat. May budget plan kaming sinusunod.At bilang CFO, trabaho kong siguraduhing hindi lalampas ang bawat gastusin sa itinakdang limitasyon.So far...maganda ang takbo ng sales. Hindi pa perpekto. Pero sapat para sabihing umaandar na muli ang kumpanya.Tahimik akong nakaupo habang sinusuri ang financial statements na ipinasa ni Lemuel. Maya-maya'y may kumatok."Ma'am Shanaia.""Come in."Pumasok si Nerine bitbit ang isang folder. "Na-audit ko na po ito."Tinanggap ko iyon at mabilis na pinasadahan ang laman. "Okay." Ipinatong ko iyon sa tabi.

  • His Greatest Inheritance   Chapter 23

    SHANAIA ISABELLETinutuwid ko ang pagkakalagay ng ilang dokumento sa ibabaw ng mesa nang hindi sinasadyang mapatingin ako sa office ni Ethan.At eksaktong maling oras ang napili kong lumingon.Nakatayo siya sa may pintuan ng opisina habang mahigpit na nakakapit sa braso niya ang secretary niyang si Jessa.Halos mapatawa ako. Hindi dahil nagseselos ako. Kundi dahil sa mukha ni Ethan.Parang gusto niyang maglaho sa kinatatayuan niya. Sunod-sunod ang pagkurap niya habang nakatitig sa sariling braso. Sandali pa, bumaba ang tingin niya. Sa braso ba talaga? O sa dibdib ng secretary niyang halos nakadikit na sa kanya?Tsk.Base sa dami ng paglunok niya... Mukhang alam ko na ang sagot.Nanatili silang ganoon nang ilang segundo bago may sinabi si Ethan. Agad niyang inalis ang kamay ni Jessa sa braso niya, pumasok sa opisina, at malakas na isinara ang pinto.Bang!Napangiwi ako. Sayang. Hindi natamaan ang mukha...Joke lang.Napalingon si Jessa sa direksyon ko. Nagtagpo ang mga mata namin.Hind

  • His Greatest Inheritance   Chapter 22

    SHANAIA ISABELLEThree days.Three days. Iyon lang ang kinailangan para tuluyang maayos ang Finance Department ng E&G.A new finance manager replaced the previous one. The department's financial strengths and weaknesses were thoroughly analyzed. Every afternoon, a detailed report landed on Ethan's desk.Professional. Efficient. Nothing more. We only spoke when work required it. No unnecessary conversations. No arguments. No sarcastic remarks. Just work.By the second day, the office no longer looked like its previous owner had ever existed.Warm beige replaced the dull colors that once dominated the room. White softened the atmosphere, while black framed everything with clean, sharp lines. The space looked minimal, organized, and quiet. Exactly the way I liked it.And now... It was my third day as the Chief Financial Officer of E&G."Good morning, Ma'am Shanaia!" masiglang bati ng guard.Tumango lang ako bilang tugon bago ipinagpatuloy ang paglalakad.Sunod-sunod ang pagbati ng mga em

  • His Greatest Inheritance   Chapter 12

    SHANAIA ISABELLEToday's the day.The day everyone had been preparing for. The day everyone kept calling the happiest day of my life. Ironically...It was also the day I would lose the freedom I had spent years protecting.Everything happened too fast.Parang kahapon lang... Nakikipag-away pa ako ka

  • His Greatest Inheritance   Chapter 10

    SHALLY MARIE Tahimik. Iyon ang unang bagay na napansin ko nang magmulat ako ng mga mata. Hindi ko alam kung anong oras na, pero kakaiba ang katahimikan ng buong mansiyon. Walang maririnig na boses ng mga kasambahay na nag-uusap habang naglilinis. Wala ring mahinang paghuni ni Mommy habang naghah

  • His Greatest Inheritance   Chapter 09

    ELI CLAYTON Nakatulala lang ako sa engagement ring na nakapatong sa gitna ng coffee table habang maingat na binabalutan ni Wilson ng gauze ang duguan kong kamay. Tahimik ang buong condominium. Ang tanging maririnig ay ang mahinang kaluskos ng first aid kit at ang paminsan-minsang paghinga naming

  • His Greatest Inheritance   Chapter 07

    KYLER EZEKIELBandang alas otso ng umaga nang magising ako, ngunit pakiramdam ko ay wala man lang akong naitulog. Mabigat ang ulo ko. Parang may martilyong paulit-ulit na pumapalo sa sentido ko. Hindi ko alam kung epekto ba iyon ng alak... o ng babaeng hindi na nawala sa isip ko buong magdamag.Si

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status