LOGINNa-coma sa loob ng halos anim na taon si Althea, at sa loob ng mga panahong iyon ay wala siyang kaalam-alam na nagbunga pala ang nangyari sa kanila ng fiancé niyang si Xavius Montevalle. Habang walang malay, isinilang niya sa pamamagitan ng C-section ang kambal nilang anak, ngunit kinuha sila ng half-sister niyang si Maureen at dinala sa ama ng mga ito. Siniraan siya ni Maureen at pinalabas na inabandona niya ang mga bata upang sumama sa ibang lalaki, dahilan upang kamuhian siya ni Xavius at ng buong pamilyang Montevalle. Nang magising si Althea, napagtanto niyang sapat na ang mga taong naging api-apihan siya sa sariling tahanan sa kamay ng kanyang madrasta at half-sister. Ngunit higit sa lahat, nalaman niyang mayroon pala siyang kambal na anak. Nagdesisyon siya na lumaban na at kunin ang kustodiya ng mga bata, ngunit hindi iyon magiging madali dahil makabangga niya si Xavius, ang ex-fiancé niya. Maniniwala si Xavius na ginagamit lamang ni Althea ang kanilang mga anak upang mapalapit sa kanya, ngunit habang tumatagal ay makikita niyang tapat ang pagmamahal nito bilang isang ina. Mare-realize niya ang kamalian niya sa paghatol kay Althea at mahuhulog dito. Nang magdesisyon siyang i-pursue si Althea ay nagpahayag ito na wala itong interes sa kanya dahil ang mga bata lang ang mahalaga sa kanya. Sa kabila niyon ay hindi susuko si Xavius para makuha ang pag-ibig ni Althea, magpapatulong siya sa kanilang mga anak at susuportahan naman siya ng mga ito, habang chini-cheer pa, "Daddy, mommy doesn't want you. You have to work hard!
View More"Teka, teka, sandali!" pigil ni Rachelle nang sunggaban sila ng mga gwardya. "Xavius, hayaan mo muna sanang makapagpaliwanag si Alfea." "At ano pa ang ipapaliwanag niya? Wala akong oras at panahon para pakinggan ang mga kasinungalingan niya, kaya makakaalis na kayo... And I warn you, kapag bumalik pa kayo, ipapaaresto ko na kayo!" "Sandali lang, Xavius... Naniniwala ka ba sa sinabi ni Maureen na inabandona nga ni Alfea ang mga anak n'yo para sumama sa iba? Alam mo ba kung ano ang nangyari sa kaibigan ko six years ago? Sinabi ba yun sa'yo ni Maureen?" Kumunot ang noo ni Xavius, pinatigil niya ang mga guwardiya sa pagdakip sa dalawa. "Ano ang gusto mong sabihin?""Makinig kang mabuti... Six years ago, na-coma si Alfea." Natigilan si Xavius, pakiramdam niya ay tila nagkamali ata siya ng dinig. "Na-coma?" "Oo, dahil nabundol siya ng truck. At halos anim na taon din siyang naratay sa ospital." "Xavius... Hindi totoong inabandona ko ang mga anak ko, dahil hindi ko magagawa yun. Mani
Nakamasid sa labas ng bintana si Xavius, habang sumasariwa sa kanya ang naging pag-uusap nila ni Alfea. Nagtataka siya dahil tila may hindi tama dito kanina. Bakit pakiramdam niya ay parang wala itong ideya na anak nito si Lucas? Ganun ba ang kagustuhan nito na kalimutan ang kambal? Pero bakit iniuwi nito ang bata kung wala na nga itong pakialam? Humarap siya sa kanyang likuran at binalingan ang nakaluhod na anak. "Ano, ayaw mo pa rin bang mangako na hindi mo na uulitin ang ginawa mo?" Hindi pa niya pinapalo ito kahit iyon ang nakatakda niyang gawin, dahil binibigyan niya ito ng pagkakataon na magsisi. Isa pa ay hindi din niya maatim na saktan ito. Hindi sumagot si Lucas, mariin lang na nakatikom ang bibig nito. Sa murang edad ay makikitaan na ito ng paninindigan. "Akala mo ba na porke nandito ang lola mo ay hindi na kita magagawang kantiin?" Kinuha ni Xavius ang isang maiksi at itim na latigo sa kanyang drawer. Ipangpapanakot pa lamang niya iyon nang bigla namang magbukas ang pin
Tinakpan ni Xavius ang bibig ng anak, ngunit sa laki ng kanyang kamay ay pati ang mukha nito ay natakpan na rin niya. “Shut up! You’re disgusting!” aniya sa babae sa kanyang harapan. “Hmph!” Nag-cross arms si Althea. “Ano, yan lang ba ang sasabihin mo? Akala mo siguro masisindak ako sa’yo, ano?” Nagtiim ang panga ni Xavius sa pagpipigil sa kanyang galit. “I’ll remember this. I... I won’t waste any more time on you.” Hinila niya ang kanyang anak at umalis na. “Sige, layas! Huwag ka nang magpapakita pa sa akin, ha!” sigaw ni Althea sa likuran nila Xavius. Nang bigla siyang lingunin ni Lucas ay natigilan siya. Ramdam niya ang pag-aasam at ang lungkot sa mga mata ng bata. Bigla din siyang nalungkot at nakaramdam ng panghihinayang. _‘Pasensiya na, Luke. Mukhang... malabo nang magkita pa tayo.’_ “Huy, Thea, ang lakas naman ng loob mo. Talagang nagawa mong pagsalitaan nang ganun si Xavius?” ani Rachelle na tila namamangha. “Hindi ka ba natatakot? Paano kung balikan ka niya dahil sa pama
Nanlaki ang mga mata ni Althea at lubos na nagtaka. Kailan lang ay nakita niya ito sa kalsada, ngayon ay nasa pinto na niya. _‘Ano naman kaya ang dahilan at nandito ang lalaking ito? Ako kaya ang sadya nito?’_ Nang magtama ang mga paningin nila ay nagpakita ng pagkasuya si Xavius. Kumunot ang noo nito na tila nakaamoy ng mabaho. Tatanungin sana ni Althea kung ano ang kanyang pakay, ngunit nakita niya ang hindi magandang ekspresyon nito sa kanya. “Lucas Knox!” Naramdaman ni Althea ang pag-igtad ng bata sa kanyang tabi. At dahil alam niyang ito ang tinawag ni Xavius ay nadagdagan lalo ang pagtataka niya. _‘Kilala ni Xavius si Luke?’_ “Come here!” Naramdaman ni Althea ang takot ni Luke nang sunggaban nito ang kanyang damit. “Luke, kilala mo ba siya?” Tumango ang bata. “Opo... S-siya po ang daddy ko.” Nanlaki ang mga mata ni Althea. Maging si Rachelle ay nagulat din. “A-ano?!” Napamaang si Althea kay Xavius. Sinong mag-aakala na ang batang kinupkop at kinagiliwan niya ay anak pala


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.