author-banner
Airam Anelé
Airam Anelé
Author

Novelas de Airam Anelé

Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!

Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!

Na-coma sa loob ng halos anim na taon si Alfea, at sa loob ng mga panahong iyon ay wala siyang kaalam-alam na nagbunga pala ang nangyari sa kanila ng fiancé niyang si Xavius Montevalle. Habang walang malay, isinilang niya sa pamamagitan ng C-section ang kambal nilang anak, ngunit kinuha sila ng half-sister niyang si Maureen at dinala sa ama ng mga ito. Siniraan siya ni Maureen at pinalabas na inabandona niya ang mga bata upang sumama sa ibang lalaki, dahilan upang kamuhian siya ni Xavius at ng buong pamilyang Montevalle. Nang magising si Alfea, napagtanto niyang sapat na ang mga taong naging api-apihan siya sa sariling tahanan sa kamay ng kanyang madrasta at half-sister. Ngunit higit sa lahat, nalaman niyang mayroon pala siyang kambal na anak. Nagdesisyon siya na lumaban na at kunin ang kustodiya ng mga bata, ngunit hindi iyon magiging madali dahil makabangga niya si Xavius, ang ex-fiancé niya. Maniniwala si Xavius na ginagamit lamang ni Alfea ang kanilang mga anak upang mapalapit sa kanya, ngunit habang tumatagal ay makikita niyang tapat ang pagmamahal nito bilang isang ina. Mare-realize niya ang kamalian niya sa paghatol kay Alfea at mahuhulog dito. Nang magdesisyon siyang i-pursue si Alfea ay nagpahayag ito na wala itong interes sa kanya dahil ang mga bata lang ang mahalaga sa kanya. Sa kabila niyon ay hindi susuko si Xavius para makuha ang pag-ibig ni Alfea, magpapatulong siya sa kanilang mga anak at susuportahan naman siya ng mga ito, habang chini-cheer pa, "Daddy, mommy doesn't want you. You have to work hard!
Leer
Chapter: Chapter >> 9
"Teka, teka, sandali!" pigil ni Rachelle nang sunggaban sila ng mga gwardya. "Xavius, hayaan mo muna sanang makapagpaliwanag si Alfea." "At ano pa ang ipapaliwanag niya? Wala akong oras at panahon para pakinggan ang mga kasinungalingan niya, kaya makakaalis na kayo... And I warn you, kapag bumalik pa kayo, ipapaaresto ko na kayo!" "Sandali lang, Xavius... Naniniwala ka ba sa sinabi ni Maureen na inabandona nga ni Alfea ang mga anak n'yo para sumama sa iba? Alam mo ba kung ano ang nangyari sa kaibigan ko six years ago? Sinabi ba yun sa'yo ni Maureen?" Kumunot ang noo ni Xavius, pinatigil niya ang mga guwardiya sa pagdakip sa dalawa. "Ano ang gusto mong sabihin?""Makinig kang mabuti... Six years ago, na-coma si Alfea." Natigilan si Xavius, pakiramdam niya ay tila nagkamali ata siya ng dinig. "Na-coma?" "Oo, dahil nabundol siya ng truck. At halos anim na taon din siyang naratay sa ospital." "Xavius... Hindi totoong inabandona ko ang mga anak ko, dahil hindi ko magagawa yun. Mani
Última actualización: 2026-06-28
Chapter: Chapter >> 8
Nakamasid sa labas ng bintana si Xavius, habang sumasariwa sa kanya ang naging pag-uusap nila ni Alfea. Nagtataka siya dahil tila may hindi tama dito kanina. Bakit pakiramdam niya ay parang wala itong ideya na anak nito si Lucas? Ganun ba ang kagustuhan nito na kalimutan ang kambal? Pero bakit iniuwi nito ang bata kung wala na nga itong pakialam? Humarap siya sa kanyang likuran at binalingan ang nakaluhod na anak. "Ano, ayaw mo pa rin bang mangako na hindi mo na uulitin ang ginawa mo?" Hindi pa niya pinapalo ito kahit iyon ang nakatakda niyang gawin, dahil binibigyan niya ito ng pagkakataon na magsisi. Isa pa ay hindi din niya maatim na saktan ito. Hindi sumagot si Lucas, mariin lang na nakatikom ang bibig nito. Sa murang edad ay makikitaan na ito ng paninindigan. "Akala mo ba na porke nandito ang lola mo ay hindi na kita magagawang kantiin?" Kinuha ni Xavius ang isang maiksi at itim na latigo sa kanyang drawer. Ipangpapanakot pa lamang niya iyon nang bigla namang magbukas ang pin
Última actualización: 2026-06-28
Chapter: Chapter >> 7
Tinakpan ni Xavius ang bibig ng anak, ngunit sa laki ng kanyang kamay ay pati ang mukha nito ay natakpan na rin niya. “Shut up! You’re disgusting!” aniya sa babae sa kanyang harapan. “Hmph!” Nag-cross arms si Alfea. “Ano, yan lang ba ang sasabihin mo? Akala mo siguro masisindak ako sa’yo, ano?” Nagtiim ang panga ni Xavius sa pagpipigil sa kanyang galit. “I’ll remember this. I... I won’t waste any more time on you.” Hinila niya ang kanyang anak at umalis na. “Sige, layas! Huwag ka nang magpapakita pa sa akin, ha!” sigaw ni Alfea sa likuran nila Xavius. Nang bigla siyang lingunin ni Lucas ay natigilan siya. Ramdam niya ang pag-aasam at ang lungkot sa mga mata ng bata. Bigla din siyang nalungkot at nakaramdam ng panghihinayang. _‘Pasensiya na, Luke. Mukhang... malabo nang magkita pa tayo.’_ “Huy, Fea, ang lakas naman ng loob mo. Talagang nagawa mong pagsalitaan nang ganun si Xavius?” ani Rachelle na tila namamangha. “Hindi ka ba natatakot? Paano kung balikan ka niya dahil sa p
Última actualización: 2026-06-26
Chapter: Chapter >> 6
Nanlaki ang mga mata ni Alfea at lubos na nagtaka. Kailan lang ay nakita niya ito sa kalsada, ngayon ay nasa pinto na niya. _‘Ano naman kaya ang dahilan at nandito ang lalaking ito? Ako kaya ang sadya nito?’_ Nang magtama ang mga paningin nila ay nagpakita ng pagkasuya si Xavius. Kumunot ang noo nito na tila nakaamoy ng mabaho. Tatanungin sana ni Alfea kung ano ang kanyang pakay, ngunit nakita niya ang hindi magandang ekspresyon nito sa kanya. “Lucas Knox!” Naramdaman ni Alfea ang pag-igtad ng bata sa kanyang tabi. At dahil alam niyang ito ang tinawag ni Xavius ay nadagdagan lalo ang pagtataka niya. _‘Kilala ni Xavius si Luke?’_ “Come here!” Naramdaman ni Alfea ang takot ni Luke nang sunggaban nito ang kanyang damit. “Luke, kilala mo ba siya?” Tumango ang bata. “Opo... S-siya po ang daddy ko.” Nanlaki ang mga mata ni Alfea. Maging si Rachelle ay nagulat din. “A-ano?!” Napamaang si Alfea kay Xavius. Sinong mag-aakala na ang batang kinupkop at kinagiliwan niya ay
Última actualización: 2026-06-26
Chapter: Chapter >> 5
"S-sir, pasensya na po, pero... hindi po talaga namin makita si Master Luke sa mga CCTV footage," nakayukong dispensa ng head guard ng mga Montevalle. Galit na hinampas ni Xavius ang mesa sa kanyang study. "Mga walang silbi!" Nahulog ang ilang dokumento na agad dinampot ng matandang Butler. "S-sorry, Sir. Tingin ko po ay sinadyang iwasan ni Master Luke ang mga CCTV camera hanggang sa makaalis siya ng mansiyon." "Puro kayo excuses! What's the use of hiring you?" "Sir... kung meron mang dapat managot sa nangyari, ako po 'yun." Nahilot ni Xavius ang kanyang noo. "No, Butler Greg. Hindi n'yo po kasalanan." "Hindi po, Sir, dahil ako po ang inatasan ni Miss Maureen na mag-asikaso sa little master. Pero nang sabihin niya sa akin na siya na lang daw ang mag-aasikaso sa sarili niya ay iniwanan ko na siya." "Si Maureen?" pagtataka ni Xavius. "Nagpresinta siya na siya na ang mag-aasikaso kay Luke para mawala ang sumpong ng bata sa kanya, 'yun pala ay ipapasa din niya sa iba?" Tumay
Última actualización: 2026-06-17
Chapter: Chapter >> 4
Nang masilayan ni Alfea ang mukha ng bata ay bumilis ang tibok ng kanyang puso, tila ba may nagsasabi sa kanya na huwag nang pakawalan ito. Nawirduhan siya at parang gusto niyang matawa dahil alam naman niyang hindi niya maaaring gawin 'yun. Tumukod siya sa kanyang tuhod para matapatan ang bata. "Bata, bakit hindi ka pa umuuwi? Baka hinahanap ka na ng mga magulang mo." Hindi sumagot si Lucas, nakatitig lang ito sa mukha ni Alfea. Napahawak si Alfea sa kanyang mukha at nagtawa. "Bakit ganyan ka kung makatitig sa akin? May dumi ba ang mukha ko?" Napayuko si Lucas, bigla itong nahiya. "Sorry po, kamukha n'yo po kasi 'yung babaeng nakita ko sa picture." "Picture? Saan?" pagtataka ni Alfea. "Sa loob po," turo ni Lucas sa bahay. "Nung three pa lang ako, dinala po kami ni Mommy Mau dito sa bahay nila." Ganoon na lang ang gulat ni Alfea. "M-mommy Mau? Mommy mo si Maureen? A-anak ka ni Maureen?" Biglang sumimangot ang bata. "Hindi po. Hindi po namin siya totoong mommy, nagp
Última actualización: 2026-06-17
Finding Love Again

Finding Love Again

Isang pag-ibig na hindi inaasahan ang darating kay Rita, nang lumuwas s'ya pa-maynila, para mamasukan bilang isang katulong. Hindi n'ya akalaing magkakaroon s'ya ng relasyon sa amo niyang si Martin. Nang lumalim na ang pag-ibig nila sa isa't-isa ay inakala niyang magiging masaya na sila, ngunit isang trahedya ang magpapabago sa kapalaran nila: makakalimot si Martin. Dahil sa isang aksidente na nagdulot ng amnesia kay Martin ay malilimutan n'ya ang lahat ng pinagsamahan at ang mga magagandang alaala n'ya kaya Rita. Sa sulsol at sa mga paninira ng mga tao sa paligid n'ya ay masusuya s'ya dito at itatakwil ito, ngunit isang supling ang muling mag-uugnay sa kanilang dalawa. Sa pagkakataong ito, mahahanap na kaya ni Martin ang daan patungo sa naudlot niyang pag-ibig kay Rita?
Leer
Chapter: Chapter 55
Matapos makalaya si Rita ay nagpunta agad si Martin sa mga Moñego para sa unang hakbang n'ya sa pag-aasikaso ng annulment nila ni Claire."Heh, at tingin mo ay papayag kami ng tito Armando mo?" Ani ng naka-cross arms na si Pilita. "Hindi ikaw ang masusunod sa bagay na yan, Martin. Kami ng mga magulang n'yo ni Claire ang masusunod.""Kayo ang masusunod? Kailan pa nagkaroon ng karapatan ang mga biyenan o ang mga magulang na magdesisyon sa annulment ng mga anak nila, sige nga? Pasensya na po sa sasabihin ko, ha. Pero kayo lang talaga ang biyenan na nakita kong may tibay ng mukha para makialam sa bagay na yan."Bumakas ang galit sa mukha ni Pilita. "Anong sinabi mo? How dare you?!" Bumaling s'ya kay Claire. "Nakita mo ba kung paano ako bastusin nitong asawa mo?" Hindi umimik si Claire dahil ang totoo ay nag-aasam din ito na ma-annul na ang kasal nila ni Martin. "Martin..." Tawag ni Armando. "Ano na naman ba ito?""I'm sorry, tito, pero desid
Última actualización: 2026-05-09
Chapter: Chapter 54
Nang malaman ni Martin kung nasaan si Sophia ay agad din niyang nalaman na may kinalaman ang kanyang ina sa nangyari. Lumipad s'ya pa-maynila at umuwi sa kanila. Sa bahay ay inabutan n'ya ang pagwawala at pag-iyak na si Sophia, hinahanap nito ang kanyang ina. Basang-basa na ng pawis ang bata sa kaiiyak ngunit hindi ito mapatahan ni Roda o ng mga katulong doon. "Ano ba yang batang yan, ilang araw nang nag-iiyak yan, a, hindi ba yan napapagod?" Reklamo ni matina na noo'y kabababa lang mula sa kanyang kwarto. "Hindi tuloy ako makapag beauty rest, e. Hay naku mommy, ang mabuti pa siguro ay isauli n'yo na lang sa kanila ang batang yan." "Tumahimik ka nga dyan, wala ka namang ginagawa para tumulong sa pag-aalaga dito. Imbes na patahanin at aliwin mo itong pamangkin mo, puro ka pa reklamo diyan." Asik ni Roda.Tila kinurot ang puso ni Martin nang makita ang kaawa-awang ayos ng anak, lalo na nang mapansin n'ya na tila nangangayat na ito. Lalo lang tuloy nadag
Última actualización: 2026-05-08
Chapter: Chapter 53
Nung araw ding iyon ay naapasugod sa presinto sila Lorna at Anthony nang malaman nila na dinampot si Rita. Galit na nagreklamo si Anthony dahil kilala nya ang kanyang kapatid at nalalaman niya na kailanman ay hindi ito gagawa ng anumang krimen. Matapos maipaliwanag ng pulis ang kasong isinampa kay Rita ay lalo siyang nagalit. "Child exploitation?!" Halos kuwelyuhan na n'ya ang pulis dahil sa kanyang pagpupuyos, mabuti na lamang at agad itong hinila ni Lorna. "Anton, maghunusdili ka nga! Nasa presinto tayo, ano ba?" Binalingan ni Lorna ang mga pulis. "Child exploitation? Sigurado ba kayo sa taong hinuli n'yo? Hindi kaya kayo nagkamali ng dinampot?" Nagkatinginan nang may kahulugan ang dalawang pulis na humuli kay Rita. "Heh, child exploitation? Hindi nyo pa kilala ang ate ko, pero kahit na kailan ay hindi n'ya magagawa iyang ibinibintang n'yo! Pakawalan n'yo ang ate ko, pakawalan n'yo s'ya, ngayon din!" "Ser, ser, humina
Última actualización: 2026-05-07
Chapter: Chapter 52
Nagalak si Martin sa kanyang nalaman at halos makalimutan na n'ya ang dokumento na kailangan niyang kunin. Nung araw ding iyon ay agad siyang bumili ng plane ticket papuntang Ormoc. Hindi n'ya alintana ang pagod sa pagpapabalik-balik doon at sa Maynila para lang maibahagi n'ya nang personal kay Rita ang magandang balita. Ilang araw din siyang namroblema nang dahil sa pagbubuntis ni Claire na peke naman pala. 'Well played, Mrs. Moñego. Sige, makikipaglaro ako sa inyo kung yan ang gusto n'yo.' "M-martin?" Nagulat si Rita nang makita na naman doon sa kanila ang dating nobyo. "Hindi ba ang sabi mo ay may kailangan kang asikasuhin? O, e, bakit nandito ka na naman?" "Rita, magandang balita." Sinunggaban ni Martin ang kamay nito. "Rita, hindi totoong buntis si Claire!" "A-ano?" Natigilan si Rita. "Paanong hindi buntis? E, ang sabi ng mommy mo..." Bumakas ang yamot sa mukha ni Martin. "May nakakapagtaka ba doon? Alam mo
Última actualización: 2026-05-06
Chapter: Chapter 51
Pagpunta ni Martin sa ospital ay dinatnan niya doon sila Lorna, lara at Anthony. Inaalo-alo ng mga ito si Sophia dahil masakit ang sugat nito kaya nag-iiyak ito.Lumapit din s'ya at inalo ito. "Pia, nandito na si daddy. Huwag kang matakot, poprotektahan kita." "Matin... ha ko, wit!" (Martin, kinuha ako ng witch.) Ani ng umiiyak na si Sophia. May pagtatakang bumaling si Martin kay Rita. Naitutop ni Rita ang labi dahil hindi n'ya alam kung paano sasabihin ang kahulugan ng sinabi ng bata. "Um, magpapahangin muna ako sa labas." Ani ng salaring si Lara na siyang nagtuturo ng kung anu-ano sa bata. "Pia, anong gusto mo? Gusto mo ba ng fish para hindi na masakit ang sugat mo?"Nagningning ang mga mata ng bata, tila bigla nitong nakalimutan ang sakit ng tahi n'ya, agad itong tumango-tango. Natawa na lang sila Lorna at Rita. Ngumiti si Martin at hinalikan ang anak sa noo. "Sige; sandali lang, ha, maghahanap lang si
Última actualización: 2026-05-05
Chapter: Chapter 50
Taranta nang isugod nila Roda at Rita si Sophia. "Tulungan n'yo po ang anak ko, parang awa n'yo na po. Nabundol po s'ya." Umiiyak na pakiusap ni Rita sa doktor. Makalipas ang isang oras na paghihintay nila ay lumapit ang isang nurse. "Ma'am, kailangan pong operahan si baby, pero kailangan n'yo po munang magbayad ng downpayment na 150,000." Narigia si Rita. "O-one hundred fifty thousand? W-wala po akong ganung kalaking pera." Nang masulyapan n'ya ang nakikipag-usap sa telepono na si Roda sa gilid ay nakakita s'ya ng pag-asa. Dali-dali siyang lumapit dito. "Ma'am Roda, puwede n'yo po ba akong pahiramin ng 150,000? Matatagalan bago ko po maibalik yun, pero pangako po, babayaran ko po kayo." Ngunit hindi sumagot si Roda, nakadikit ang cellphone nito sa kanyang tenga ngunit hindi naman ito nagsasalita. Namumutla din ito. "Ma'am roda?"Maya-maya ay ibinaba na ni Roda ang kanyang telepono, tila parang iiyak ang hitsura nito ngunit, may paninindigan nitong hinar
Última actualización: 2026-05-04
También te puede gustar
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status