แชร์

Chapter >> 3

ผู้เขียน: Airam Anelé
last update วันที่เผยแพร่: 2026-06-17 13:32:27

Pag-uwi ni Maureen ay sumalampak siya sa sofa, agad siyang nilapitan ng katulong.

"Ma'am Maureen, tumawag po ang ospital. Ang sabi po nila ay gising na raw po si ma'am Alfea."

"O, e, ano naman kung gising na siya?" sagot ni Maureen habang nakapikit at hinihilot-hilot ang kanyang sentido. Bigla siyang napabalikwas. "A-ano?! Ulitin mo nga ang sinabi mo?"

Inulit naman ng katulong ang kanyang sinabi.

Tumayo si Maureen at nataranta. "S-si mommy? Nandito na ba s'ya?"

"Wala pa po ang mommy n'yo, hindi pa po umuuwi."

Dali-daling tinawagan ni Maureen ang kanyang ina, ngunit hindi ito sumasagot.

Sa Majong-an:

"Mare, kanina pa nagri-ring ang cellphone mo, o. Sagutin mo na, natutulilig na ang mga tenga namin, e." wika ng isang ginang sa kalaro niyang may-edad na babae na napapalamutian ng mga alahas.

"Hayaan mo s'ya, yung ospital lang naman yan. Mag-a update na naman siguro sa anak-anakan kong hilaw na nakaratay doon. Bakit kasi hindi pa matuluyan para hindi na kami gumagastos, e, halos anim na taon na kaming nagsasayang ng pera sa kanya."

Sa kanilang bahay ay nasasabunutan na ni Maureen ang kanyang sarili. "Mommy, sagutin mo. Importante ito!" Nakailang tawag pa s'ya ngunit hindi talaga sumasagot ang kanyang ina. Inihagis n'ya ang cellphone sa sofa at kinalma ang kanyang sarili. "Bakit ba ako nag-aalala? To h*ll with that Alfea! E, ano naman kung gising na s'ya? Wala namang magbabago dahil lahat ng sa kanya ay akin na ngayon! Wala siyang kaalam-alam na yung mga anak niya kay Xavius ay ako na ang kinikilalang ina. Hindi na rin naman tuloy ang kasal nila dahil masamang-masama na ang reputasyon niya sa mga Montevalle. Sa huli, sa akin pa rin babagsak si Xavius." Dinampot n'ya ang kanyang bag. "Hindi ako dapat ma-stress. Birthday ng kambal ngayon kaya siguradong nandoon si Xavius. Dapat, ako ang maging pinakamaganda ngayong gabi."

. . . . .

"Fea, pasensya ka na at maliit lang itong apartment ko, ha?" ani Rachelle matapos magligpit.

"Okay lang, ano ka ba? Sakto nga lang itong apartment mo, e." Biglang nalungkot si Alfea. "Kaysa naman sa bahay namin. Malaki nga, pero parang hindi naman yun naging tahanan para sa akin kahit na kailan."

"Kalimutan mo na ang nakaraan, tapos na yun. Ang mahalaga ay makakapagsimula ka na ngayon. Madiskarte ka naman kaya siguradong magtatagumpay ka."

Biglang naging excited si Alfea. "Oo nga pala! puwede ko na ngayon ituloy ang pag-aaral ko para matupad na yung pangarap kong maging fashion designer!"

"Oo nga pala, ano? Hindi ba't kaya mong baguhin o gawing bago yung mga pinaglumaang dress na ibinibigay sayo dati ni Maureen?"

Mula pagkabata at hanggang sa bago siya maaksidente ay puro kay Alfea bumabagsak ang mga pinaglumaan ni Maureen, dahil pingdadamutan siya ng pambili ng madrasta niyang si Dolores. Ito kasi ang humahawak ng panggastos para sa pamilya nila, at hindi niya ito masabi sa ama niya dahil palagi itong abala sa kumpanya. Hindi din siya makapagsumbong dahil palagi siyang pinagbabantaan ni Dolores.

Natutong magdisenyo at manahi ng damit si Alfea dahil puro may sira at butas ang mga damit na ibinibigay ni Maureen sa kanya. Kapag naman kupas na ang kulay ay pinapalitan niya iyon ng ibang tela kaya nagmumukhang bago ang damit at lalo pang gumaganda. Walang magawa si Maureen kung hindi ang mainis na lang dahil ang gusto talaga nito ay ang mapahiya si Alfea, kapag isinuot nito ang mga pinaglumaan niya.

Ngumiti si Alfea. "Ngayon ay magagamit ko na ang talento ko... Oo nga pala, kailangan ko munang pumunta sa bahay para kunin ang ilang mahahalaga kong gamit. Sa pagkakatanda ko ay wala pa silang tatlo sa bahay ng mga ganitong oras kaya sasamantalahin ko na ang pagkakataon."

Samantala, sa ibang dako, walang kaalam-alam si Alfea na ngayon ang ika-5 kaarawan ng mga importanteng tao sa buhay n'ya–ang kanyang mga anak.

Sa mansyon ng mga Montevalle ay nagsimula nang magdatingan ang mga bisita para sa isasagawang party maya-maya lang.

Pumusisyon si Lucas sa may kubling bahagi ng malaki at malawak na hagdan, para silipin ang mga tao sa ibaba. "Tsk!" Palatak niya nang makita kung paano umasta ang kinikilala nilang ina na si Maureen sa mga bisita. Tila ba ito ang mistress ng kanilang pamilya. "Boring." Nawalan na siya ng interes kaya bumalik na siya sa kanyang kwarto.

Saglit pa lamang nang bigla namang pumasok si Rosie.

"Luke~" umikot-ikot ito para ipakita ang ganda ng pang Disney princess niyang gown. "Am I beautiful?" Lumapit s'ya sa gilid ng mesa nang hindi man lang siya tapunan ng tingin ng kapatid. "Hindi ka naman tumitingin, e... Bakit hindi ka pa nagbibihis? Nasaan si lolo butler?"

"Hindi ako bababa." sagot ni Lucas habang abala sa pagbuo ng jigsaw puzzle. Sa laki nito ay halos sakupin na nito ang buong lamesa.

"Ano?!" Gulat na bulalas ng batang babae. "Uy, hindi puwede. Baka magalit na naman sayo si Daddy."

"Edi magalit s'ya. Galit din ako sa kanya, no." pagsusungit ng Lucas.

Nagtaka si Rosie. "Bakit naman?"

"Bakit? Kasi wala siyang ginagawa para hanapin si mommy!"

Napakamot ng ulo si Rosie. "Si mommy? Nandito naman s'ya, a? Nasa baba."

Pinitik ni Lucas ang noo ng kapatid. "Ang sinasabi ko ay yung totoong mommy natin. Hindi naman natin talaga mommy si mommy mau, e."

"Ay, oo nga pala." Biglang nalungkot si Rosie. "Luke, nasaan na kaya si mommy? Ayaw ba niya sa atin kaya s'ya umalis?"

"Hindi, no! Mommy natin s'ya, kaya hindi puwedeng hindi niya tayo love." Biglang tumayo si Lucas. "Tama! Hahanapin ko siya! Big boy na ako kaya, kaya ko na. Rosie, may ipapagawa ako sayo..."

Makalipas ang ilang sandali ay bumalik si Rosie, kasama ang isang katulong na may dalang isang tray ng iba't ibang pagkaing nakabalot mula sa handa sa kanilang party.

Pagkasara ng pinto ay agad isinilid ni Lucas ang mga pagkain sa kanyang backpack. Kinuha niya ang isang itim na kumot mula sa kanyang closet pati ang kanyang pajama at isinilid din, pagkatapos ay kinuha niya ang lahat niyang pera sa kanyang alkansya at inilagay sa bulsa.

"Luke, aalis ka?" tanong ng batang babae habang pinanonood ang ginagawa ng kapatid.

"Rosie, huwag na huwag mong sasabihin na umalis ako, ha? Hintayin mo na lang na mahanap ko si mommy."

Dumaan si Lucas sa likod ng bahay, at dahil sa kaabalahan ng mga tao at ng mga katulong ay walang nakapansin sa kanya. Nagtungo s'ya sa bahay ni Maureen para sana kumalap ng impormasyon dahil isa ito sa mga nakakaalam kung sino ang totoo nilang ina. Dahil sa ginawang pag-iwan sa kanila ng kanilang ina noon ay ipinagbawal itong banggitin sa kanilang pamilya, kaya hindi n'ya alam ang pangalan nito.

Nang dumating si Alfea sa kanilang bahay ay napansin agad niya ang isang batang lalaki na naka-back pack, at palakad-lakad sa labas ng kanilang gate. "Excuse me, little friend. Gabi na, a, bakit nasa labas ka pa?"

Nang lingunin ni Lucas si Alfea ay nanlaki ang mga mata niya, "I-ikaw ang..."

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!    Chapter >> 9

    "Teka, teka, sandali!" pigil ni Rachelle nang sunggaban sila ng mga gwardya. "Xavius, hayaan mo muna sanang makapagpaliwanag si Alfea." "At ano pa ang ipapaliwanag niya? Wala akong oras at panahon para pakinggan ang mga kasinungalingan niya, kaya makakaalis na kayo... And I warn you, kapag bumalik pa kayo, ipapaaresto ko na kayo!" "Sandali lang, Xavius... Naniniwala ka ba sa sinabi ni Maureen na inabandona nga ni Alfea ang mga anak n'yo para sumama sa iba? Alam mo ba kung ano ang nangyari sa kaibigan ko six years ago? Sinabi ba yun sa'yo ni Maureen?" Kumunot ang noo ni Xavius, pinatigil niya ang mga guwardiya sa pagdakip sa dalawa. "Ano ang gusto mong sabihin?""Makinig kang mabuti... Six years ago, na-coma si Alfea." Natigilan si Xavius, pakiramdam niya ay tila nagkamali ata siya ng dinig. "Na-coma?" "Oo, dahil nabundol siya ng truck. At halos anim na taon din siyang naratay sa ospital." "Xavius... Hindi totoong inabandona ko ang mga anak ko, dahil hindi ko magagawa yun. Mani

  • Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!    Chapter >> 8

    Nakamasid sa labas ng bintana si Xavius, habang sumasariwa sa kanya ang naging pag-uusap nila ni Alfea. Nagtataka siya dahil tila may hindi tama dito kanina. Bakit pakiramdam niya ay parang wala itong ideya na anak nito si Lucas? Ganun ba ang kagustuhan nito na kalimutan ang kambal? Pero bakit iniuwi nito ang bata kung wala na nga itong pakialam? Humarap siya sa kanyang likuran at binalingan ang nakaluhod na anak. "Ano, ayaw mo pa rin bang mangako na hindi mo na uulitin ang ginawa mo?" Hindi pa niya pinapalo ito kahit iyon ang nakatakda niyang gawin, dahil binibigyan niya ito ng pagkakataon na magsisi. Isa pa ay hindi din niya maatim na saktan ito. Hindi sumagot si Lucas, mariin lang na nakatikom ang bibig nito. Sa murang edad ay makikitaan na ito ng paninindigan. "Akala mo ba na porke nandito ang lola mo ay hindi na kita magagawang kantiin?" Kinuha ni Xavius ang isang maiksi at itim na latigo sa kanyang drawer. Ipangpapanakot pa lamang niya iyon nang bigla namang magbukas ang pin

  • Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!    Chapter >> 7

    Tinakpan ni Xavius ang bibig ng anak, ngunit sa laki ng kanyang kamay ay pati ang mukha nito ay natakpan na rin niya. “Shut up! You’re disgusting!” aniya sa babae sa kanyang harapan. “Hmph!” Nag-cross arms si Alfea. “Ano, yan lang ba ang sasabihin mo? Akala mo siguro masisindak ako sa’yo, ano?” Nagtiim ang panga ni Xavius sa pagpipigil sa kanyang galit. “I’ll remember this. I... I won’t waste any more time on you.” Hinila niya ang kanyang anak at umalis na. “Sige, layas! Huwag ka nang magpapakita pa sa akin, ha!” sigaw ni Alfea sa likuran nila Xavius. Nang bigla siyang lingunin ni Lucas ay natigilan siya. Ramdam niya ang pag-aasam at ang lungkot sa mga mata ng bata. Bigla din siyang nalungkot at nakaramdam ng panghihinayang. _‘Pasensiya na, Luke. Mukhang... malabo nang magkita pa tayo.’_ “Huy, Fea, ang lakas naman ng loob mo. Talagang nagawa mong pagsalitaan nang ganun si Xavius?” ani Rachelle na tila namamangha. “Hindi ka ba natatakot? Paano kung balikan ka niya dahil sa p

  • Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!    Chapter >> 6

    Nanlaki ang mga mata ni Alfea at lubos na nagtaka. Kailan lang ay nakita niya ito sa kalsada, ngayon ay nasa pinto na niya. _‘Ano naman kaya ang dahilan at nandito ang lalaking ito? Ako kaya ang sadya nito?’_ Nang magtama ang mga paningin nila ay nagpakita ng pagkasuya si Xavius. Kumunot ang noo nito na tila nakaamoy ng mabaho. Tatanungin sana ni Alfea kung ano ang kanyang pakay, ngunit nakita niya ang hindi magandang ekspresyon nito sa kanya. “Lucas Knox!” Naramdaman ni Alfea ang pag-igtad ng bata sa kanyang tabi. At dahil alam niyang ito ang tinawag ni Xavius ay nadagdagan lalo ang pagtataka niya. _‘Kilala ni Xavius si Luke?’_ “Come here!” Naramdaman ni Alfea ang takot ni Luke nang sunggaban nito ang kanyang damit. “Luke, kilala mo ba siya?” Tumango ang bata. “Opo... S-siya po ang daddy ko.” Nanlaki ang mga mata ni Alfea. Maging si Rachelle ay nagulat din. “A-ano?!” Napamaang si Alfea kay Xavius. Sinong mag-aakala na ang batang kinupkop at kinagiliwan niya ay

  • Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!    Chapter >> 5

    "S-sir, pasensya na po, pero... hindi po talaga namin makita si Master Luke sa mga CCTV footage," nakayukong dispensa ng head guard ng mga Montevalle. Galit na hinampas ni Xavius ang mesa sa kanyang study. "Mga walang silbi!" Nahulog ang ilang dokumento na agad dinampot ng matandang Butler. "S-sorry, Sir. Tingin ko po ay sinadyang iwasan ni Master Luke ang mga CCTV camera hanggang sa makaalis siya ng mansiyon." "Puro kayo excuses! What's the use of hiring you?" "Sir... kung meron mang dapat managot sa nangyari, ako po 'yun." Nahilot ni Xavius ang kanyang noo. "No, Butler Greg. Hindi n'yo po kasalanan." "Hindi po, Sir, dahil ako po ang inatasan ni Miss Maureen na mag-asikaso sa little master. Pero nang sabihin niya sa akin na siya na lang daw ang mag-aasikaso sa sarili niya ay iniwanan ko na siya." "Si Maureen?" pagtataka ni Xavius. "Nagpresinta siya na siya na ang mag-aasikaso kay Luke para mawala ang sumpong ng bata sa kanya, 'yun pala ay ipapasa din niya sa iba?" Tumay

  • Daddy, Mommy Doesn't Want You, You Have to Work Hard!    Chapter >> 4

    Nang masilayan ni Alfea ang mukha ng bata ay bumilis ang tibok ng kanyang puso, tila ba may nagsasabi sa kanya na huwag nang pakawalan ito. Nawirduhan siya at parang gusto niyang matawa dahil alam naman niyang hindi niya maaaring gawin 'yun. Tumukod siya sa kanyang tuhod para matapatan ang bata. "Bata, bakit hindi ka pa umuuwi? Baka hinahanap ka na ng mga magulang mo." Hindi sumagot si Lucas, nakatitig lang ito sa mukha ni Alfea. Napahawak si Alfea sa kanyang mukha at nagtawa. "Bakit ganyan ka kung makatitig sa akin? May dumi ba ang mukha ko?" Napayuko si Lucas, bigla itong nahiya. "Sorry po, kamukha n'yo po kasi 'yung babaeng nakita ko sa picture." "Picture? Saan?" pagtataka ni Alfea. "Sa loob po," turo ni Lucas sa bahay. "Nung three pa lang ako, dinala po kami ni Mommy Mau dito sa bahay nila." Ganoon na lang ang gulat ni Alfea. "M-mommy Mau? Mommy mo si Maureen? A-anak ka ni Maureen?" Biglang sumimangot ang bata. "Hindi po. Hindi po namin siya totoong mommy, nagp

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status