Mag-log inOne night. One slap. One mistake. One life in ruins. Melissa Loyola was fighting for her mother’s chemotherapy when Zoren Keyden Russel struck her world like lightning—no warning, no mercy, no escape. Now, she’s his personal maid, trapped in his penthouse, sharing his space, and his bed. The promotion she needed? Gone. The peace she fought for? Shattered. But the biggest danger isn’t her life and reputation—it’s that she might start wanting the chaos he brings.
view more"Finally!" mahinang sabi ko kasabay ng paghikab at ng aking pag inat ng mga braso.
Quarter to twelve na at tapos na ang shift ko. Actually, dapat ay kaninang alas diyes pa dapat akong umuwi. Pero dahil matagal na pumasok si Cathy kaya nakapag-overtime ako. "Uuwi ka na?" tanong sa akin ni Cathy na ngayo'y naglalagay pa lamang ng make-up. "Oo. Bilisan mo d'yan baka may biglang dumating na customers." Nagbuga siya ng hangin. "Pasensya na talaga Mel, ah? Pinatulog ko pa kasi ang mga anak ko." "Ano ka ba, Cath! Naiintindihan ko naman iyon." "Baka kasi may date ka tapos hindi natuloy dahil sa akin!" pabiro niyang sabi. Mahina akong natawa. "Gaga! Wala akong date. Single ako no!" "May pinsan iyong asawa ko. Seaman, gwapo, mabait, single, at naghahanap ng syosyotain. Gusto mo ireto kita?" Talagang napahalakhak ako dahil sa tinuran niya. Single nga ako pero hindi pa rin ako available. Wala pa sa isip ko ang pagbo-boyfriend. Sa ngayon ay ang pagpapagamot kay mama at ang pagbabalak kong mag aral ang priorities ko. "Huwag na no! Baka hindi ko lang din mabigyan ng oras." "Sus! Ikaw pa ba? Multi-tasking is the key." Napailing na lamang ako habang natatawa. Lumabas na ako mula sa reception area. Nagpaalam ako kay Cathy na pupuntang locker area para sa mga gamit ko at didiretso na ako palabas ng hotel para makauwi. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko nang tinatawag ng kung sino ang pangalan ko. "Melissa! Melissa, sandali!" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakitang si Ate Cherry iyon. Ang kitchen manager namin. "Oh, ate Cherry bakit?" Tinakbo niya ang pagitan namin at agad niyang hinawakan ang kaliwang balikat ko habang sapo sapo rin ng isa niyang kamay ang kanyang dibdib. "Mabuti na lang... Naabutan kita," aniya. "Bakit ho? Pauwi na nga po sana ako." "Kasi... Ang daming guests ngayon. Tapos oras na ng midnight snack no'ng isang guest natin. Iyong nakatira sa isa sa mga presidential suite natin?" Tumango tango ako habang naghihintay ng kasunod sa mga sinasabi ni Ate Cherry. "Ayon na nga... Walang maghahatid ng pagkain niya." "Tapos po?" pagmamaang-maangan ko. Alam ko na kasi ang kasunod nito. Ako na naman ang mauutusan para mag room service. Naku naman! Excited na sana akong matulog, e. Ngumuso si Ate Cherry. Naningkit agad ang mga mata ko habang naghihintay sa magiging favor niya. "Baka pwedeng pasuyo. Ikaw na muna maghatid." Umangat ang isang gilid ng aking labi. Sabi ko na nga ba! "Hindi ba ang dami naman natin dito? Ate Cherry naman! Ang layo ng presidential suite!" pagmamaktol ko. "May elevator naman, Mel!" giit niya. "Ugh!" Marahas akong napakamot sa noo ko. Hindi na ito kasali sa trabaho ko pero dahil alangan namang hayaan ko silang maghirap. "Sige na nga!" Agad na napatalon talon sa tuwa si Ate Cherry sabay yakap pa sa akin. "Kaybuti mo talagang bata. Sobrang ganda pa!" "Sus! Binobola niyo na naman ako." Inakbayan ko si Ate Cherry, at nakayakap naman sa likuran ko ang isang braso niya habang naglalakad kami papuntang kitchen. Mas matangkad ako kay Ate Cherry. Medyo pandak si ate at mataba kaya sisiw lang sa akin ang akbayan siya. "Nga pala, Mel. Iyong pamangkin kong si Jon. Iyong sinasabi ko sa iyong nagtatrabaho bilang bartender sa isang bar. Nanghihingi siya ng number mo. Ipinakita ko kasi sa kanya ang picture mo. Ayon at nagandahan sa iyo." Napakamot ako ng ulo. Hindi ko maintindihan kung bakit halos lahat ng katrabaho ko rito ay gusto ng magka-boyfriend ako. As-if naman magkakapera ako sa pagbo-boyfriend na iyan! "Pero siyempre hindi ko binigay ang number mo. Ang sabi ko sa kanya ay magpapaalam muna ako." Umiling ako sabay hikab. Putcha! Inaantok na talaga ako. "Huwag mong ibigay. Hindi po ako interesadong mag boyfriend." "Melissa, sige na." Kinukulit ako ni Ate Cherry habang papasok kami ng kitchen. Kabilaang usok ang agad na bumungad sa akin pagkapasok namin. "Hindi pa ba tapos iyong party?" tanong ko. May engagement party kasing nagaganap dito sa hotel ngayon kaya siguro aligaga ang lahat dito sa kusina. "Hoy, Mel... Narinig mo na ba? Iba raw ang naging bride to be!" bungad sa akin ni Shyrah, isa sa mga waitresses ng Bluestone Hotel. "Naku ka, Shyrah! Napaka-chismosa mo talagang bata ka!" reklamo ni Ate Cherry sa kanya. "Bakit daw?" interesado ko rin namang tanong. "Ayon na nga raw, iba iyong sumipot!" "Shyrah! Pakihatid mo na ito!" tawag sa kanya ng sous chef namin. Iniwan agad ako ni Shyrah at agad niyang inatupag ang trabaho niya. Eksakto rin namang pagbabalik ni Ate Cherry sa akin habang tulak-tulak ang food cart. "Ito na ba iyon?" tanong ko. Tumango siya at nginitian ako. Tipid na ngiti rin ang pinakawalan ko. "Sige po." Hinawakan ko na ang handle ng cart at saka iyon itinulak palabas ng kitchen. Nagdiretso ako sa elevator at saka pinindot ang 20th floor. Nandoon kasi ang mga presidential suite. Ang nasa 21st floor ay ang penthouse na sa pagkakaalam ko'y tinitirhan ng kakambal ng may ari ng hotel. Pero ilang taon na ako dito sa trabaho kong ito pero hanggang ngayon ay hindi ko pa siya nakikita. Siguro ay wala siya dito sa Pilipinas. Huminto ako sa isang pintuan. Makailang ulit ko pang siniguro kung ito na ba iyon bago ako kumatok. Ilang katok ang iginawad ko sa pintuan bago ako nagdesisyong buksan na lamang ang pintuan. Ipapasok ko lang ang cart at aalis na ako agad. Pagkabukas ko ay agad na nanlaki ang mga mata ko't napatakip ako sa aking bibig. "Ohhh! Ohh! Fuck!" "Ahh... Faster! Malapit na! I'm almost there..." "Shit! Ahh... Ahh... Zoren... Sige pa..." Halinghing at nakakabinging mga ungol ang pumuno sa aking tainga. Naku naman! Bakit ako pa iyong nautusan? E, may nagtatalik naman pala dito. At saka nanghihingi na ba ng midnight snack ang guest dito? Dahan-dahan kong ipinasok ang food cart. Nanginginig ang kamay ko habang sinusubukang huwag makagawa ng ingay. Ayaw kong maka-istorbo! Aalis na sana ako pero agad akong napalingon sa likuran ko nang may biglang tumikhim. Agad akong sinalubong ng mga asul na mga mata at ngising aso. Napalunok ako. Lalo pa nang pagkababa ng aking mga mata ay nakita kong nakatayo at nangungusap sa akin ang kanyang alaga. "My goodness! A-ang laki!" Wala sa sariling naibulalas ko.Hindi ko alam kung paano kong nakatulugan ang pag iinarte ni Zoren. Basta ay nagising na lamang ako na wala na siya sa suite niya at tanging sticky note na lang na nakadikit sa ref ang naabutan ko. Melissa, May conference akong dadaluhan sa Boracay. It's a 1 week conference so... Just see you after one week. You take care here. Napabuga ako ng hangin. Nilukot ko ang sticky note at saka ko itinapon sa trash can na malapit. “Tss... Hindi man lang nagpaalam ng personal.” Kumuha ako sa ref ng gatas at agad na nagsalin sa isang baso. Habang umiinom ay inaliw ko ang mga mata ko sa kabuuan ng suite ni Zoren. Parang bahay niya na talaga ito. Wala ba siyang sariling bahay at bakit dito siya tumitira? Biglang bumukas ang pintuan kaya agad kong naibaba ang baso na hawak ko. “A-anong...” Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba paalis siya papuntang Boracay? “I forgot something. Gising ka na pala. Good morning.” May tipid na ngiti sa labi at naka-corporate attire na pumasok si Zoren sa su
Nilinis ko pa muna ang mga kalat nila sa maliit na sala bago ako nagpasyang magpahinga. Pahiga na ako nang narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto kaya napalingon ako doon. Nakita kong nagmamadali palabas ang babae.“Hey, Ria!” habol ni Zoren.“FUCK YOU! I AM NOT RIA!” galit na sigaw ng babae nang lingunin nito si Zoren. Napatayo agad ako.Mukhang sa harapan ko pa sila mag aaway. Naku naman!“Uh... Lea?” alanganin ang mukhang tugon ni Zoren sa babae."SHIT! IT'S MIA! MIA, OKAY? ITS MIA! NOT RIA, LEA OR ELISA! MY NAME IS MIA!" nagpupuyos pa sa galit na muling sigaw ni Mia."How could you forget and moan different names while reaching your fucking climax?" kuda niya nito habang padabog na naglalakad."HEY, MIA! HINDI PA TAYO TAPOS!" sigaw pa ni Zoren pero hindi nakinig ang babae at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad palabas ng suite."Ugh!" Zoren groaned. Iritadong niyang nagulo ang kanyang buhok.Napalunok ako habang walang pakundangang pinagmasdan siyang walang kahit ni isang saplot
Hindi ko alam kung tama bang hiniling ko 'yon kay Zoren o mali. Para kasing hindi naman katanggap-tanggap ang mga sumunod na nangyari."A-ano 'yan?" tanong ko sa kanya nang nakita kong inilabas niya ang mga malilinis niyang damit at basta na lang ikinalat sa sahig."Nahulog na sa sahig. Labhan mo ulit," malamig na sabi niya.Nanlaki ang mga mata ko. Bakit ko lalabhan ulit e ang linis pa ng mga 'to."E, malinis 'yang mga 'yan, e!" reklamo ko pa."May reklamo ka? E, 'di ba katulong ka lang? You have no say on everything here, Miss. You're just a maid and you do whatever I told you to do."Tinalikuran niya ako at dumiretso siya papasok ng kwarto. Naiwan akong nakanganga at hindi makapaniwala sa biglaang pagbabago ng mga kaganapan.Napabuga ako ng hangin at pinulot na lamang isa-isa ang mga damit niyang ikinalat niya sa sahig.Ito ang gusto ko. Ginusto kong tratuhin niya akong totoong maid. Pero hindi ko alam kung bakit ako nao-offend. Hindi ko alam kung bakit nairita ako nang sabihin niy
Ako :Ah! Si Zoren? Iyong nakakainis na kaibigan niya na nakatira sa isa sa mga presidential suite? Hindi ko tinatrabaho 'yon. Ginagawa akong alipin no'n dito. Ang ayos-ayos na ng trabaho ko sa front desk, ginawa niya pa akong personal na tagalinis ng suite niya.Lumina :Baka nagustuhan ang trabaho mo kaya promoted ka agad. HahahaNapabuga ako ng hangin. Paanong promote? Kung tutuusin ay hindi naman promotion ito. Well, tumaas ang sahod pero naging katulong ako.Ako :Hindi ako natutuwa, Mina.Bakit pa-text-text na lang 'tong babaeng 'to? Wala ba 'tong trabaho?Lumina :Hindi mo na raw inuuwian ang bahay natin?Muli akong napabuntonghininga. Lahat yata chinichismis ni Mr. Buenaventura kay Lumina, e.Ako : Paano ako uuwi? E, 24/7 ang utos ng lalaking 'yon.Kahit hindi naman. Wala nga akong trabaho masyado.Lumina :Baka may gusto na sa 'yo.Natawa agad ako pagkatapos kong basahin ang reply ni Lumina. Inamin nga ni Zoren kagabi. Pero sure akong gino-goodtime niya lang ako. Imposibleng












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Rebyu