تسجيل الدخول"Ikaw na ba ang midnight snack ko ngayon?" Malalim ang boses na tanong niya sa akin.
Nag angat ako ng tingin sa kanya at mabilis na dumapo ang isang palad ko sa kanyang pisngi. Ang bastos niya! Ang bastos bastos niya! "Bastos!" sigaw ko sa kanya saka ako nagmamadaling lumabas at tumakbo palayo sa presidential suite na iyon. Humahangos ako at napahawak pa sa aking dibdib pagkapasok ko sa loob ng elevator. Napakamanyakis! Sinong matinong lalake ang lalabas para sa room service ng nakaganoon lang? Siyempre wala! Walang matinong lalake ang gagawa no'n! Hindi siya matinong lalake! Nagdadabog ako papuntang kitchen at agad na hinanap si Ate Cherry. Putcha! Nawala tuloy iyong antok ko dahil doon. Wala si Ate Cherry sa kusina kaya nagpunta ako sa front desk at doon naglabas ng sama ng loob kay Cathy. "Hindi ko alam na may ganoon!" "Edi nakita mo talaga iyong ano ng lalake? Malaki ba?" Agad na kumunot lalo ang noo ko. "Gaga ka talaga!" "Kasimpleng tanong, Mel! Malaki ba? Sa tingin mo, mga ano kayang size?" Humagikhik siya pagkatapos iyon itanong sa akin. Nagbuga ako ng hangin. Kailangan kong sagutin ang tanong niya dahil kapag hindi ay siguradong paulit ulit lang niya akong kukulitin. "Ano na?" Tila nababagot sa sagot kong sabi niya. Nagawa pa niyang hampas-hampasin ng mahina ang countertop. "Hindi ko alam kung anong size, pero mahaba, matambok, at... mamula-mula," sabi ko at agad na nag iwas ng tingin sa kanya. Agad siyang humalakhak pagkatapos kong sabihin iyon. Napabuga ako ng hangin. Pakiramdam ko ay nangamatis na ang pisngi ko sa sobrang pula. "Talagang natitigan niya!" Nagpatuloy si Cathy sa pagtawa. Ako naman ay napapailing iling na lang na tinalikuran siya. "Oy, oy, oy, oy, saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos mag usap!" "Uuwi na. Gusto ko nang matulog. Bye!" Dinaanan ko lang ang mga gamit ko sa locker saka ako nagmadali palabas ng hotel. Paglabas ko ay ang pangmadaling araw na hangin ang agad na sumalubong sa akin. Sinabog nito ang hanggang bewang at natural na wavy kong buhok. Pumara ako ng taxi at agad na nagpahatid sa bahay. Pagkarating ko'y tahimik na at siguradong tulog na si Lumina sa kwarto niya kaya hindi na ako nag abala pang gisingin siya. Nagdiretso ako sa kwarto upang makaligo at makapagpahinga na. Pero habang nakahiga ay hindi mawala-wala sa isip ko ang nakita kong mahaba kanina. Para iyong larawan na paulit-ulit na nag f-flash sa isipan ko. "Aish! Bakit mo pa ba iniisip iyon, Mel?" sabay gulo ko sa buhok ko. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng ganung klaseng alaga. Madalas ay iyong maliliit na pangbata ang nakikita ko. At ngayong nakakita ako ng pangmalaki ay halos hindi na ako patulugin niyon kakaisip. Napabuga ako ng hangin at saka ako lumabas ng kwarto upang magtungo sa kusina para sa isang basong tubig. Bumalik ako sa kwarto para subukang matulog ulit at mukhang epektibo naman ang ginawa kong pag inom at nakatulog agad ako. Kinabukasan ay maaga akong nagising upang maghanda ng agahan namin ni Lumina. Pero pagkarating ko sa kusina ay naroroon na siya at naghahanda na ng almusal naming dalawa. "Ang aga mo naman yatang nagising?" tanong ko sa kanya habang humihikab pa. "Late kang nagising," aniya. Naupo ako sa upuang nasa harap ng lamesa saka ako muling humikab. "Antok na antok? Alam mo bang alas otso na?" aniya. Inilapag niya sa lamesa ang nilutong piniritong itlog na may sibuyas at kamatis. Natakam pa ako saglit doon bago nagawang i-proseso ng utak ko ang mga salitang binitawan niya. "Shit! Ano?" naibulalas ko at agad na napatayo. Nagpigil siya ng tawa at halos mamura ko siya nang pakawalan niya iyon. Pero wala na akong oras para makipagbangayan sa kanya. Kailangan ko nang maligo. Mabilisang ligo ang ginawa ko at saka ako agad na nagbihis. Pagkalabas ko ng kwarto ay naabutan ko si Lumina na nakaabang na sa akin sa sala, bitbit ang isang maliit na tupperware na may pagkain sa loob. "Salamat," sabi ko sa kanya saka ko siya hinalikan sa pisngi at kaagad na akong umalis. Pagkarating sa hotel ay naabutan ko si Cathy na nakabusangot na. "Bakit ang tagal mo?" bungad niya sa akin. "Sorry. Late na kasi ako nakatulog kagabi kaya matagal rin akong nagising." Inismiran niya ako. "Late ka nakatulog kagabi kasi iniisip mo pa iyong nakita mo. Jusko, Mel! Dalaga ka na talaga! Hindi na virgin ang mga mata mo!" natatawang sabi niya. "Loka-loka ka talaga, Cathy! Punta lang ako ng locker room sandali!" Dahan-dahan siyang napapikit. "Bilisan mo lang, ah?" "Oo na!" "Bilisan mo kasi nandito si Mr. Buenaventura. Pinapatawag ka!" Agad akong natigilan sa akmang pag alis. Oh god! Napaisip agad ako kung anong mga nagawa kong mali para ipatawag ako. "B-bakit daw?" Nagkibit-balikat si Cathy. "Hindi ko alam. Bilisan mo na lang." Alanganin pa akong umalis at nanatili pa ang mga tingin ko kay Cathy bago ako tuluyang nagtungo sa locker. Habang nagsasalansan ng gamit ay agad akong natigilan nang naalala ang mga nangyari kagabi. Nanlaki ang mga mata ko't napatakip ako ng bibig. Lagot na! Nasampal ko pala ang guest sa presidential suite kagabi. "Got ya!" agad akong napalingon sa bukana ng locker room nang nakarinig ako roon ng baritono ng isang lalaki. Sandali akong natulala at natigilan nang nakita ang matikas na lalaki na nakasuot ng puting v neck shirt na sobrang hapit sa kanyang katawan. Napataas ang dalawang kilay ko nang napansin ang pagkakabakat ng kanyang abs. Totoo pala talaga ang six-pack abs! Bababa na sana ang tingin ko pero agad kong pinigilan ang aking sarili. Napalunok ako at nagbalik ng tingin sa kanyang mukha. Namamanghang ngisi ang naroroon sa kanyang labi nang datnan ng aking tingin. Nakataas rin ang kanyang kilay habang nakatingin sa akin. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at saka pinagkrus ang mga braso. "Bumababa talaga ang tingin mo sa tuwing nakikita mo ako no? Am I that hot?" Napasinghap ako. Grabe sa yabang! "Anong ginagawa mo dito? Gusto mong masampal ulit?!" singhal ko. Nanlaki ang kanyang mga mata at agad na nagtaas ng dalawang kamay. "Easy! Wala naman akong ginagawang masama sa iyo ah? Ikaw nga 'yong nanampal kahit na ikaw naman 'yong namboso kagabi." "What?!" Halos maputol ang mga litid ko sa sigaw ko na iyon. "Oh? Bakit? Ako naman talaga 'yong nakitaan mo hindi ba? Tapos ikaw pa iyong nagpasarap sa panonood at ako pa iyong sinampal mo! Ibang klaseng babae!" Ibang klase rin siyang lalaki! Saan niya kinukuha ang kakapalan niya ng mukha?Hindi ko alam kung paano kong nakatulugan ang pag iinarte ni Zoren. Basta ay nagising na lamang ako na wala na siya sa suite niya at tanging sticky note na lang na nakadikit sa ref ang naabutan ko. Melissa, May conference akong dadaluhan sa Boracay. It's a 1 week conference so... Just see you after one week. You take care here. Napabuga ako ng hangin. Nilukot ko ang sticky note at saka ko itinapon sa trash can na malapit. “Tss... Hindi man lang nagpaalam ng personal.” Kumuha ako sa ref ng gatas at agad na nagsalin sa isang baso. Habang umiinom ay inaliw ko ang mga mata ko sa kabuuan ng suite ni Zoren. Parang bahay niya na talaga ito. Wala ba siyang sariling bahay at bakit dito siya tumitira? Biglang bumukas ang pintuan kaya agad kong naibaba ang baso na hawak ko. “A-anong...” Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba paalis siya papuntang Boracay? “I forgot something. Gising ka na pala. Good morning.” May tipid na ngiti sa labi at naka-corporate attire na pumasok si Zoren sa su
Nilinis ko pa muna ang mga kalat nila sa maliit na sala bago ako nagpasyang magpahinga. Pahiga na ako nang narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto kaya napalingon ako doon. Nakita kong nagmamadali palabas ang babae.“Hey, Ria!” habol ni Zoren.“FUCK YOU! I AM NOT RIA!” galit na sigaw ng babae nang lingunin nito si Zoren. Napatayo agad ako.Mukhang sa harapan ko pa sila mag aaway. Naku naman!“Uh... Lea?” alanganin ang mukhang tugon ni Zoren sa babae."SHIT! IT'S MIA! MIA, OKAY? ITS MIA! NOT RIA, LEA OR ELISA! MY NAME IS MIA!" nagpupuyos pa sa galit na muling sigaw ni Mia."How could you forget and moan different names while reaching your fucking climax?" kuda niya nito habang padabog na naglalakad."HEY, MIA! HINDI PA TAYO TAPOS!" sigaw pa ni Zoren pero hindi nakinig ang babae at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad palabas ng suite."Ugh!" Zoren groaned. Iritadong niyang nagulo ang kanyang buhok.Napalunok ako habang walang pakundangang pinagmasdan siyang walang kahit ni isang saplot
Hindi ko alam kung tama bang hiniling ko 'yon kay Zoren o mali. Para kasing hindi naman katanggap-tanggap ang mga sumunod na nangyari."A-ano 'yan?" tanong ko sa kanya nang nakita kong inilabas niya ang mga malilinis niyang damit at basta na lang ikinalat sa sahig."Nahulog na sa sahig. Labhan mo ulit," malamig na sabi niya.Nanlaki ang mga mata ko. Bakit ko lalabhan ulit e ang linis pa ng mga 'to."E, malinis 'yang mga 'yan, e!" reklamo ko pa."May reklamo ka? E, 'di ba katulong ka lang? You have no say on everything here, Miss. You're just a maid and you do whatever I told you to do."Tinalikuran niya ako at dumiretso siya papasok ng kwarto. Naiwan akong nakanganga at hindi makapaniwala sa biglaang pagbabago ng mga kaganapan.Napabuga ako ng hangin at pinulot na lamang isa-isa ang mga damit niyang ikinalat niya sa sahig.Ito ang gusto ko. Ginusto kong tratuhin niya akong totoong maid. Pero hindi ko alam kung bakit ako nao-offend. Hindi ko alam kung bakit nairita ako nang sabihin niy
Ako :Ah! Si Zoren? Iyong nakakainis na kaibigan niya na nakatira sa isa sa mga presidential suite? Hindi ko tinatrabaho 'yon. Ginagawa akong alipin no'n dito. Ang ayos-ayos na ng trabaho ko sa front desk, ginawa niya pa akong personal na tagalinis ng suite niya.Lumina :Baka nagustuhan ang trabaho mo kaya promoted ka agad. HahahaNapabuga ako ng hangin. Paanong promote? Kung tutuusin ay hindi naman promotion ito. Well, tumaas ang sahod pero naging katulong ako.Ako :Hindi ako natutuwa, Mina.Bakit pa-text-text na lang 'tong babaeng 'to? Wala ba 'tong trabaho?Lumina :Hindi mo na raw inuuwian ang bahay natin?Muli akong napabuntonghininga. Lahat yata chinichismis ni Mr. Buenaventura kay Lumina, e.Ako : Paano ako uuwi? E, 24/7 ang utos ng lalaking 'yon.Kahit hindi naman. Wala nga akong trabaho masyado.Lumina :Baka may gusto na sa 'yo.Natawa agad ako pagkatapos kong basahin ang reply ni Lumina. Inamin nga ni Zoren kagabi. Pero sure akong gino-goodtime niya lang ako. Imposibleng
Two years ago? Grabeng pagkagusto naman 'yan at ganyan talaga katagal. Pero kung two years ago, ibig sabihin ay nagkita kami no'ng kakasimula ko pa lang dito sa hotel."No'ng tinulungan mo akong magtago mula sa mga tauhan ng tatay ko."Kumunot ang noo ko. Wala akong matandaan. Hindi ko siya matandaan."Seryoso ka ba? Hindi kita naaalala."Nagkibit balikat siya. "Hindi naman ako nag e-expect na maaalala mo pa. Because I know that it isn't important to you. Siguro para sa 'yo ay isa lang 'yong bahagi ng buhay mo na hahayaan mo lang na lumipas. Hindi mo naman talaga matatandaan ang isang bagay na hindi mahalaga sa 'yo, Melissa."Hindi ko alam kung nagpapakonsensya ba siya o ano.Pero tama naman siya. Noong mga panahong 'yon din kasi ay ang mga panahong wala ako sa sarili ko. No'ng mga panahong 'yon ko nalamang may sakit pala si mama."Mabuti naman at hindi ka nag expect. Pasensya na ha? Hindi ko kasi talaga naaalala. Sa dami kasi ng nakatira at nag ch-check in sa hotel na 'to ay talagang
Nagtaas ako ng isang kilay at taas noo kong sinalubong ang mga mata niyang nakatitig sa akin."Baka ikaw ang nag enjoy sa labi ko," sabi ko at saka siya nginisihan.Nilagpasan ko siya at binangga ko pa ang balikat niya na siyang dahilan upang mabigyan niya ako ng daan palabas.Nagdiretso ako palabas ng suite. Agad akong napasandal sa pintuan. Napahawak ako sa dibdib ko habang habol habol ko ang hininga ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Umakto akong matapang sa harapan niya kanina. Pero ang totoo ay sobra sobra na ang paghuhuramentado ng puso ko.Bumaba ako ng kitchen upang kumuha ng pagkain para kay Zoren saka agad ding bumalik sa taas tulak-tulak ang trolley.Naabutan ko siyang nasa sala na at prenteng nakaupo sa sofa. Agad siyang tumayo nang nakita akong papasok ng suite.Hindi ko siya pinansin at didiretso na sana ako sa lamesa pero humarang siya sa daraanan ko."Hindi ka ba nasarapan sa halik ko?" tanong niya.Umawang ang labi ko at agad akong napatingala sa kanya. Hanggang






![SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)
