LOGIN"Ang kapal naman talaga ng mukha mong pagbintangan akong namboso no? Excuse me lang ah! Ikaw kaya itong bastos at walanghiyang lumabas ng kwarto mo na n*******d!"
An amused grin escaped from his mouth. Naku naman at hindi pa yata ako sineseryoso. "Oh! Hindi ba ay pabor pa 'yon sa iyo? Or..." Nangunot ang kanyang noo habang nakatitig sa akin. "Miss..." "Ano?!" "Virgin ka pa no?" Agad na nalaglag ang aking panga. Ang bastos niya, grabe! "Anyway, nandito pala ako para sunduin ka. Kanina pa kitang hinahanap, e," aniya sabay kamot ng kanyang batok. Nangunot ang aking noo. At bakit naman daw niya ako hahanapin? "Bakit?! Wala naman akong atraso sa iyo ah?!" "Ang cute mo kapag nagagalit," natatawang komento niya. Damn! Napairap ako't mabilis na nag iwas ng tingin sa kanya. Ayaw kong binibiro ako ng ganyan. Jusko! Mabilis pa naman akong kiligin! "Bilisan mo na d'yan at magtungo ka na sa opisina ng boss niyo." Nangunot agad noo ko kasabay ng paglaki ng aking mga mata. Oh my gosh! May kinalaman ba siya kaya ako pinapatawag? Dahil ba doon sa pagsampal ko sa kanya? Tatanggalin na ba ako sa trabaho? Jusko naman! Kung saan kailangan na kailangan ko ng pera, e! Lumingon ako sa gawi niya upang sana ay magtanong pero wala na pala siya roon sa pintuan kung saan siya nakatayo kanina. Napabuntonghininga ako at agad na lamang nagmadali para makapunta na sa office ni Mr. Buenaventura. Tatlong katok ang iginawad ko sa pintuan ng office ni Mr. Buenaventura bago ako tuluyang pumasok. Agad na tumama sa akin ang matalim niyang mga mata pagkapasok ko. Ang madilim na ekspresyon ng kanyang mukha ay nagsasabi sa aking may nagawa nga akong mali kaya niya ako pinatawag. At isa pa hindi naman siya laging nandito. Paminsan-minsan lang talaga iyang napupunta dito sa office niya. Madalas ay sa conference room ang kanyang tungo kapag may meeting siya na dito gaganapin sa hotel. Mas busy si Mr. Buenaventura sa ibang kompanya niya kaya hindi talaga siya naglalagi dito. Sa kompanya kung saan nagtatrabaho ang kaibigan kong si Lumina. Ngayon na lang ulit. At mukhang ako pa yata ang magiging dahilan. Nang lumingon ako sa kaliwang parte kung nasaan ang mga couch ay nakita ko ang bastos na lalake na nakaupo roon. Nakasandal at nakaakbay ang kanyang dalawang kamay sa sandalan. Agad siyang ngumisi nang nagtagpo ang aming mga mata. "G-good morning, M-mr. Buenaventura..." Nauutal ako. Ghad! "Good morning, Ms. Loyola. I have received a complaint from one of our guests. Nanampal ka raw kagabi." Nanlaki agad ang aking mga mata. Nakapagsumbong na nga siya agad! Humanda sa akin iyang lalakeng iyan kapag natanggal ako. Mas masakit pa sa sampal ang ibibigay ko sa kanya. "S-sir... Hindi ko naman po iyon sinasadya. Nagulat lang po ako kasi-" "Shh!" pagpuputol sa akin ni Mr. Buenaventura. Nagawa niya pang itaas ang isang hintuturo niya. "Ang lalakeng sinampal mo, Miss Loyola ay isa sa board member ng kompanya kung saan ka nagtatrabaho. Aware ka ba doon?" Napasinghap ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Sa tingin ko naman ay wala akong nagawang mali. Sinampal ko siya kasi nakita ko siyang n*******d sa harapan ko. Pambabastos iyon para sa akin. Pero dahil trabahante lang ako dito at amo sila. Anong magagawa ko? Ang hirap talaga kapag mahirap. "M-mr. Buenaventura, h-huwag niyo po akong tanggalin. Kailangan na kailangan ko po itong trabahong ito." Inilingan ako ni Mr. Buenaventura habang nakatingin siya sa akin. "Wala na sa akin ang desisyon, Ms. Loyola. Nasa kay Mr. Zoren Russell na," sabay lahad niya ng palad niya sa kung saan ang direksyon no'ng manyak na lalake na nagngangalang Zoren. Napabuntonghininga ako bago ko kinagat ng mariin ang aking labi. Saka ako lumingon sa gawi ni Zoren. Pinagtaasan niya agad ako ng kilay. Tuloy ay agad ang aking naging pag irap. "You know what, I can sue you by slapping me so hard last night. Harassment iyon. At pwede ka ngang matanggal dito. Pero dahil mabait naman ako kaya hindi na kita bibigyan pa ng parusa," aniya. At duda ako doon. Sa ngising aso pa lang na nakaplaster sa mukha niya ay malakas na ang kutob kong may iba siyang nais ipagawa sa akin. "Ipapatanggal kita as receptionist dito sa hotel. But... I want you to be my personal maid." "Ano?!" agad na naibulalas ako. "Promotion," kibit-balikat niya. "Mag i-improve ang salary mo." Pasinghal at sarkastiko akong natawa. "At sa tingin mo makukuha mo ako sa paganyan mo?" "Dwayne..." agad na tawag ni Zoren kay Mr. Buenaventura. "Ms. Loyola..." sabi naman ng amo kong mukhang sunod-sunuran na yata sa board member na ito. "Mr. Buenaventura, ayaw ko po-" "How about 35k a month?" singit ni Zoren. "Excuse me! 30k ang buwanang sahod ko dito tapos limang libo lang ang idadagdag mo? Huwag na lang." Mabilis na humagalpak ng tawa si Zoren. "Zoren, why can't you just tell her that you like her," sabi naman ni Mr. Buenaventura sa matigas na englis. Ano raw? Like? Me? Zoren like me? Tumigil agad si Zoren sa pagtawa at agad na tumayo. Diretso ang titig sa akin. "I don't like her. I was just amused at gusto ko siyang parusahan sa ginawa niyang pagsampal sa akin kagabi. I have never slapped by anyone before. Kailangan niyang magbayad. So, Ms. Loyola 70k a month, take it or you leave the Bluestone Hotel," sabi niya at muling sumalampak sa couch. Seventy- 70k a month? Hindi na rin masama. Hinding-hindi talaga masama! Gosh! Sa isang taon ko magkakaroon ako ng... Seventy times twelve... 840k. Malapit na iyon sa isang milyon. "May 13th month pay at bunos ba iyang offer mo?" diretsong tanong ko. Halos magkasabay sila ni Mr. Buenaventura na humagalpak ng tawa. "13th month pay and 100k bunos then," aniya. Malawak ang naging pagngisi ko. Isang milyon sa isang taon! "Deal!" nakangiting sabi ko. Sarkastiko akong nginitian ni Zoren. "Deal." "Babae lang pala uubos sa yaman mo," sabi ni Mr. Buenaventura at agad nang tumayo. "Aalis na ako. Marami pa akong trabaho sa Pubhouse."Hindi ko alam kung paano kong nakatulugan ang pag iinarte ni Zoren. Basta ay nagising na lamang ako na wala na siya sa suite niya at tanging sticky note na lang na nakadikit sa ref ang naabutan ko. Melissa, May conference akong dadaluhan sa Boracay. It's a 1 week conference so... Just see you after one week. You take care here. Napabuga ako ng hangin. Nilukot ko ang sticky note at saka ko itinapon sa trash can na malapit. “Tss... Hindi man lang nagpaalam ng personal.” Kumuha ako sa ref ng gatas at agad na nagsalin sa isang baso. Habang umiinom ay inaliw ko ang mga mata ko sa kabuuan ng suite ni Zoren. Parang bahay niya na talaga ito. Wala ba siyang sariling bahay at bakit dito siya tumitira? Biglang bumukas ang pintuan kaya agad kong naibaba ang baso na hawak ko. “A-anong...” Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba paalis siya papuntang Boracay? “I forgot something. Gising ka na pala. Good morning.” May tipid na ngiti sa labi at naka-corporate attire na pumasok si Zoren sa su
Nilinis ko pa muna ang mga kalat nila sa maliit na sala bago ako nagpasyang magpahinga. Pahiga na ako nang narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto kaya napalingon ako doon. Nakita kong nagmamadali palabas ang babae.“Hey, Ria!” habol ni Zoren.“FUCK YOU! I AM NOT RIA!” galit na sigaw ng babae nang lingunin nito si Zoren. Napatayo agad ako.Mukhang sa harapan ko pa sila mag aaway. Naku naman!“Uh... Lea?” alanganin ang mukhang tugon ni Zoren sa babae."SHIT! IT'S MIA! MIA, OKAY? ITS MIA! NOT RIA, LEA OR ELISA! MY NAME IS MIA!" nagpupuyos pa sa galit na muling sigaw ni Mia."How could you forget and moan different names while reaching your fucking climax?" kuda niya nito habang padabog na naglalakad."HEY, MIA! HINDI PA TAYO TAPOS!" sigaw pa ni Zoren pero hindi nakinig ang babae at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad palabas ng suite."Ugh!" Zoren groaned. Iritadong niyang nagulo ang kanyang buhok.Napalunok ako habang walang pakundangang pinagmasdan siyang walang kahit ni isang saplot
Hindi ko alam kung tama bang hiniling ko 'yon kay Zoren o mali. Para kasing hindi naman katanggap-tanggap ang mga sumunod na nangyari."A-ano 'yan?" tanong ko sa kanya nang nakita kong inilabas niya ang mga malilinis niyang damit at basta na lang ikinalat sa sahig."Nahulog na sa sahig. Labhan mo ulit," malamig na sabi niya.Nanlaki ang mga mata ko. Bakit ko lalabhan ulit e ang linis pa ng mga 'to."E, malinis 'yang mga 'yan, e!" reklamo ko pa."May reklamo ka? E, 'di ba katulong ka lang? You have no say on everything here, Miss. You're just a maid and you do whatever I told you to do."Tinalikuran niya ako at dumiretso siya papasok ng kwarto. Naiwan akong nakanganga at hindi makapaniwala sa biglaang pagbabago ng mga kaganapan.Napabuga ako ng hangin at pinulot na lamang isa-isa ang mga damit niyang ikinalat niya sa sahig.Ito ang gusto ko. Ginusto kong tratuhin niya akong totoong maid. Pero hindi ko alam kung bakit ako nao-offend. Hindi ko alam kung bakit nairita ako nang sabihin niy
Ako :Ah! Si Zoren? Iyong nakakainis na kaibigan niya na nakatira sa isa sa mga presidential suite? Hindi ko tinatrabaho 'yon. Ginagawa akong alipin no'n dito. Ang ayos-ayos na ng trabaho ko sa front desk, ginawa niya pa akong personal na tagalinis ng suite niya.Lumina :Baka nagustuhan ang trabaho mo kaya promoted ka agad. HahahaNapabuga ako ng hangin. Paanong promote? Kung tutuusin ay hindi naman promotion ito. Well, tumaas ang sahod pero naging katulong ako.Ako :Hindi ako natutuwa, Mina.Bakit pa-text-text na lang 'tong babaeng 'to? Wala ba 'tong trabaho?Lumina :Hindi mo na raw inuuwian ang bahay natin?Muli akong napabuntonghininga. Lahat yata chinichismis ni Mr. Buenaventura kay Lumina, e.Ako : Paano ako uuwi? E, 24/7 ang utos ng lalaking 'yon.Kahit hindi naman. Wala nga akong trabaho masyado.Lumina :Baka may gusto na sa 'yo.Natawa agad ako pagkatapos kong basahin ang reply ni Lumina. Inamin nga ni Zoren kagabi. Pero sure akong gino-goodtime niya lang ako. Imposibleng
Two years ago? Grabeng pagkagusto naman 'yan at ganyan talaga katagal. Pero kung two years ago, ibig sabihin ay nagkita kami no'ng kakasimula ko pa lang dito sa hotel."No'ng tinulungan mo akong magtago mula sa mga tauhan ng tatay ko."Kumunot ang noo ko. Wala akong matandaan. Hindi ko siya matandaan."Seryoso ka ba? Hindi kita naaalala."Nagkibit balikat siya. "Hindi naman ako nag e-expect na maaalala mo pa. Because I know that it isn't important to you. Siguro para sa 'yo ay isa lang 'yong bahagi ng buhay mo na hahayaan mo lang na lumipas. Hindi mo naman talaga matatandaan ang isang bagay na hindi mahalaga sa 'yo, Melissa."Hindi ko alam kung nagpapakonsensya ba siya o ano.Pero tama naman siya. Noong mga panahong 'yon din kasi ay ang mga panahong wala ako sa sarili ko. No'ng mga panahong 'yon ko nalamang may sakit pala si mama."Mabuti naman at hindi ka nag expect. Pasensya na ha? Hindi ko kasi talaga naaalala. Sa dami kasi ng nakatira at nag ch-check in sa hotel na 'to ay talagang
Nagtaas ako ng isang kilay at taas noo kong sinalubong ang mga mata niyang nakatitig sa akin."Baka ikaw ang nag enjoy sa labi ko," sabi ko at saka siya nginisihan.Nilagpasan ko siya at binangga ko pa ang balikat niya na siyang dahilan upang mabigyan niya ako ng daan palabas.Nagdiretso ako palabas ng suite. Agad akong napasandal sa pintuan. Napahawak ako sa dibdib ko habang habol habol ko ang hininga ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Umakto akong matapang sa harapan niya kanina. Pero ang totoo ay sobra sobra na ang paghuhuramentado ng puso ko.Bumaba ako ng kitchen upang kumuha ng pagkain para kay Zoren saka agad ding bumalik sa taas tulak-tulak ang trolley.Naabutan ko siyang nasa sala na at prenteng nakaupo sa sofa. Agad siyang tumayo nang nakita akong papasok ng suite.Hindi ko siya pinansin at didiretso na sana ako sa lamesa pero humarang siya sa daraanan ko."Hindi ka ba nasarapan sa halik ko?" tanong niya.Umawang ang labi ko at agad akong napatingala sa kanya. Hanggang







