مشاركة

Kabanata 6

مؤلف: Shinzanzou
last update تاريخ النشر: 2026-06-25 18:16:05

Pagkatapos mag lunch ay nagdiretso na kami ni Zoren sa hotel. Lukot na lukot ang mukha ko habang hinahabol ko siya at pilit na inaagaw mula sa kamay niya ang dalawa kong maleta. Ayaw niya talagang ibigay sa akin at nagawa pang makipaghabulan. Pinagtitinginan tuloy kami ng ibang mga guests at ng mga katrabaho ko.

Nalingunan ko pa sina Rina sa desk na nagtatawanan at para bang kinikilig habang nakatingin sa amin.

"Hindi mo naman na kailangang bitbitin pa ang mga gamit ko. Maid mo ako remember? Nakalimutan mo yata," sabi ko nang nakapasok na kami sa suite.

Ibinaba niya ang mga gamit ko malapit sa couch at saka siya naupo. Diretso siyang sumandal at agad na ipinahinga ang ulo niya.

"Hindi ko nakalimutan. Maid nga kita. But it won't stop me from helping you and for not letting you get tired," pikit ang mga matang sabi niya.

Napaawang ang labi ko habang nakatingin ako sa kanya. He's sweating at mukhang wala siyang pakialam doon.

Hindi ko na pinansin ang mga sinabi niya at agad na akong lumapit sa gamit ko.

"Saan ko ito pwedeng ilagay? Pwede bang sa kwarto mo na lang?"

"Sure."

Ngumuso ako at saka agad na binitbit ang gamit ko papunta sa kwarto niya. Inilagay ko lang iyon malapit sa sofa na naroroon. Doon lang kasi may bakanteng pwesto. Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto niya. Kaya naman pala ng lalaki na maging malinis, e.

Napansin ko ang isang basket na puno ng labahin kaya iyon naman ang binitbit ko palabas.

"Bakit mo bitbit iyan?" Agad na umahon si Zoren mula sa pagkakasandal at kunot-noo akong hinarap.

Nangunot rin ang noo ko. Bakit? Ano bang iniisip niya na gagawin ko sa mga labahin niya?

"Lalabhan ko," simple kong tugon.

Tumayo siya at inilang hakbang ang pagitan naming dalawa. Nagulat ako nang bigla niyang hinablot ang basket mula sa kamay ko.

"H-hindi na kailangan."

"Ha? Anong hindi na kailangan? Trabaho ko iyan kaya akin na!" sabay agaw ko sa basket. Pero ayaw niyang ibigay.

"Hindi na nga!" Hinatak niya pabalik sa kanya ang basket kaya kamuntikan pa akong madala niyon.

Marahas akong napabuga ng hangin at ngayo'y nakapameywang na nang humarap sa kanya. "Akin na nga sabi!"

"Hindi nga, e! H-hindi ako sanay na may ibang naglalaba ng mga damit ko!"

Agad akong natigilan. Maid niya ako 'di ba? Ano pang gagawin ko kung hindi ko siya ipaglalaba?

"Pwes, sanay-sanayin mo na ang sarili mo dahil ako ang gagawa no'n para sa iyo!" sigaw ko sabay hila ng malakas sa basket dahilan upang kumawala iyon sa kamay niya at maging sa akin. Nalaglag iyon sa sahig at agad na nagkalat ang laman niyon.

"Ayan tuloy..." sabi ko at agad na yumuko upang pulutin iyon isa-isa. Pero agad akong natigilan nang nakapulot ako ng dalawang brief na kulay pink at may cartoon character sa pinakagitna.

Laglag ang panga akong nag angat ng tingin sa kanya.

"H-hello k-kitty?" tanong ko sa kanya habang itinuturo ang cartoon character na nasa pink na brief.

Jusko! May binibenta bang ganito sa mga mall? O sa mga ukay-ukay? As if naman magsusuot si Zoren ng brief na galing sa ukay-ukay. Malamang ay mga branded ang mga gamit niya. Hmm! Saan naman kaya niya ito nabili?

"T-that's-"

Napatakip ako ng bibig at agad na nagpigil ng tawa.

"Damn! Don't laugh!" agad niyang singhal sa akin.

Ngumuso ako. "Tumatawa ba ako? Nakita mo ba akong tumatawa?" sabay turo ko pa sa sarili ko.

"You're laughing! You're just good at hiding it!" he spat.

Doon na ako bumunghalit ng tawa. Ang cute niya pala kapag umuusok sa galit.

"Bakla ka ba?"

"Mukha ba akong bakla?" turo niya sa sarili niya.

"O, e bakit ka may ganyan? Imposible namang sa mga babae mo iyan. E, klarong brief iyan!" natatawa kong sabi.

Sinamaan niya ako ng tingin saka niya marahas na hinablot ang basket mula sa kamay ko.

"Maid lang kita. Boss mo ako. Baka lang nakakalimutan mo, Ms. Loyola," aniya at saka tumayo at lumabas ng suite.

Pagkasarado na pagkasarado ng pintuan ay doon lang ako tuluyang nakahinga. Napigil ko iyon pansamantala kanina dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin ay halata ko ang galit niya.

"Tanga ka, Melissa! Bakit mo nga ba kinalimutang amo mo siya? Bakit kasi ganoon ka umakto sa harapan niya?" paninisi ko pa sa sarili ko kasabay ng mahina kong pagpukpok sa ulo ko. Naaalala kong sinabi ko nga pala sa kanya ang mga katagang iyon kanina.

Pasinghal akong natawa. Binalik niya lang sa akin ang mga sinabi ko sa kanya.

Tumayo ako at pinili na lamang magtungo sa kusina at uminom ng tubig. Malinis naman na kasi ang bahay niya at halos alikabok ay wala akong makita. Nagtungo rin ako sa kwarto niya para isalansan ng maayos ang kama niya. Pero wala akong nakitang gusot.

Napabuga ako ng hangin. "Ano namang gagawin ko dito?" bulong bulong ko.

Ilang sandali ang nakalipas bago ko nagawang magdesisyon na lumabas na lamang. Nagtungo ako sa kitchen at doon ginawang tester ang sarili ko sa mga bagong recipe na gawa ng chef.

"Kumusta ang unang araw bilang personal maid, Melissa?" Tumabi sa akin si Favio at sumandal sa counter, ginaya niya ang posisyon ko. Ngayon ay pareho na kaming nakatingin sa niluluto ng chef.

Nilingon ko siya at nakita kong nakakainsulto ang ngiti na nakaplaster sa labi niya. Kumunot ang noo ko.

"Anong ngiti iyan?"

Bahagya niyang naiatras ang kanyang ulo kasabay ng pagtaas ng dalawa niyang kilay. Nandoroon pa rin ngiting aso niya.

"Bakit? Anong meron sa ngiti ko?"

"Hindi ko gusto ang ngiti mong iyan Favio ah!"

"Usap-usapan ka ngayon ng buong hotel. Malaking isda ang nabingwit mo, Melissa!"

Nangunot ang noo ko at napaayos ako ng tayo. "Anong malaking isda? E, hindi nga ako marunong mamingwit!"

"Si Zoren Russell! Alam mo ba kung gaano kayaman iyon?" singit naman ng isa sa mga serbedura na si Gail. "Naku! Melissa, huwag mo nang pakawalan pa 'yan!" dagdag niya pa.

"Buhay prinsesa ka kapag nagkataon!" sabi naman ni Favio.

"Balita ko ay ngayon lang iyan gumamit ng kapangyarihan at kinausap niya talaga si Mr. Buenaventura para lang gawin kang personal maid," si Gail.

"Isa lang ang ibig sabihin no'n... Gusto ka niya!" ani Flavio.

"Naku! Kapag niligawan ka niya at ayaing maging asawa. Kagatin mo na agad ang paing!" natatawang sabi ni Gail.

Napailing-iling na lamang ako habang natatawa silang tinitingnan. Hindi ako kailanman magiging asawa ng isang Zoren Russell! Kahit na girlfriend, hindi! Sisiguraduhin kong hindi ako mapapabilang sa mga babae niya.

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • The Fuckboy’s Personal Maid   Kabanata 16

    Hindi ko alam kung paano kong nakatulugan ang pag iinarte ni Zoren. Basta ay nagising na lamang ako na wala na siya sa suite niya at tanging sticky note na lang na nakadikit sa ref ang naabutan ko. Melissa, May conference akong dadaluhan sa Boracay. It's a 1 week conference so... Just see you after one week. You take care here. Napabuga ako ng hangin. Nilukot ko ang sticky note at saka ko itinapon sa trash can na malapit. “Tss... Hindi man lang nagpaalam ng personal.” Kumuha ako sa ref ng gatas at agad na nagsalin sa isang baso. Habang umiinom ay inaliw ko ang mga mata ko sa kabuuan ng suite ni Zoren. Parang bahay niya na talaga ito. Wala ba siyang sariling bahay at bakit dito siya tumitira? Biglang bumukas ang pintuan kaya agad kong naibaba ang baso na hawak ko. “A-anong...” Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba paalis siya papuntang Boracay? “I forgot something. Gising ka na pala. Good morning.” May tipid na ngiti sa labi at naka-corporate attire na pumasok si Zoren sa su

  • The Fuckboy’s Personal Maid   Kabanata 15

    Nilinis ko pa muna ang mga kalat nila sa maliit na sala bago ako nagpasyang magpahinga. Pahiga na ako nang narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto kaya napalingon ako doon. Nakita kong nagmamadali palabas ang babae.“Hey, Ria!” habol ni Zoren.“FUCK YOU! I AM NOT RIA!” galit na sigaw ng babae nang lingunin nito si Zoren. Napatayo agad ako.Mukhang sa harapan ko pa sila mag aaway. Naku naman!“Uh... Lea?” alanganin ang mukhang tugon ni Zoren sa babae."SHIT! IT'S MIA! MIA, OKAY? ITS MIA! NOT RIA, LEA OR ELISA! MY NAME IS MIA!" nagpupuyos pa sa galit na muling sigaw ni Mia."How could you forget and moan different names while reaching your fucking climax?" kuda niya nito habang padabog na naglalakad."HEY, MIA! HINDI PA TAYO TAPOS!" sigaw pa ni Zoren pero hindi nakinig ang babae at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad palabas ng suite."Ugh!" Zoren groaned. Iritadong niyang nagulo ang kanyang buhok.Napalunok ako habang walang pakundangang pinagmasdan siyang walang kahit ni isang saplot

  • The Fuckboy’s Personal Maid   Kabanata 14

    Hindi ko alam kung tama bang hiniling ko 'yon kay Zoren o mali. Para kasing hindi naman katanggap-tanggap ang mga sumunod na nangyari."A-ano 'yan?" tanong ko sa kanya nang nakita kong inilabas niya ang mga malilinis niyang damit at basta na lang ikinalat sa sahig."Nahulog na sa sahig. Labhan mo ulit," malamig na sabi niya.Nanlaki ang mga mata ko. Bakit ko lalabhan ulit e ang linis pa ng mga 'to."E, malinis 'yang mga 'yan, e!" reklamo ko pa."May reklamo ka? E, 'di ba katulong ka lang? You have no say on everything here, Miss. You're just a maid and you do whatever I told you to do."Tinalikuran niya ako at dumiretso siya papasok ng kwarto. Naiwan akong nakanganga at hindi makapaniwala sa biglaang pagbabago ng mga kaganapan.Napabuga ako ng hangin at pinulot na lamang isa-isa ang mga damit niyang ikinalat niya sa sahig.Ito ang gusto ko. Ginusto kong tratuhin niya akong totoong maid. Pero hindi ko alam kung bakit ako nao-offend. Hindi ko alam kung bakit nairita ako nang sabihin niy

  • The Fuckboy’s Personal Maid   Kabanata 13

    Ako :Ah! Si Zoren? Iyong nakakainis na kaibigan niya na nakatira sa isa sa mga presidential suite? Hindi ko tinatrabaho 'yon. Ginagawa akong alipin no'n dito. Ang ayos-ayos na ng trabaho ko sa front desk, ginawa niya pa akong personal na tagalinis ng suite niya.Lumina :Baka nagustuhan ang trabaho mo kaya promoted ka agad. HahahaNapabuga ako ng hangin. Paanong promote? Kung tutuusin ay hindi naman promotion ito. Well, tumaas ang sahod pero naging katulong ako.Ako :Hindi ako natutuwa, Mina.Bakit pa-text-text na lang 'tong babaeng 'to? Wala ba 'tong trabaho?Lumina :Hindi mo na raw inuuwian ang bahay natin?Muli akong napabuntonghininga. Lahat yata chinichismis ni Mr. Buenaventura kay Lumina, e.Ako : Paano ako uuwi? E, 24/7 ang utos ng lalaking 'yon.Kahit hindi naman. Wala nga akong trabaho masyado.Lumina :Baka may gusto na sa 'yo.Natawa agad ako pagkatapos kong basahin ang reply ni Lumina. Inamin nga ni Zoren kagabi. Pero sure akong gino-goodtime niya lang ako. Imposibleng

  • The Fuckboy’s Personal Maid   Kabanata 12

    Two years ago? Grabeng pagkagusto naman 'yan at ganyan talaga katagal. Pero kung two years ago, ibig sabihin ay nagkita kami no'ng kakasimula ko pa lang dito sa hotel."No'ng tinulungan mo akong magtago mula sa mga tauhan ng tatay ko."Kumunot ang noo ko. Wala akong matandaan. Hindi ko siya matandaan."Seryoso ka ba? Hindi kita naaalala."Nagkibit balikat siya. "Hindi naman ako nag e-expect na maaalala mo pa. Because I know that it isn't important to you. Siguro para sa 'yo ay isa lang 'yong bahagi ng buhay mo na hahayaan mo lang na lumipas. Hindi mo naman talaga matatandaan ang isang bagay na hindi mahalaga sa 'yo, Melissa."Hindi ko alam kung nagpapakonsensya ba siya o ano.Pero tama naman siya. Noong mga panahong 'yon din kasi ay ang mga panahong wala ako sa sarili ko. No'ng mga panahong 'yon ko nalamang may sakit pala si mama."Mabuti naman at hindi ka nag expect. Pasensya na ha? Hindi ko kasi talaga naaalala. Sa dami kasi ng nakatira at nag ch-check in sa hotel na 'to ay talagang

  • The Fuckboy’s Personal Maid   Kabanata 11

    Nagtaas ako ng isang kilay at taas noo kong sinalubong ang mga mata niyang nakatitig sa akin."Baka ikaw ang nag enjoy sa labi ko," sabi ko at saka siya nginisihan.Nilagpasan ko siya at binangga ko pa ang balikat niya na siyang dahilan upang mabigyan niya ako ng daan palabas.Nagdiretso ako palabas ng suite. Agad akong napasandal sa pintuan. Napahawak ako sa dibdib ko habang habol habol ko ang hininga ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Umakto akong matapang sa harapan niya kanina. Pero ang totoo ay sobra sobra na ang paghuhuramentado ng puso ko.Bumaba ako ng kitchen upang kumuha ng pagkain para kay Zoren saka agad ding bumalik sa taas tulak-tulak ang trolley.Naabutan ko siyang nasa sala na at prenteng nakaupo sa sofa. Agad siyang tumayo nang nakita akong papasok ng suite.Hindi ko siya pinansin at didiretso na sana ako sa lamesa pero humarang siya sa daraanan ko."Hindi ka ba nasarapan sa halik ko?" tanong niya.Umawang ang labi ko at agad akong napatingala sa kanya. Hanggang

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status