INICIAR SESIÓN“What the fuck?!” pagmumura niya sa akin habang nanlalaki ang kanyang mga mata.
Alam ko namang boss ko siya at dapat ay nire-respeto ko siya at hindi basta-bastang sinasampal. Pero hindi naman yata tamang bastusin niya ako. Alam kong may karapatan din naman ako. And I stand for my rights! “Kapag ako binastos mo ulit... Hindi lang sampal ang aabutin mo sa akin,” sabi ko at mabilis na naglakad palabas ng suite niya. “Saan ka pupunta, Melissa?” Tila kulog ang naging boses niya nang isigaw niya iyon kaya naging agaran ang pagtigil ko sa padabog na paglalakad at nanlilisik ang mga mata ko nang lingunin ko siya. Anong akala niya? Matatakot niya ako sa pasigaw-sigaw niya? No way! “Uuwi. Mag iimpake ako ng gamit. Alangan namang wala akong gamit dito. Paano ako magbibihis kung walang pamalit?!” sarkastiko kong tugon. “You don’t have to—” “Gusto mong masampal ulit?” Agad niyang itinaas ang dalawa niyang kamay senyales ng pagsuko. “Easy. You don’t have to be rude. Baka nakakalimutan mong ako pa rin ang amo mo. Maid kita.” “Tss!” Pasiring kong inalis ang mga mata ko sa kanya saka ako tuluyang lumabas ng suite. Pagkasarado na pagkasarado ng pintuan ay agaran ang naging pagbuga ko ng hangin. Pigil pigil ko pala ang hininga ko habang nasa loob ako. Bumaba ako sa reception at naabutan ko si Julia at Rina roon. “Si Cathy nakaalis na?” agad na tanong ko. “Kanina pa. Mami-miss ka namin dito, Mel,” ani Rina. Umabot agad sa kanila ang balita? Ang bilis naman. “Nandito pa rin naman ako. Nasa iisang hotel pa rin naman tayo.” “Sa laki ng hotel na ito?” ani Julia. “Kayo naman! Kung ang mag ex nga pinagtatagpo kahit na nag abroad iyong isa. Tayo pa kaya? Hindi naman isang buong bansa itong Bluestone Hotel! Ano ba kayo? Ang ne-nega niyo!” “Paanong hindi mane-nega? E, aalis ka na at iiwan mo kami! Tapos alam mo ba kung sinong kapalit mo? Si Erica!” sabi naman ni Rina. Nangunot ang noo ko. Matagal na iyong wala dito ah? “E, hindi ba ay tinanggal na iyon ni—” “Kinuha ulit ni Mr. Buenaventura,” si Julia. Napabuga na lamang ako ng hangin. “Mr. Buenaventura niyo, walang isang salita!” dagdag pa niya. “Grabe naman kayo! Baka rin kailangan na kailangan ni Erica ng trabaho,” sabi ko. “Kailangan nga raw. Naghiwalay na sila ng asawa niya at kailangan niyang buhayin ang tatlo nilang anak kaya ayon!” si Rina. “Iyon naman pala.” “Ah basta! Hindi ko talaga siya gustong makasama dito sa reception. Masyadong pabida!” sabi pa ni Rina. Ilang sandali pa kaming nag usap roon bago ako tuluyang nagpaalam. Ayaw ko rin namang magtagal dahil marami pa akong kailangang i-impake sa bahay. Pagkauwi, as usual tahimik ang bahay. Malamang ay nasa trabaho na si Lumina. Agad akong nag impake at medyo marami-rami din naman ang mga damit ko kaya dalawang maleta agad ang napuno. Naligo ako at nagbihis bago nagpasyang babalik na ng hotel. Mag a-alas dos na at hindi pa ako nagla-lunch. Tulak-tulak ko ang dalawang maleta ko habang palabas ako ng bahay. Habol-habol ko na agad ang hininga ko nang bitawan ko ang mga ito. Tumingala ako upang huminga sana ng malalim pero agad akong natigilan nang dumapo ang mga mata ko sa asul na magarang sasakyan na naka park sa labas ng gate. Feeling ko ay may bumara sa aking lalamunan kaya napaubo ako. Lalo pa nang nakangising lumabas si Zoren doon. Naka itim na tshirt na siya this time, hindi tulad kaninang umaga. Maliban doon ay may dumagdag ng dogtag at shades sa outfit niya. Shit! Paano niya natunton ang bahay ko? Stalker ba siya? “B-b-bakit ka nandito?” “Ang tagal mo namang lumabas. Kanina pa akong naghihintay sa iyo dito, e!” aniya. Napailing na lamang ako at saka siya tinalikuran. Ini-lock ko ang pintuan. Pagkalingon kong muli ay nasa harapan ko na siya. Halos mapatalon ako sa gulat at agad na napaatras. “Sorry,” nakangising sabi niya saka kinuha ang dalawa kong maleta. “Paano mo natunton ang bahay ko?” “Anong laman nito? Bakit sobrang bigat?” reklamo niya pero kung titingnan ay parang hindi naman siya nabibigatan habang binibitbit ang mga iyon papunta sa likurang bahagi ng kanyang sasakyan. Nakasunod naman ako sa kanya. Umawang ang labi ko habang pinapanood kung paanong nag flex ang mga muscles niya sa braso. Bahagya ko pang naitagilid ang ulo ko habang magkalingkis ang dalawa kong braso. “You’re drooling,” aniya at nakapamaywang na habang nakatingin sa akin. Agad na lumipad ang isang palad ko sa bibig ko. “No! I’m not!” sabi ko at nauna na sa passenger seat ng kanyang sasakyan. Hinabol niya ako at agad na pinigilan sa akma kong pagbubukas sa pintuan. He opened it for me. Nangunot agad ang noo ko. Bakit niya ginagawa ito? Pwede ba iyon? He’s being a gentleman sa maid niya? Come on! Masyado naman yata siyang mabait. “Hop in,” aniya. Tahimik akong pumasok at agad na nag seatbelt. This is not a kdrama! Hindi ko na siya kailangang hintayin para ikabit ang sarili kong seatbelt. Sa seatbelt ko agad dumapo ang kanyang mga mata pagkapasok niya sa driver’s seat. Nagpigil agad siya ng ngiti at paulit-ulit na binasa ang kanyang labi nang nag iwas siya ng tingin at itinuon iyon sa kalsada. Tumikhim pa muna siya bago tuluyang binuhay ang makina. “Have you eaten your lunch?” tanong niya nang sinimulan niyang patakbuhin ang sasakyan. Nilingon ko siya. “Hindi pa. Pero sa hotel na lang. Balak ko kasi sanang mag lunch muna bago bumalik sa suite mo at magsimula sa trabaho. Uhh... Paano nga pala ang pagkain ko? Pwede ba akong lumabas at sa kitchen na lang makikain o 'di kaya ay sa mga karenderyang nakapila malapit sa Bluestone hotel?” Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo at ang sandaling pag igting ng kanyang panga. “Bakit ka naman kakain sa karenderya?” “Bakit? Sanay naman ako doon.” He shook his head. Ilang sandali pa ang hinintay ko bago niya ako nilingon. “You’re not going to eat anywhere, Mel. You’ll eat with me... Always.”Hindi ko alam kung paano kong nakatulugan ang pag iinarte ni Zoren. Basta ay nagising na lamang ako na wala na siya sa suite niya at tanging sticky note na lang na nakadikit sa ref ang naabutan ko. Melissa, May conference akong dadaluhan sa Boracay. It's a 1 week conference so... Just see you after one week. You take care here. Napabuga ako ng hangin. Nilukot ko ang sticky note at saka ko itinapon sa trash can na malapit. “Tss... Hindi man lang nagpaalam ng personal.” Kumuha ako sa ref ng gatas at agad na nagsalin sa isang baso. Habang umiinom ay inaliw ko ang mga mata ko sa kabuuan ng suite ni Zoren. Parang bahay niya na talaga ito. Wala ba siyang sariling bahay at bakit dito siya tumitira? Biglang bumukas ang pintuan kaya agad kong naibaba ang baso na hawak ko. “A-anong...” Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba paalis siya papuntang Boracay? “I forgot something. Gising ka na pala. Good morning.” May tipid na ngiti sa labi at naka-corporate attire na pumasok si Zoren sa su
Nilinis ko pa muna ang mga kalat nila sa maliit na sala bago ako nagpasyang magpahinga. Pahiga na ako nang narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto kaya napalingon ako doon. Nakita kong nagmamadali palabas ang babae.“Hey, Ria!” habol ni Zoren.“FUCK YOU! I AM NOT RIA!” galit na sigaw ng babae nang lingunin nito si Zoren. Napatayo agad ako.Mukhang sa harapan ko pa sila mag aaway. Naku naman!“Uh... Lea?” alanganin ang mukhang tugon ni Zoren sa babae."SHIT! IT'S MIA! MIA, OKAY? ITS MIA! NOT RIA, LEA OR ELISA! MY NAME IS MIA!" nagpupuyos pa sa galit na muling sigaw ni Mia."How could you forget and moan different names while reaching your fucking climax?" kuda niya nito habang padabog na naglalakad."HEY, MIA! HINDI PA TAYO TAPOS!" sigaw pa ni Zoren pero hindi nakinig ang babae at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad palabas ng suite."Ugh!" Zoren groaned. Iritadong niyang nagulo ang kanyang buhok.Napalunok ako habang walang pakundangang pinagmasdan siyang walang kahit ni isang saplot
Hindi ko alam kung tama bang hiniling ko 'yon kay Zoren o mali. Para kasing hindi naman katanggap-tanggap ang mga sumunod na nangyari."A-ano 'yan?" tanong ko sa kanya nang nakita kong inilabas niya ang mga malilinis niyang damit at basta na lang ikinalat sa sahig."Nahulog na sa sahig. Labhan mo ulit," malamig na sabi niya.Nanlaki ang mga mata ko. Bakit ko lalabhan ulit e ang linis pa ng mga 'to."E, malinis 'yang mga 'yan, e!" reklamo ko pa."May reklamo ka? E, 'di ba katulong ka lang? You have no say on everything here, Miss. You're just a maid and you do whatever I told you to do."Tinalikuran niya ako at dumiretso siya papasok ng kwarto. Naiwan akong nakanganga at hindi makapaniwala sa biglaang pagbabago ng mga kaganapan.Napabuga ako ng hangin at pinulot na lamang isa-isa ang mga damit niyang ikinalat niya sa sahig.Ito ang gusto ko. Ginusto kong tratuhin niya akong totoong maid. Pero hindi ko alam kung bakit ako nao-offend. Hindi ko alam kung bakit nairita ako nang sabihin niy
Ako :Ah! Si Zoren? Iyong nakakainis na kaibigan niya na nakatira sa isa sa mga presidential suite? Hindi ko tinatrabaho 'yon. Ginagawa akong alipin no'n dito. Ang ayos-ayos na ng trabaho ko sa front desk, ginawa niya pa akong personal na tagalinis ng suite niya.Lumina :Baka nagustuhan ang trabaho mo kaya promoted ka agad. HahahaNapabuga ako ng hangin. Paanong promote? Kung tutuusin ay hindi naman promotion ito. Well, tumaas ang sahod pero naging katulong ako.Ako :Hindi ako natutuwa, Mina.Bakit pa-text-text na lang 'tong babaeng 'to? Wala ba 'tong trabaho?Lumina :Hindi mo na raw inuuwian ang bahay natin?Muli akong napabuntonghininga. Lahat yata chinichismis ni Mr. Buenaventura kay Lumina, e.Ako : Paano ako uuwi? E, 24/7 ang utos ng lalaking 'yon.Kahit hindi naman. Wala nga akong trabaho masyado.Lumina :Baka may gusto na sa 'yo.Natawa agad ako pagkatapos kong basahin ang reply ni Lumina. Inamin nga ni Zoren kagabi. Pero sure akong gino-goodtime niya lang ako. Imposibleng
Two years ago? Grabeng pagkagusto naman 'yan at ganyan talaga katagal. Pero kung two years ago, ibig sabihin ay nagkita kami no'ng kakasimula ko pa lang dito sa hotel."No'ng tinulungan mo akong magtago mula sa mga tauhan ng tatay ko."Kumunot ang noo ko. Wala akong matandaan. Hindi ko siya matandaan."Seryoso ka ba? Hindi kita naaalala."Nagkibit balikat siya. "Hindi naman ako nag e-expect na maaalala mo pa. Because I know that it isn't important to you. Siguro para sa 'yo ay isa lang 'yong bahagi ng buhay mo na hahayaan mo lang na lumipas. Hindi mo naman talaga matatandaan ang isang bagay na hindi mahalaga sa 'yo, Melissa."Hindi ko alam kung nagpapakonsensya ba siya o ano.Pero tama naman siya. Noong mga panahong 'yon din kasi ay ang mga panahong wala ako sa sarili ko. No'ng mga panahong 'yon ko nalamang may sakit pala si mama."Mabuti naman at hindi ka nag expect. Pasensya na ha? Hindi ko kasi talaga naaalala. Sa dami kasi ng nakatira at nag ch-check in sa hotel na 'to ay talagang
Nagtaas ako ng isang kilay at taas noo kong sinalubong ang mga mata niyang nakatitig sa akin."Baka ikaw ang nag enjoy sa labi ko," sabi ko at saka siya nginisihan.Nilagpasan ko siya at binangga ko pa ang balikat niya na siyang dahilan upang mabigyan niya ako ng daan palabas.Nagdiretso ako palabas ng suite. Agad akong napasandal sa pintuan. Napahawak ako sa dibdib ko habang habol habol ko ang hininga ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Umakto akong matapang sa harapan niya kanina. Pero ang totoo ay sobra sobra na ang paghuhuramentado ng puso ko.Bumaba ako ng kitchen upang kumuha ng pagkain para kay Zoren saka agad ding bumalik sa taas tulak-tulak ang trolley.Naabutan ko siyang nasa sala na at prenteng nakaupo sa sofa. Agad siyang tumayo nang nakita akong papasok ng suite.Hindi ko siya pinansin at didiretso na sana ako sa lamesa pero humarang siya sa daraanan ko."Hindi ka ba nasarapan sa halik ko?" tanong niya.Umawang ang labi ko at agad akong napatingala sa kanya. Hanggang







