LOGINIsang beses lang na nakatalik ni Eiden si Kiara at nabuntis niya ito pero inakala niyang isa itong bayarang babae kaya nagpasya siyang nakawin ang kanilang anak dito. Buong akala naman ni Kiara ay namatay ang kaniyang kambal dahil sa kumplikasyon. Pagkalipas ng limang taon, nagtagpong muli ang kanilang mga landas. Natipuhan ng kambal si Kiara kaya inalok siya ng mga ito ng trabaho bilang “Mommy” nila. Kailangan naman ni Kiara ng sariling pamilya upang mapanatili ang kaniyang trabaho at sa wakas ay makuha ang promosyon na pinaghirapan niya nang husto. Nagkaroon sila ng kasunduan at naganap ang isang biglaang kasal sa pagitan nina Kiara at Eiden. Wala ni isa sa kanila ang nakakaalam ng katotohanang si Kiara ang ina ng kambal at si Eiden naman ang lalaking sumira sa buhay nito. Sa oras na lumabas ang katotohanan, may pag-asa pa kayang mabuo ang isang masaya at kumpletong pamilyang ninanais ng kambal o magiging mitsa iyon ng tuluyang pagkawasak ng kanilang pangarap? Paano nila tutulungan ang daddy nila na mapaibig ang kanilang totoong mommy? Magtagumpay kaya silang pag-isahin ang mga taong dahilan kung bakit sila nabuo?
View More“Hindi ba’t sinabi ko na sa iyo na dapat pagbalik ko ay pinalaglag mo na ang batang ‘yan!” galit na galit na sigaw ni Arturo nang makita niya ang anak na si Kiara o mas kilala sa tawag na Ara dahil nabuntis ito nang hindi nito alam kung sino ang ama ng dinadala nito.
Siyam na buwan nang dinadala ni Kiara ang kambal sa kaniyang sinapupunan. Mabigat na ang kaniyang tiyan at hirap na siyang kumilos, ngunit mas mabigat pa rin ang sakit na dala ng mga taong dapat sana'y sumusuporta sa kaniya. Mula nang malaman ng kaniyang ama ang pagbubuntis niya, paulit-ulit itong nagpumilit na ipalaglag ang mga bata. "Hindi mo kaya ang responsibilidad na 'yan! Sinisira mo lang ang buhay mo!" galit na dagdag ni Arturo. Pabalik-balik siyang naglakad sa harapan ni Kiara. “Tang.ína! Dapat talaga ay isinama kita sa ibang bansa at do’n mo pinalaglag ang batang ‘yan. I trusted you, Kiara. Nagkamali ka na nga noong nabuntis ka. Dinagdagan mo pa nang piliin mong ipagpatuloy iyang lintík mong pagbubuntis!” Pero matatag si Kiara. "Hindi ko sila papatayin, Pa. Mga anak ko sila." Marahas na humarap si Arturo kay Kiara. “Naririnig mo ba ang sarili mo, ha? Kakagraduate mo lang sa kolehiyo. Ni wala ka pang napapatunayan sa buhay! Tapos ano? Mas pinili mong magbuntis nang ganito ka aga? Hindi ka man lang gumaya sa kapatid mong si Olga!” Napahawak si Kiara sa tiyan niya. Madalas siyang ikinukumpara sa stepsister niyang si Olga. Siya itong tunay na anak, pero mas anak ang turing ng tatay niyang si Arturo sa anak ng madrasta niya. At sa nakalipas na mga taon ay nasanay na siya roon. “Ano na lang ang sasabihin ng iba? Na pabaya akong ama? Na ang anak ko ay napaka-agang nagbuntis? Do you want to drag us to the mud, Kiara? Gusto mo ba talagang mapahiya ako?” Napalunok si Kiara. “Pero ayos lang po sa inyong ipalaglag ang pinagbubuntis ko para lang hindi madungisan ang pangalan niyo?” “Malamang sa malamang ay oo! Manang-mana ka nga sa ina mo. Tatanga-tanga! You should use your head, Kiara. Pinag-aral naman kita, binihisan, binigay lahat ng kapritso mo. Pero ito ang ipapalit mo sa akin? Ang isang kahihiyan?” Napahawak si Arturo sa dibdib niya. Naninikip ang dibdib niya sa galit. Tumulo ang luha ni Kiara. “Pa… ang pinagbubuntis ko ay mga apo niyo rin. Kadugo niyo sila. Hindi sila ibang tao—” “Shut the fuck up!” marahas na sigaw ni Arturo. “Get out! Pumasok ka sa kuwarto mo at ‘wag na ‘wag kang lalabas hangga’t hindi ko sinasabi!” Tumulo ang luha ni Kiara. Hindi niya akalaing magiging mas malupit ang ama niya sa kaniya. Akala niya kahit papaano ay lalambot ito at maiintindihan siya ngayong nagdadalang-tao siya, pero sadyang matigas ang puso ng ama niya pagdating sa kaniya. Na minsan napapaisip na siya, anak din kaya siya nito? Buong magdamag ay nagkulong lang si Kiara sa kuwarto niya. Dinadalhan lang siya ng pagkain ng mga katulong nila. Daig niya pa ang may nakakahawang sakit dahil ayaw siyang palabasin ng ama niya. Para siyang ibon na pinagdamutan ng kalayaan. Mabilis na lumipas ang araw, parang hangin lang si Kiara sa mansyon. Sa tuwing lumalabas siya ay iniiwasan siya ng amang si Arturo. Talagang ayaw siya nitong makausap at dalawang tao naman ang araw-araw na sinusubok ang pasensya niya–ang kaniyang stepmother na si Precy at ang anak nitong si Olga, ang step-sister niya. Araw-araw ng mga itong ginagawang impyerno ang buhay niya. Kahit anong pilit na pag-ignora niya ay inaaway siya ng mga ito. At kada minuto ay may bago silang paraan para iparamdam na hindi siya welcome sa bahay. "Ang dami-dami ng kinakain mo! Magtira ka naman sa mga kasama mo sa bahay. Anong akala mo, ikaw lang ang may sikmura?!" reklamo ni Olga habang kumakain sila. “Nagmumukha ka ng balyena.” Napabuntong-hininga si Kiara. Hindi na niya pinansin ang hilaw niyang kapatid. Itinuon na lang niya ang sarili sa pagkain dahil ito ang unang beses na hinayaan siya ng kaniyang ama na sumabay pagkain ng mga ito. Ngumiwi si Precy. “Naku! Noong nagbuntis ako ay hindi naman ako gan'yan katakaw at kapangit.” Ang stepmother naman ni Kiara na si Precy ay mas nakakairita. Mahilig itong mang-asar at manghamak sa kaniya. Hindi nagkakapagtaka na masama rin ang ugali ng anak nitong si Olga dahil hindi naman nalalayo ang bunga sa puno. "Uy, ingat ka. Baka sa kusina ka manganak," natatawang sabi ni Olga habang nakatingin sa malaking tiyan ni Kiara. Noong nakaraang araw ay ipinost pa ni Olga sa social media ang litrato ni Kiara nang hindi nagpapaalam. Tinakpan naman niya ang mukha nito pero alam ng mga kaibigan ni Kiara na siya iyon. "Living proof of bad decisions." Libo-libong tao ang nakakita ng post. Umiyak si Kiara nang gabing iyon. Pero kahit gaano kasakit ang mga salita nila, hindi niya kailanman pinagsisihan ang desisyong protektahan ang kaniyang mga anak. Pinabura lang ng ama ni Kiara ang litrato dahil ayaw nitong may makaalam na siya ang buntis at baka masira raw ang imahe ng pamilya nila. Sa araw-araw na lumipas ay nagtiis si Kiara dahil wala rin siyang mapupuntahan. Alam niyang ayaw rin ng ama niya na makita siya ng ibang tao. Ngunit dumating ang araw na tuluyan nang napuno si Kiara. Habang kumukuha siya ng juice sa kusina, narinig niyang muli ang usapan ng ama, stepmother, at stepsister niya sa may sala. "Hindi ko alam kung bakit hindi pa siya umaalis dito," sabi ni Olga. "Oo nga," sagot ni Precy. "Pagkapanganak niyan, mas lalo lang siyang magiging pabigat. Anong balak mo r’yan sa anak mong disgrasyada, Arturo? My God! Ayaw kong may makaalam na nabuntis siya ng walang nobyo o asawa. Nakakahiya sa mga amiga ko!" Tahimik na napaluha si Kiara. Bakit siya hahamakin ni Precy nang ganoon? Kung tulad niya ay isa rin itong single mother bago nito nakilala ang ama niya. Si Olga ay hindi anak ni Arturo, anak ito ni Precy sa ibang lalaki. Kaya anong karapatan nitong insultuhin siya? “Mommy is right, dad. Nakakahiya sa mga kaibigan ko kapag nalaman nilang buntis si Kiara at walang ama ang dinadala niya. Sobra-sobrang kahihiyan na ang dinulot niya sa pamilya natin. Can’t we just get rid of her?” maarteng wika ni Olga. “She’s still your sister, Olga. Hindi mo p'wedeng pagsalitaan ng gan'yan ang kapatid mo,” wika ni Arturo. Akala ni Kiara ay dumating na ang panahon na siya naman ang kakampihan ng ama niya. Halos lumabas sa dibdib niya ang puso niya sa sayang nararamdaman. “Ang kahihiyan ni Kiara ay kahihiyan din ng ating pamilya,” biglang dagdag ni Arturo na nagpawala ng sayang nararamdaman ni Kiara. “Kapag nanganak si Kiara ay ipapaampon ko ang anak niya. Hindi ako makakapayag na madungisan niya ang apeliyidong ilang taon kong pinaghirapang iangat. Kaya ikaw, Olga, anak, stop posting things about your sister. Alam mo namang tayo lang ang mapapahiya kapag patuloy mo siyang ipo-post sa social media. We don’t want everyone to know about her stupidity and foolishness.” Tuluyan nang tumulo ang luha ni Kiara. Akala niya ito na ang panahon na ipagtatanggol siya ng ama niya sa anak-anakan nito. Pero mali pala siya, isang malaking pagkakamali lang ang tingin ng ama niya sa kaniya. Hindi rin niya matanggap na nais ipaampon ng ama niya ang pinagbubuntis niya. Sarili nitong dugo at laman ang mga anak niya kaya bakit? Ang mga anak na lang niya ang mayroon siya kaya hindi siya papayag na ilalayo pa ito ng ama niya sa kaniya. Hindi niya hahayaang malayo sa kaniya ang mga anak niya. Hindi siya habang-buhay na maging sunod-sunuran sa ama niya. Agad ba tinawagan ni Kiara ang may-ari ng apartment na ilang linggo na niyang tinitingnan. May natitira pa siyang ipon. Hindi man marangya, sapat na iyon para makapagsimula silang tatlo ng panibagong buhay. Nang gabing iyon ay nag-impake si Kiara. Sinigurado niyang tulog na ang lahat saka siya nagpasyang umalis ng mansyon. Kapag nalaman ng ama niya na aalis siya ay siguradong ikukulong siya nito at baka tuluyan na nitong mailayo sa kaniya ang mga anak niya. Mabigat at masakit ang bawat hakbang ni Kiara, pero kasabay noon ang kakaibang pakiramdam ng kalayaan. Sumakay si Kiara ng taxi patungo sa kalsadang malapit sa kaniyang bagong apartment. Habang nasa biyahe, hindi niya maiwasang haplusin ang kaniyang tiyan. "Malapit na tayo," mahinang bulong ni Kiara sa kambal. Ngunit biglang nakaramdam ng matinding kirot si Kiara. Napahawak siya sa may upuan at kasunod noon ay may naramdaman siyang mainit na likidong dumaloy pababa sa kaniyang mga binti. Nanlaki ang mga mata ni Kiara. Naputol ang kaniyang paghinga nang mapagtanto niya ang nangyari. Pumutok na ang kaniyang panubigan! "Kuya, sa pinakamalapit na hospital po! Pakiusap, bilisan niyo!" halos umiiyak na sabi ni Kiara sa driver. Mabilis namang lumiko ang driver at agad na nagmaneho patungo sa pinakamalapit na hospital. Habang tumatakbo ang sasakyan sa kalsada, sunod-sunod na ang paghilab ng tiyan ni Kiara. Paikli nang paikli ang pagitan ng contraction niya at halos hindi na siya makahinga sa bawat paghilab ng tiyan niya. Nang makarating sila sa emergency entrance, sinalubong si Kiara ng mga nurse na agad siyang isinakay sa wheelchair. Ngunit nang tingnan ng doktor ang resulta ng unang pagsusuri, biglang nagbago ang ekspresyon nito. "Wait... bakit ganito ang heartbeat ng isa sa mga sanggol?" Napatingin ang lahat sa monitor. Unti-unting namutla si Kiara. Ano ang nakita ng doktor? Magiging ligtas kaya ang kambal niya?Bahagyang huminto si Kiara sa gitna ng malawak na pasilyo ng mall, saka siya dahan-dahang lumuhod para mapantayan ang kambal. Hinaplos niya ang pisngi ni Kairo na hanggang ngayon ay medyo nakasimangot pa rin dahil sa nangyari kanina."Oh, ang aking mga baby, mukhang napagod kayo sa pakikipag-away sa bad na lady kanina, ah?" malambing na biro ni Kiara na nagpasilay ng kaunting ngiti kay Kara. "Gutom na ba kayo? May nakain ba kayong snacks bago kayo pumunta rito?""Hindi pa po kami nag-snack, mommy," sagot ni Kara, habang hinahawakan ang kaniyang tiyan. ."Lunch lang po ang binigay ni daddy.""Ganoon ba?" Napatingala si Kiara kay Eiden na tahimik lang na nakatayo sa kaniyang likuran at tila isa itong guwardiya na walang kibo. Binalingan niya ulit ang mga bata. "Gusto niyo bang kumain sa Jollibee? Doon sa may tapat ng escalator, may malaking bubuyog doon, oh. Masarap ang chicken at spaghetti nila!"Napatigil sina Kairo at Kara. Magkasabay silang nagkatinginan bago sila ulit tumingin kay K
Mabilis na umiling si Eiden nang bahagya, isang matalim at babalang sulyap ang ipinadala niya sa manager na agad namang nakakuha ng signal."I-I mean... Sir! Ma'am!" mabilis na pagbawi ng manager habang hinarap nang may matinding galit ang sales lady. "Bakit mo binabastos ang mga VIP customers natin?! Ikaw ang walang karapatang magpalayas ng mga tao rito! Pumasok ka sa loob, sa back office ngayon din! Bukas na bukas din ay mag-asikaso ka na ng resignation letter mo!""P-Pero manager..." gulat at takot na sagot ng sales lady bago mabilis na tumakbo pabalik sa opisina dahil sa takot.Humarap ang manager kina Kiara at Eiden. Pilit siyang nagpapalusot habang pinapahid niya ang pawis sa kaniyang noo. "Pasensya na po talaga, ma'am, sir. Bago lang po ang empleyadong 'yon at hindi niya po alam ang tungkol sa aming napakalaking promo ngayon!"Mabilis na naglabas ang manager ng isang hiwalay na tray mula sa ilalim ng counter kung saan may dalawang simpleng platinum rings na may maliit ngunit na
Pagdating ng ala-una ng hapon, lulan ng isang lumang Toyota na hiniram muli ni Eiden sa kaniyang tauhan, nakarating sila sa tapat ng tinutuluyan ni Kiara. Kasalukuyang nasa backseat ang kambal, na parehong nakasuot ng simpleng damit ngunit hindi maitago ang labis na pananabik."Mommy!" sabay na sigaw ng dalawa nang bumukas ang pinto ng kotse. Sumakay si Kiara sa tabi ng driver's seat."Hello, my babies!" Lumingon agad si Kiara at isa-isang hinalikan ang pisngi ng kambal. "Namiss ko kayo! Kumain na ba kayo ng lunch?""Opo, mommy! Sabi po ni daddy, kailangan daw po naming mabusog para may energy kaming pumili ng ring mo!" masayang sagot ni Kara.Napatingin si Kiara kay Eiden na seryosong nakatitig sa manibela ngunit may kaunting pamumula sa dulo ng mga tainga nito. "Salamat, Eiden," nakangiting bulong niya."Trabaho ko 'yon," tuyong sagot ng bilyonaryo bago pinaandar ang sasakyan patungo sa mall.Pagdating sa Fierro Jewelry Boutique—na dahil sa sobrang kamadalian ng utos ni Eiden ay hin
Maagang nagising si Kiara sa araw ng kaniyang day-off. Matapos ang ilang araw na sunod-sunod na pambabastos at panggigipit ng kaniyang store manager sa mall, sa wakas ay makakahinga na siya nang maluwag. Ngunit hindi lang simpleng pahinga ang pakay niya ngayong araw—ito na ang pagkakataon para asikasuhin ang isa sa pinakamahalagang bahagi ng kanilang nalalapit na kasal: ang singsing.Kinuha ni Kiara ang kaniyang telepono at mabilis na hinanap ang pangalan ni Eiden na naka-save bilang 'Monster Daddy'. Pagkatapos ng tatlong ring, sumagot ang pamilyar, malalim, at walang kalatoy-latoy na boses ng lalaki."Oh, napatawag ka Kiara," masungit na bungad ni Eiden sa kabilang linya.Sa kabilang dako, si Eiden ay kasalukuyang nasa loob ng kaniyang marangyang penthouse office sa Fierro Estate Tower. Nakasuot siya ng kaniyang custom-tailored suit at pinapasadahan ng tingin ang isang bilyong pisong corporate contract habang si Lander ay seryosong nagrereport sa kaniyang harap. Nang tumunog ang kani
Sumapit ang alas-siyete ng gabi. Katatapos lang ng shift ni Kiara sa jewelry shop. Pagod man ang kaniyang katawan mula sa maghapong pag-aasikaso sa mga mapiling costumers ay mabilis pa rin niyang inayos ang kaniyang sling bag at nagmamadaling lumabas ng mall.Hawak ni Kiara ang kaniyang cellphone.
Kinabukasan, maagang nagising si Eiden. Hindi dahil sa kailangan niyang pumasok sa opisina para sa isang emergency meeting ng kumpanya, kung hindi dahil sa dalawang pares ng maliliit na kamay na kanina pang yugyog nang yugyog sa kaniyang braso habang siya ay natutulog."Daddy, gising na po! Sabi mo
Huminga nang malalim si Eiden upang ikalma ang nagwawala niyang emosyon. Tiningnan niya si Kara na pulang-pula na ang mukha sa kaiiyak."Sige. Sige, makinig kayong dalawa," pagsuko ni Eiden, dahilan para biglang matigilan ang kambal. "Papayag na ako. Tatawagan ko si Kiara at papapayagin ko siyang m
‘Akala ko ba, gold digger siya?’ sa isip-isip ni Eiden. Naging malikot ang kaniyang mga mata. Medyo nalilito na siya sa tunay na katauhan ng babae.Napatitig muli kay Kiara si Eiden. Ang kaniyang mga labi ay bahagyang nakaawang ngunit walang salitang lumalabas. Sa buong buhay niya bilang isang maka


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews