分享

Kabanata 4

作者: Docky
last update publish date: 2026-06-16 13:25:52

Pagod na sumandal si Eiden sa back seat ng kaniyang marangyang SUV habang tinatahak ang kahabaan ng kalsada mula sa paliparan. Kakalapag lang ng kanilang eroplano mula sa limang taong pananatili sa Amerika kung saan niya pansamantalang pinalaki ang kambal.

Sa tabi ni Eiden ay tahimik na naglalaro sa kani-kanilang iPad ang limang taong gulang na sina Kara at Kairo. Kambal sila, ngunit magkaibang-magkaiba ang kanilang ugali. Si Kara ay masunurin at malambing habang si Kairo naman ay may pagkasutil, matigas ang ulo, at tila nagmana sa malamig na awtoridad ni Eiden.

Nang dumaan ang sasakyan sa tapat ng isang sikat na public park ay biglang binitiwan ni Kara ang kaniyang tablet at dumikit sa bintana.

“Daddy, look! A playground! Please, can we stop by? Kahit saglit lang po!” pakiusap ni Kara habang kumukurap ang kaniyang malalaking mga mata. “Pretty please, daddy?”

“No, Kara. We need to go straight to the penthouse. Marami pang kailangang ayusin si daddy para sa paglipat natin dito sa Pilipinas,” malamig na sagot ni Eiden nang hindi man lang tumitingin sa labas.

“But daddy! Ang ganda ng swing doon oh! Sige na po, please?” hirit pa ng batang babae na halos maiyak na. 

“I said no—”

“Driver, stop the car. Bababa kami,” biglang utos ni Kairo sa driver gamit ang maliit ngunit seryoso niyang boses. Tumingin siya kay Eiden nang diretso. “If Kara wants to play, we play. Sabi mo, huwag kong papaiyakin ang kapatid ko. You’re not making any sense, daddy. Pinapaiyak mo ang sister ko.”

Napabuntong-hininga si Eiden. Ayaw niya ng gulo o eksena lalo na’t pagod siya sa biyahe at alam niyang kapag nag-tantrums ang kambal ay mas lalo lang sasakit ang ulo niya. Yumuko siya at hinarap ang driver.

“Ibaba mo ang bilis. Humanap ka ng mapaparadahan sa tabi ng park,” utos ni Eiden.

“Yes, Sir Eiden,” sagot ng driver.

Habang hinihintay na huminto nang tuluyan ang sasakyan, napansin ni Eiden na may hawak na nakatuping piraso ng papel si Kairo sa bulsa ng jacket nito. Kanina pa ito palihim na kinakalikot ng bata.

“Kairo, ano ’yang hawak mo?” untag ni Eiden. Nakataas ang isa niyang kilay.

Mabilis na itinago ni Kairo ang papel sa kaniyang likuran at saka mabilis na nag-iwas ng tingin. “Nothing, dad. Just a trash.”

“Trash? Papel na galing sa foreign flight natin? Iabot mo sa akin ’yan,” seryosong utos ni Eiden.

“No,” matigas na tugon ni Kairo. “It’s my property.”

Dahil sa hinala, hindi na nagdalawang-isip si Eiden. Mabilis niyang hinablot ang papel mula sa likod ng anak. Kahit bata ay nagprotesta si Kairo sa kaniya ngunit huli na. Binuklat na niya ang papel at kamangha-mangha ang nakasulat doon gamit ang makulay na krayola at magulong sulat-kamay ng bata:

WANTED: MOMMY 

Salary: 100,000 pesos per month

Nanlaki ang mga mata ni Eiden. Pakiramdam niya ay biglang umakyat ang lahat ng dugo niya sa ulo dahil sa matinding gulat at galit.

“Kairo!” Kulog ang boses ni Eiden sa loob ng sasakyan dahilan para mapatalon si Kara sa gulat. “What is the meaning of this?! Naghahanap ka ng aplikanteng nanay at nag-aalok ka ng sandaang libong piso bilang sahod? Saan mo kukunin ang perang ipapasahod mo rito, ha?!”

Hindi natakot si Kairo. Sa halip ay sumandal pa siya at nag-cross arms, eksaktong-eksakto sa posisyon ng kaniyang ama kapag nakikipag-negotiate ito sa negosyo.

“It’s just a problem that can be solved with money, dad,” walang pakundangang sagot ng limang taong gulang na bata. “You have a lot of money, right?”

“Hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa pera! At lalong hindi nabibili ang isang nanay!” galit na pangaral ni Eiden. Nanginginig na ang kaniyang panga dahil sa inis. “Sino ang nagturo sa iyong gumawa ng ganito?”

“Wala! Naalala ko lang na nasa thirties ka na pero hindi ka pa rin kasal. It's embarrassing!” sagot ni Kairo. “Inis na inis na ako, dad! Sa tuwing pumapasok kami sa school noon sa States, at kahit sa mga magiging kalaro namin ngayon, lagi nilang hinahanap si mommy. It’s so shameful to say na wala kaming mommy!”

Natigilan si Eiden. Hindi niya inaasahang doon manggagaling ang hugot ng anak.

“At saka,” patuloy ni Kairo, sumisinghot na sa inis. “Palaging may mga babaeng lumalapit sa atin, nagpapakabait, at gustong maging mommy namin dahil lang sa pera mo. We don’t like them! Kaya gumawa ako ng job hiring para kami naman ang pumili!”

Huminga nang malalim si Eiden para pakalmahin ang sarili, ngunit kailangan niyang disiplinahin ang anak. Ang ganitong pag-uugali ay hindi niya p'wedeng palagpasin. “Kahit na, Kairo. Mali pa rin ang ginawa mo. Dahil sa katigasan ng ulo mo at sa pagkuha ng pera nang walang paalam, you are grounded for the whole month. Walang allowance, walang gadgets, at walang bagong laruan.”

Tumingin si Kairo sa kaniyang ama, puno ng rebelyon ang mga mata niya. Sa tindi ng galit niya ay binitawan niya ang mga salitang hindi inaasahan ng kahit na sino.

“If you don’t give me a lot of money, then you’re not my father anymore!” sigaw ni Kairo.

Bago pa man makasagot si Eiden ay mabilis na binuksan ni Kairo ang pinto ng sasakyan na katatapos lang pumarada. Mabilis siyang tumakbo palabas patungo sa madilim na bahagi ng park.

“Kairo! Bumalik ka rito!” sigaw ni Eiden.

“Kairo, wait for me!” sigaw naman ni Kara na agad na sumunod at tumakbo rin palabas para habulin ang kaniyang kakambal.

Nang abutan ni Kara si Kairo ay nagkasundo sila.

“We need to find a mommy, now. I don't want to be called motherless anymore,” Kairo said bluntly.

"Yeah, me too. Kung ayaw ni daddy na maghanap ng mapapangasawa niya, p'wes tayong dalawa ang hahanap ng babaeng nararapat para sa kaniya. Sayang naman ang kaguwapuhan at lahi niya kung tatanda siyang walang asawa." Napahinto saglit si Kara. “Kaso, saan tayo hahanap ng mommy na mabait, maalaga, hindi mukhang pera at higit sa lahat, ay magmamahal sa atin kahit hindi niya tayo sariling dugo at laman?" 

“Wow. Ang lalim naman ng tagalog mo. Anyway, we will start…here and we are going to begin our search, now," maawtoridad na turan ni Kairo habang nagsisimula nang mag-ikot ang mga mata niya sa paligid.

Nahagip ng mga mata ni Kara si Kiara na ngayon ay nakaupo sa isang bench.

"Kairo, sa tingin ko ay may nakita na akong p'wede nating maging mommy,” nakangiting sabi ni Kara habang tumataas-taas pa ang mga kilay niya.

“Ang bilis mo namang maghanap. Sino ba ‘yang tinutukoy mong p'wede nating maging mommy, huh?"

Pinasadahan ni Kara ng kaniyang dila ang kaniyang labi bago niya itinuro ang kinaroroonan ng isang magandang babae. "Siya!”

Kumislap ang mga mata ni Kairo nang makita niya ang possible mommy candidate nila. “In fairness, magaling kang maghanap. Halika. Lapitan na natin siya," aya niya.

“Kairo, may problema tayo…”

"Ano ‘yon, Kara?”

Ngumuso si Kara para ituro ang paparating nilang ama at ang tauhan nito. 

Nagkatinginan ang kambal. “Daddy's coming!" sabay nilang sambit.

在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP

最新章節

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 61

    Tiningnan ni Eiden ang mukha ni Kiara na may kaunting pawis na sa noo dahil sa init ng palengke, pero nananatili pa ring maayos at tapat ang mga mata nito. Ang pader ng pagdududa sa puso niya ay tila unti-unting nayayanig muli.“Sige... pasensya na,” mahinang bawi ni Eiden, habang iniiwas niya ang kaniyang tingin. “Doon na tayo sa sinasabi mong puwesto mamili.”Ngumiti muli si Kiara, bagamat may kaunting bakas ng pag-aalala para sa kaniyang asawa. “Sige, dalian na natin para makauwi na tayo at makapagpahinga ka na.”Tahimik na naglakad ang dalawa patungo sa kabilang puwestong sinasabi ni Kiara. Buhat-buhat pa rin ni Eiden si Kairo na medyo sumasandal na sa kaniyang balikat dahil sa antok, habang si Kara naman ay nakakapit sa laylayan ng damit ni Kiara.Sa bawat hakbang ni Eiden sa masikip na pasilyo ng palengke, mas lalong nagtatalo ang kaniyang isipan. Ang lamig na pilit niyang ipinapakita kay Kiara ay unti-unting natutunaw ng labis na pagkamangha at sa totoo lang, kaunting hiya. Siy

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 60

    Mabigat pa rin ang loob ni Eiden habang minamaneho niya ang kotse patungo sa public market. Ang kaniyang kanang kamay ay nakahawak sa manibela habang ang kaliwa naman ay nakasandal sa may bintana. Panay ang sulyap niya sa rearview mirror kung nasaan ang kambal.“Bakit ko ba hinahayaan ang sarili kong pumunta sa ganitong lugar?” tanong ni Eiden sa sarili. Nasanay siya sa mga boardrooms kung saan kontrolado niya ang lahat, pero ang pagpapakasal kay Kiara ay unti-unting nagdadala sa kaniya sa mga sitwasyong hindi niya alam kung paano i-handle. May bahagi sa kaniya na gustong magtiwala sa pagiging praktikal ni Kiara, pero ang pagdududa na baka nagpapakitang-gilas lang ito dahil bago pa lang silang kasal ay pilit na bumabalik. “Titingnan natin kung hanggang kailan mo kayang magtiis sa ganitong buhay, Kiara,” malamig na sa loob-loob niya.Pagkababa nila sa parking area ng palengke, sinalubong agad sila ng ingay ng mga tricycle, busina ng mga jeep, at ang medyo kakaibang amoy ng pinaghalong

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 59

    Bandang alas singko ng hapon, habang nag-aayos ng huling batch ng mga alahas si Kiara sa glass counter, biglang nag-vibrate ang kaniyang cellphone sa bulsa. Nang makita niya ang pangalan ni Eiden, agad na sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi at mabilis niya itong sinagot.“Hello, Eiden? Pabalot na ako ng mga gamit ko, malapit na akong mag-out,” masiglang bati ni Kiara.“Out mo na ba? Susunduin kita,” maikli at direktang tanong ni Eiden.Napatigil nang bahagya si Kiara sa pag-aayos. Napansin niya ang biglang pagbabago sa mood ng lalaki. Sa totoo lang, simula nang magpakasal sila noong isang araw, ramdam niya na may mga sandaling parang urong-sulong ang tiwala sa kaniya ni Eiden. Parang may pader pa rin itong pinapanatili sa pagitan nilang dalawa at tila ba binabantayan nito ang bawat galaw niya.‘May problema kaya sa trabaho niya? O baka napagod lang siya sa pag-aalaga sa kambal?’ sa loob-loob ni Kiara. Ayaw niyang mag-isip ng masama, kaya pilit niyang pinasigla ang kaniyang boses.

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 58

    Napahilig si Eiden sa kaniyang swilvel chair. Hindi niya inaalis ang matatalas na mata sa monitor. Kahit na alam niyang kayang-kaya ni Kiara na dalhin ang sarili nito sa ganoong sitwasyon, ang makita ang isang lalaking tulad ni Clyde Tan na nagtatangkang pormahan ang kaniyang asawa ay nagpapakulo sa dugo niya. Muling kinuha ni Eiden ang kaniyang mobile phone at nag-type ng reply kay Enzo.Eiden: Huwag muna sa buong mall. Masyadong magiging kahina-hinala para kay Kiara kung bigla nating iba-ban ang isang investor. Pero gumawa ka ng paraan para umalis siya sa boutique ngayon din. At Enzo, sabihan mo si Manager Brenda na magdagdag ng panuntunan: bawal ang kahit sinong customer na lumapit nang lampas sa isang dipa sa mga sales associate.Enzo: Copy, Sir. Ako na po ang bahala.‘Pero bakit nga ba ako nakakaramdam nang ganito?’ tanong ni Eiden sa sarili niya. ‘Hindi ko naman siya gusto, hindi ba? I am just doing this because of my kids.’ Parang siraulong pagkukumbinsi ni Eiden sa sarili n

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 57

    Nang magsara ang pinto, muling naging tahimik ang dambuhalang silid. Lumakad si Eiden pabalik sa kaniyang leather chair at sumandal habang nakatitig siya sa nakabukas na laptop. Ngunit sa pagkakataong iyon, hindi ang mga graph ng sales report o ang mga multi-million dollar contracts ang nakakuha ng atensyon niya, kung hindi ang live security feed mula sa sikat na luxury boutique sa loob ng kaniyang mall.Sa screen, malinaw na nakikita si Kiara. Nakasuot ito ng uniporme ng boutique na lalong nagpa-elegante sa tindig nito. Masaya itong nakikipag-usap sa isang mayaman at may edad nang customer, abala sa pag-aayos ng mga mamahaling designer bags. Walang bakas ng pagod sa mukha nito, tanging ang dalisay at magaan nitong ngiti na siyang unang nakakuha sa atensyon ng mga anak niya at maging ng sarili niyang puso.Sariwa pa rin sa alaala ni Eiden ang naganap na simpleng kasal niya kay Kiara sa munisipyo noong isang araw. Walang engrandeng reception, walang mga kilalang negosyante, at walang m

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 56

    Kinaumagahan, maagang nagising si Kiara. Pakiramdam niya ay may bago ng enerhiya ang kaniyang buong katawan. Habang nagluluto siya ng agahan, napapasulyap siya sa simpleng pilak na singsing sa kaniyang daliri. Hindi pa rin siya makapaniwalang opisyal na siyang "Misis" ni Eiden.Pagkababa ni Eiden na karga si Kara habang nakasunod naman si Kairo na nagpapakaladkad ng mga paa, sinalubong sila ni Kiara ng isang matamis na ngiti.“O, gising na pala ang mga boss ko. Kumain na kayo rito. Maaga ang pasok ko ngayon sa boutique,” masiglang bati ni Kiara.“Mommy, aalis ka na naman po?” ung0t ni Kairo habang umaakyat sa upuan.“Sandali lang, baby. Papasok lang si mommy sa bagong work... I mean, doon pa rin pero mababait na ang mga kasama ni mommy roon,” paliwanag ni Kiara sabay halik sa pisngi ng anak. Tumingin siya kay Eiden. “Eiden, dadaan muna ako sa HR ng mall bago ako dumiretso sa shop para pormal na bawiin ang resignation ko, gaya ng sabi ni Attorney Ramos.”“Sige, ihatid ko na kayo ng kam

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 13

    ‘Akala ko ba, gold digger siya?’ sa isip-isip ni Eiden. Naging malikot ang kaniyang mga mata. Medyo nalilito na siya sa tunay na katauhan ng babae.Napatitig muli kay Kiara si Eiden. Ang kaniyang mga labi ay bahagyang nakaawang ngunit walang salitang lumalabas. Sa buong buhay niya bilang isang maka

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 8

    “Kairo, what the hell are you doing? Ibinubugaw mo ang sarili mong ama sa babaeng hindi mo naman lubusang kilala? Are you out of your mind? At saka, bakit ba hindi kayo nangongo-po sa akin ha?” may inis na turan ni Eiden ngunit hindi siya pinansin ng kaniyang anak.Mas lumapit pa si Kairo sa babae.

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 2

    “Dàmn it!” marahas na mura ni Eiden.Hindi makatulog si Eiden. Kanina pa siyang hindi mapakali sa kaniyang kama.“Why am I feeling this way? Bakit parang natatakot ako na kinakabahan? What the fúck is going on?" bulong ni Eiden habang nakatitig siya sa kisame ng penthouse ng Fierro Estate. May big

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 1

    “Hindi ba’t sinabi ko na sa iyo na dapat pagbalik ko ay pinalaglag mo na ang batang ‘yan!” galit na galit na sigaw ni Arturo nang makita niya ang anak na si Kiara o mas kilala sa tawag na Ara dahil nabuntis ito nang hindi nito alam kung sino ang ama ng dinadala nito. Siyam na buwan nang dinadala n

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status