Masuk
“Hindi ba’t sinabi ko na sa iyo na dapat pagbalik ko ay pinalaglag mo na ang batang ‘yan!” galit na galit na sigaw ni Arturo nang makita niya ang anak na si Kiara o mas kilala sa tawag na Ara dahil nabuntis ito nang hindi nito alam kung sino ang ama ng dinadala nito.
Siyam na buwan nang dinadala ni Kiara ang kambal sa kaniyang sinapupunan. Mabigat na ang kaniyang tiyan at hirap na siyang kumilos, ngunit mas mabigat pa rin ang sakit na dala ng mga taong dapat sana'y sumusuporta sa kaniya. Mula nang malaman ng kaniyang ama ang pagbubuntis niya, paulit-ulit itong nagpumilit na ipalaglag ang mga bata. "Hindi mo kaya ang responsibilidad na 'yan! Sinisira mo lang ang buhay mo!" galit na dagdag ni Arturo. Pabalik-balik siyang naglakad sa harapan ni Kiara. “Tang.ína! Dapat talaga ay isinama kita sa ibang bansa at do’n mo pinalaglag ang batang ‘yan. I trusted you, Kiara. Nagkamali ka na nga noong nabuntis ka. Dinagdagan mo pa nang piliin mong ipagpatuloy iyang lintík mong pagbubuntis!” Pero matatag si Kiara. "Hindi ko sila papatayin, Pa. Mga anak ko sila." Marahas na humarap si Arturo kay Kiara. “Naririnig mo ba ang sarili mo, ha? Kakagraduate mo lang sa kolehiyo. Ni wala ka pang napapatunayan sa buhay! Tapos ano? Mas pinili mong magbuntis nang ganito ka aga? Hindi ka man lang gumaya sa kapatid mong si Olga!” Napahawak si Kiara sa tiyan niya. Madalas siyang ikinukumpara sa stepsister niyang si Olga. Siya itong tunay na anak, pero mas anak ang turing ng tatay niyang si Arturo sa anak ng madrasta niya. At sa nakalipas na mga taon ay nasanay na siya roon. “Ano na lang ang sasabihin ng iba? Na pabaya akong ama? Na ang anak ko ay napaka-agang nagbuntis? Do you want to drag us to the mud, Kiara? Gusto mo ba talagang mapahiya ako?” Napalunok si Kiara. “Pero ayos lang po sa inyong ipalaglag ang pinagbubuntis ko para lang hindi madungisan ang pangalan niyo?” “Malamang sa malamang ay oo! Manang-mana ka nga sa ina mo. Tatanga-tanga! You should use your head, Kiara. Pinag-aral naman kita, binihisan, binigay lahat ng kapritso mo. Pero ito ang ipapalit mo sa akin? Ang isang kahihiyan?” Napahawak si Arturo sa dibdib niya. Naninikip ang dibdib niya sa galit. Tumulo ang luha ni Kiara. “Pa… ang pinagbubuntis ko ay mga apo niyo rin. Kadugo niyo sila. Hindi sila ibang tao—” “Shut the fuck up!” marahas na sigaw ni Arturo. “Get out! Pumasok ka sa kuwarto mo at ‘wag na ‘wag kang lalabas hangga’t hindi ko sinasabi!” Tumulo ang luha ni Kiara. Hindi niya akalaing magiging mas malupit ang ama niya sa kaniya. Akala niya kahit papaano ay lalambot ito at maiintindihan siya ngayong nagdadalang-tao siya, pero sadyang matigas ang puso ng ama niya pagdating sa kaniya. Na minsan napapaisip na siya, anak din kaya siya nito? Buong magdamag ay nagkulong lang si Kiara sa kuwarto niya. Dinadalhan lang siya ng pagkain ng mga katulong nila. Daig niya pa ang may nakakahawang sakit dahil ayaw siyang palabasin ng ama niya. Para siyang ibon na pinagdamutan ng kalayaan. Mabilis na lumipas ang araw, parang hangin lang si Kiara sa mansyon. Sa tuwing lumalabas siya ay iniiwasan siya ng amang si Arturo. Talagang ayaw siya nitong makausap at dalawang tao naman ang araw-araw na sinusubok ang pasensya niya–ang kaniyang stepmother na si Precy at ang anak nitong si Olga, ang step-sister niya. Araw-araw ng mga itong ginagawang impyerno ang buhay niya. Kahit anong pilit na pag-ignora niya ay inaaway siya ng mga ito. At kada minuto ay may bago silang paraan para iparamdam na hindi siya welcome sa bahay. "Ang dami-dami ng kinakain mo! Magtira ka naman sa mga kasama mo sa bahay. Anong akala mo, ikaw lang ang may sikmura?!" reklamo ni Olga habang kumakain sila. “Nagmumukha ka ng balyena.” Napabuntong-hininga si Kiara. Hindi na niya pinansin ang hilaw niyang kapatid. Itinuon na lang niya ang sarili sa pagkain dahil ito ang unang beses na hinayaan siya ng kaniyang ama na sumabay pagkain ng mga ito. Ngumiwi si Precy. “Naku! Noong nagbuntis ako ay hindi naman ako gan'yan katakaw at kapangit.” Ang stepmother naman ni Kiara na si Precy ay mas nakakairita. Mahilig itong mang-asar at manghamak sa kaniya. Hindi nagkakapagtaka na masama rin ang ugali ng anak nitong si Olga dahil hindi naman nalalayo ang bunga sa puno. "Uy, ingat ka. Baka sa kusina ka manganak," natatawang sabi ni Olga habang nakatingin sa malaking tiyan ni Kiara. Noong nakaraang araw ay ipinost pa ni Olga sa social media ang litrato ni Kiara nang hindi nagpapaalam. Tinakpan naman niya ang mukha nito pero alam ng mga kaibigan ni Kiara na siya iyon. "Living proof of bad decisions." Libo-libong tao ang nakakita ng post. Umiyak si Kiara nang gabing iyon. Pero kahit gaano kasakit ang mga salita nila, hindi niya kailanman pinagsisihan ang desisyong protektahan ang kaniyang mga anak. Pinabura lang ng ama ni Kiara ang litrato dahil ayaw nitong may makaalam na siya ang buntis at baka masira raw ang imahe ng pamilya nila. Sa araw-araw na lumipas ay nagtiis si Kiara dahil wala rin siyang mapupuntahan. Alam niyang ayaw rin ng ama niya na makita siya ng ibang tao. Ngunit dumating ang araw na tuluyan nang napuno si Kiara. Habang kumukuha siya ng juice sa kusina, narinig niyang muli ang usapan ng ama, stepmother, at stepsister niya sa may sala. "Hindi ko alam kung bakit hindi pa siya umaalis dito," sabi ni Olga. "Oo nga," sagot ni Precy. "Pagkapanganak niyan, mas lalo lang siyang magiging pabigat. Anong balak mo r’yan sa anak mong disgrasyada, Arturo? My God! Ayaw kong may makaalam na nabuntis siya ng walang nobyo o asawa. Nakakahiya sa mga amiga ko!" Tahimik na napaluha si Kiara. Bakit siya hahamakin ni Precy nang ganoon? Kung tulad niya ay isa rin itong single mother bago nito nakilala ang ama niya. Si Olga ay hindi anak ni Arturo, anak ito ni Precy sa ibang lalaki. Kaya anong karapatan nitong insultuhin siya? “Mommy is right, dad. Nakakahiya sa mga kaibigan ko kapag nalaman nilang buntis si Kiara at walang ama ang dinadala niya. Sobra-sobrang kahihiyan na ang dinulot niya sa pamilya natin. Can’t we just get rid of her?” maarteng wika ni Olga. “She’s still your sister, Olga. Hindi mo p'wedeng pagsalitaan ng gan'yan ang kapatid mo,” wika ni Arturo. Akala ni Kiara ay dumating na ang panahon na siya naman ang kakampihan ng ama niya. Halos lumabas sa dibdib niya ang puso niya sa sayang nararamdaman. “Ang kahihiyan ni Kiara ay kahihiyan din ng ating pamilya,” biglang dagdag ni Arturo na nagpawala ng sayang nararamdaman ni Kiara. “Kapag nanganak si Kiara ay ipapaampon ko ang anak niya. Hindi ako makakapayag na madungisan niya ang apeliyidong ilang taon kong pinaghirapang iangat. Kaya ikaw, Olga, anak, stop posting things about your sister. Alam mo namang tayo lang ang mapapahiya kapag patuloy mo siyang ipo-post sa social media. We don’t want everyone to know about her stupidity and foolishness.” Tuluyan nang tumulo ang luha ni Kiara. Akala niya ito na ang panahon na ipagtatanggol siya ng ama niya sa anak-anakan nito. Pero mali pala siya, isang malaking pagkakamali lang ang tingin ng ama niya sa kaniya. Hindi rin niya matanggap na nais ipaampon ng ama niya ang pinagbubuntis niya. Sarili nitong dugo at laman ang mga anak niya kaya bakit? Ang mga anak na lang niya ang mayroon siya kaya hindi siya papayag na ilalayo pa ito ng ama niya sa kaniya. Hindi niya hahayaang malayo sa kaniya ang mga anak niya. Hindi siya habang-buhay na maging sunod-sunuran sa ama niya. Agad ba tinawagan ni Kiara ang may-ari ng apartment na ilang linggo na niyang tinitingnan. May natitira pa siyang ipon. Hindi man marangya, sapat na iyon para makapagsimula silang tatlo ng panibagong buhay. Nang gabing iyon ay nag-impake si Kiara. Sinigurado niyang tulog na ang lahat saka siya nagpasyang umalis ng mansyon. Kapag nalaman ng ama niya na aalis siya ay siguradong ikukulong siya nito at baka tuluyan na nitong mailayo sa kaniya ang mga anak niya. Mabigat at masakit ang bawat hakbang ni Kiara, pero kasabay noon ang kakaibang pakiramdam ng kalayaan. Sumakay si Kiara ng taxi patungo sa kalsadang malapit sa kaniyang bagong apartment. Habang nasa biyahe, hindi niya maiwasang haplusin ang kaniyang tiyan. "Malapit na tayo," mahinang bulong ni Kiara sa kambal. Ngunit biglang nakaramdam ng matinding kirot si Kiara. Napahawak siya sa may upuan at kasunod noon ay may naramdaman siyang mainit na likidong dumaloy pababa sa kaniyang mga binti. Nanlaki ang mga mata ni Kiara. Naputol ang kaniyang paghinga nang mapagtanto niya ang nangyari. Pumutok na ang kaniyang panubigan! "Kuya, sa pinakamalapit na hospital po! Pakiusap, bilisan niyo!" halos umiiyak na sabi ni Kiara sa driver. Mabilis namang lumiko ang driver at agad na nagmaneho patungo sa pinakamalapit na hospital. Habang tumatakbo ang sasakyan sa kalsada, sunod-sunod na ang paghilab ng tiyan ni Kiara. Paikli nang paikli ang pagitan ng contraction niya at halos hindi na siya makahinga sa bawat paghilab ng tiyan niya. Nang makarating sila sa emergency entrance, sinalubong si Kiara ng mga nurse na agad siyang isinakay sa wheelchair. Ngunit nang tingnan ng doktor ang resulta ng unang pagsusuri, biglang nagbago ang ekspresyon nito. "Wait... bakit ganito ang heartbeat ng isa sa mga sanggol?" Napatingin ang lahat sa monitor. Unti-unting namutla si Kiara. Ano ang nakita ng doktor? Magiging ligtas kaya ang kambal niya?Nang sumunod na umaga, habang nakatayo si Eiden sa may hagdanan at nag-aayos ng kaniyang necktie bago pumasok sa opisina, dahan-dahang bumaba si Kiara mula sa ikalawang palapag. Mukhang handa na ito para sa araw, pero wala na rito ang dating pormal na kasuotan para sa trabaho.Lumingon si Kiara kay Eiden. Ang mga mata niya ay nanatiling walang emosyon, diretso at malamig ang titig. “Hindi na ako magtatrabaho sa Fierro Group, at wala na rin akong balak maghanap ng ibang trabaho,” walang kagatol-gatol na wika ni Kiara. “Tutal napakayaman mo naman pala at ikaw ang CEO, responsibilidad mong buhayin ako at ang mga bata. Ibibigay ko ang buong oras at buhay ko rito sa bahay at sa kambal, kaya ikaw ang magbibigay ng lahat ng kakailanganin namin.”Napatigil si Eiden sa pag-aayos ng kaniyang necktie. Sa halip na magalit o mag-alinlangan, isang ngiti ang dahan-dahang sumilay sa kaniyang mga labi. Wala man lang lumabas na kahit anong pagtutol sa kaniyang bibig. Natutuwa nga si Eiden dahil hind
Napalunok si Eiden. Wala na siyang pakialam kung magmukha siyang desperado o katawa-tawa pero hindi niya kayang mawala ang pangalawang tamang desisyon sa buhay niya, si Kiara. “Gagawin ko ang lahat para mapatawad mo lang ako. Isusuko ko ang posisyon ko sa kumpanya, lilipat tayo kahit saan mo gusto, susundin ko ang lahat ng conditions mo. Just give me a chance, Sweetie. Nais kong ipakita sa’yo ang pagmamahal ko, ang pagsisisi ko.”Sa wakas ay humarap si Kiara kay Eiden, pero ang mga mata niya ay napakalamig. Wala nang bakas ng dating lambing. “Mahiya ka sa mga bata,” malamig na wika ni Kiara. “'Wag kang gumawa ng eksena sa harapan ng mga bata o ipahalatang may hindi tayo pagkakaunawaan. Let’s keep it to ourselves. Hindi nila deserve na madamay sa gulo natin, Eiden.”Mabilis na tumayo si Eiden. Umaasa siyang may lalabas na magandang balita. “I-I am sorry. I-I couldn't think straight. H-Hindi ko na uulitin.” “Makinig ka sa akin dahil isang beses ko lang 'tong sasabihin,” diretsong
Nang makaalis si Donya Felomina, hindi pa nakakagalaw si Kiara sa kaniyang kinauupuan nang marinig ang mabilis na yabag ng maliliit na paa sa hagdan. “Mommy Kiara!” sabay na sigaw nina Kairo at Kara.Patakbong lumapit ang dalawang bata at agad na yumakap sa Mommy Kiara nila.Napapikit si Kiara habang nanginginig ang kaniyang mga balikat. Hindi niya napigilang yakapin din nang mahigpit ang dalawang bata habang inaasam-asam ang amoy at init ng mga ito. “Mommy, binalikan mo na po ba kami?” tanong ni Kara habang nakatingin sa kaniyang Mommy, may luha sa malalaking mata niya. “Sabi po ni Daddy galit ka raw po sa amin...” “Hindi, baby... Hindi ako galit sa inyo. Huwag niyong isipin 'yan,” mahinang sagot ni Kiara habang pinupunasan ang pisngi ni Kara. Lumapit din si Kairo at humawak sa kamay niya. “Mommy... mahal mo pa po ba kami ni Kara? Aalis ka po ba ulit? Iiwan mo na po ba kami kasi nagsinungaling kami sa’yo noon?”Tinitigan ni Kiara ang dalawang bata. Durog na durog ang puso niy
Ilang araw ang lumipas at nagpasya si Kiara na bumalik sa dating apartment nila ni Eiden. Ang dahilan niya sa kaniyang sarili ay may mga mahahalagang gamit at dokumento pa siyang naiwan doon. Pero sa kaibuturan ng puso niya, alam niyang naiisip niya lang talaga ang mga bata at ang simpleng buhay na binuo nila roon.Nang pumasok si Kiara sa pint0 gamit ang kaniyang ekstrang susi, laking gulat niya nang makita niyang nakakalat sa sala ang ilang mga laruan nina Kairo at Kara. Bago pa man siya makapagproseso, lumabas mula sa kusina ang isang eleganteng matandang babae na may dalang baso ng tubig — si Donya Felomina, ang ina ni Eiden. “Kiara...” mahinang bati ni Donya Felomina nang makita niya ito.“N-Nanay—I mean, Ma'am Felomina...” gulat at naiilang na wika ni Kiara. “Nandito po pala kayo? Nasaan po ang mga bata?”“Nasa taas sila sa kuwarto, naglalaro. Papatulugin ko dapat kanina pa pero ayaw pa raw nilang matulog at hinihintay ka nila,” sagot ni Donya Felomina habang itinuturo niya an
Sa loob ng dating silid ni Eiden sa mansyon ng mga Fierro, nakahiga lang siya sa malaking kama. Binalot ng kadiliman ang buong kuwarto dahil nakasara ang mga kurtina. Wala pa halos siyang tulog. Ni hindi pa rin siya kumakain, at wala siyang anumang ganang kumilos o bumangon. Nakatitig lang siya sa kisame, tulala at dinudurog ng matinding pagsisisi. Iyon ang naging cycle ni Eiden sa ilang araw na pamamalagi niya sa mansyon.Biglang dahan-dahang bumukas ang pinto ng silid. Pumasok sina Kairo at Kara, dala-dala ang kanilang mga laruan. Nang makita nilang nakahiga pa rin ang kanilang ama kahit tanghaling-tapat na, agad na tumakbo ang dalawang bata patungo sa kama at umakyat sa gilid ni Eiden. “Daddy! Bangon na po riyan!” pagpupumilit ni Kara habang kinakalabit at hinihila ang braso ng kaniyang ama.n“Uwi na po tayo sa bahay natin!” “Oo nga po, Daddy,” dagdag ni Kairo na nakatayo sa ibabaw ng kama.n“Nakahanda na po 'yong mga bag natin. Gusto na po naming makita at makasama si Mommy Kiar
Kinabukasan, pagkamulat pa lang ng mga mata ni Kiara sa maliit na silid ng apartment ni Anna, agad na bumuhos ang kaniyang mga luha. Nasanay siyang tuwing umaga ay ginigising niya ang mga bata o 'di kaya ay sila ang gumigising sa kaniya. Namimiss niya ang mga tawa ng kambal habang nag-aagawan sa almusal, at ang malalambing nilang boses na tumatawag sa kaniya ng "Mommy."Napayakap si Kiara sa kaniyang mga tuhod habang pilit na ginagapang ng matinding pangungulila ang kaniyang dibdib. Miss na miss na niya ang mga bata. Kahit kailan ay hindi niya inisip na iba sila sa kaniya. Anak ang trato niya sa mga ito. “Kiara...” Mabilis na pumasok si Anna sa silid dala ang isang tasang mainit na kape nang marinig niya ang patagong hikbi ng kaniyang kaibigan. Agad siyang tumabi sa kama matapos niyang ipatong sa ibabaw ng bedside drawer ang tasa, pagkatapos ay hinawakan niya ang balikat ni Kiara.“Miss na miss ko na ang mga bata, Anna...” basag na basag ang boses na usal ni Kiara habang nakasandal
Mabilis na bumukas ang pinto ng sasakyan at nagmamadaling bumaba si Eiden. Agad na nag-unahan ang kaba at galit sa kaniyang dibdib habang pinagmamasdan niya ang mabilis na pagtakbo ng kambal patungo sa madilim at mataong bahagi ng parke.“Kairo! Kara! Bumalik kayo rito!” sigaw ni Eiden, ngunit tila
Pagod na sumandal si Eiden sa back seat ng kaniyang marangyang SUV habang tinatahak ang kahabaan ng kalsada mula sa paliparan. Kakalapag lang ng kanilang eroplano mula sa limang taong pananatili sa Amerika kung saan niya pansamantalang pinalaki ang kambal.Sa tabi ni Eiden ay tahimik na naglalaro s
“Kaya mo 'to, Kiara. Para sa promosyon at mas mataas na sahod!” bulong ni Kiara sa kaniyang sarili habang nakatingin siya sa mataas na gusali kung saan siya nagtatrabaho. Bumuntong hininga muna siya bago siya naglakad papasok ng mall.Makalipas ang limang taon ay walang ibang ginawa si Kiara kung h
“Dàmn it!” marahas na mura ni Eiden.Hindi makatulog si Eiden. Kanina pa siyang hindi mapakali sa kaniyang kama.“Why am I feeling this way? Bakit parang natatakot ako na kinakabahan? What the fúck is going on?" bulong ni Eiden habang nakatitig siya sa kisame ng penthouse ng Fierro Estate. May big







