"M-Mga a-anak mo?""Oo! Ako ang ama nila!" mariing sagot ni Eiden, habang pinipilit na huminga nang malalim para pakalmahin ang nagngangalit niyang dibdib. "Kairo, Kara, lumapit kayo kay daddy ngayon din. Ano ba itong ginagawa niyo? Bakit kayo tumakbo palabas ng sasakyan?""Ayaw po namin!" sigaw ni Kairo mula sa likod ni Kiara. Matapang niyang hinarap ang kaniyang ama. "Palagi ka na lang wala! Puro ka na lang trabaho! Sabi mo, isasama mo kami sa amusement park noon, pero ‘di nangyari. Kagaya ngayon, gusto ni Kiara na maglaro rito sa park pero umayaw ka agad. You’re so busy that you forgot to spend some time with us. Tapos ngayon, ibabalik mo na naman kami sa mansyon kasama ang mga yaya at bodyguards?""Kairo, business 'yon. Intindihin niyo naman si daddy," medyo bumaba ang tono ni Eiden, ngunit naroon pa rin ang awtoridad sa kaniyang boses. "We are living this way because of our business. We maintain this kind of lifestyle be—" "Hinding-hindi ka namin maiintindihan!" umiiyak na ring
Magbasa pa