เข้าสู่ระบบNanatili ang mga mata ni Kiara sa pagkain niya. Hindi niya pinansin si Olga, wala siyang balak patulan ito. Dahil kapag pinatulan niya ito ay mas lalaki lang ang gulo, at hindi siya titigilan ni Olga. Ayaw niya ring magkaroon ng issue, lalo pa’t baguhan pa lamang siya. Tinapik ni Olga ang balikat ni Kiara. “Hey! I am talking to you. Bakit ka ba nagtatrabaho rito? Hindi ba, isa ka lang sales agent? Anong ginagawa mo rito? Sumagot ka nga!” Nanatili namang tikom ang bibig ni Kiara. Kalmado niyang isinubo ang pagkain at nagkunwaring walang naririnig na langaw na umuugong sa tabi niya. Dahil sa patuloy na pang-iisnab ni Kiara, lalong nag-apoy sa galit ang mukha ni Olga. Pakiramdam niya ay napahiya siya nang husto dahil hindi man lang siya tinapunan ng tingin ng stepsister niya.“Aba, talaga namang napakayabang mo na ngayon, ano?” asik ni Olga. Pilit niyang ibinababa ang kaniyang boses para hindi sila marinig ng ibang tao sa silid na iyon. “Huwag kang umakto na parang kung sino ka, Kiar
Mabilis ang naging byahe ni Kiara at eksaktong alas-siete y medya nang makarating siya sa Fierro Group of Companies. Huminga siya nang malalim habang tinitingnan niya ang naglalakihang glass wall ng building. Hindi niya akalaing darating ang araw na mapupursue niya ang pangarap niyang makapasok sa isa sa mga giant companies sa larangan ng pagnenegosyo. Hindi man mataas ang posisyon niya, pero isa pa ring iyong katuparan para sa kaniya lalo na at nasa puder siya ng mga Fierro.Pagpasok ni Kiara sa lobby, dumiretso siya sa front desk at agad naman siyang ginabayan ng receptionist patungo sa 15th floor kung nasaan ang Design Team.Pagbaba ni Kiara ng elevator, sinalubong siya ng isang babaeng naka-corporate attire na may hawak na tablet. “Hi! Ikaw ba si Ms. Kiara? Ako si Jessa, ang team leader mo rito. Welcome sa Fierro Group of Companies!”“Opo, ako nga po. Good morning po,” nakangiting bati ni Kiara habang nakikipagkamay.“Halika, ipapakita ko sa iyo ang workstation mo at ipapakilala
Tumingin muna si Eiden kay Kiara na kasalukuyang nakataas ang isang kilay at naghihintay ng sagot niya. “Of course, uubusin ni Daddy. Kaya dapat ubusin niyo rin ang sa inyo.”“Very good! O, s’ya, maupo na kayo sa silya nang makakain na tayong lahat,” wika ni Kiara sabay palakpak. Natuwa naman ang mga bata at agad nang naupo sa mesa. Mabilis na inihanda ni Kiara ang almusal nila at sabay-sabay silang kumain. Masaya ang naging takbo ng kwentuhan, isang eksena na matagal nang pinapangarap ni Kiara na mangyari. Sa napakahabang panahon ay madalas siyang kumain ng mag-isa, at ngayon ay may kasabay na siyang kumain araw-araw. Matapos kumain, mabilis na pumasok sa banyo si Kiara para maligo at mag-ayos. Nagsuot siya ng isang simpleng business casual outfit…blazer, white top, at slacks…na bagay na bagay sa kaniya. Pagkababa niya sa sala, dala na niya ang kaniyang bag at handang-handa na siya para sa unang araw niya sa FGC.Tiningnan ni Eiden si Kiara mula ulo hanggang paa, at hindi niya napi
Unang araw ngayon ni Kiara sa trabaho. Halos hindi siya makatulog sa sobrang excitement. Kahapon ay nagkaroon sila ng salo-salo magpapamilya. At tuluyan na nga niyang nakalimutan ang inis na nararamdaman niya sa kaniyang asawa. Naging maayos nga ang pakikitungo niya kay Eiden kagabi. Hindi naman si Kiara ang tipong ng tao na mahilig magtanim ng sama ng loob, maliban na nga lang sa tatlong tao na isinusumpa niyang hindi niya mapapatawad. Mabilis siyang umunawa at magpatawad. Ngayong mag-asawa na sila ni Eiden, kailangan niya ring umunawa at magpatawad. Hindi man tipikal ang relasyon nila, ngunit bilang mag-asawa ay kailangan nilang piliing umintindi. Hindi lang para sa kanila, kung hindi para na rin sa mga bata.Kasalukuyang nagluluto si Kiara para sa agahan nila, at pati na rin sa babaunin nilang magpapamilya. Nais niyang maranasan man lang na ipaghanda ang pamilya niya para sa babaunin nila. Lalo pa’t hindi niya naranasan ng matagal ang pag-aalaga ng isang ina. Lumaki siyang uhaw sa
Sa first floor ng bar… Kausap ni Kiara si Clara, at nakatalikod ito sa may hagdan kaya hindi niya nakikita ang mga taong bumababa mula sa second floor. “Relax ka lang,” biro ni Clara nang mapansin na tense na tense si Kiara. “Wala ka na namang masyadong gagawin na kung hindi maghintay pa sa susunod na order ng mga customers. Ang pager na ibinigay ko sa iyo ay tutunog kapag may iuutos na naman sila sa iyo. Konektado ‘yon sa buzzer na naroon sa presidential room. Madalas naman ay wala na silang masyadong utos kaya makakapagrelax ka pa.” “S-Sige,” tugon ni Kiara. Sa katunayan ay hindi naman iyon ang iniisip niya. Kinakabahan siya sa magiging usapan nila ni Eiden mamaya lalo pa at pansin niya ang inis sa mukha nito kanina. Mukhang hindi nito nagustuhan ang mga sinabi niya kanina. “Isa pa, malaki mag-tip ‘yan si Mr. Ranollo. Hindi ko pa siya matatawag na regular customer dito, pero sa mga pagkakataong pumupunta siya rito ay malaki ang iniiwan niyang tip sa mga nagseserve sa kaniya.” Hu
Pinagmasdan ni Eiden ang papalayong pigura ni Kiara. Nang tuluyan nang mawala sa paningin niya ang kaniyang asawa ay napabuntong hininga siya. Aminado siyang nasaktan siya na nais tumulong ni Kiara sa mga gastusin. Kahit na isang araw pa lamang itong walang trabaho ay naghanap na agad ito ng paraan para makahanap ng part time job. Pero iyon din naman ang nais niya ngunit bakit dismayado siya at nasasaktan? Mabilis na pumasok si Eiden pabalik sa loob ng VIP room at isinara ang pinto.“Mr. Fierro, ayos lang ba kayo?” tanong ni Mr. Ranollo pagka-upo pa lang ni Eiden.Kanina pa napapansin ni Vince ang kakaibang ikinikilos at tensyon sa mukha ng bilyonaryo simula nang makita nito ang babaeng server. Sa halip na sagutin ang tanong ay dire-diretsong naglakad si Eiden papalapit sa mesa at marahas na naupo sa kaniyang silya.“P’wede bang huwag ninyo akong tawaging ‘Mr. Fierro’ ngayong gabi…lalo na sa harapan ng babaeng iyon?” mariing bulong ni Eiden.“Bakit? Magkakilala ba kayo ng server na
“Kaya mo 'to, Kiara. Para sa promosyon at mas mataas na sahod!” bulong ni Kiara sa kaniyang sarili habang nakatingin siya sa mataas na gusali kung saan siya nagtatrabaho. Bumuntong hininga muna siya bago siya naglakad papasok ng mall.Makalipas ang limang taon ay walang ibang ginawa si Kiara kung h
“Dàmn it!” marahas na mura ni Eiden.Hindi makatulog si Eiden. Kanina pa siyang hindi mapakali sa kaniyang kama.“Why am I feeling this way? Bakit parang natatakot ako na kinakabahan? What the fúck is going on?" bulong ni Eiden habang nakatitig siya sa kisame ng penthouse ng Fierro Estate. May big
“Hindi ba’t sinabi ko na sa iyo na dapat pagbalik ko ay pinalaglag mo na ang batang ‘yan!” galit na galit na sigaw ni Arturo nang makita niya ang anak na si Kiara o mas kilala sa tawag na Ara dahil nabuntis ito nang hindi nito alam kung sino ang ama ng dinadala nito. Siyam na buwan nang dinadala n
‘Akala ko ba, gold digger siya?’ sa isip-isip ni Eiden. Naging malikot ang kaniyang mga mata. Medyo nalilito na siya sa tunay na katauhan ng babae.Napatitig muli kay Kiara si Eiden. Ang kaniyang mga labi ay bahagyang nakaawang ngunit walang salitang lumalabas. Sa buong buhay niya bilang isang maka







