LOGIN“Kaya mo 'to, Kiara. Para sa promosyon at mas mataas na sahod!” bulong ni Kiara sa kaniyang sarili habang nakatingin siya sa mataas na gusali kung saan siya nagtatrabaho. Bumuntong hininga muna siya bago siya naglakad papasok ng mall.
Makalipas ang limang taon ay walang ibang ginawa si Kiara kung hindi ang magpakasubsob sa trabaho. Nagbago ang takbo ng buhay niya at tuluyan na niyang kinalimutan ang pamilya niya. Namuhay siya ng mag-isa sa loob ng maraming taon habang dala-dala niya ang sakit nang pagkamatay ng mga anak niya. Malinaw pa rin sa ala-ala niya ang oras na iyon at hindi niya mapigilang maluha kapag sumasagi iyon sa kaniyang isip. “Miss Kiara Tatlonghari…” Ngumiti si Kiara sa doktor sa kabila ng sakit na kaniyang nararamdaman. Hindi pa lubusang nakakarekober ang kaniyang katawan mula sa operasyon. "Nasaan ang mga anak ko?” tanong niya habang lumilinga sa paligid. Ang kaniyang mga mata ay puno ng kasiyahan at pag-asa subalit hindi nagtagal ang ganoong pakiramdam. "I'm sorry, Miss Kiara. Nagkaroon po ng matinding kumplikasyon ang kambal at hindi po nila kinaya ang gamutan kaya…” Tuluyan nang tumulo ang mga luha ni Kiara. Hindi maganda ang kutob niya. Sobrang bigat ng pakiramdam niya na para bang sasabog na siya sa sobrang kalungkutang biglang bumalot sa kaniyang sistema. Umiling si Kiara. “Please, don't tell me…” "They didn't make it. I'm sorry po pero namatay po ang mga anak niyo. Nakikiramay po ako at ang buong hospital sa inyo,” nakayukong anunsyo ng doktor bago tuluyang umalis ng maternity ward. “Hindi…Hindi maaari. Buhay ang mga anak ko! Ibigay niyo sila sa akin! Bu…Buhay ang kambal ko!" sigaw ni Kiara habang rumaragasa ang mga luha sa kaniyang mga mata. Isang bulyaw ng babaeng nakabangga niya sa loob ng mall ang nagpabalik sa wisyo ni Kiara. Agad niyang pinahid ang kaniyang mga luha nang maalala niya ang pinakamasakit na tagpo na naranasan niya sa buong buhay niya. “Pasensya na po, ma’am.” "Tumingin kasi sa dinadaanan.” Nagpatuloy sa paglalakad si Kiara hanggang sa makarating siya sa mismong shop na pinagtatrabahuhan niya. Sa ngayon, siya ay isa ng independent woman at nagtatrabaho bilang Jewelry Sales Consultant sa isang sikat at marangyang shop sa mall. Dahil sa kaniyang sipag at natural na galing sa pagpapadulas ng mga salita sa mga mayamang kliyente ay consistent siyang Top Sales Consultant kada buwan. Halos sa kaniya na umiikot ang malaking kita ng branch. “I'm ready to be promoted! Here I come!" masiglang sabi ni Kiara bago siya kumatok sa pinto. Bitbit niya ang isang folder kung saan nakatala ang kaniyang sales reports sa nakalipas na dalawang quarter. “Come in," boses ng Store Manager na si Freddy. Kailangan ni Kiara ng dagdag na kita. Lumalaki na ang mga gastusin niya at kahit wala sa piling niya ang kaniyang mga anak ay buwan-buwan siyang nag-do-donate sa isang orphanage kung saan maraming bata ang naroon. At ang mga batang iyon ang tumulong sa kaniya para makalimot sa masalimuot na bahagi ng buhay niya. Itinulak ni Kiara ang pinto at saka ngumiti nang propesyonal. “Good afternoon, Sir Freddy. May ilang minuto ka ba? Gusto ko lang sanang i-discuss sa'yo ang sales performance ko.” Umayos ng upo si Freddy, isang lalaking nasa late 40’s na may katabaan at palaging malagkit kung tumingin sa mga kababaihan. Nang makita niya si Kiara ay biglang nagbago ang ekspresyon niya at ngumiti nang malawak. Masyadong malawak na naging dahilan para makaramdam agad ito ng kaunting kaba at pagka-ilang. “Oh, Kiara! Ang paborito kong Top Sales Consultant. Siyempre naman, para sa’yo ay lagi akong may oras,” masayang tugon ni Freddy sabay turo sa upuan sa harap ng desk niya. “Maupo ka. Ano ba 'yan?” Inilapag ni Kiara ang folder at binuklat ito. “Gusto ko lang sanang ipakita sa'yo ang consistent growth ng sales ko sa nakaraang anim na buwan. Kung mapapansin mo, sir, nalagpasan ko ng halos 40% ang quota ko ngayong quarter. Dahil dito, gusto ko sanang mag-request. Baka naman p'wedeng mai-suggest mo sa management… sa itaas ang incentives ko? At kung may opening para sa Store Supervisor o mas mataas na posisyon ay baka p'wede mo akong irekomenda para sa promotion.” Sumandal si Freddy sa kaniyang upuan. Pinaglalaruan niya ang isang mamahaling ballpen habang ang mga mata niya ay bumaba sa mukha at leeg ni Kiara, imbes na sa hawak nitong report. “Alam mo, Kiara, alam ko namang magaling ka. Grabe ang hatak mo sa mga VIP clients natin.” Malambing ang tono ng boses ni Freddy na tila nagpapatamis. “Pero mahirap kausapin ang HR at ang upper management pagdating sa pagpapataas ng incentives at lalo na pagdating sa promotion. Maraming proseso at maraming approvals na kailangang pagdaanan.” Naramdaman ni Kiara ang bigat sa dibdib niya ngunit pilit pa rin siyang nakiusap. “Kahit recommendation lang po mula sa’yo, sir. Malaking tulong na kasi 'yon. Kaya sana kung maaari ay tulungan niyo ako. Pinapangako ko pong mas gagalingan ko pa at mas dodoblehin ko pa ang sales ko sa mga susunod na mga buwan!” Biglang tumayo si Freddy at umikot sa likod ng desk niya. Huminto siya sa mismong tabi ng upuan ni Kiara. Masyado na siyang malapit na halos maamoy na nito ang matapang niyang pabango. Pumatong ang kamay niya sa likod ng sandalan ng upuan niya. Awtomatikong napaatras ng kaunti si Kiara. Pilit niyang pinapakalma ang sarili kahit na diring-diri na siya sa presensya ng lalaki. Kung hindi niya lang ito boss ay baka nasuntok na niya ang mukha nito. “Actually, may mas madaling paraan naman, Kiara,” bulong ni Freddy habang bahagya niyang hinawakan ang dulo ng buhok ng dalaga. “Bakit ka ba nagpapakahirap magbenta araw-araw? Isang salita ko lang naman sa may-ari, bukas na bukas supervisor ka na. Doble pa ang incentives mo.” Nilingon ni Kiara ang boss niya, pinapanatili niya ang pormal na mukha. “Ano pong ibig ninyong sabihin, sir?” Tumaas ng kaunti ang kilay niya. Ngumiti nang nakakaloko si Freddy at lalo niyang inilapit ang kaniyang mukha kay Kiara. “Simple lang naman. Mag-date tayo, seryosohin mo ako, at pagkatapos ay pakasalan mo ako. Kapag naging akin ka na, hindi mo na kailangang mamroblema sa pera o sa posisyon dito sa shop. Ako na ang bahala sa lahat ng kapritso mo. Magiging buhay reyna ka KUNG papakasalan mo ako.” Halos masuka si Kiara sa narinig. Asawa? Pakasalan? Alam ng buong staff na may pagka-babaero si Freddy at mahilig itong mambiktima ng mga baguhang sales lady. Ngunit hindi niya akalaing pati siya ay lalandiin nito nang ganito kadirekta, gamit pa ang kaniyang pangarap na promosyon bilang pain. Nangilabot siya sa ideyang hahawakan o hahalikan siya ng lalaki. Mabilis na tumayo si Kiara mula sa upuan para lumayo ng ilang hakbang kay Freddy. Kinuha niya ang kaniyang folder at niyakap ito sa kaniyang dibdib bilang proteksyon. “Sir Freddy, respeto naman po.” Mariin ngunit kontroladong seryoso ang boses ni Kiara. Ayaw niyang magmukhang masama kahit na siya na nga itong binabastos. “Nandito ako para pag-usapan ang trabaho ko, hindi ang personal kong buhay. Kung ang kondisyon para sa promosyon ko ay ang pakasalan ka, huwag na lang po. Kaya kong makuha 'yon gamit ang sarili kong diskarte at pagod.” Nawala ang ngiti sa mukha ni Freddy, napalitan iyon ng inis dahil sa tahasang pagtanggi ni Kiara sa alok niya. Bihira siyang mahindian ng mga empleyado niya. “Talaga lang, Kiara? Ang taas din ng pride mo, 'no?” may halong banta sa tono ni Freddy habang naka-cross arms siya. “Tandaan mo, ako ang manager mo rito. Isang masamang report ko lang sa management tungkol sa attitude mo, p’wedeng-p’wede kitang tanggalan ng mga VIP clients. Tingnan natin kung maging Top Sales Consultant ka pa. O kaya maaari kang tuluyang mawala sa trabahong ito.” Nasaktan si Kiara ngunit mas nangibabaw ang galit sa kaniyang systema. Tinitigan niya nang diretso sa mata ang kaniyang manager. “Gawin mo ang gusto mo, sir. Pero hinding-hindi ko ibebenta ang sarili ko para lang sa trabahong ito,” matapang na sagot ni Kiara. “Isa pa… may asawa na rin po akong tao. Ayaw ko pong sirain ang tiwala ng asawa ko sa akin. Loyal po ako, at mahal na mahal ko rin ang asawa ko,” pagsisinungaling niya. “Talaga? Kasal ka na? Kung gano'n, ipakilala mo sa akin kung sino ang maswerteng lalaking iyon dahil kung hindi, tatanggalin kita sa trabaho mo," nakangiting sambit ni Freddy. Sa pagkakaalam niya ay single pa si Kiara kaya malabo nitong mapatunayan ang sinasabi nito. "Sige pero kapag napatunayan kong kasal na ako ay ibibigay mo ang nais ko–promosyon at karagdagang insentibo at kita,” hamon ni Kiara. "Deal, Miss Tatlonghari.” Ngumiti lang si Kiara at saka mabilis na tumalikod para lumabas ng opisina. Pagkasara ng pinto, huminga siya nang malalim para pigilan ang panginginig ng kaniyang mga kamay. Puno siya ng takot na baka nga harangin ni Freddy ang kaniyang career, pero alam niya sa sarili niya na hinding-hindi siya magpapasupil sa mga katulad nito. Limang taon na ang nakalipas mula nang huli siyang nagpaapi at hindi na niya hahayaang mangyari ulit 'yon ngayon. "Now, I need to find a husband for rent?” Nanlambot bigla ang mga tuhod ni Kiara. "Saan naman kaya ako makakakita ng lalaking papayag na magpanggap bilang asawa ko?"Nanatili ang mga mata ni Kiara sa pagkain niya. Hindi niya pinansin si Olga, wala siyang balak patulan ito. Dahil kapag pinatulan niya ito ay mas lalaki lang ang gulo, at hindi siya titigilan ni Olga. Ayaw niya ring magkaroon ng issue, lalo pa’t baguhan pa lamang siya. Tinapik ni Olga ang balikat ni Kiara. “Hey! I am talking to you. Bakit ka ba nagtatrabaho rito? Hindi ba, isa ka lang sales agent? Anong ginagawa mo rito? Sumagot ka nga!” Nanatili namang tikom ang bibig ni Kiara. Kalmado niyang isinubo ang pagkain at nagkunwaring walang naririnig na langaw na umuugong sa tabi niya. Dahil sa patuloy na pang-iisnab ni Kiara, lalong nag-apoy sa galit ang mukha ni Olga. Pakiramdam niya ay napahiya siya nang husto dahil hindi man lang siya tinapunan ng tingin ng stepsister niya.“Aba, talaga namang napakayabang mo na ngayon, ano?” asik ni Olga. Pilit niyang ibinababa ang kaniyang boses para hindi sila marinig ng ibang tao sa silid na iyon. “Huwag kang umakto na parang kung sino ka, Kiar
Mabilis ang naging byahe ni Kiara at eksaktong alas-siete y medya nang makarating siya sa Fierro Group of Companies. Huminga siya nang malalim habang tinitingnan niya ang naglalakihang glass wall ng building. Hindi niya akalaing darating ang araw na mapupursue niya ang pangarap niyang makapasok sa isa sa mga giant companies sa larangan ng pagnenegosyo. Hindi man mataas ang posisyon niya, pero isa pa ring iyong katuparan para sa kaniya lalo na at nasa puder siya ng mga Fierro.Pagpasok ni Kiara sa lobby, dumiretso siya sa front desk at agad naman siyang ginabayan ng receptionist patungo sa 15th floor kung nasaan ang Design Team.Pagbaba ni Kiara ng elevator, sinalubong siya ng isang babaeng naka-corporate attire na may hawak na tablet. “Hi! Ikaw ba si Ms. Kiara? Ako si Jessa, ang team leader mo rito. Welcome sa Fierro Group of Companies!”“Opo, ako nga po. Good morning po,” nakangiting bati ni Kiara habang nakikipagkamay.“Halika, ipapakita ko sa iyo ang workstation mo at ipapakilala
Tumingin muna si Eiden kay Kiara na kasalukuyang nakataas ang isang kilay at naghihintay ng sagot niya. “Of course, uubusin ni Daddy. Kaya dapat ubusin niyo rin ang sa inyo.”“Very good! O, s’ya, maupo na kayo sa silya nang makakain na tayong lahat,” wika ni Kiara sabay palakpak. Natuwa naman ang mga bata at agad nang naupo sa mesa. Mabilis na inihanda ni Kiara ang almusal nila at sabay-sabay silang kumain. Masaya ang naging takbo ng kwentuhan, isang eksena na matagal nang pinapangarap ni Kiara na mangyari. Sa napakahabang panahon ay madalas siyang kumain ng mag-isa, at ngayon ay may kasabay na siyang kumain araw-araw. Matapos kumain, mabilis na pumasok sa banyo si Kiara para maligo at mag-ayos. Nagsuot siya ng isang simpleng business casual outfit…blazer, white top, at slacks…na bagay na bagay sa kaniya. Pagkababa niya sa sala, dala na niya ang kaniyang bag at handang-handa na siya para sa unang araw niya sa FGC.Tiningnan ni Eiden si Kiara mula ulo hanggang paa, at hindi niya napi
Unang araw ngayon ni Kiara sa trabaho. Halos hindi siya makatulog sa sobrang excitement. Kahapon ay nagkaroon sila ng salo-salo magpapamilya. At tuluyan na nga niyang nakalimutan ang inis na nararamdaman niya sa kaniyang asawa. Naging maayos nga ang pakikitungo niya kay Eiden kagabi. Hindi naman si Kiara ang tipong ng tao na mahilig magtanim ng sama ng loob, maliban na nga lang sa tatlong tao na isinusumpa niyang hindi niya mapapatawad. Mabilis siyang umunawa at magpatawad. Ngayong mag-asawa na sila ni Eiden, kailangan niya ring umunawa at magpatawad. Hindi man tipikal ang relasyon nila, ngunit bilang mag-asawa ay kailangan nilang piliing umintindi. Hindi lang para sa kanila, kung hindi para na rin sa mga bata.Kasalukuyang nagluluto si Kiara para sa agahan nila, at pati na rin sa babaunin nilang magpapamilya. Nais niyang maranasan man lang na ipaghanda ang pamilya niya para sa babaunin nila. Lalo pa’t hindi niya naranasan ng matagal ang pag-aalaga ng isang ina. Lumaki siyang uhaw sa
Sa first floor ng bar… Kausap ni Kiara si Clara, at nakatalikod ito sa may hagdan kaya hindi niya nakikita ang mga taong bumababa mula sa second floor. “Relax ka lang,” biro ni Clara nang mapansin na tense na tense si Kiara. “Wala ka na namang masyadong gagawin na kung hindi maghintay pa sa susunod na order ng mga customers. Ang pager na ibinigay ko sa iyo ay tutunog kapag may iuutos na naman sila sa iyo. Konektado ‘yon sa buzzer na naroon sa presidential room. Madalas naman ay wala na silang masyadong utos kaya makakapagrelax ka pa.” “S-Sige,” tugon ni Kiara. Sa katunayan ay hindi naman iyon ang iniisip niya. Kinakabahan siya sa magiging usapan nila ni Eiden mamaya lalo pa at pansin niya ang inis sa mukha nito kanina. Mukhang hindi nito nagustuhan ang mga sinabi niya kanina. “Isa pa, malaki mag-tip ‘yan si Mr. Ranollo. Hindi ko pa siya matatawag na regular customer dito, pero sa mga pagkakataong pumupunta siya rito ay malaki ang iniiwan niyang tip sa mga nagseserve sa kaniya.” Hu
Pinagmasdan ni Eiden ang papalayong pigura ni Kiara. Nang tuluyan nang mawala sa paningin niya ang kaniyang asawa ay napabuntong hininga siya. Aminado siyang nasaktan siya na nais tumulong ni Kiara sa mga gastusin. Kahit na isang araw pa lamang itong walang trabaho ay naghanap na agad ito ng paraan para makahanap ng part time job. Pero iyon din naman ang nais niya ngunit bakit dismayado siya at nasasaktan? Mabilis na pumasok si Eiden pabalik sa loob ng VIP room at isinara ang pinto.“Mr. Fierro, ayos lang ba kayo?” tanong ni Mr. Ranollo pagka-upo pa lang ni Eiden.Kanina pa napapansin ni Vince ang kakaibang ikinikilos at tensyon sa mukha ng bilyonaryo simula nang makita nito ang babaeng server. Sa halip na sagutin ang tanong ay dire-diretsong naglakad si Eiden papalapit sa mesa at marahas na naupo sa kaniyang silya.“P’wede bang huwag ninyo akong tawaging ‘Mr. Fierro’ ngayong gabi…lalo na sa harapan ng babaeng iyon?” mariing bulong ni Eiden.“Bakit? Magkakilala ba kayo ng server na
Mabilis na bumukas ang pinto ng sasakyan at nagmamadaling bumaba si Eiden. Agad na nag-unahan ang kaba at galit sa kaniyang dibdib habang pinagmamasdan niya ang mabilis na pagtakbo ng kambal patungo sa madilim at mataong bahagi ng parke.“Kairo! Kara! Bumalik kayo rito!” sigaw ni Eiden, ngunit tila
Pagod na sumandal si Eiden sa back seat ng kaniyang marangyang SUV habang tinatahak ang kahabaan ng kalsada mula sa paliparan. Kakalapag lang ng kanilang eroplano mula sa limang taong pananatili sa Amerika kung saan niya pansamantalang pinalaki ang kambal.Sa tabi ni Eiden ay tahimik na naglalaro s
“Dàmn it!” marahas na mura ni Eiden.Hindi makatulog si Eiden. Kanina pa siyang hindi mapakali sa kaniyang kama.“Why am I feeling this way? Bakit parang natatakot ako na kinakabahan? What the fúck is going on?" bulong ni Eiden habang nakatitig siya sa kisame ng penthouse ng Fierro Estate. May big
“Hindi ba’t sinabi ko na sa iyo na dapat pagbalik ko ay pinalaglag mo na ang batang ‘yan!” galit na galit na sigaw ni Arturo nang makita niya ang anak na si Kiara o mas kilala sa tawag na Ara dahil nabuntis ito nang hindi nito alam kung sino ang ama ng dinadala nito. Siyam na buwan nang dinadala n







