Share

Kabanata 2

Author: Docky
last update publish date: 2026-06-16 11:34:14

 “Dàmn it!” marahas na mura ni Eiden.

Hindi makatulog si Eiden. Kanina pa siyang hindi mapakali sa kaniyang kama.

“Why am I feeling this way? Bakit parang natatakot ako na kinakabahan? What the fúck is going on?" bulong ni Eiden habang nakatitig siya sa kisame ng penthouse ng Fierro Estate. May bigat sa hangin na hindi niya maipaliwanag.

Siyam na buwan nang hindi nakakatulog nang maayos si Eiden. Simula nang gabing iyon ay hindi na niya naranasang matulog ng walong oras. May isang babae siyang nakaniig, ilang buwan na ang nakalipas at hindi niya makalimutan ang mainit na gabing pinagsaluhan nilang dalawa. Sinubukan niyang ipahanap ang babae, ngunit hindi ito mahanap ng mga tauhan niya at maging siya ay bigo ring matagpuan ito. 

Umupo si Eiden sa kama. Napahilamos siya sa mukha niya. Gano’n ba talaga kalala ang epekto sa kaniya ng estrangherang iyon? O baka na-gui-guilty lang siya kaya hindi niya ito makalimutan? 

Bumalik sa wisyo si Eiden nang biglang tumunog ang cellphone niya. Mabilis niyang sinagot ang tawag. Alam naman niyang hindi tatawag nang ganoong oras ang personal assistant niya kung hindi importante ang sasabihin nito.

“Sir, gising na ba kayo?”  kabado ang boses ni Enzo.

“Obviously, Enzo? Sasagot ba ako kung tulog pa ako?” puno ng iritasyong sagot ni Eiden.

“S-Sorry, sir. May importante lang akong sasabihin.” Huminto saglit si Enzo para magbuntong hininga.“Nahanap na namin siya.”

Napabalikwas sa pagkakahiga si Eiden. Tila tumigil ang takbo ng oras. Hindi muna siya nagsalita. Hinintay niya munang bumagsak ang susunod na sasabihin ni Enzo.

“Nasa Alonso Medical Hospital siya ngayon. Nanganak na raw ang babae, mga isang oras na ang nakalipas. Dumating siya sa ER kaninang hatinggabi. Hinatid raw ng taxi. Papunta na raw dapat ang babaeng ‘yon sa apartment niya nang sumabog ang panubigan niya.”

Parang may humampas sa dibdib ni Eiden. Buntis ang babaeng matagal na niyang hinahanap? Saktong ika-siyam na buwan na mula nang mag-séx sila nito. Posible kayang siya ang ama ng batang iniluwal nito?

“Finally! You found her pero bakit ang tagal bago niyo siya nahanap?” mariing tanong ni Eiden. Madalas namang magreport sa kaniya ang mga tao niya hinggil sa paghahanap sa babaeng iyon pero nais niyang malaman ang misteryo sa likod nang matagal na searching operation nila rito.

“Hindi niya ginamit ang tunay niyang pangalan sa pagpapatala sa parehong hotel na pinag-check in nan niyo noon. Nagpanggap siyang ibang tao pero namukhaan siya ng isa sa mga tauhan natin kaya sinundan niya ito hanggang sa makarating ito sa hospital.”

Tumayo si Eiden. Inayos niya ang kaniyang roba at naglakad patungo sa may glass window. Doon, nakita niya ang sarili niyang mga mata. Puno iyon ng pagtataka at maraming katanungan.

“Babae ba o lalaki?” mahinang tanong ni Eiden.

“Anong babae o lalaki?”

“Ang anak ko. Babae ba o lalaki?”

Tumigil si Enzo sandali. “Kambal daw ang anak niyo. Isang lalaki at isang babae. Ayon sa nurse na tumingin, mas malusog daw ang lalaki. Tatlong kilo at dalawang daang gramo ito. Samantala ang babae raw ay medyo maliit, pero malusog din naman. Nasa dalawang kilo at limang gramo ang bigat niya. Maaga lang ng ilang araw sa expected due date nila, pero maayos naman daw ang lahat.”

“That’s good,” ulit ni Eiden habang ini-imagine ang hitsura ng kambal. “May further reports ba tungkol sa katauhan ng babaeng ‘yon?”

Alam na ni Enzo ang tingin ng kaniyang amo sa babae. Ilang buwan na nilang pinagtatalunan iyon nang hindi diretsahan. “Sir Eiden, hindi pa namin nakukumpirma kung totoo ba ang mga nakalap na reports tungkol sa kaniya. Pero bago may nangyari sa inyo ay nakikita na siya na may iba’t-ibang kasamang mga old businessmen—”

“Then I guess, I was wrong with her. Katulad din pala siya ng ibang mga babae,” putol ni Eiden.  “She’s just after my money. She's a whóre or worst, a prosti—” 

“Sir, hindi pa rin naman sigurado. We will continue investigating her—”

 “No need. Wala na akong dapat pang alamin tungkol sa kaniya. Pumunta ka na rito, ngayon din!” utos ni Eiden. “Dalhin mo ang mga papeles. Kunin mo ang lahat ng mga kakailanganin ko para makuha ko ang mga bata.”

“Sir, hindi madali ang ipinapagawa ninyo. Sigurado akong mahihirapan tayo—”

“Do whatever it takes para makuha ko ang mga anak ko. Kung kailangang bigyan mo ng milyon ang mga staff, doktor, o kung sinuman ang naroon ay gawin mo. Hindi ako makakapayag na lumaki ang mga anak ko sa piling ng gano’ng klaseng babae.”

Hindi na nakipagtalo pa si Enzo. Alam niyang kapag gano’n ang tono ni Eiden ay wala nang makakapigil dito. Tahimik na lang niyang ibinaba ang tawag at mabilis na nagbihis para sundin ang utos ng amo niyang ipinaglihi yata sa sama ng loob.

Dumating si Eiden sa Alonso Medical Hospital makalipas ang tatlumpung minuto. Hindi siya dumaan sa pangunahing entrance. Sa likod siya pumasok—sa pinto na para lamang sa mga may-ari at matataas na opisyal ng hospital. Ayaw niyang malaman ng sinuman na naroon siya para sa babaeng iyon.

Hinihintay na ni Eiden ang personal assistant niya. Nakapuwesto na siya malapit sa may maternity ward.

“Nasa recovery room pa siya,” sabi ni Enzo nang makalapit na siya kay Eiden. “Nakapagpapirma na ako ng mga panandaliang dokumento para sa mga bata. Pero hindi natin sila p'wedeng basta kunin ngayon lalo na’t wala pang DNA test. Higit sa lahat, kagagaling lang ng babaeng ‘yon sa isang operasyon. Nakakaawa naman kung—”

“Operasyon?” Lumingon si Eiden kay Enzo. Hindi niya iyon alam.

“Emergency CS. Na-high blood daw ng todo ang pasyente. Halos mamatay na nga raw siya sa daan papunta rito. Kung hindi siya hinatid ng driver na iyon, malamang patay na siya at ang mga bata sa lansangan.”

Tahimik na tumanggap si Eiden ng impormasyon. Hindi siya naawa sa babae o mas tamang sabihin na ayaw niyang maawa rito. 

“Sigurado ka bang siya ang nakasama ko noong gabing iyon?” tanong ni Eiden habang tumitingin siya sa malayo. “Paano kung nagkakamali lang tayo? Paano kung ibang babae ito?”

“Hiningan ko ng litrato ang isang nurse na nag-aasikaso sa kaniya. Sinabi kong kamag-anak niya kami. Hindi ko agad ipinakita sa inyo ang litrato at baka magwala ka pa.” Inabot ni Enzo ang cellphone. “Pero tingnan mo. Siya ito, hindi ba?”

Tiningnan ni Eiden ang litrato. Ang babaeng nasa litrato ay nakahiga sa isang kama sa recovery room. Nakapikit  ang mga mata nito dahil sa pagod. Maputla ito at halos hindi na makilala. Pero ang panga nito, ang linya ng labi at ang nunal sa ibabaw ng labi nito ang palatandaan niya.

“Siya nga,” mahinang sabi ni Eiden at sa sandaling iyon ay gusto niyang sumigaw. Gusto niyang sirain ang isang bagay. Dahil sa lahat ng posibilidad, bakit nagkaanak siya sa isang babaeng mababa ang lipad? Bakit ang babaeng hindi niya maalis sa sistema niya ay isang uri ng babaeng hindi niya kailanman kayang igalang?  Inaakala niyang iba ito sa mga babaeng nakilala niya noon pero tulad din pala ito ng iba. 

“Nandoon na ang mga bata,” sabi ni Enzo. Itinuro niya ang dulo ng bulwagan. “Nasa loob na sila ng nursery. Isang oras pa bago sila dalhin pabalik sa kanilang ina. They need her milk.”

Tumayo si Eiden. Hindi na siya nagsalita. Naglakad siya papunta sa nursery na parang isang bangkay—walang emosyon at walang kasigla-sigla. Sa salamin ng nursery, nakita niya ang maliliit na incubator. At doon ay nahagip ng kaniyang mga mata, ang dalawang sanggol na nakabalot ng puting kumot. Pula ang mukha ng mga ito at nakapikit pa ang mga mata.

Hindi pumasok si Eiden. Hindi rin siya tumawag ng nurse. Tinitigan lang niya ang mga  bata mula sa labas ng nursery.  

“Gusto mo ba siyang kausapin?” tanong ni Enzo mula sa likuran.

Hindi sumagot si Eiden.

“Dapat mo siyang kausapin, Sir Eiden. Hindi lang dahil sa bata, kung hindi dahil karapatan niyang malaman na hahabulin mo ang anak ninyo. At para na rin, mas makilala mo siya. You can ask her anything about her life.”

“Hindi ko siya kakausapin,” mariing sabi ni Eiden. Hindi niya nilingon si Enzo. “Hindi ko kayang tingnan ang mukha ng isang babaeng nagbebenta ng aliw gamit ang katawan. Isa pa, I want the kids to be mine at gusto kong hindi na siya maghabol pa sa mga bata. Kung kailangang palabasin nating patay na ang mga bata, do it.” 

“Pero, Sir Eiden—”

“Gusto ko lang makuha ang mga bata.  Ayaw ko nang magkaroon pa ng ugnayan sa kaniya. At wala rin akong balak na ipakilala sa kaniya ang mga bata paglaki nila. She will be out of their lives. My kids don't deserve that kind of mother.”

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Enzo. “Hindi mo p'wedeng basta na lang kunin ang kambal habang walang malay ang kanilang ina. Kahit ano pa ang background ng babaeng ‘yon, she's still their mother, sir. Isa pa, hindi pa natin alam kung anak mo ba talaga sila. Tulad nga ng sabi mo, she's into selling pleasures. Paano kung hindi mo sila anak, sir? Paano kung anak niya pala ang kambal sa ibang lalaki? We need to make sure na anak mo nga sila bago tayo gumawa ng aksyon.”

"Enzo, do what I say. Kunin mo muna sila bago natin isagawa ang DNA test. P'wede naman nating ibalik ang mga bata rito sa hospital, once we proved that they're not mine.” Tumalikod na si Eiden kay Enzo at nagsimulang maglakad palayo ng nursery.

"Sir Eiden Nolan Fierro!” sigaw ni Enzo habang hinahabol niya ang boss niya.

Huminto saglit si Eiden. "Dalhin mo sa bahay ang kambal or else, I will fire you and I will make sure that no one in this city will hire you,” mahina ngunit may diing sambit niya bago muling naglakad palayo sa kaniyang assistant.

Huminga ng malalim si Enzo. Mula sa kaniyang sling bag ay kinuha niya ang isang checkbook at isang ballpen. "I guess, I have no choice," he murmured as he walked back to the nursery.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 98

    Nanatili ang mga mata ni Kiara sa pagkain niya. Hindi niya pinansin si Olga, wala siyang balak patulan ito. Dahil kapag pinatulan niya ito ay mas lalaki lang ang gulo, at hindi siya titigilan ni Olga. Ayaw niya ring magkaroon ng issue, lalo pa’t baguhan pa lamang siya. Tinapik ni Olga ang balikat ni Kiara. “Hey! I am talking to you. Bakit ka ba nagtatrabaho rito? Hindi ba, isa ka lang sales agent? Anong ginagawa mo rito? Sumagot ka nga!” Nanatili namang tikom ang bibig ni Kiara. Kalmado niyang isinubo ang pagkain at nagkunwaring walang naririnig na langaw na umuugong sa tabi niya. Dahil sa patuloy na pang-iisnab ni Kiara, lalong nag-apoy sa galit ang mukha ni Olga. Pakiramdam niya ay napahiya siya nang husto dahil hindi man lang siya tinapunan ng tingin ng stepsister niya.“Aba, talaga namang napakayabang mo na ngayon, ano?” asik ni Olga. Pilit niyang ibinababa ang kaniyang boses para hindi sila marinig ng ibang tao sa silid na iyon. “Huwag kang umakto na parang kung sino ka, Kiar

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 97

    Mabilis ang naging byahe ni Kiara at eksaktong alas-siete y medya nang makarating siya sa Fierro Group of Companies. Huminga siya nang malalim habang tinitingnan niya ang naglalakihang glass wall ng building. Hindi niya akalaing darating ang araw na mapupursue niya ang pangarap niyang makapasok sa isa sa mga giant companies sa larangan ng pagnenegosyo. Hindi man mataas ang posisyon niya, pero isa pa ring iyong katuparan para sa kaniya lalo na at nasa puder siya ng mga Fierro.Pagpasok ni Kiara sa lobby, dumiretso siya sa front desk at agad naman siyang ginabayan ng receptionist patungo sa 15th floor kung nasaan ang Design Team.Pagbaba ni Kiara ng elevator, sinalubong siya ng isang babaeng naka-corporate attire na may hawak na tablet. “Hi! Ikaw ba si Ms. Kiara? Ako si Jessa, ang team leader mo rito. Welcome sa Fierro Group of Companies!”“Opo, ako nga po. Good morning po,” nakangiting bati ni Kiara habang nakikipagkamay.“Halika, ipapakita ko sa iyo ang workstation mo at ipapakilala

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 96

    Tumingin muna si Eiden kay Kiara na kasalukuyang nakataas ang isang kilay at naghihintay ng sagot niya. “Of course, uubusin ni Daddy. Kaya dapat ubusin niyo rin ang sa inyo.”“Very good! O, s’ya, maupo na kayo sa silya nang makakain na tayong lahat,” wika ni Kiara sabay palakpak. Natuwa naman ang mga bata at agad nang naupo sa mesa. Mabilis na inihanda ni Kiara ang almusal nila at sabay-sabay silang kumain. Masaya ang naging takbo ng kwentuhan, isang eksena na matagal nang pinapangarap ni Kiara na mangyari. Sa napakahabang panahon ay madalas siyang kumain ng mag-isa, at ngayon ay may kasabay na siyang kumain araw-araw. Matapos kumain, mabilis na pumasok sa banyo si Kiara para maligo at mag-ayos. Nagsuot siya ng isang simpleng business casual outfit…blazer, white top, at slacks…na bagay na bagay sa kaniya. Pagkababa niya sa sala, dala na niya ang kaniyang bag at handang-handa na siya para sa unang araw niya sa FGC.Tiningnan ni Eiden si Kiara mula ulo hanggang paa, at hindi niya napi

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 95

    Unang araw ngayon ni Kiara sa trabaho. Halos hindi siya makatulog sa sobrang excitement. Kahapon ay nagkaroon sila ng salo-salo magpapamilya. At tuluyan na nga niyang nakalimutan ang inis na nararamdaman niya sa kaniyang asawa. Naging maayos nga ang pakikitungo niya kay Eiden kagabi. Hindi naman si Kiara ang tipong ng tao na mahilig magtanim ng sama ng loob, maliban na nga lang sa tatlong tao na isinusumpa niyang hindi niya mapapatawad. Mabilis siyang umunawa at magpatawad. Ngayong mag-asawa na sila ni Eiden, kailangan niya ring umunawa at magpatawad. Hindi man tipikal ang relasyon nila, ngunit bilang mag-asawa ay kailangan nilang piliing umintindi. Hindi lang para sa kanila, kung hindi para na rin sa mga bata.Kasalukuyang nagluluto si Kiara para sa agahan nila, at pati na rin sa babaunin nilang magpapamilya. Nais niyang maranasan man lang na ipaghanda ang pamilya niya para sa babaunin nila. Lalo pa’t hindi niya naranasan ng matagal ang pag-aalaga ng isang ina. Lumaki siyang uhaw sa

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 94

    Sa first floor ng bar… Kausap ni Kiara si Clara, at nakatalikod ito sa may hagdan kaya hindi niya nakikita ang mga taong bumababa mula sa second floor. “Relax ka lang,” biro ni Clara nang mapansin na tense na tense si Kiara. “Wala ka na namang masyadong gagawin na kung hindi maghintay pa sa susunod na order ng mga customers. Ang pager na ibinigay ko sa iyo ay tutunog kapag may iuutos na naman sila sa iyo. Konektado ‘yon sa buzzer na naroon sa presidential room. Madalas naman ay wala na silang masyadong utos kaya makakapagrelax ka pa.” “S-Sige,” tugon ni Kiara. Sa katunayan ay hindi naman iyon ang iniisip niya. Kinakabahan siya sa magiging usapan nila ni Eiden mamaya lalo pa at pansin niya ang inis sa mukha nito kanina. Mukhang hindi nito nagustuhan ang mga sinabi niya kanina. “Isa pa, malaki mag-tip ‘yan si Mr. Ranollo. Hindi ko pa siya matatawag na regular customer dito, pero sa mga pagkakataong pumupunta siya rito ay malaki ang iniiwan niyang tip sa mga nagseserve sa kaniya.” Hu

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 93

    Pinagmasdan ni Eiden ang papalayong pigura ni Kiara. Nang tuluyan nang mawala sa paningin niya ang kaniyang asawa ay napabuntong hininga siya. Aminado siyang nasaktan siya na nais tumulong ni Kiara sa mga gastusin. Kahit na isang araw pa lamang itong walang trabaho ay naghanap na agad ito ng paraan para makahanap ng part time job. Pero iyon din naman ang nais niya ngunit bakit dismayado siya at nasasaktan? Mabilis na pumasok si Eiden pabalik sa loob ng VIP room at isinara ang pinto.“Mr. Fierro, ayos lang ba kayo?” tanong ni Mr. Ranollo pagka-upo pa lang ni Eiden.Kanina pa napapansin ni Vince ang kakaibang ikinikilos at tensyon sa mukha ng bilyonaryo simula nang makita nito ang babaeng server. Sa halip na sagutin ang tanong ay dire-diretsong naglakad si Eiden papalapit sa mesa at marahas na naupo sa kaniyang silya.“P’wede bang huwag ninyo akong tawaging ‘Mr. Fierro’ ngayong gabi…lalo na sa harapan ng babaeng iyon?” mariing bulong ni Eiden.“Bakit? Magkakilala ba kayo ng server na

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 3

    “Kaya mo 'to, Kiara. Para sa promosyon at mas mataas na sahod!” bulong ni Kiara sa kaniyang sarili habang nakatingin siya sa mataas na gusali kung saan siya nagtatrabaho. Bumuntong hininga muna siya bago siya naglakad papasok ng mall.Makalipas ang limang taon ay walang ibang ginawa si Kiara kung h

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 8

    “Kairo, what the hell are you doing? Ibinubugaw mo ang sarili mong ama sa babaeng hindi mo naman lubusang kilala? Are you out of your mind? At saka, bakit ba hindi kayo nangongo-po sa akin ha?” may inis na turan ni Eiden ngunit hindi siya pinansin ng kaniyang anak.Mas lumapit pa si Kairo sa babae.

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 5

    Mabilis na bumukas ang pinto ng sasakyan at nagmamadaling bumaba si Eiden. Agad na nag-unahan ang kaba at galit sa kaniyang dibdib habang pinagmamasdan niya ang mabilis na pagtakbo ng kambal patungo sa madilim at mataong bahagi ng parke.“Kairo! Kara! Bumalik kayo rito!” sigaw ni Eiden, ngunit tila

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 4

    Pagod na sumandal si Eiden sa back seat ng kaniyang marangyang SUV habang tinatahak ang kahabaan ng kalsada mula sa paliparan. Kakalapag lang ng kanilang eroplano mula sa limang taong pananatili sa Amerika kung saan niya pansamantalang pinalaki ang kambal.Sa tabi ni Eiden ay tahimik na naglalaro s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status