Lucky Destiny

Lucky Destiny

last updateLast Updated : 2026-07-01
By:  teacher cyUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
10views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Ann Lucky Perez is a provincial girl living in her beloved small hometown, where life is simple and peaceful until property developers arrive to take over the area. Determined to protect the place she calls home, Lucky crosses paths with the arrogant yet successful engineer, Malik Ignatious Degrano, a man set on claiming their land… and perhaps even her heart. Desperate to save her hometown, Lucky agrees to enter a marriage contract with Malik—a deal that could either protect the place she loves or lead her straight into his trap. Once Malik gets what he wants, they can end the marriage and go their separate ways. Simple. At least, that’s what they both believed. Pero habang tumatagal ang kanilang pagsasama, mas lalo pang nakikilala ni Lucky ang lalaking nasa likod ng malamig at mayabang na personalidad ni Malik, at hindi niya mapigilang mahulog dito. Ngunit hindi maaaring mahulog ang loob niya rito, lalo na nang malaman niyang may babaeng matagal nang nakatakda para kay Malik. Now, she begins to wonder if meeting him is a curse… or her lucky destiny. Makakaya pa bang ipaglaban ni Lucky ang lupang pilit nitong inaangkin, o tuluyan na siyang magpapadala sa lalaking unti-unti ring umaangkin sa kanyang puso?

View More

Chapter 1

Prologue

Destiny…

Sa walong bilyong tao sa mundo, may nakalaan na maganda, masama, maswerte, o malas na tadhana para sa bawat isa. Maswerte ka kung maganda ang naging kapalaran mo.

Sabi nila, love is the most powerful thing in the world. That love is the prettiest feeling you’ll ever experience. Wow, how romantic. 

Pero mukhang iba ang plano ng tadhana para sa akin. 

I am wearing a simple white dress and veil, my trembling hands holding a sunflower bouquet. As the curtain on the flower arch slowly opens, the guests stare at me in awe—some smiling, while most look at me with sadness in their eyes.

Pinagmasdan ko ang aisle patungo sa tadhanang pipiliin ko. Hanggang sa huminto ang mga mata ko sa dulo nito. Mula sa mamahalin niyang sapatos, dahan-dahang umangat ang tingin ko sa kanyang kabuuan. He’s wearing a beige suit with a white inner polo, paired with tailored beige trousers.

Tila natigil ang aking paghinga nang magtama ang mga mata namin ng lalaking naghihintay sa akin sa dulo ng aisle. Marahil sa ibang pagkakataon, ako ang pinakamaswerteng bride dahil napakagwapo nga naman talaga ng lalaking pakakasalan ko—isang mayaman, gwapo, at matipunong lalaking pinapangarap ng maraming kababaihan.

Women would tell me that I am lucky because he chose me to be his wife.

But I am just Lucky because that is my name, not because I am fortunate.

Kasabay ng bawat paghakbang ko patungo sa pinili kong tadhana ay ang pagpatak ng mga luha mula sa aking mga mata. Hindi ko na matutupad ang pangarap kong magpakasal sa taong mahal ko at mahal din ako.

Para sa mahal kong bayan ng Solara, sa mga taong dito nakasalalay ang buhay at tahanan, at para sa mga magulang kong pinahalagahan ang lupang minana pa sa aming mga ninuno, kakalimutan ko na ang sarili kong kaligayahan at kalayaan.

Mas pipiliin kong magpakasal sa lalaking mukhang pera at walang puso kaysa mawalan ng hanapbuhay ang mga tao rito. Kaso, mukhang kahit sa pag-aasawa, malas pa rin ako.

Dahil sa mga luha at sa hindi ko pagiging sanay sa heels, natisod ako. Mabuti na lang at may mabilis na kamay na umalalay sa akin bago pa ako tuluyang madapa.

Pero nang makita ko kung sino ang umalalay sa akin, halos mapamura ako. Ang walang puso kong mapapangasawa pala, seryosong nakatitig sa akin na parang iniinsulto ako sa isip niya.

“Ang lapit na nga lang ng lalakaran mo, madadapa ka pa.” Halos mapalayo ako dahil sa nakakakiliting baritonong boses niya na bumulong malapit sa tenga ko.

“Sign kasi iyon na hindi magiging maganda ang buhay ko kasama ka,” sarkastiko kong usal sa mahinang boses habang winawakli ang kamay niya sa pagkakahawak sa braso ko bago tumayo nang maayos. 

I heard him smirk as he straightened himself.

“Nahawakan naman kita, kaya siguro sign din iyon na sasamahan kita sa hirap at ginhawa,” usal niya na siyang ikinabilis ng tibok ng puso ko.

Gulat akong napatingin sa kanya at nadatnan ko ang matiim pa rin niyang pagtitig sa akin. Agad akong umiwas ng tingin at pilit pinakalma ang kaba sa dibdib ko.

Ano ba! Bakit ba naghuhuramentado itong puso ko dahil lang sa sinabi niya? Parang tanga, Lucky. He’s just being sarcastic!

“Welcome, everyone. We are gathered here today to celebrate the love and union of Malik Ignatious Degrano and Ann Lucky Perez.” 

Nang magsalita na ang mayor ay umayos na kami. Nagulat pa ako nang ilahad niya ang braso niya na para bang hinihintay akong kumapit doon. Umismid na lang ako bago nakasimangot na kumapit sa kanya habang sabay kaming naglakad palapit sa altar.

“I thought you wouldn’t cry like a normal bride at our wedding,” mahinang usal niya nang mapansin ang pagpupunas ko ng luha.

“Huwag ka ngang assuming. Hindi ito tears of joy ng bride, ’no! Iyak ito ng isang malas na bride dahil nagpakasal siya sa isang groom na tulad mo!”

Sa inis ko, napalakas yata ang boses ko dahil biglang tumikhim si Mayor at napatingin sa amin.

“Malik Ignatious Degrano, do you take Ann Lucky Perez to be your lawful wife? Do you promise to love, honor, and cherish her in sickness and in health, for richer or for poorer, for as long as you both shall live?” 

Napatitig ako sa kanya nang hawakan niya ang kamay ko habang seryosong nakatitig sa akin.

“I do,” malakas at diretso niyang sagot, na tila ba hindi na niya kailangang pag-isipan pa.

Oo naman, kasi mukhang pera siya.

“Ann Lucky Perez, do you take Malik Ignatious Degrano to be your lawful husband? Do you promise to love, honor, and cherish him in sickness and in health, for richer or for poorer, for as long as you both shall live?” 

Hindi.

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko habang hinihintay ang sagot ko. If I say no, masasakop ang Solara. But if I say “I do,” ako naman ang mamalasin. 

Pero sanay naman na ako sa pagiging malas, ’di ba?

Nagtama ang mga mata namin, at hindi ko inaasahang ngingitian niya ako—isang ngiting puno ng assurance. Sa sandaling iyon, unti-unting nawala ang takot ko at napanatag ang puso ko.

“I-I do…” 

Kasabay ng pagbigkas ko ng mga salitang iyon ay tila tumigil ang pag-ikot ng mundo nang si Malik Ignatious Degrano—ang lalaking pinakasalan ko—ay mas lalong lumawak ang ngiti at nagkaroon ng kakaibang kislap ang kanyang mga mata.

“I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride.”

Ako si Ann Lucky Perez ay tuluyan nang ikinasal kay Malik Ignatious Degrano.

Is this my destiny? To be trapped in a marriage of convenience with a man who wanted nothing but money and power?

And the moment his lips touched mine, I closed my eyes to the unfamiliar feeling blooming inside me. What scared me the most was the possibility that Malik might be the only man capable of making me feel this way.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status