LOGINHindi ko akalaing muling magtatagpo ang landas naming dalawa. Ngunit hindi ko kailanman inasahang ang lalaking malugod kong tinanggap sa aming bayan ang siya ring magtatangkang umangkin nito. At hindi ko iyon papayagan.
“Ikaw…” Tila maging ang aking mga salita ay nilipad ng hangin nang magtama ang mga mata naming dalawa. Malamig ang tingin niya sa akin; walang bakas ng pagkagulat. Napalunok ako at sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngayong mas malinaw ko na siyang nakikita sa sapat na distansiya, lalo kong napansin ang agwat naming dalawa—ang kaibahan niya sa lahat ng taong narito. The man before me radiates authority and power. He isn't just physically tall; even the way he looks at us screams that he's beyond anyone's reach. So intimidating. Ang presensiya niya'y tila isang diyos—napakaperpekto at nagsusumigaw ng kapangyarihan. Kumunot ang noo niya at mas tinitigan niya ako. Sa pananahimik ko, lalo lang tumalim ang titig niya, tila sinusukat at minamaliit ako hanggang sa gusto ko na lang lamunin ng lupa. Pero hindi ako magpapadala sa kagwapuhan niyang iyan! Kahit dalang-dala na ako! "You want to put our land to better use?" ulit ko sa huli niyang sinabi. Napatingin ako sa paligid. Nakatitig sa akin ang mga taga-Solara, tila nakikiusap na ipaglaban ko ang lupang ito. Lumagpas ang tingin ko sa kanila at nilibot ko ang tingin sa napakagandang kalupaan ng Solara. Natawa ako at muling tumingin sa kanya. “Hindi pa ba namin ginagamit nang maayos ang lupa? Tingnan mo ang paligid, Engr. Malik. Ang bawat tanim dito ay kabuhayan ng mga tao. Hindi lang kami ang nakikinabang dito—pati na rin ang mga turistang bumibisita sa Solara. Kaya huwag mong sabihing hindi napapakinabangan ang lupang ito. Ang gusto ninyo lang ay pagkakitaan ito." Nagkatinginan ang ilan sa mga kasamahan niyang marahil ay mga opisyal ng kumpanya. Lumakas ang bulungan sa paligid. Pero si Malik, nanatili ang mariing titig sa akin. Na para bang wala siyang pakialam sa mga sinabi ko. "Tama si Lucky! Hindi namin ibibigay ang lupa namin! Wala kayong karapatang angkinin ito!" galit na sigaw ni Tito Gin, ang kapitan ng barangay na agad na dumating nang kumalat ang balita sa Mirasol. Malik straightened, his broad shoulders squaring as he looked at us with cold, intimidating eyes. Nang ngumisi siya, halos mapamura ako sa kayabangan niya. “Brgy. Mirasol is the perfect place for a master-planned residential community. And yes, I see your point.” Tumingin siya sa akin sa mga matang tila nawiwili. "Farming has sustained this community for generations, and I respect that. But this land has greater economic potential. A residential development will create jobs, attract investors, and open more opportunities for the future," pormal niyang wika at lumingon siya sa mga tao sa paligid. “At ang mga taong narito… Ilan sa inyo ay hindi naman pagmamay-ari ang lupang ito. Pinahiram lamang ito ng pamahalaan ng Solara para inyong gamitin. Ngayong may mas malaking proyekto para sa lugar na ito, umaasa akong makikipagtulungan kayo." Saglit siyang tumigil bago niya ako muling tingnan. "If you truly love this place, then you should want it to grow." Pakiramdam ko ay sinampal ako ng huling sinabi niya. What is he trying to say? Ayokong mag-grow ang Solara? Kinuyom ko ang mga kamao ko at hindi na napigilan ang pag-iinit ng ulo sa mga sinasabi niya. “At anong karapatan mo para sabihin sa ’min ’yan?! Puwede ba, umalis na kayo dahil hindi namin ipagbibili ang mga lupa namin! And don’t tell me to my face that I don’t want this place to grow, because I do! And it will grow without your methods. Hindi namin kayo kailangan!” galit kong usal sa kanila, kaya hinawakan ni Tito ang balikat ko para pakalmahin ako. "Kailangan ng bayan, Lucky." Napatigil ako at napalingon. Si Mayor ang bagong dating. Umiwas ako ng tingin nang magtama ang mga mata namin. He really looked like Papa. "Mayor," bati ni Tito Gin. "Magandang araw sa inyo." Nakipagkamay siya rito bago humarap kay Malik. "Pasensiya na kung nahuli ako ng dating, Engr. Degrano." Sa nakikita kong pagpapalitan nila ng tingin ay lalong lumalakas ang hinala ko. Mas sumasama ang pakiramdam ko. Kaya hindi ko na napigilan ang pananahimik at nagsalita na ako. "Mayor, ano po bang ginagawa nila rito? This isn't the first time property developers have come here. Hindi ba't kayo mismo ang nagsabing hindi gagalawin ang Mirasol?" mariin kong usal, pinapaalala ang naging desisyon niya noong nakaraang taon nang tanggihan niya ang panukala ng isa pang development corporation. “You’re here kasi papaalisin niyo sila dito, Mayor, ‘di ba?” nakikiusap kong usal habang nakatitig sa kanya. Umaasa akong wala pa ring nagbago sa desisyon— "It's been a long time, Lucky. Maybe it's time to let go... and let this place reach its full potential." usal ni Mayor. Kasabay ng malungkot niyang ngiti ay tuluyang pumatak ang luha sa aking pisngi. Nagsinghapan ang mga tao. Napayuko si Mayor pero naglakad siya, nilampasan ako, at tumayo sa tabi ni Malik. "Alam kong malulungkot at madidismaya ang karamihan sa inyo. Ngunit bilang inyong alkalde, tungkulin kong tingnan hindi lamang ang kasalukuyan kundi pati ang kinabukasan ng Solara. At naniniwala akong ito ang kailangan ng ating bayan. You all know that Brgy. Mirasol is one of the most promising locations in Solara. Malapit ito sa pangunahing kalsada, sa palengke, at sa mga paaralan. Matapos ang masusing pag-aaral at pakikipagpulong sa Degrano Realty and Development Corporation, inaprubahan ng ating pamahalaang bayan ang residential development project sa Brgy. Mirasol. Hindi tayo maaaring manatiling nakatali sa nakaraan. Kung gusto nating umunlad ang Solara, kailangan nating tanggapin ang pagbabago. Ang proyektong ito ay magdadala ng trabaho, mga negosyo, at mas magandang kinabukasan para sa ating mga anak. Sana'y huwag nating hadlangan ang pag-unlad dahil lamang sa takot sa pagbabago." Ang anusyong kailanman ay hindi ko tatanggapin. Traydor! Paano niya nagawa ito sa amin? Hindi niya ba naisip ang mga taong mawawalan ng tirahan at kabuhayan?! “Pero, Mayor, paano ho ang aming sakahan?” naiiyak na sigaw ng isang matandang lalaki. Biglang nagsalita si Malik. Mataas ang noo at matikas ang tindig; tila isang bagong luklok na hari na humaharap sa kanyang nasasakupan. "Brgy. Mirasol is no longer just a farming community. Solara is growing, and with that growth comes the need for more homes, better infrastructure, and new opportunities. Degrano Realty and Development Corporation envisions this area as a master-planned residential community—with parks, commercial spaces, wider roads, and modern facilities that will benefit future generations." Kahit sa nanlalabong mga mata dahil sa mga luha ay nandidilim ang paningin ko sa kanya. “At para maitayo ang pangarap ninyo, kailangan munang sirain ang kabuhayan namin?! Ang mga palayan na nakikita ninyo ay hindi bakanteng lupa! Bawat metro ng lupang 'yan ay bumubuhay sa mga pamilyang narito! Wala ba kayong awa?!" pagsisigaw ko na sinundan ng maraming mga hinaing mula sa mga taumbayan. Ngunit natahimik ang lahat sa walang emosyon, walang-awang boses at mga salita ng bagong pinuno. "The world doesn't wait for anyone. Communities either adapt or get left behind. That's reality. Mirasol is part of Solara, not separate from it. As long as this project serves the greater good of the municipality, it will move forward." Malik's eyes never left mine.“Papa, Mama… sorry, ngayon lang ako nakadalaw.” Hinaplos ko ang lapida nilang may nakaukit na mga pangalan.Sumayaw ang punong nasa tabi ng kanilang libingan. Isang bulaklak ang dahan-dahang nalaglag sa likod ng kamay ko.Napangiti ako.“Galing sa'yo 'to, Papa?”Pinisil ko ang bulaklak at napabuntong-hininga.“Alam n'yo na siguro ang nangyayari. Pinayagan na ni Mayor ang mga property developers. Buong buhay mong ipinaglaban ang Mirasol, tapos ngayon… ibibigay lang niya ito sa mga kapitalista.”“If you were just here, Papa…” malungkot kong usal.Noong nabubuhay pa siya, hindi lang siya naging mabuting ama—siya rin ang naging kapitan at tagapagtanggol ng Mirasol.Now that he's gone… paano na kami?Muling sumagi sa isip ko ang mga sinabi ni Malik. Galit ako kay Mayor, pero alam kong mahalaga rin sa kanya ang Mirasol. Ang mas kinamumuhian ko ay ang lalaking nangunguna sa proyektong ito. Malik Ignatious Degrano.A wolf in sheep's clothing.Will this project really serve the greater good o
Hindi ko akalaing muling magtatagpo ang landas naming dalawa. Ngunit hindi ko kailanman inasahang ang lalaking malugod kong tinanggap sa aming bayan ang siya ring magtatangkang umangkin nito. At hindi ko iyon papayagan. “Ikaw…” Tila maging ang aking mga salita ay nilipad ng hangin nang magtama ang mga mata naming dalawa. Malamig ang tingin niya sa akin; walang bakas ng pagkagulat. Napalunok ako at sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngayong mas malinaw ko na siyang nakikita sa sapat na distansiya, lalo kong napansin ang agwat naming dalawa—ang kaibahan niya sa lahat ng taong narito. The man before me radiates authority and power. He isn't just physically tall; even the way he looks at us screams that he's beyond anyone's reach. So intimidating. Ang presensiya niya'y tila isang diyos—napakaperpekto at nagsusumigaw ng kapangyarihan.Kumunot ang noo niya at mas tinitigan niya ako. Sa pananahimik ko, lalo lang tumalim ang titig niya, tila sinusukat at minamaliit ako hanggang
Natigil din sa pagtawa si Monique. Napakuyom ang mga kamao ko.“Anong kailangan niyo?” tiim bagang na tanong ko. Tinaasan ako ng kilay ng higad. Sana mawalan ka ng kilay."Bibilhan ko lang ng accessories ang girlfriend ko," sabi ni Jepoy habang hawak ang baywang ni Kaira. “Hmm, gusto ko ng green necklace and yellow bracelet. Sana naman hindi malas ‘yan. Alam mo naman, Lucky, malas ka.” pambibwisit ng higad na malandi.Nanlaki at nanlilisik ang mga mata ko nang makitang hawak ni Jepoy ang baywang ni Kaira. Nakakadiri.“Suggestion ko lang, Kaira: hindi bagay sa’yo ang green at yellow. Hmm, mas bagay sa’yo ang kulay itim dahil isa kang maitim na higad na dumidikit at sumisiksik sa kung kani-kanino. Nakakadiri. Ew, right, bes?” pambibwisit ko rin kay Kaira, na masama na ang tingin sa akin ngayon.“Yup! Ew! Ang kati-kati talaga ni Kaira—ah, ’yung higad! Ang kati no’n pag dumikit sa balat mo, bes. Buti hindi ka nakakatihan, Jepoy.” maarteng tugon ni Monique kaya napangisi ako.“Bes, hindi
Inaasahan ko na ang magandang tanawin na bubungad sa akin sa Solara ngunit hindi ko inakalang makakita ng ganito kagwapong nilalang sa pagbabalik ko rito. At mas lalo akong nasilaw sa angkin niyang kagwapuhan dahil natatamaan ang kanyang mukha ng gintong sinag ng papalubog na araw. Ito na ba ang diyos ng Solara?“Sino ka? At bakit nasa sasakyan kita?” Ang tila galit niyang boses ang nagpagising sa pagkatulala ko sa gwapo niyang mukha.Napakurap ako at napatingin sa paligid. Nananaginip ba ako? Berdeng kapatagan. Matatayog na puno at luntiang halaman. Mga palayang marahang sumasayaw sa bawat haplos ng hangin. Mga bulaklak na wari’y nang-aakit mula sa malayo. At higit sa lahat, ang napakagandang paglubog ng araw na perpektong natatanaw mula sa kinaroroonan naming dalawa. At siya. Na para bang isang panaginip.“Baba,” mariing usal niya na muling nagpakurap sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala kong nakisakay pala ako nang hindi nagpapaalam! Napalunok ako at nahihiyang ngumiti
“Malay mo naman, ineng,” sabi ng tinderang nagbebenta ng isaw. “May nakalaang gwapong lalaki para sa’yo.”Napailing ako habang kumakain ng isaw. “Naku, Aling Isaw, wala nang gwapong loyal ngayon. Habang gwapo at maraming nagkakagusto, mambababae!”Natawa siya. “Eh ano, tatanda kang dalaga?”“Kaysa naman masaktan,” sagot ko. “Para sa’kin, basta gwapo, manloloko. Wala nang forever ngayon.”Destiny? Kalokohan! Matino na lalaki? Asa! Forever? Utot mo!“Hindi ka ba naniniwala sa pag-ibig, iha?” tanong ni Aling Isaw.Napabuntong-hininga ako at inabot ang bente pesos. “Mas gusto ko pang maniwala sa sarili ko kaysa sa pag-ibig.”Naglakad na ako papunta sa kalsada nang pahabol niyang isinigaw, “Sana sa susunod mong balik, nakita mo na ang lalaking nakatadhana sa’yo!”Napailing na lang ako. Lalaking nakatadhana? Sa twenty-two years kong nabubuhay, wala namang lalaking nagseryoso sa akin.Napabuntong-hininga ako. Alas kuwatro pa lang, pero grabe na ang init at siksikan sa Maynila dahil rush hou
Destiny…Sa walong bilyong tao sa mundo, may nakalaan na maganda, masama, maswerte, o malas na tadhana para sa bawat isa. Maswerte ka kung maganda ang naging kapalaran mo.Sabi nila, love is the most powerful thing in the world. That love is the prettiest feeling you’ll ever experience. Wow, how romantic. Pero mukhang iba ang plano ng tadhana para sa akin. I am wearing a simple white dress and veil, my trembling hands holding a sunflower bouquet. As the curtain on the flower arch slowly opens, the guests stare at me in awe—some smiling, while most look at me with sadness in their eyes.Pinagmasdan ko ang aisle patungo sa tadhanang pipiliin ko. Hanggang sa huminto ang mga mata ko sa dulo nito. Mula sa mamahalin niyang sapatos, dahan-dahang umangat ang tingin ko sa kanyang kabuuan. He’s wearing a beige suit with a white inner polo, paired with tailored beige trousers.Tila natigil ang aking paghinga nang magtama ang mga mata namin ng lalaking naghihintay sa akin sa dulo ng aisle. Mara





![Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)

