LOGINInaasahan ko na ang magandang tanawin na bubungad sa akin sa Solara ngunit hindi ko inakalang makakita ng ganito kagwapong nilalang sa pagbabalik ko rito. At mas lalo akong nasilaw sa angkin niyang kagwapuhan dahil natatamaan ang kanyang mukha ng gintong sinag ng papalubog na araw. Ito na ba ang diyos ng Solara?
“Sino ka? At bakit nasa sasakyan kita?” Ang tila galit niyang boses ang nagpagising sa pagkatulala ko sa gwapo niyang mukha. Napakurap ako at napatingin sa paligid. Nananaginip ba ako? Berdeng kapatagan. Matatayog na puno at luntiang halaman. Mga palayang marahang sumasayaw sa bawat haplos ng hangin. Mga bulaklak na wari’y nang-aakit mula sa malayo. At higit sa lahat, ang napakagandang paglubog ng araw na perpektong natatanaw mula sa kinaroroonan naming dalawa. At siya. Na para bang isang panaginip. “Baba,” mariing usal niya na muling nagpakurap sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala kong nakisakay pala ako nang hindi nagpapaalam! Napalunok ako at nahihiyang ngumiti. “Ahm, hehehe.” Napaatras ako sa pagkakaupo at halos yakapin ko na ang mga tuhod ko. Napayuko ako sa takot at hiya nang mariin niya akong tinitigan at halos magdikit ang mga kilay niya. “A-Ano kasi… nakisakay ako sa’yo. S-Sorry, hindi ako nagpaalam. B-Babayaran naman kita—” nanginginig kong sabi habang kinukuha ang wallet ko. Kukuha sana ako ng pera nang bigla niyang winasiwas ang kamay niya. “Ayoko ng pera mo. Umalis ka na,” malamig niyang wika. Napalunok ako sa matiim niyang titig. Napatayo ako at muling ngumiti sa kanya. “O-Okay. Salamat at nandito na ako sa Solara.” Sa pagtayo ko, sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin na nagpalipad sa aking mahabang buhok. Napapikit ako at hinayaang yakapin ako ng Solara. Nandito na ulit ako sa tahanan ko. Ang bayan ko. Ang buhay ko. Solara. Pagmulat ko, pares ng nakakatunaw na itim na mga mata ang bumungad sa akin. Sa isang titig niya, bumilis ang tibok ng puso ko. Ngumiti ako sa kanya bago tumalon pababa. Humarap ako sa kanya. “Welcome to my world, Mister. Ito ang Solara—maganda, masagana, at mapayapa. Sana ma-appreciate mo ang kagandahan ng aming bayan. Muli, maligayang pagdating sa Solara,” nakangiti kong bati. Nawala ang ngiti ko nang makitang nanatili lang siyang nakatitig sa akin. “Sige, alis na ako! Bye!” paalam ko sabay kaway sa kanya. Tatalikod na sana ako nang bigla niya akong tawagin. “Next time, don’t do that again. Paano kung sa ibang lugar kita dinala at may masamang nangyari sa’yo? Huwag kang basta-basta sumasama sa taong hindi mo kilala.” Lumingon ako sa kanya at ngumiti. “Sige. Hindi ko na ulit gagawin iyon.” sabi ko at tumalikod na. Napangiti ako habang naglalakad. Buti na lang, kahit mukhang masungit ang lalaking iyon, wala siyang masamang ginawa sa akin. Kahit papaano, maswerte pa rin ako. Maswerte talaga! Ikaw ba naman makakakita ng mala-greek God sa itsura at anghel sa kabaitan, ‘di ba? Napahagikgik ako nang maalala kung paano halos magdikit ang kanyang mga kilay habang nakatitig sa akin kanina. Masungit na anghel. “Aray!” Napahimas ako sa aking braso nang may humampas doon. Paglingon ko, bumungad sa akin ang magaling kong kaibigan na may hawak na malaking pamaypay. “Huy, teh! Kanina ka pa namin tinatawag. May nagtatanong kung magkano itong bracelet na tinda mo! Tulaley? Ano 'yan, nananaginip ka pa?” bulyaw ni Monique sabay irap sa akin. Sumimangot ako at hinanap ang customer. “Nasaan na?” “Ay teh! Umalis na! Kanina pa! Ano ba kasing tinutulala mo diyan?” Ang sakit talaga sa tenga ng boses nitong si Monique! “Baka naman may nakilalang gwapong lalaki si Lucky sa Maynila kahapon!” Humagikhik si Chariz. Napanguso ako sa sinabi niya at nagpatuloy sa pagsalansan ng mga lucky charm na tinda ko. Full-time writer ako, pero nagsa-side hustle rin bilang tindera ng mga handmade kong anik-anik. “Ano ba ang sinasabi niyo diyan?” painosenteng sabi ko, kahit totoo naman, may nakilala nga akong gwapong lalaki na hinatid pa ako pabalik rito! “Sus, ’wag kami, neng! Nakita ko pa nga yata ang laway mong muntik nang tumulo habang nagde-daydream ka kung kailan mo kaya makikita ulit si Prince Charming!” ” pang-aasar ni Dahlia. Agad namang nagtawanan ang mga kasama namin sa kani-kanilang puwesto sa palengke. Mga kapitbahay ko sila sa palengke. Magkakatabi ang aming mga puwesto at magkakalapit lang ang aming edad, kaya naging magkakaibigan kami. Hindi ko rin napigilang mapangiti, pero napailing ako sa kanila. Hinding-hindi ko aaminin na hanggang ngayon nga ay hindi mawala sa isip ko ang lalaking iyon. “Tumigil nga kayo diyan. Walang prince charming ‘no!” Dahil hindi naman siya Prince Charming! He’s a god! Pinagtulungan pa rin nila akong tuksuhin kahit paulit-ulit akong umiling. Para matahimik na sila, ikinuwento ko na lang ang nangyari kahapon—minus ang parte kung paano ako nakihitch at ang tungkol sa gwapong lalaking nakilala ko. Ang mga walanghiya, tawa nang tawa sa kamalasan ko. “Maiba tayo, mga day! May bumisita pala dito kagabi. Engineer raw! Mukhang nagtitingin sila ng lupa kasi panay ang punta nila dito.” Mas nakuha ng tsismis na ito ang atensyon ko. Aba’y hindi dapat nahuhuli sa balita ang napakagandang diwata ng Solara—na walang iba kundi ako. “Baka bibili lang ng lupa?” tugon naman ni Dahlia na inaayos ang mga ginawa niyang basket. “Hindi e. Kasi ang sabi-sabi, magtatayo daw ng subdivision…” mahinang usal ni Chariz. “Hindi naman puwede ‘yan. Paano ang mga puno ng Solara? Tsaka dapat sa syudad sila magtayo ng subdivision, hindi dito!” mataray na singit ni Monique sa tabi ko. “O baka, bibilhin nila ang lupa sa bawat isa sa atin at sasakupin nila ang—” exaggerated na usal ni Ysabel, kaya pinutol ko siya. “HEH!” sigaw ko kaya sabay-sabay silang napatingin sa akin. “Hindi mangyayari ang sinasabi n'yo dahil hindi ko hahayaang sakupin nila ang Solara. Nakalimutan n'yo na ba na ako ang diwata ng Solara? Hindi ko hahayaan na maagaw nila ang mga kayamanang mayroon tayo!” kumpiyansa kong sabi. Sabay-sabay naman silang napangiwi. “Diwata talaga?” ngiwing usal ni Monique, kaya hinampas ko siya ng bayong. “Pero, Lucky, hindi natin maiiwasan ’yon. Kilala na ng mga turista ang Solara. Huwag na tayong magulat kung balang araw ay may magtangkang angkinin ang lupain natin para sa negosyo nila,” dagdag ni Ysabel. Ngumuso ako at napairap. “Ang dami talagang alam niyang babaeng ‘yan,” bulong ni Monique. “Malay mo nga mangyari ‘yon, edi goodbye Solara na?” nalulungkot na usal ni Chariz. “Hays, ang nenega niyo! Hindi iyon mangyayari at hindi puwede! Positive lang, ‘di ba, bitter?” Tinuro ako ni Monique. “Positive lang! Pero hindi ako bitter!” Umirap ako sa kanya at ngumiti sa mga taong dumadaan. “Hello! Baka gusto ninyong bumili ng lucky charms? Bracelets? Necklace? Murang-mura, hindi ka mapapamura!” nakangiting sabi ko sa mga dumadaan. Umiling lang sila kaya napanguso ako. Narinig ko pang pinagtatawanan ako ni Monique, kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nang muli akong tumingin sa harap ng tindahan, napangiti ako nang makita ang dalawang pares ng sapatos na nakatayo roon. “Welcome to Lucky’s Lucky Charms! Baka gusto niyo ng accessories? May bracelet ako, iba’t ibang kulay para maging makulay ang buhay mo—!” Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko ang mga taong nasa harap ko. On second thought, hindi pala sila tao. Isang engkanto at higad. And I am not welcoming them into my shop.“Papa, Mama… sorry, ngayon lang ako nakadalaw.” Hinaplos ko ang lapida nilang may nakaukit na mga pangalan.Sumayaw ang punong nasa tabi ng kanilang libingan. Isang bulaklak ang dahan-dahang nalaglag sa likod ng kamay ko.Napangiti ako.“Galing sa'yo 'to, Papa?”Pinisil ko ang bulaklak at napabuntong-hininga.“Alam n'yo na siguro ang nangyayari. Pinayagan na ni Mayor ang mga property developers. Buong buhay mong ipinaglaban ang Mirasol, tapos ngayon… ibibigay lang niya ito sa mga kapitalista.”“If you were just here, Papa…” malungkot kong usal.Noong nabubuhay pa siya, hindi lang siya naging mabuting ama—siya rin ang naging kapitan at tagapagtanggol ng Mirasol.Now that he's gone… paano na kami?Muling sumagi sa isip ko ang mga sinabi ni Malik. Galit ako kay Mayor, pero alam kong mahalaga rin sa kanya ang Mirasol. Ang mas kinamumuhian ko ay ang lalaking nangunguna sa proyektong ito. Malik Ignatious Degrano.A wolf in sheep's clothing.Will this project really serve the greater good o
Hindi ko akalaing muling magtatagpo ang landas naming dalawa. Ngunit hindi ko kailanman inasahang ang lalaking malugod kong tinanggap sa aming bayan ang siya ring magtatangkang umangkin nito. At hindi ko iyon papayagan. “Ikaw…” Tila maging ang aking mga salita ay nilipad ng hangin nang magtama ang mga mata naming dalawa. Malamig ang tingin niya sa akin; walang bakas ng pagkagulat. Napalunok ako at sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngayong mas malinaw ko na siyang nakikita sa sapat na distansiya, lalo kong napansin ang agwat naming dalawa—ang kaibahan niya sa lahat ng taong narito. The man before me radiates authority and power. He isn't just physically tall; even the way he looks at us screams that he's beyond anyone's reach. So intimidating. Ang presensiya niya'y tila isang diyos—napakaperpekto at nagsusumigaw ng kapangyarihan.Kumunot ang noo niya at mas tinitigan niya ako. Sa pananahimik ko, lalo lang tumalim ang titig niya, tila sinusukat at minamaliit ako hanggang
Natigil din sa pagtawa si Monique. Napakuyom ang mga kamao ko.“Anong kailangan niyo?” tiim bagang na tanong ko. Tinaasan ako ng kilay ng higad. Sana mawalan ka ng kilay."Bibilhan ko lang ng accessories ang girlfriend ko," sabi ni Jepoy habang hawak ang baywang ni Kaira. “Hmm, gusto ko ng green necklace and yellow bracelet. Sana naman hindi malas ‘yan. Alam mo naman, Lucky, malas ka.” pambibwisit ng higad na malandi.Nanlaki at nanlilisik ang mga mata ko nang makitang hawak ni Jepoy ang baywang ni Kaira. Nakakadiri.“Suggestion ko lang, Kaira: hindi bagay sa’yo ang green at yellow. Hmm, mas bagay sa’yo ang kulay itim dahil isa kang maitim na higad na dumidikit at sumisiksik sa kung kani-kanino. Nakakadiri. Ew, right, bes?” pambibwisit ko rin kay Kaira, na masama na ang tingin sa akin ngayon.“Yup! Ew! Ang kati-kati talaga ni Kaira—ah, ’yung higad! Ang kati no’n pag dumikit sa balat mo, bes. Buti hindi ka nakakatihan, Jepoy.” maarteng tugon ni Monique kaya napangisi ako.“Bes, hindi
Inaasahan ko na ang magandang tanawin na bubungad sa akin sa Solara ngunit hindi ko inakalang makakita ng ganito kagwapong nilalang sa pagbabalik ko rito. At mas lalo akong nasilaw sa angkin niyang kagwapuhan dahil natatamaan ang kanyang mukha ng gintong sinag ng papalubog na araw. Ito na ba ang diyos ng Solara?“Sino ka? At bakit nasa sasakyan kita?” Ang tila galit niyang boses ang nagpagising sa pagkatulala ko sa gwapo niyang mukha.Napakurap ako at napatingin sa paligid. Nananaginip ba ako? Berdeng kapatagan. Matatayog na puno at luntiang halaman. Mga palayang marahang sumasayaw sa bawat haplos ng hangin. Mga bulaklak na wari’y nang-aakit mula sa malayo. At higit sa lahat, ang napakagandang paglubog ng araw na perpektong natatanaw mula sa kinaroroonan naming dalawa. At siya. Na para bang isang panaginip.“Baba,” mariing usal niya na muling nagpakurap sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala kong nakisakay pala ako nang hindi nagpapaalam! Napalunok ako at nahihiyang ngumiti
“Malay mo naman, ineng,” sabi ng tinderang nagbebenta ng isaw. “May nakalaang gwapong lalaki para sa’yo.”Napailing ako habang kumakain ng isaw. “Naku, Aling Isaw, wala nang gwapong loyal ngayon. Habang gwapo at maraming nagkakagusto, mambababae!”Natawa siya. “Eh ano, tatanda kang dalaga?”“Kaysa naman masaktan,” sagot ko. “Para sa’kin, basta gwapo, manloloko. Wala nang forever ngayon.”Destiny? Kalokohan! Matino na lalaki? Asa! Forever? Utot mo!“Hindi ka ba naniniwala sa pag-ibig, iha?” tanong ni Aling Isaw.Napabuntong-hininga ako at inabot ang bente pesos. “Mas gusto ko pang maniwala sa sarili ko kaysa sa pag-ibig.”Naglakad na ako papunta sa kalsada nang pahabol niyang isinigaw, “Sana sa susunod mong balik, nakita mo na ang lalaking nakatadhana sa’yo!”Napailing na lang ako. Lalaking nakatadhana? Sa twenty-two years kong nabubuhay, wala namang lalaking nagseryoso sa akin.Napabuntong-hininga ako. Alas kuwatro pa lang, pero grabe na ang init at siksikan sa Maynila dahil rush hou
Destiny…Sa walong bilyong tao sa mundo, may nakalaan na maganda, masama, maswerte, o malas na tadhana para sa bawat isa. Maswerte ka kung maganda ang naging kapalaran mo.Sabi nila, love is the most powerful thing in the world. That love is the prettiest feeling you’ll ever experience. Wow, how romantic. Pero mukhang iba ang plano ng tadhana para sa akin. I am wearing a simple white dress and veil, my trembling hands holding a sunflower bouquet. As the curtain on the flower arch slowly opens, the guests stare at me in awe—some smiling, while most look at me with sadness in their eyes.Pinagmasdan ko ang aisle patungo sa tadhanang pipiliin ko. Hanggang sa huminto ang mga mata ko sa dulo nito. Mula sa mamahalin niyang sapatos, dahan-dahang umangat ang tingin ko sa kanyang kabuuan. He’s wearing a beige suit with a white inner polo, paired with tailored beige trousers.Tila natigil ang aking paghinga nang magtama ang mga mata namin ng lalaking naghihintay sa akin sa dulo ng aisle. Mara







